Chapter 31

Chapter 31

I'm Busy




"THE HELL!? She really did that? How dare she?!" inis na inis si Lancy nang sabihin ko sa kaniya ang nangyari.


I am not an extrovert person and I am also not an introvert. Kaibigan ko naman siya kaya walang masama kung sabihin ko sa kaniya. Ayoko namang ako lang mag-isa ang mainis sa ginawa ni Fiona. She accused me!


Tumango ako at kinuha iyong shot ng vodka.




"I-recruit ko kaya siya bilang artista. What do you think? Ang galing, eh. Napaniwala iyong gagong pinsan ko. DAMN THAT COUSIN! Bakit ba sa lahat ng tao ay siya iyong nagustuhan mo? Huh?" yinugyog niya ang balikat ko.

"Hindi ko rin alam..." sambit ko at tsaka uminom ulit ng isa pang shot.




I want to drink. I want to get drunk. Gusto kong kalimutan ang lintek na lalaking iyon at si Fiona. Kahit panandalian lang. Nakakainis na silang dalawa. E'di magsama sila! Ano ba ang paki ko!?




"Darn," napatayo agad ako nang maramdaman na nasusuka ako.



Dumiretso ako sa women's restroom ng Shawty at sumuka agad sa sink. Matagal akong sumuka at nanatili sa restroom kaya pagkatapos kong magpunas ng tissue ay lumabas na ako.




"Have you been nauseous?" iyon ang bungad sa akin ng seryosong si Lancy.

Umupo ako sa sofa at bumuntong-hininga.

"Yeah," tamad kong sagot at akmang kukunin pa ang isang shot nang agad niyang pinigilan ang kamay ko.

Kunot-noo ko siyang binalingan.

"For how many days?"

Huh? Naguluhan ako sa mga tanong niyang iyon pero sinagot ko na lang.

"About two weeks and three days?" ani ko.





Her brows raised. Nagkibit siya ng balikat at tinitigan ako sa mga mata. Hindi ako nakagalaw sa ginawa niya. Feel ko na-hypnotized niya ako na makinig sa kaniya.




"It's been three weeks since Hariah's beach resort's week opening and since nasa beach tayo noong pangalawang araw na, dikit nang dikit si Heeven sa'yo. Logically speaking, what if you both did it and iyan... that's the aftermath." tinuro niya ang tiyan ko.

Sinundan ko iyon ng tingin. Huh? Anong iyan? Aftermath? Did she mean...

"Lancy, don't be ridiculous! I'm not pregnant!" agad kong sambit.

Mas nangunot ang noo niya, "So, something really happened between you and my cousin..." aniya at ngumisi.

Nahihiya akong nag-iwas ng tingin bago tumango nang marahan.

"Did he perhaps... used condom that time?"





Bumalik agad ang tingin ko sa kaniya. I blinked again and again. Condom... That night? No, I'm sure he didn't. Unlike noong una na may dala-dala siya. Sa beach, wala. I'm sure. Pero... What does she mean?

Umiling na lang ako. That made her gasped.




"OMG!" aniya at napatakip sa bibig. She smirked before shouting his husband's name. "Jared! Come here, babe!" she shouted and almost all customers in the bat gazed on us.

Dumating si Jared na kagagaling lang yata sa counter ng club nila. Dumikit agad siya kay Lancy saka hinalikan ito sa tainga. Halos umismid ako. Public display of appearance.

"Why, babe?" ani Jared.



Hinarap siya ng kaibigan ko. She whispered something on him. After that, Jared looked at me with some unidentified expression. Mukha siyang excited na hindi makapaniwala. Gulong-gulo pero at the same time ay masaya. Ang lito.




"My hypothesis is justifiable, right?" aniya at tumingin ulit sa akin.

I exhaled, "Teka... anong hypothesis? Will you please just tell me directly nang sa ganoon ay mas maintindihan ko?" ani ko.

Imbes na sumagot ay ngumisi lang ang kaibigan ko. Si Jared naman ang binalingan ko ng tingin pero nagkibit-balikat lang siya. Hindi ko na napigilan ang umirap. Ang gulo nilang mag-asawa! Ano ba ang ibig-sabihin nila?

