Chapter 27
Chapter 27
You Can't Be Jealous
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi noong gabing iyon. When I woke up, nasa kwarto na ako. Kahit na may hangover ay pinuntahan ko pa rin si Theon sa room niya, katabi lang ng room ko para makumpirmang nakauwi na rin siya.
Nadatnan ko siyang natutulog na kaya bumuntong-hininga na lang ako bago bumalik sa kwarto ko at natulog na rin.
"Inom pa,"
Inabot ni daddy sa akin ang gamot sa hangover. Tinanggap ko agad iyon at ininom na.
"Sorry, Dad. Hindi ko naman inakalang marami na pala ang nainom ko." paliwanag ko sa kaniya.
He sat in front of me before creasing his brows, "Did Heeven and you made up?" aniya.
Agad akong umiling.
"No? Why? You should reconcile. What happened three years ago is considered past now. You two should make up. Kahit friends lang."
I bit my lower lip, "Hindi pa nga siya nakakapag-sorry sa ginawa niya... I'm not yet ready to fix things with him. Besides, may sarili na kaming buhay. Ako, busy sa art gallery. Siya, sa girlfriend." I said as a matter of fact.
Sumang-ayon na lang si daddy sa sinabi ko.
That was the truth naman talaga. We parted ways. We have different lives now. Kaya dapat ay wala nang pakialamanan.
Just when I hope that I would never see him again, natupad nga. I have been busy for months sa gallery ko kasi rinecruit ko na iyong mga artists na tinuruan namin ni Clara na officially magiging artists na sa Artiose.
Alam kong sobrang saya nila sa opportunity na ibinigay ko kaya siguro ay sobra ang pagsisipag nila kapag oras ng trabaho.
"Mommy, I want to see Dad!" biglaang sabi ni Theon nang isang araw isinama ko siya sa art gallery ko.
I lost of words. Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi naman gano'n kadali na hingin ang oras ni kuya lalo nang siya ang namamahala sa isang clothing line namin na men's clothes. Besides, alam kong mahirap para sa kaniya na makipag-usap kay Theon.
Kaya naman alanganin akong ngumiti bago hinaplos ang pisngi niya.
"Some other time, baby. Your daddy's busy pa." sabi ko sa kaniya.
He shook his head, "But I want to play with him!" he shouted.
Pinanliitan ko siya ng mga mata, "Theon, listen to me. You're smart. You understand daddy, right?" mahinahon kong sabi.
Natigilan siya sa sinabi ko. Nag-isip pa siguro saglit ng isasagot. I expected na aayusin niya ang sagot niya pero nagkamali ako.
"I won't! I want to be with my daddy!" inis niyang sambit bago tumakbo palabas ng opisina ko.
I sighed. Handling kids isn't really easy. Kung ano ang gusto nilang paniwalaan, iyon ang paniniwalaan nila. Figures. They're just kids. And Theon's a kid. Mahirap talaga silang turuan ng mga bagay na ayaw nilang ituro pa sa kanila because they believe that they know it all. Well, in fact... not.
Akala ko mawawala na ang inis sa akin ng bata nang umuwi ako sa bahay pero hindi niya ako pinansin nang pumasok ako sa kwarto niya para mag-good night. Sa halip, he pretended to be asleep.
Makakalimutan niya rin ang nangyari. Iyon ang inakala ko pero hindi nangyari. Lumipas na lang ang dalawang araw ay hindi niya ako kinausap man lang. Lagi lang siyang nasa kwarto niya. Hindi na lumalabas.
That's why, one afternoon came, I volunteered to be the one who'll bring Theon his lunch. Bahala nang hindi niya ako kausapin basta alam kong makakain lang siya.
I knocked twice, "Baby?" tawag ko.
I waited for him to open the door for me pero lumipas ang ilang segundo ay hindi ko narinig ang yapak niya na papalapit o kahit ang sagot niya man lang.
Kumatok ako sa pangalawang beses pero gaya kanina, walang nagbukas ng pinto.
