Chapter 26
Chapter 26
You're Really Drunk
Kinalimutan ko na lang ang naramdaman ko no'ng nagkita ulit kami ni Heeven. That was just a malfunction. I know.
Mas naging busy ako sa pag-aasikaso ng Artiose. Hindi lang kasi iyong mga artworks na naka-display ang kailangan kong pagtuunan ng pansin.
Inutusan ko si Clara na gumawa ng association kung saan magvo-volunteer kami na turuan ang mga inspiring artists around Manila. Gusto ko sanang lahat kahit hindi taga-Manila ay turuan pero alam kong mahihirapan ang iba na pumunta dito sa layo ba naman ng lugar nila. Lalo na iyong mga taga-probinsiya.
"Madam, hinihintay ka na po nila." pagpapaalam ni Clara sa akin.
Tumayo na ako saka inayos ang pagkaka-tuck in ng black skinny jeans ko. T-shirt na kulay flesh lang ang suot ko ngayon pero iyong branded at pinaresan ko lang ng black skinny jeans then designer belt. I paired my attire with flesh stilletos.
Lumabas na ako ng room na pinagse-stayhan ko sa hotel kung saan ni-rent ko iyong buong fifth floor which is para talaga sa mga arts and anything to do with it.
"Good morning, everyone!" bati ko sa labing-dalawang artists na nakaupo sa kanila-kanilang upuan kaharap ang canvas na provided namin.
Tumayo sila at nagbigay-galang sa akin.
I gave them inspiring words bago idinistribute ang mga paints, pigments, at iba pang gamit sa arts.
Nagsimula na rin sila kalaunan.
"Kapag may tanong kayo, 'wag kayong mahihiya." sabi ko habang tinitignan ang ginagawa nila.
"Ma'am? Paano naman po kami hindi mahihiya, eh ang ganda-ganda niyo po." rinig kong ani ng isang binata.
Umiling agad ako, "Wala naman sa ganda iyon. Totoo. Kapag may tanong kayo, tanungin niyo ako o ang manager ko, si Clara." sabay turo ko kay Clara na nagdi-distribute pa rin ng mga gamit.
Nag-thumbs up siya sa akin bago kumaway sa mga artists. Kinawayan rin siya agad ng mga ito ay pagkatapos ay ipinagpatuloy ang ginagawa.
"May boyfriend na po ba kayo?" biglaang tanong ng babaeng teenager nang lumapit ako sa kaniya para turuan kung paano mas pagagandahin ang kulay ng painting niya.
Lumingon ako sa kaniya bago umiling.
"Talaga po? May kuya po ako, gwapo po iyon at malakas ang karisma. Hindi po kami mayaman pero sobrang sikap po no'n kaya ako nakapag-aral dito sa Manila sa tulong niya."
Nagulat ako sa biglaang pagke-kwento niya pero nakuha ng kwento niya ang atensyon ko.
"Saan ka nakatira kung ganoon?" tanong ko saka umupo sa sahig.
Napalingon siya sa ginawa ko at parang nagulat pa. Ngumiti na lang at hinintay ang sagot niya.
"Sa probinsya po. Sa Visayas." sagot niya at ngumiti.
Tumango-tango ako, "You're lucky, then kasi may kuya kang gano'n." sambit ko sabay kuha ng ash colored paint. I handed the pain to her. "Ito gamitin mo bilang pang-shadow." sabi ko saka tumayo na.
"So... Ano po? Interesado po kayo sa kuya ko?" pahabol niyang tanong nang akmang tutungo na sana ako sa katabi niyang lalaking teenager.
I immediately shook my head before giving her a sly smile. Bumuntong-hininga na lang siya at ipinagpatuloy na ang pagpipinta.
If I will just receive heartaches from loving a person, then I would rather not love... anyone.
Madaling natapos ang araw na iyon. Nagpaalam na sila isa-isa sa akin at nagpasalamat. They thanked me tons of times for I volunteered to gave them free lessons to enhance their painting skills.
Sinagot ko lang sila na hindi na dapat magpasalamat at ako dapat ang magpasalamat kasi dahil sa kanila, makakapag-inspire ako ng mga katulad nila.