"Fern?" I tried to asked her again.

"Wala... Wala..." she shook her head. "Sa amin muna iyon ni Jared. We're not yet sure pa naman. Kailangan pa ng confirmation sa isang tao."




Naguluhan na talaga ako doon. Kahit na ayokong isipin ay curious na curious na ako kung ano ang ibig niyang sabihin. Kaya imbes na makapagfocus sa art gallery ay iyon ang nagtagal sa isipan ko. Though wala naman talagang kailangang gawin sa Artiose since okay na naman lahat.



One fine day when someone called. Unregistered number iyon.




"Hello?" ani ko.

"Oh. Yes. Hello, Miss Gomez? It's Mrs. Javier, the dean from Ream University. Can I talk with you for awhile if you're not busy..."




Kumabog ng kaunti ang dibdib ko. Bakit ako tinatawagan ng isang dean? Did I do something wrong?

Kahit na naguguluhan ay sinagot ko agad siya, "Yes, sure. I am not busy naman." sabi ko.

"Well, that's great. I would like to ask kung pwede ba gamitin namin ang Artiose for this year's Fine Arts' students exhibition? If okay lang naman talaga."




Nalaglag ang panga ko sa sinabi ng caller. I bit my lower lip bago ngumiti.



Of course, I agreed. Sino ba naman ang hindi? It's a big opportunity para mas makilala ang Artiose. Hindi ko nga lang alam kung kasya ba lahat ng students dito sa art gallery ko but since Fine Arts students naman ang mga iyon ay hindi ganoon karami. Let's do this, Fern Silver Gomez.


Kaya nang paparating ang araw ng exhibition nila ay sobra akong naging busy. Pati iyong mga artists na na-recruit ko at pati si Clara ay sobrang naging busy na. Tulong-tulong kami sa pagse-set aside ng mga paintings and artworks sa iisang wall lang para magamit lahat ng mga students.




When the day came, isinuot ko ang bagong biling designer dress na white cottony see-through style dress na two-inch above the knee. Pinaresan ko iyon ng white two-inches high heels. As usual, I just put on a light make-up at halos inubos ko na ang designer perfume ko. Nilugay ko lang ang buhok kong medyo mahaba na talaga.

Pagkatapos kong huminga ng malalim ay naghintay na ako sa labas ng Artiose para salubungin ang mga students at professors na pupunta.




"Ang george goose niyo naman po, Madam! Nakakaingit!" biglang litaw ni Clara sa harapan ko.



Nag-flip hair ako sa kaniya kaya mas lalo siyang ngumiti at nagreklamong ang ganda ko raw talaga. Tinawanan ko na lang siya at maya-maya'y inutusan ko na rin na maghintay na lang sa loob at huwag na akong istorbohin.

Hindi rin nagtagal ay nagsidatingan na ang mga students ng Ream University.



"Welcome..." sambit ko sabay ngiti sa kanila.



Bawat pumapasok sa art gallery ko ay binabati ko. Bumabati rin naman sila pabalik. Kahit na napapagod na akong ngumisi nang ngumisi, hindi ko na lang pinansin pa iyon. I want to look approachable kaya kailangang hindi ako sumimangot.




Umingay sa loob ng Artiose. Naririnig ko iyon hanggang sa labas. Pagkamangha ang halos lahat ng naririnig ko sa mga estudyante kaya hindi na lang ako nagreklamo.



I continued accommodating the students hanggang sa sunod-sunod ang dating ng mga sasakyan. Lumabas mula roon ang bawat professors.





I flushed a smile, "Welcome to Artiose, Ma'am!" bati ko sa naunang professor.

Ngumiti iyon, "Ikaw ang may-ari ng Artiose?" tanong niya na tinanguan ko agad.

"Ang bata mo pa tapos may sarili ka nang art gallery, ah..." ani pa ng lalaking professor.

"No, po. I am not that young..." I answered.

"Ang humble mo naman. Hindi ba ay sina Boulevard at Janice ang mga magulang mo? Kaklase ko iyong mommy mo noong college. Sobrang sosyal at yaman. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit sa murang edad mo pa lang, may art gallery ka na. Iba talaga kapag mayaman, ano?" ani pa ng isang professor.

