Chapter 30
Chapter 30
Confusing and Tiring
"So... bakit ka nga nandito?" tanong ko kay Heeven na nakaupo sa sofa ng opisina ko.
Iginala niya ang paningin sa buong room.
After he hugged me earlier, kumalas na ako sa yakap niya. Nagpabili pa ako ng damit niya kay Clara sa malapit na mall since medyo tumila na rin ang ulan. Even my clothes were slightly wet, hindi na lang ako nagpalit.
"Maganda itong office mo. Magkano ba?"
My blood boiled and I felt like really annoyed.
Napatayo ako at hinampas ang table ko, "Ano ba, Heeven!?" inis kong bulyaw.
His brows furrowed, "Hey, chill. Highblood mo naman." aniya at humalakhak pa nga.
Napabuga ako ng hangin dahil sa inis. I pointed the door. "Labas kung ayaw mong sagutin ang tanong ko." I seriously said.
Kumunot ang noo niya. Napataas ang kilay ko. Humalukipkip siya at ngumisi. Saglit siyang humilig sa backrest ng sofa bago naglakad palapit sa akin. Umatras agad ako.
"Why so grumpy, love? Nandito lang naman ako para makapag-explain sa nangyari weeks ago." sumeryoso ang mukha niya.
My inis vanished. Mas lalo na yata nang ngumuso siya. Darn. Bakit yata lahat ng ekspresyon niya ay nagco-compliment lang sa kagwapuhan niya? Baliw na ba ako o sadyang gifted lang siya sa lahat?
I erased those thoughts.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Why? Sa tingin mo ay magiging okay ulit tayo kapag nag-explain ka? Will it make a difference?"
Nagbago ang ekspresyon niya. Mula sa pagiging cute na gwapo ay naging seryoso na gwapo. Shit. Bakit may gwapo!?
"It will." he answered.
"How?" I scoffed.
Umamba siyang lalapitan ako kaya agad ko siyang sinenyasan na huwag lumapit. Mukhang nakuha niya naman kaya nanatili na lang siya sa kinatatayuan.
"Hindi ko nakalimutan na naghihintay ka pala. Pero something serious happened. Nahilo si Fiona at ang sama ko naman para iwan lang siya doon kaya dinala ko siya sa malapit na ospital then natagalan kami do'n."
"Inihatid mo pa siya?" ako na ang nagtuloy.
As expected, he nodded. Ngumiti ako at hindi na napigilan ang tumawa nang mapakla. Hindi niya kayang iwan si Fiona nang ganoon pero bakit ako... iniwan niya? Na halos ilang oras ko siyang hinintay pero wala pa ring dumadating. In the end, hindi siya dumating kasi he's with Fiona. Not his girlfriend, huh?
At dahil hapon na naman, nagmartsa agad ako palabas. Without looking back... Without saying anything.
DAMN! Did it change anything na nalaman ko iyong nangyari? Hindi! Wala! Mas lalo lang akong nainis! Mas lalo lang akong naguluhan kasi tangina! Bumabalik na iyong nararamdaman ko sa lintek na Heeven na iyon!
I tried to kept myself busy the next days. Inabala ko na lahat ng related sa Artiose. Kahit iyong hindi pa masyadong importante, ginawa ko na. I want distraction.
Distraction! Napatigil ako sa pagsa-shopping nang makita si Fiona sa high heels section. Abala ito sa pamimili ng iba't-ibang stilletos.
Hindi ko napigilan ang umirap. Ano ba ang nasa kaniya na dahilan kung bakit concern si Heeven sa kaniya? He told me that she wasn't her girlfriend and I was convinced, truthfully. Pero bakit... iba ang pinapakita niya? Hindi niya ba girlfriend pero mahal niya?
Isipin ko pa lang, nalulusaw na ang lahat ng kasiyahan ko.
Kaya imbes na manatili doon at titigan siya hanggang sa makuha ko kung ano ang nasa kaniya ay lumabas na ako ng mall. Dumiretso ako sa café na malapit rin lang doon.
While I was waiting for my iced americano and cheesecake order, I decided to call Theon. Agad niya naman itong sinagot.
"Mommy!" aniya at ngumiti dahilan para lumabas ang dimple niya.
Medyo nawala ang lahat ng nararamdaman ko dahil sa ngiti niyang iyon.
It's been weeks since palaging bumibisita si kuya sa bahay to be with Theon. I am okay with that since he's the father pero hindi ko lang maiwasang isipin minsan na paano kapag bumalik si Margaux at kunin si Theon? Ano na kaya ang mangyayari sa akin? Sigurado akong hindi ko iyon kakayanin. Sa akin na siya lumaki. Andami nang nangyari kaya hindi ko hahayaang mawala siya sa isang iglap lang.