It wasn't just a day session. It's for a week. Kaya isang linggo akong busy at hapon na lang nakakabisita sa Artiose. Though nandoon naman si Nikko. Iyong artists na nakilala ko almost four years ago na. Nagkita kami sa café no'n kasi doon ko siya in-interview. Siya ang nagga-guide sa mga bagong recruit ko pa lang na mga artists.
"Pagod na po kayo, Madam?" tanong ni Clara sa akin nang inutusan ko siyang kunin ang neck patch ko.
Umiling ako, "Not that tired. Pero medyo sumasakit leeg ko." sagot ko.
"Siguro dahil sa sobrang hard wood in niyo iyan, Madam."
Kumunot ang noo ko, "Hard wood in? You mean hardworking, right?" pumikit ako at hinilot ang leeg ko.
"Opo! Iyon nga po," sabay hagikhik niya pa.
Tumango na lang ako. Hindi ko inakalang ang simpleng pagpikit ko ng mga mata ay makakatulog na pala. Hindi lang ako magigising if it weren't for my phone's vibration.
Puyat ko iyong sinagot.
"Who's this?" I whispered.
Hindi ko alam kung narinig iyon ng caller pero nang sumagot siya ay alam kong narinig niya nga.
"Fern! It's me, Lancy! Where are you na? I told you na six PM sharp magsisimula ang program ng opening ng club namin ni Jared! It's almost six! What are you doing!?"
Nagulantang ako. Kusang nanlaki ang mga mata ko nang maalala na ngayong gabi pala ang opening ng club nina Jared. OMG!
Agad kong kinuha ang purse ko sa ibabaw ng mini cabinet saka lumabas na ng hotel room na iyon.
"Oo na. Wait! Papunta na ako! Shit! Nakatulog kasi ako. Sorry!" natataranta kong sambit habang tinatahak ang elevator.
"Dapat lang, Ms. Gomez. May dapat ka pang ipaliwanag sa akin kaya dalian mo. Nandito na lahat-lahat ng kaibigan ko, ikaw na lang kulang. Kapag na-late ka ng kahit na isang minuto, bawal ka nang pumasok." sunod-sunod niyang sambit bago pinatay ang tawag.
Hindi ko napigilan ang umirap. Over acting naman no'n! Imbes na kakapanganak pa lang sa pangalawang anak nila ni Jared kaya ganiyan, eh. Oh, it was months ago pa pala. Hindi ko man lang namalayan na ang bilis-bilis ng oras.
Ti-next ko si Clara na siya na muna bahala sa hotel room ko. Babalik naman ako pagkatapos kong pumunta sa club nina Lancy para magcheck-out.
I raced-walked the distance of the exit of the hotel and the parking lot. Darn it. Bakit ba kasi hindi ako ginising ni Clara? Oh, yes. She didn't know that I have to go in an important event. I can't blame her. I should blame myself.
Habang pinapangaralan ko ang sarili sa katangahan ay biglang tumawag si Axelius sa gitna ng pagmamaneho ko.
"Yes, baby?" sagot ko.
"Theon's crying, ate. He's looking for you. He keeps asking me why you didn't gone home since yesterday." aniya.
Nagkagat ako ng labi bago binago ang daang tinatahak.
Right. I didn't go home yesterday because I was too tired to come home. Nag-over time kaming lahat kahapon, eh. Pati iyong mga artists ay ganoon rin.
Binilin ko naman si Theon kay mommy kasi hindi siya pumasok kahapon. Masakit raw ang ulo at si Theon lang raw ang makakapagpagaling sa kaniya. Ang kakulitan raw ng bata mismo. I can't blame her though. Even if Theon's acted matured sometimes, he could get naughty in a second.
I immediately pushed the bell of our gate. Nandoon na si Axelius habang nasa tabi si Theon na naka-denim jumpsuit na.
Lumabas ako ng kotse bago binuksan ang passengers' seat.
Napangiti ako nang maramdaman ang mahigpit na yakap ni Theon sa baywang ko. Yumuko ako bago ginulo ang buhok niya.