Ngumisi ako, "Kapag may passion ka lang sa isang bagay, makukuha mo iyon." sambit ko.




Lumipad ang paningin ko sa bagong dating lang na pamilyar na kotse. Sinundan ko iyon ng tingin hanggang sa magpark iyon sa gilid.



A gorgeous guy wearing a black dress shirt paired with slacks and leather shoes got outside of the car. Naka-aviator shades iyon pero klarong-klaro ang pagkakakunot ng noo.

Nagtagal ang titig ko sa kaniya at hindi sana iyon matatanggal kung hindi ko nakitang papalapit na siya sa akin.




Umayos ako ng tayo, "What are you doing here, Heeven?" mataray kong sambit.




He looked at me saka tinanggal iyong shades niya. Imbes na sagutin ako ay sumimangot lang siya bago pumasok sa art gallery ko. Agad akong napairap.




"Naku! Masusungit talaga ang mga Cordova, ano? Huwag mo na lang pansinin iyon, Ms. Gomez." kinausap ako ng isang professor.

Agaran akong umiling saka ngumiti, "Opo pero wait lang... tatanungin ko lang kung ano ang sadya niya."




I was about to chased him when the woman stopped me.




"Hindi mo ba alam? Isa siya sa napiling judges ni Mrs. Javier. Tatlo sila pero hindi ko pa nakikita ang dalawa."




Natigilan ako. Then, is he one of the judge? Connections pala. Ang dami talagang kakilala ng Cordovas. Paano ba naman kasi, isa yata sila sa nangungunang negosyo sa lahat ng negosyo dito sa bansa. Hindi na ako magtataka. Pero bakit sa lahat ng pwedeng magjudge ay siya pa? Paano ako makakapag-welcome speech nito nang maayos? Darn, Cordova. You're giving me headaches!

And I was right. I did my best to brought out my confidence when I was speeching yet I was totally nervous. Nag-expect na ako na hindi ko matatapos ang speech dahil sa kaniya pero natapos ko naman.


Iniwasan ko siya the whole event time at nagpapasalamat naman ako na ganoon rin ang ginawa niya. Curious ako kung bakit isa siya sa judge pero I won't approach him first. Malinaw pa sa ala-ala ko ang pagkampi niya kay Fiona.





"My inspiration when I painted this masterpiece was my childhood memories wherein we had a vacation in an island and I met my animal friends there. Who wouldn't thought that foxes would become a human friend, right? So, that's why I painted a sunset in a forest with my little fox friend."




Sa lahat ng nag-present ay iyon lang ang napagtuunan ko ng pansin. Hindi ako makapag-concentrate. Hindi naman masama ang pakiramdam ko pero ewan ko bakit hindi ako makapag-focus.


Ang tanging napakinggan ko na presenter ay ang nanalo sa exhibition. I admit na maganda talaga ang painting niya since gumamit siya ng light radiant paints at medyo may pagka-abstract style rin kaya mas gumanda. And her presentation was indeed great, too.

I envy her for that. May exhibition rin naman kami noong fourth year college pero sa I guess that was not the time I would shine kasi hindi ako nanalo. Eventhough, I was in third place.

I sighed at inilibot ang paningin sa paligid. Nagpaalam na ang mga students sa akin. May get-over raw kasi sila ng mga kaklase nila and the professors were busy, too.




"Sayang naman. I want to have dinner with you, po. Well... next time, then?" ani ko sa isang grupo ng professors.



Tumango sila at sumang-ayon sa sinabi ko.



Nang makaalis na ang grupo nila ay ang isang grupo naman ang inaya ko na mag-dinner since gusto kong magpasalamat sa kanila dahil ang Artiose ang napili nilang event center ng exhibition.





"Sinong hindi pupunta sa libre? Pupunta ako!" ani ng lalaking mid-50's yata.

Tumango ako at binalingan ng tingin ang iba pa, "How about you, po?" ani ko.