Pinihit ko ang doorknob at napahinga nang maluwag nang hindi iyon naka-lock.
One of the moral I taught him was to not lock the door. I taught him that because if unpredictable things happen, gaya ng kapag sumakit ang ulo niya at o di kaya ay may lagnat siya, agad naming malalaman iyon.
"Papasok na ako, Theon." sabay pasok ko.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang makita siyang nakahiga sa kama niya. Nakatalikod sa akin. Balot na balot ang katawan niya ng kumot at pati yata mukha ay natatabunan na rin ng comforter.
Inilapag ko ang tray ng lunch niya sa ibabaw ng mini table ng maliit na living room sa kwarto bago nagtungo sa kaniya.
"Galit ka pa rin ba kay tita?" I gently asked. Hinawakan ko ang comforter niya para sana makita ang mukha niya nang mahawakan ko ang kamay niya.
Dumapo ang kamay ko sa noo niya sabay singhap.
"You're having a fever! Goodness!" taranta kong sabi saka tinulungan siyang makaupo sa kama. "We need to go to the hospital." huminahon ako ng kaunti para hindi siya mahawa sa pagkataranta ko.
Nang makaupo na siya sa kama niya ay naghanap muna ako ng makapal na cardigan sa cabinet niya at nang makahanap ay agad ko iyong isinuot sa kaniya.
"Kaya mo bang maglakad?" tanong ko at hinawakan ang pisngi niya.
Namumula ang ilong niya at medyo pumutla ang labi. Namumungay na rin ang mga mata niya.
Hindi ko napigilan ang isang butil ng luha na pumatak mula sa mga mata ko. I am really not a crybaby pero kapag pamilya ko na ang usapan, kapag iyong mga taong mahal na mahal ko ang kasali, lalo na nang dumating si Theon sa buhay ko ay madalas na akong umiyak.
Kapag nilalagnat siya. Kapag nananaginip siya ng mga masama na dahilan para umiyak siya habang tulog. Kapag alam kong pagod siya. Umiiyak ako. Nahihirapan ako kapag nahihirapan ang pamangkin ko. I conaidered him as mine since he came into my life.
"Don't worry, Ms. Gomez. Okay lang po ang pamangkin niyo. Tulog at kaunting gamot lang ang kailangan para gumaling siya." ani ng doctor na laging umaasikaso kay Theon kapag dito ko siya pinapa-confine at pinapa-check up.
Napahinga ako ng maluwag, "Thank you, Doc." sambit ko.
Nang magpaalam siya ay agad akong tumabi kay Theon na natutulog sa hospital bed. Hinawakan ko ang kanang kamay niya at kinulong iyon sa mga palad ko. Hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako.
"Daddy... D-Dad..."
A trembling small voice from beside woke me up.
Agad kong hinipo ang noo ni Theon nang makitang pinagpapawisan na siya.
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang sobrang init sa noo niya. I immediately pressed the telecom and called for the doctor.
Hindi rin nagtagal ay dumating na ang parehong doctor kanina.
"His fever has gotten worse, Doc! What's wrong?" taranta kong sabi.
Nilapitan niya si Theon at hinipo rin ang noo nito bago ginamit ang stethoscope na dala-dala. Pagkatapos ay hinarap niya rin agad ako at nginitian.
"May hiningi ba sa'yo si Theon na hindi mo naibigay?" biglaang tanong niya.
"Like ano po?" kunot-noo kong tanong.
"Well, sometimes kasi ay science isn't all. May mga bagay na hindi naipapaliwanag ng siyensiya. Bumaba na iyong lagnat niya kanina pero ngayon, bumalik ulit. It's sometimes because of too much emotions and longing for someone. Alam nating hindi dapat i-spoiled ang isang bata pero kapag gustong-gusto niya talaga, wala na tayong magagawa. You need to provide him that. So, ngayon... meron nga ba?"
I pressed my lips. Wala akong ibang maisip kung hindi si kuya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako kinausap ni Theon sa loob ng dalawang araw. At dahil hindi ko ibinigay sa kaniya ang gusto niya, his emotions bursted kaya nagkalagnat siya.
