Chapter 25
Chapter 25
Habol Nang Habol
"Clara,"
Agad rin namang lumapit sa akin si Clara nang tawagin ko siya. Nararamdaman ko pa rin ang mga titig ni Heeven kaya kailangan ko nang tumakas.
Hindi naman sa takot ako o ano pero kapag nakikita ko siya, naiinis lang ako. Naaalala ko lang iyong ginawa niya sa akin. I have moved on pero hindi ko naman mapigilan ang mainis lalo na ngayong after three years ay nagpakita siya ulit na para bang walang kasalanang ginawa sa akin. Tsk.
"Yes, Madam?" aniya.
"Ikaw na magsara ng Artiose. Kailangan ko nang umalis dito." sabi ko sa kaniya.
Naguguluhan man siguro pero pumayag na rin siya. Isinuot ko ang seatbelt sa katawan ni Theon bago sinuklayan ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. He smiled and it showed his dimple.
"We will go home na, Mommy?" tanong niya at hinawakan ang pisngi ko.
"Bakit? May gusto ka bang puntahan?" sambit ko sabay ngiti.
He nodded, "I want to eat vanilla cake." aniya at mas lumawak ang ngiti.
I immediately nod at him bago isinara ang pinto at umikot agad sa driver's seat. Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakapag-lunch. Sino ba naman ang makakaalalang kumain kung ang papansin na tibok ng puso ko kanina noong hinalikan niya ako ay nakakagulo lang.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago pinaandar ang makina ng kotse ko.
Ginawa ko ang lahat para iwasan ng tingin ang banda kung saan nakatayo si Heeven at patuloy akong sinusundan ng tingin. Nang malagpasan na siya ng sasakyan ko ay doon lang ako napahinga nang maluwag. God! Bakit ba kasi tingin siya nang tingin? Ano ang kailangan niya? He should have gone home kasi nakuha na niya ang gusto niya, eh. What's his damn problem?
While riding the car, napapasilip rin ako sa sideview mirror para tignan kung sumunod ba siya at buti na lang hindi.
After a while ay inihinto ko ang kotse sa harap ng bagong tayong café. I heard na marami raw ang mapipilian dito na mga coffeés and side desserts like ice cream cakes. I haven't visited cafés for months since I have been busy taking care of Theon and at the same time, taking care of Artiose. Kaya masaya ako na ngayong may muwang na ang bata ay gumagaan na rin ang schedule ko.
"Welcome, ma'am!" bungad ng front end associate sa amin nang nakangiti.
Nginitian ko siya at pumasok na. Hawak-hawak ni Theon ang kamay ko at kahit na nakahanap na kami ng vacant table ay hindi pa rin siya bumibitaw.
Pagkaupo namin sa seats ay may lumapit agad na waitress at nagbigay ng menu sa amin. Gamit ang isang kamay ay tinanggap ko iyon at naghanap ng magandang order.
My eyes stopped by the sight of mint frappé. Agad ko iyong itinuro sa waitress saka tumingin kay Theon.
"How about you, baby?" I gently asked.
He flipped the pages of the menu I was holding and when it stops, itinuro niya ang isang slice ng vanilla cake. Tumango agad ako at hinarap na ang waitress.
"One mint frappé, two slice of vanilla cake, and one banana milk tea." sambit ko.
Aalis na sana iyong waitress nang magsalita si Theon, "Mom, I want chocolate flavor of milk tea." aniya at ngumuso.
Tumingin sa akin ang waitress para tanungin kung iyon ba ang susundin niya or hindi. Inilingan ko siya kaya tumango na lang siya at umalis na para ibigay sa barista ang order namin.
Nang binalingan ko ng tingin ang kaharap ko ay nadatnan ko ang nakanguso niyang labi. Unti-unti niya ring binitawan ang kamay ko at tumungo sa mesa. Agad akong nagkunot ng noo sa akto niya pero hindi dahil naguguluhan ako kun'di dahil parang nagtatampo siya.
"Hey, baby... What's wrong?" I gently asked him.
Medyo matagal niya akong sinagot, "I like chocolate flavor yet you won't allow me." sambit niya na matutunugan ang pagtatampo.
Wala sa sarili akong napaismid. This little guy. Ang tigas ng ulo. Hindi sa allergic siya sa chocolates pero one time noong two years old siya ay namula at namantal ang ilang bahagi ng katawan niya kaya wala na akong planong pakainin pa siya ng kahit anong chocolate flavors.
Pero minsan, tumitigas talaga ang ulo. Mana talaga siya kay kuya. Matigas rin kasi ang ulo ng Xagred na iyon, eh. No'ng bata pa raw kami, lagi siyang pinapagalitan ni mommy at daddy kasi kahit na ayaw siyang payagang umalis ay umaalis talaga. Makikipaglaro lang naman pala sa mga kaibigan niya. What did I expect? Like father, like son.
Agad kong kinain ang vanilla cake ko nang dumating ang order namin. God, I really am hungry. I took a sip from my mint frappé.
It only took me about three minutes to finish my order.
Binalingan ko ng tingin si Theon na hindi pa kumakalahati ang kinakaing cake at iyong milk tea ay wala pang bawas. Umismid ako bago nagsalita.
"Theon, dalian mo na diyan. 'Wag na matigas ang ulo. Magagalit si kuya Xagred, sige." ani ko at nagkibit-balikat.
Sinulyapan niya agad ako nang banggitin ko ang daddy niya. Agad niya namang inubos ang pagkain niya pero nang hindi na niya kayang ubusin ang milk tea ay ako na ang uminom no'n.