I sighed before I gave him a smile, "Where are you?" I asked.
"Here, Mom!" ipinakita niya ang condo ni kuya.
"Oh... Nasa condo ka niya..." mahinang sambit ko at nagkagat ng labi.
"Are you okay, Mommy? Do you have a problem?" alalang tanong niya.
Hindi ko na napigilan ang panlalabo ng mga mata. My tears started to stream down to my cheeks kaya agad kong pinahid ang mga iyon bago pa ako makita ng ibang customer. Pathetic, Fern. You're being weak again.
Before he could ask why am I crying, binaba ko na ang tawag and texted him instead.
To: Theon
Don't worry. I'm fine, baby. May naalala lang. Anyway, I've got work to do pa. See you later. Love u.
Saktong pagkatapos kong magtipa ng mensahe ay dumating na rin iyong order ko na agad kong nilantakan.
Hindi ako nagtagal doon. Dumiretso agad ako sa carpark. Nasa may carpark na ako nang makita si Fiona na maraming shopping bags na dala-dala. Nasa likuran niya ang isang lalaking medyo familiar ang mukha.
Nagpasya akong hindi na lang sila pansinin pero nang papalabas na sana ako sa carpark ay may humarang. Iyon ay si Fiona na nakakibit-balikat.
I frustratedly got outside of my car. I immediately faced her. Nakataas ang kilay ko.
"What do you want?" diretso kong ani.
She scoffed. Ibinigay niya sa lalaking kasama ang mga shopping bags.
"O-Ouch naman, Randell! Wait lang! Ow!" reklamo noong lalaki.
Binalingan ko iyong ng tingin sabay kunot ng noo. I'm not sure if we've seen each other before pero he looks really familiar. Nagkita na ba kami dati? Or was he one of my classmates or blockmates before? I'm not sure.
Nang matapos iyong magreklamo ay bumaling siya ng tingin sa akin at walang preno akong kinindatan.
I blinked not twice but thrice.
Ang tingin ko sa kaniya ay hindi nagtagal nang magsalita si Fiona.
"Well, I want a fight. Maibibigay mo ba iyon?"
Nagsiabot ang mga kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon.
I smirked, "Ang tunay na palaban, hindi nagdadala ng kasama." sabay baling ko ng tingin sa lalaki.
Nalaglag ang panga noong lalaki at agad na umiling-iling. Kumurap-kurap pa iyon bago tumawa.
"Uyyy! Wala akong kinalaman dito, ah! Sige na, kambal. Uuwi na ako."
Kambal? Sino? Tinitigan ko nang mabuti si Fiona at ang lalaki. Darn! Kaya pala familiar! Kakambal niya si Fiona kaya may similarities sila.
Bago umalis iyong lalaki ay kinindatan pa ulit ako no'n at tuluyan nang umalis. Saka lang ako bumaling ng tingin sa harapan ko.
"Didiretsuhin na kita. Layuan mo na ang boyfriend ko. He's mine, Silver. Maghanap ka na lang ng iyo."
My brows furrowed.
"Ano ba ang sinasabi mo? Wala naman akong ginagawa kay Heeven. You're just imagining things." sagot ko at ngumisi.
Bumalot ang inis sa ekspresyon niya. Oh, Fiona. Ano ba ang kasalanan ko sa'yo? Bakit parang may hidden grudge siya sa akin? Wala naman akong ginawa, ah.
"Anong wala!? Nakita ko iyong mga tingin mo sa kaniya lalo na no'ng nasa beach tayo. Sobra ka kung makatingin! Akala mo pagmamay-ari mo siya!" tumaas na ang boses niya.
I scoffed. Ang kapal ng mukha! Sinigawan ako?! Who is she? My parents!?
"You're that delusional? Kung anu-ano na lang ang pinagsasasabi mo. Mabuti pa, iyong boyfriend mo ang pagsabihan mo. Wala akong ginagawa. Siya iyong lumalapit sa akin. Ano ang kapangyarihan ko para pigilan siya? Siya ang may gusto no'n. Hindi ako."
There, Fiona. Be threatened. Matakot ka. Matapang ako. Naging mas matapang ako dahil sa mga naranasan ko. Bakit ako magpapaapi? Never.
Natahimik siya sa sagot ko. She looked really stunned. Visible rin ang inis sa mukha niya na halos mapunit na ang pang-ibabang labi niya sa kakakagat no'n. Umismid ako at tumalikod na.
Nakakailang hakbang pa lang ako nang magsalita siya.