Nagkagat ako ng labi. Am I... being a bad guardian?
In the mean time, wala akong masising iba kung hindi ang sarili ko kaya nang magkaroon ako ng oras, hapon ng araw na iyon ay pinuntahan ko si kuya sa condo niya.
"Eve? Why are you here?" salubong niya sa akin.
Suminghap ako bago tumungo, "Theon's having a fever and... he wants to see you... Pwede mo ba siyang puntahan?" tinitigan ko siya.
Natigilan siya at hindi agad nakasagot.
Nagsalita ulit ako, "I know na hindi madali itong hinihingi ko sa'yo pero please... kahit ngayon lang. Intindihin mo ang anak mo. Ikaw iyong hinahanap, eh..." nanlabo ang mga mata ko. "Masakit rin sa parte ko, kuya. Ako iyong nasa tabi niya lagi pero hindi pa rin sapat... K-Kulang pa rin para sa kaniya... I love Theon so much kaya I am willing to sacrifice. Sana ikaw din. You are his father. Kailangang-kailangan ka niya ngayon. P-Please..." tuluyan nang nagsibagsakan ang mga luha ko.
Even if my sight was blurry, kitang-kita ko kung paano niya pinigilan ang iyak.
Until he hugged me. Hinaplos niya ang buhok ko at doon ko na narinig ang hagulhol niya.
"I'm sorry, baby... Sorry... Hindi ko alam na nahihirapan ka na nang ganito... Sorry for being a bad brother. Sorry for giving you the burden of raising a kid when his father isn't even disabled to not being able to take care of his own kid... I'm sorry... Sorry..." paulit-ulit niyang sambit sa basag na tono ng boses.
Gaya ng hiningi ko, pumunta siya sa ospital kung saan naka-confine si Theon.
Siya na ang nag-alaga, nagpapakain, nagpapatulog, lahat-lahat... oras-oras siyang nakabantay kay Theon sa loob ng apat na araw na pamamalagi ng bata doon.
Inaasikaso niya iyong discharged documents ng bata nang may tumawag sa kaniya.
"Eve, paano na 'yan, kailangan na ako sa office. Ngayon pala iyong board meeting with the business partners." aniya nang matapos ang tawag.
Umayos ako sa pagtayo bago ibinigay sa kaniya ang mga dokumento.
"You can't go. Magtataka si Theon. Ako na lang ang dadalo. Nando'n naman si dad, right? Makikinig lang naman din ako ng meeting and magsa-suggest rin ng ideas. I can do that." sambit ko.
Wala na siyang nagawa kung hindi ang hayaan ako.
Kaya agad-agad akong umuwi ng bahay at nagbihis. Pumasok ako ng company namin nang naka-corporate attire. Itinali ko rin ang mahabang buhok into a bun.
Dala-dala ang laptop case ko ay pumasok ako ng meeting room na nasa eleventh floor ng building namin. Dalawa pa lang ang nandoon at parehong excutive members ng company namin. Pamilyar na rin sila sa'kin kaya nakipag-usap muna ako sa kanila hangga't hindi pa dumadating ang mga business partners pati na si dad.
After a while, the push-pull glass door of the room opened. Iniluwa no'n si dad na seryoso ang itsura. Nang makita ako ay agad na kumunot ang noo niya.
I kissed his cheeks bago umupo sa gilid niya. Nasa gitna siya ng long table kaya lahat ng tingin nasa kaniya.
"Where's Xagred? Bakit ikaw ang nandito?" tanong niya.
"Well..." ike-kwento ko na sana sa kaniya ang nangyari pero naudlot nang bumukas ang pintuan at iniluwa no'n ang naka-formal attire na sobrang formal rin tignan ng itsura.
Tumayo si dad at sinalubong ng handshake iyong lalaki na agad ring tinanggap ang kamay ni dad.