Hinihintay ko na lang ang waiter para makahingi ng bill nang mapatingin ako sa table na nasa gilid ko.
Literal na nanlaki ang mga mata ko nang makita si Heeven na nakahalukipkip habang seryosong nakatingin sa akin. What is he doing here?
"Mommy, I'm going to wash my hand."
Binalingan ko agad ng tingin si Theon, "O-Okay, let's go." sambit ko at tatayo na sana nang agad siyang umiling.
"I can do it on my own, Mom. Promise, I'll just wash my hand." aniya at itinaas ang palad sa ere.
Wala na akong nagawa kun'di ang pumayag. Tinititigan ko siyang lumalayo when someone blocked the view and as expected, it's him.
"What do you need? Kanina ka pa habol nang habol ng tingin at pati ba naman dito ay hahabulin mo kami." I said in a monotone.
Mas sumeryoso lang ang ekspresyon niya, "If he's not my son, kanino?"
So that was his intention. Hindi agad ako nakasagot. Imbes na ipakita sa kaniya na naguguluhan at kinakabahan ako sa isasagot sa kaniya ay hindi ko ipinahalata iyon. I fake a smile before changing the topic.
"Ano ang gagawin mo sa mga artworks na binili mo?" tanong ko.
Kumunot agad ang noo niya. Hindi makapaniwala sa pag-iba ko ng topic. I really don't want to talk about Theon now pero andito siya at tinatanong sa akin kung kanino siya anak. Bakit ba gustong-gusto niyang malaman? It's not like may ugnayan pa kami sa isa't-isa.
Inilabas ko ang cellphone at hinanap agad ang contacts. I texted Axelius to stopped by in the café to take a look at Theon and a second paased by, nagreply agad siya.
From: My Axelius
Coming, ate.
Binalik ko na rin agad sa sling bag ko ang phone saka hinarap si Heeven.
"'Wag mong ibahin ang usapan. Anak ba natin siya?"
Muntik na akong matawa nang dahil sa sinabi niya.
"Ano ba ang ibig mong sabihin?" sambit ko, napapangisi na.
Itinukod niya sa mesa ang siko saka hinawakan ang panga niyang nang-iigting na, "Look, we made love three years ago and I might have impregnated you that time so, I am thinking that he's my son--"
Napairap ako sa hangin. Hindi ko na siya pinansin. I paid our order and after that, sinalubong ko na si Theon saka dumiretso agad kami sa parking lot nang makauwi na pero hindi ko namalayan na sunod pa rin nang sunod si Heeven sa akin.
At first, hindi ko na lang siya pinansin kasi pagod ako at ayokong makipag-usap pa sa kaniya. Naiinis lang ako. Ano ba ang pinagsasasabi niya? Did he forgot that he used condom that time? Because I told him so. Alam kong alam niya iyon pero nagdo-doubt pa rin siya. Panigurado. Hindi iyon matatahimik hangga't hindi nalalaman ang totoo. Well, he should asked his best friend, my brother. Ngayon pa nga lang ulit kami nagkita tas ganiyan na siya.
Pagkarating ko sa parking lot ay nandoon na si Axelius, naghihintay.
"What's the problem, ate?" aniya at sinalubong si Theon.
Umiling na lang ako at pinapasok na sila sa sasakyan.
Agad kong hinanap si Heeven sa likuran ko. Napahinga naman ako nang maluwag nang hindi ko na siya makita. Just when I thought he already left, the same time when I heard a woman's voice from behind.
"Heeven!"
Kunot-noo kong nilingon ang babae. It was an attractive girl with an angelic eyes and almost perfect face proportion. She was wearing a simple pink dress but that just made her looked magnanimous. Makinis at maputi ang balat niya at halatang mayaman siya.
Bumaling ang tingin ko sa kaharap kong si Heeven na nasa gilid ko lang pala, nakatingin sa akin nang seryoso.
He pursed his lips before turning away. Hinarap niya iyong babae at nilapitan. I smirked. New girl again? People never changed, huh. The same playboy. The same manipulative jerk.
"Bakit ka ba sunod nang sunod?" I heard him asked the woman.
Ayoko mang makinig pero hindi ko mapigilan ang ma-curious. Kay gandang babae pero napapaikot lang ni Heeven. Oh, oo nga pala. I was trapped too. Napaikot niya rin ako noon. Why am I thinking about this?
Nagkibit ng balikat iyong babae at ngumiti nang pagkatamis-tamis bago ipinulupot ang kamay sa braso ni Heeven.
Nagulantang si Heeven doon, alam ko. Pero mas nagulantang ako nang maramdaman kong parang nanlulumo ang katawan ko. Parang may nararamdaman na naman akong kakaiba... that I felt three years ago. Pero hindi... hindi... wala lang ito. This is nothing.
Tumalikod na ako pero hindi pa nakakalimang hakbang nang mapatigil ulit.
"You promised me na we'll watch the meteor shower tonight, right? I heard na may posibilidad na mas mapaaga iyon! Let's go na!" she sounded so jolly.
Hindi na ako nakarinig pa ng sagot. Binalingan ko ng tingin ang banda nila and with that, Heeven left with her without any words... without any hesitations... without any doubt.
Ngumisi ako at mahinang sinampal ang dibdib ko. What's wrong with you? Ano na naman ang nararamdaman mo? Ano na naman ang problema mo? Akala ko ba nasaktan ka na? Bakit nagpapakita ka na naman ng motibo? Sobrang labo mo naman. 'Wag na nating aksayahin ang oras at atensiyon sa lalaking iyon. He's nothing.
Pero kahit anong pangaral ko sa nararamdaman ko, mas nanaig ang panlulumo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top