"Did you missed me, baby?" sabay ngiti ko.
He pouted before nodding. Pinisil ko ang pisngi niya bago pinapasok sa loob ng sasakyan. Nang masiguradong maayos na ang pagkaka-seatbelt ko sa kaniya ay agad kong tinignan si Axelius.
"Thank you, baby brother." I smiled before hugging him.
He didn't hugged back kaya naman napairap ako at pinisil ang pisngi niya.
Ngumiwi siya, "Si Theon na lang lagi ang isinasama mo." matutunugan ang tampo sa boses niya.
Minsan lang siya mag-tagalog kaya masarap pakinggan ang pananalita niya. Iyong hindi lang sana nagtatampo.
Umismid ako bago siya pinagkibitan ng balikat, "Sasama ka ba kapag pinasama kita? No, right? I remember that one time when some other girl approached you when supposedly we'd date in your favorite restaurant. Then, you changed your mind instantly." pagpapaalala ko sa kaniya sa ginawa niya.
Iniwas niya ang paningin sa akin bago nagkibit-balikat, "T-That was because I promised to taught her basketball." pagpapalusot niya pa.
"Oh, talaga?" I sarcastically said. "Ikaw, ah. You're just seventeen. No girlfriend. Wait until you'd turn twenty-one. That's the legal age for you." sambit ko saka pumasok na sa sasakyan.
I waved my hands at him bago pinaandar ang sasakyan.
Kahit gusto kong bilisan ang pagmamaneho ay hindi ko ginawa kasi safety first at ayokong ipahamak si Theon. Tumawag na lang ako kay Lancy na medyo male-late ako kasi traffic. That was my only excuse, though. She tsked pero naintindihan rin naman ako.
Kaya nang makarating na sa club nila ay agad kaming pumasok ni Theon doon. Okay naman magdala ng bata kasi opening pa tsaka alam kong nasa loob rin si Jashione at ang kapatid niyang lalaki na si Lourvant.
Hinanap ko agad si Lancy. Kinawayan niya ako kaya lumapit na kami doon ni Theon.
Nasa malaki at mahabang table siya na purple-designed. Nasa likuran niya si Jared na nakahawak sa baywang niya habang nakikipag-usap sa kakilala nila. Medyo familiar din iyon, eh. Hindi ko lang matandaan kung ano ang pangalan basta sigurado akong nasa showbiz siya.
"Ang tagal mo!" salubong niya sa akin at tinanggal muna ang kamay ni Jared sa baywang niya para salubungin ako.
"Sorry." sambit ko sabay beso sa kaniya.
"Ilang sorry ba iyan?" mataray niyang ani saka napatingin sa kasama ko. "Hi, baby Theon. Come on, give tita a kiss." sambit niya na agad namang ginawa ng bata.
"How many should I supposed to say?" I creased my brows.
She hissed, "Three." aniya.
"Okay. I'm sorry for being late. I'm sorry for not bringing a gift kasi yeah, nakatulog nga ako. Then, sorry for..." I lost of words.
"Sorry for?" aniya.
Mas nangunot ang noo ko, "Hindi ba nasabi ko naman na iyong mga nagawa ko? Para saan iyong pangatlong sorry?" naguguluhan na ako.
Pinanliitan niya ako ng mga mata. Wala naman akong magawa kasi hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Tinitigan niya si Theon bago itinuro sina Jashione at Lourvant na binabantayan ni Honeylyn. Oh, she's here? Of course. She's Lancy's manager.
"Can you go there muna, Theon? Mag-uusap lang kami ng tita mo, okay?" mahinahong sambit niya sa bata na tumango rin agad.
"Wow, you really know how to handle kids gently." I was amazed.
Pero imbes na matuwa sa compliment ko sa kaniya, inirapan niya pa ako. Tinampal niya ang balikat ko saka binaba ang off-shoulder dress ko para maging off-shoulder talaga siya.
"Gano'n ka na ba ka-busy sa pinsan ko para makalimutan mong ibaba ang off-shoulder ng damit mo?"