"Minahal ka ba talaga ni Heeven, Fern? Hindi. Umiyak ba siya sa harapan mo just to begged you to stay? Hindi. Pero sa 'kin? Sa tuwing nag-aaway kami at maiinis ako tapos sasabihin kong 'break na tayo', alam mo ba ang ginagawa niya? Umiiyak siya sa harapan ko and that was to begged me to stay in his side. He would apologize to me over and over para lang makumbinsi akong huwag siyang iwan. Ganoon niya ako kamahal, Fern. Ikaw? Hindi. Kahit nikatiting, hindi ka niya minahal."
I froze. Naging tuod ako sa kinatatayuan ko. Parang sinampal niya ako ng katotohanang noon pa man, pinagdududahan ko ng totoo... at ngayon? She just proved it. Napatunayan niyang tama ako. Na hindi ako minahal ni Heeven... Ever.
He never cried in front of me. He never apologized. Kahit na ngayong nagkikita kami ulit, he never said 'sorry'. That's right. Fiona's right. Heeven never loved me. That was all help. He just helped me because I begged. I begged him to pretend as my boyfriend. That was just all. It was help all along. Siguro ganoon nga talaga iyon. Hindi niya ako kailanman minahal. At napatunayan na 'yon ni Fiona... The woman whom he truly loves. I was never been his love... Never.
Pero hindi ako uuwing luhaan. I will fight...
Hinarap ko siya at nginisihan, "How sure are you? Akala mo ba uto-uto ako para paniwalaan lahat ng sinabi mo? No, Fiona. Namanipula na ako noon, hindi na ako magpapamanipula pa ngayon. Now, if you would excuse my bad personality... Sorry to say pero minahal ako ni Heeven... He loved me and you know that. Binibilog mo lang ang ulo mo."
Yes, that was all lie. I lied. Alam ko naman ang totoo. Tama siya. Heeven is probably just playing with me. Pero naramdaman ko namang minahal niya ako noon... DARN! How sure I am!?
Bago pa ako mabaliw sa kalituhan, tinalikuran ko na siya pero gaya kanina, hindi pa nga ako nakakailang hakbang ay natigilan ulit ako pero sa pagkakataong ito... dahil sa paghila niya sa buhok ko.
Napasigaw ako sa sakit at nang makakuha ng tiyempo ay hinila ko rin ang buhok niya. Nagsabunutan kaming dalawa sa carpark.
Hindi ko alam kung ano na ang nangyari. Sobrang bilis ng pangyayari at nakita ko na lang ang sarili ko na hinihila sa baywang ng isang braso.
"Shit! Tumigil na nga kayo!" sigaw ng lalaking humihila sa akin.
I pretended like I never heard him. Pinagpatuloy kong sabunutan si Fiona. Inis na inis na ako sa kaniya. At ngayong nagsimula na, hindi ako papatalo.
Akmang hihilain ko na sana ulit ang buhok niya nang bigla siyang umiyak. Natigilan ako. Maging si Heeven ay natigilan rin sa paghila sa akin.
"She... She attacked me first, Heeven... Wala akong ginagawa sa kaniya pero sinaktan niya na lang ako bigla. I was just defending myself..." humagulhol ulit siya.
Muntik na akong mapapalakpak dahil sa galing ng acting niya. WOW! Sobrang nakaka-impress nga naman talaga.
Umirap ako, "You attacked me first, Fiona. Don't turn the table upside-down, now. Wala kang mauuto dito." sambit ko.
Mas lalong lumakas ang hagulhol niya hanggang sa lumuhod siya sa sahig ng carpark.
"Babe... She attacked me... Maniwala ka..." aniya at tumingala sa akin nang puno ng luha ang mga mata.
Unti-unting lumuwang ang pagkakahawak sa akin ni Heeven.
Hinarap ko siya, "Kilala mo ako. Now, it's up to you kung sino ang paniniwalaan mo. I'm done. Literally done." may riin kong sambit at nilagpasan sila.
Pumasok ako sa sasakyan ko at tumungo sa manibela.
I waited for him to talk with me. Hinintay ko siya na kausapin ako kasi iyon ang sign na ako ang pinaniniwalaan niya pero I waited for nothing. Nakita ko na lang siya na buhat-buhat si Fiona papunta sa sasakyan niya.
Nagsibagsakan ang mga luha ko habang pinagmamasdan silang lumalayo. Shit, Heeven. Bakit mo ba 'to ginagawa? Ganoon na lang 'yon? Si Fiona ang pinaniniwalaan niya? OBVIOUSLY, FERN SILVER GOMEZ! Sino ba iyong kinampihan niya? Si Fiona! Sino ba iyong karga-karga niya? Si Fiona! Siya na lang lagi! Ano ba talaga!?
Loving someone... is confusing and... tiring...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top