Umiling ang karamihan sa kanila kaya sa huli ay dalawang professors lang ang pumayag at nanatili.



Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang dahan-dahan kong nilapitan ang tatlong judges. Dalawa ay babae at si Heeven lang ang lalaki.



Saglit akong napatigil nang mapansing nagpapa-cute ang isa sa babaeng judges kay Heeven. Nakangisi pa ang gago! Lintek!



Umismid muna ako bago tuluyang lumapit. Medyo napapitlag pa iyong babae pero si Heeven ay chill lang. Wow, ah? Bagong kalandian? Where's the girlfriend? Tss...





"Uh... I was treating everyone for dinner, eh. I'll be glad if you could come but maiintindihan ko kayo if hindi kayo available." sabay sulyap ko sa babae.




Pupunta siya? Mas okay sana if hindi na lang. Nakakainis kasi. Darn! Bakit ba ako naiinis?!

Imbes na sumagot ay binalingan niya si Heeven. Humawak pa siya sa braso nito. Nakapaskil ang titig ko sa braso niyang hawak-hawak ng babae nang marinig ko ang maarteng boses.




"Sasama ka ba? We would come if you will." aniya na nakapagpairap sa akin.

SHIT! Gusto niya yatang ipagbubuhol ko silang dalawa ni Fiona, eh! Nakakabanas! As in!

"Well," tumitig si Heeven sa akin. "Yeah, pupunta rin ako." aniya at nilagpasan ako.




Kumunot ang noo ko. What's his freaking problem? Snob? Gosh. May mga babaeng nakilala lang ay mag-iinarte na? What do I expect? He's playboy kaya. Muntik ko nang makalimutan. Siguro ay ganoon talaga silang lahat. Siguro noong kami pa ay talagang may iba siyang inaatupag kapag hindi kami magkasama. Same as what he's doing now. Hindi niya lang kasama si Fiona ay lalandi na ng iba.



Hindi ko na yata mabilang ang pag-irap ko noong araw na iyon. Lalo na noong nasa restaurant na kami. Anim lang kami doon. Tatlong lalaki at tatlong babae.





"Order what you want, ah. It's all on me." sambit ko sa mga kasama.




Naghalakhakan ang mga professors at ang dalawang babae. Nakasimangot ako doon habang tinitignan ang babaeng hawak-hawak pa rin sa braso si Heeven. Bakit hindi siya kumukontra!? Ginaganahan rin kasi! Umirap ulit ako.

When finally the main courses came, nilantakan ko agad iyong battered shrimp. Pagkatapos noon ay kukuha na sana ako ng chateaubriand nang biglang sumama ang pakiramdam ko.



Gumapang ang kaba sa sistema ko nang maramdaman ang pagkahilo at pagkasuka.




"E-Excuse me," sabay tayo ko at diretso sa restroom.



Aish. Darn. Why am I always nauseous? Eventually kapag may nakikita akong beefs. Kahit anong dish pa iyan ay talagang babaligtad agad ang sikmura ko.


Nang lumabas ako ay nadatnan ko ang lalaking nakakunot ang noo habang nakahilig sa wall.

Tumikhim ako at nagkagat ng labi. Lalagpasan ko na sana siya nang magsalita siya.





"You okay?" malamig niyang ani.




I gazed at him before nodding.

He sighed bago tumango. Namulsa siya saka malamig akong tinignan. I was expecting him to asked me kung okay lang ba talaga ako but then, I was wrong. Tinalikuran na niya ako. I took a deep breath bago siya hinabol.





"Nahihilo ako... and I think I can't drive in this state..." pagsisinungaling ko.




Alright. That wasn't a total lie. White lie lang iyon. Gusto ko lang malaman kung ano ang sasabihin niya at nakasalalay doon ang isasagot niya.

Tinitigan niya ako.




"Magpasundo ka na lang sa kuya mo. I'm busy." malamig na sambit niya bago tuluyang bumalik sa table namin.




I bit my lower lip. My eyes get blurry pero agad kong pinawi ang mga luha. Alright, he's angry. Akala niya talaga ay ako ang nauna sa away namin ni Fiona. That was the answer. He really believed what that girl said.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top