When his gaze pointed at my direction, agad siyang ngumiti. Hindi gaya no'n na shameless siya kapag nakikita ako, ngayon, sobrang pormal niya na. He matures a lot.
Hinintay niya lang ang signal ni dad na umupo na dahil sisimulan na rin ang meeting maya-maya kaya doon lang siya nakalapit sa akin.
"Uh, hi?" awkward niyang ani at naglahad ng kamay.
Nagbigay ako ng tipid na ngiti bago tinanggap ang kamay niya, "Hi, Mr. Ostorio." sambit ko.
When he sat beside me, hindi agad siya nakipag-usap sa akin. Wow. He really changed a lot. Parang hindi na siya iyong Daryl na laging nangungulit sa akin no'n. He changed into a better him. That's good.
Ako na lang ang nag-open ng topic namin tutal for years, hindi kami nagkita.
"How are you na pala?" tanong ko.
Mukhang nagulat pa siya pero sumagot rin, "Ito, doing great. Busy sa business. How about you? I heard that you have your own art gallery now. Congrats." ngumiti siya.
"Yeah, thank you. And as you can see, I'm doing great rin naman." sagot ko.
He nodded, "How about your boyfriend? Kayo pa rin ba?"
Nagulat ako sa sagot niya, "Boyfriend? Which one?"
"Huh? The one you're dating about four years ago?" naguluhan rin siya.
"Ah... Matagal na kaming hiwalay..." I awkwardly answered. "Ikaw ba? May family ka na ba ngayon?" tanong ko.
Agad naman siyang umiling at tumawa pa, "No, no... Wala pa naman pero may... ah, nililigawan." muntik nang maging bulong ang huling sinabi niya.
Hindi ko naman napigilan ang matuwa dahil sa wakas, nagkaintindihan rin kami. I've had been harsh to him noon. Aminado naman ako do'n. Pero ngayon, nakalimutan ko na iyong mga nangyari. Past na rin iyon, eh. Hindi na dapat isipin pa.
Nagtaka ako nang lumipas ang sampung minuto na hindi pa rin nagsisimula ang meeting.
Akmang tatanungin ko na sana si dad na busy sa laptop niya nang bumukas ang pintuan at iniluwa no'n ang seryosong lalaking naka-office suit.
Iginala niya ang paningin sa paligid at nang magtama ang tingin namin ay agad siyang ngumisi. Tumindig agad ang mga balahibo sa katawan ko kaya nag-iwas na lang ako ng tingin. What is he doing here? At bitbit pa niya ang ngisi niya? He's annoying me.
Nagsimula ang meeting na lutang ako. Hindi ako makapag-concentrate sa mga sinasabi ni dad sa harapan naming lahat.
How can I concentrate when the deadly gorgeous guy in front of me was like piercing his eyes unto my soul. Sobrang nakakailang. As in.
Binalewala ko siya noong una pero nang makita ko sa peripheral vision ko ang pakipagpalitan niya ng titig sa katabi kong si Daryl ay hindi ko na napigilan ang suwayin siya.
"Mr. Cordova, please focus. Give the chairman some respect." seryosong sambit ko.
That I regretted.
Nakuha ko ang atensyon ng mga nakikinig kay dad. Pati na ang atensyon ni dad mismo ay nakuha ko.
"Ms. Gomez, would you mind suggesting what's the better idea among these two?" itinuro niya iyong nasa presentation niya.
Binasa ko na lang iyon at hindi na tumutol pa. Mahirap nang mapahiya.
Pagkatapos kong basahin ang nakasulat ay agad akong nagsalita.
"I suggests option number one. I preferred building the nursery beside the vegetables plantation than building it away from the plant itself. Mas convenient iyon kesa sa ikalawang option, right?" sagot ko.
Tumango si daddy at mukhang naimpress sa sagot ko pero maya-maya ay ngumisi.
"Good suggestion pero itong about sa new technology na pagme-merge ng ideas ng tatlong company ang hinihingan ko ng suhestiyon. Next time, stay on your toes. Focus." istrikto niyang sabi na nakapagpayuko sa akin.