Natigilan ako sa sinabi niya. I lost our of words again. I don't know what to say to her. Hindi ko rin alam paano niya nalaman o kanino. Will she get angry at me for not telling her the truth about her cousin's and my past? Will she?
Just when I thought that she would get angry, she chuckled.
"Akala mo hindi ko malalaman, right? Well, Heeven told me so. Noong kasal namin ni Jared." sambit pa niya.
I bit my lower lip, "H-Hindi ka galit?"
"Ba't naman ako magagalit? I understand you." she smiled.
"Really?" hindi pa rin ako makapaniwala.
She gently slammed my arm bago tumango, "Oo nga. Pero may tanong lang ako. What do you like about Heeven? Hanggang ngayon ba kayo pa rin? Hindi ka ba nagsasawa sa ugali--" hindi ko siya pinatapos.
"We broke up three years ago, Lancy." and I didn't just liked him, I loved him because he manipulated me. That jerk...
Hindi na ulit nagsalita si Lancy. Hinayaan niya na lang akong tumahimik hanggang sa makaupo na ako sa couch katabi nina Theon. Tahimik lang ako doon. Hindi ko alam bakit pero nanlumo na lang ako bigla. Mas lumala pa nga no'ng biglang may dumating na lalaki at babaeng sobrang pamilyar.
It was him... and his girl. The one I saw in front of the café. The girl was wearing an elegant blue dress with a smile on her face. Si Heeven naman ay iginagala ang paningin sa paligid kaya bago pa man kami magkatitigan, nakipagtitigan na lang ako sa mesa na nasa harap ko.
Ngumisi ako. I thought he don't do commitments? Bakit parang hindi naman? They seemed like a real couple. At bagay na bagay. A gorgeous man paired with an elegant girl. Oh, they're damn compatible. Matangkad, maputi at makinis, saka maganda. His ideal type.
Kumuha ako ng isang shot ng alak na nakalapag sa table. One shot won't hurt, right? It won't.
Don't do commitments, huh? Ano pala sila? Bakit parang sila? Bakit sila magkasama kung ganoon, hindi ba? Maybe they're just friends? Oh, come on. Friends? May kaibigan bang ganyan? Iyang magkasama? Laging nakasunod? Ang intimate? Darn.
"Are you drunk?"
Muntik na akong mapatayo sa gulat nang biglaang lumitaw sa gilid ko si Heeven. Bitbit ang ngisi niyang mala-demonyo.
My gazed turned into the empty glasses on the table in front of me. Shit. Hindi ko namalayang andami ko nang nainom. Darn it. Kaya pala nakakaramdam na ako ng hilo. Damn!
"Why are you drinking?" sambit niya at tumabi sa akin.
Inismiran ko siya at mahinang itinulak palayo sa akin. Masyado siyang malapit. Nakakainis.
"Don't come any closer. Your girlfriend might see us." sumulyap pa ako sa paligid para tignan ang girlfriend niya.
"Girlfriend? I told you. I don't do commitments." walang paki niyang sagot.
Nilingon ko siya at inismiran, "Commitments, tss... Liar. Then how about your exes, huh? I'm sure marami kang naging ex lalo na sa loob ng tatlong taon na hindi natin pagkikita." diretso kong ani.
Nagkunot siya ng noo, "Exes? I only have an ex." ngumisi pa talaga siya.
"Ex? As if. Umalis ka na nga! Ayoko nang makita ang mukha mo!"
Itinulak ko ulit siya. Pero hindi siya nagpatinag.
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na tumutulak sa kaniya bago mas lumaki ang ngisi, "Mukha ko o ni Fiona?"
Fiona? I'm sure it's his girl.
"Both of you! Now, leave me alone." inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin.
Tamad kong itinungo ang ulo sa mesa. Papikit-pikit na ang mga mata ko pero pinigilan kong matulog. I gazed at the opposite side where I won't be able to see his face. Naiinis na talaga ako sa kaniya. Bakit ba siya nandito? Asan na ba iyong girlfriend niya?
"Damn, woman. You are really drunk." iyon ang narinig ko bago mawalan ng ulirat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top