Damn it. Kahit ayokong mapahiya, nangyari nga. And what's worse was Heeven's chuckled in front of me. Fuck.
Kaya hanggang matapos ang meeting ay saka pa lang ako umupo nang maayos.
"So, that was all for this week's board meeting. It's decided na automatic smart AI ang expected output nitong merge ng ideas ng tatlong company." dad wrapped up the meeting.
Nauna nang lumabas iyong mga board of directors. Hanggang sa kaming tatlo na lang ni Daryl at Heeven ang natira sa meeting room.
I stood up and fixed myself. Akmang lalabas na sana ako ng meeting room nang magsalita si Heeven.
"Ms. Gomez, we need to talk." aniya sa authoritative na tono.
Umirap ako at hinarap siya, "Mr. Cordova, tapos na ang meeting--" hindi niya ako pinatapos.
"Mr. Ostorio, pwede ka ng lumabas. May pag-uusapan lang kami ni Ms. Gomez." he stared at Daryl.
I gestured Daryl to stay pero agad siyang sumang-ayon kay Heeven.
"Ayoko na ng gulo, sorry." bulong niya sa akin bago tuluyang lumabas ng room.
Tinaasan ko ng kilay si Heeven at hahakbang na sana para umalis nang bigla niyang hinila ang palapulsuhan ko hanggang sa pinaupo niya ako sa pinakagitnang upuan kung saan nakaupo si daddy kanina.
Kumabog nang malakas ang dibdib ko at na-conscious ako bigla baka kasi naririnig niya o... ano?
"Nililigawan ka ba ni Daryl?"
Nagulat ako sa biglaan at dire-diretso niyang tanong.
"I thought this is about the meeting." nagdahilan pa ako.
He shook his head, "No. Now answer me." umayos siya ng tayo at nagkibit-balikat.
I didn't stopped myself from sneering at him.
"Ano ba ang pakialam mo, Mr. Cordova?" mataray kong sabi.
His brows furrowed, "I just want to know." seryoso pa rin siya.
Ano ba ang dahilan ng pagkakaganyan niya? Bakit kuryos siya sa amin ni Daryl? Hindi naman dapat, hindi ba? He has a girlfriend. Dapat wala na siyang pakialam sa ibang babae. Now, if he's playing with me... if this is a part of his game, I won't participate... I won't play with him.
"Bakit? Ano naman kung oo?"
Pumihit akong tumayo pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng pag-corner sa akin. Ang magkabilang braso niya ay nasa magkabilang-gilid ko na kaya hindi ako makawala.
Napaigtad ako nang maramdaman ang mabango at pamilyar niyang hininga malapit sa akin.
"Nagsisinungaling ka lang." patuloy pa rin siya sa pagseseryoso.
I calmed my heart. I calmed my feelings. Pinigilan ko ang sariling malusaw. Act proper, Fern. Niloloko ka lang niyan.
"Nagtatanong ka na nga lang, hindi pa maniniwala sa sinagot. Bahala ka." walang-pakialam kong sambit.
"Hindi ako naniniwala kasi alam kong hindi totoo."
Sinamaan ko siya ng tingin at pinagkibitan ng balikat.
"Bakit ka ba nagtanong in the first place kung iyan lang naman pala ang paniniwalaan mo? 'Wag mo ngang sinasayang ang oras ko!"
Umamba akong kumawala sa kaniya pero kusang napatigil ang buong sistema ko nang sumagot siya.
"I'm jealous!"
Malinaw pa sa tubig-dagat ang may riin niyang sinabi sa akin. Malakas pa yata sa kildat ang impact ng sinabi niya. Gaya ng nararamdaman ko noong mga panahong inosente pa ako sa lahat ng kasinungalingan niya, the feelings came back alive... along with the butterflies that I thought had died. Pero hindi... hindi pwede.
"You can't be jealous, Heeven. You have a girlfriend. Don't play with me. I am not willing to be your playmate this time." sabay tulak ko sa kaniya at tuluyan nang nakawala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top