Chapter 24

Kabanata 24

Didn't Came From Me



Taking care of a child was never easy. I must admit. Twenty-four seven akong nakabantay kay Theon no'ng sanggol pa siya. I never had experienced in taking care a child before but I've got used to it since ako lang ang tanging makakapag-alaga sa pamangkin ko.



"Sandali lang..." mahinang sambit ko nang magising isang gabi si Theon.


Gaya ng ibang sanggol, he cried. Dalawa lang ang ibig sabihin kapag umiiyak siya. Either he's hungry or his diaper is already full.

Bumangon ako sa kama ko at agad na nilapitan ang crib niya na nasa gilid lang ng kama ko.

"Sshh... Tita's here na..." malumanay kong sambit.


He stopped crying when I touched his fingers. Napangiti ako at saka sinilip ang diaper niya kung puno na ba pero nang makitang hindi pa ay dumiretso na ako sa mini table ko saka nagtimpla ng gatas niya.

Binilisan ko ang pagtimpla kaya agad akong natapos. Binuhat ko siya saka umupo sa kama ko. Agad ko ring itinapat sa bibig niya ang gatas na iinumin.


I stared at him while he's sipping on his milk. I felt bad for him... Hindi niya man lang naranasan ang uminom ng gatas ng nanay niya. Lagi na lang artificial milk ang iniinom niya. We had no choice. It's not like some random woman would give him the milk he wanted. Darn, Margaux.



"You're done na? Let's sleep na ulit, okay?" sambit ko saka tumayo na.

I softly moved my body to make him sleep. Yinuyugyog ko lang siya lagi kapag alam kong kailangan na niyang matulog and in an instant, makakatulog agad siya. Doon pa lang ako nakakapagpahinga.

It was really never easy pero kinaya ko para sa kaniya. Kinaya niya nga na artificial milk lang ang iniinom, ako pa kaya na may muwang na at marami nang napagdaanan? Hinding-hindi ako susuko sa kaniya... kahit na mapagod man ako.


I was the one who witnessed him grow. I was the one who have got to see his first tooth then his first toothache. His first laugh. His first aggressive cry. His first pain. His first fever. Lahat ng importante at hindi, ako ang unang nakasaksi.


It was one fine day when he was two years old nang bigla kong marinig ang iyak niya.

Nasa kwarto lang kami no'n. Ako, nagbo-browse ng internet for unique ideas sa designs ng isang gallery. Siya, naglalaro lang ng miniatures ng mga superhero.

Agad akong tumakbo palapit sa kaniya at hinawakan ang noo niya.

"Darn. You've got a fever!"

Nataranta agad ako at kinuha ang purse ko sa gilid. Naiwan ko pa ang cellphone ko dahil sa pagmamadali. I asked for our family driver's help para kargahin si Theon nang dahan-dahan kasi kapag ako pa ang kumarga sa kaniya, baka mahulog siya sa sobrang panic ko.

Isinuot ko ang seatbelt sa kaniya saka tinitigan siya sa mga mata. Hinawakan ko ang pisngi niya at binigyan ng isang ngiti.


"You'll be fine, okay? You need to." sambit ko at nagkagat ng labi nang maramdaman ang panlalabo ng mga mata.


Mas natakot ako nang pagkarating namin sa pinakamalapit na ospital, nang akmang kakargahin ko na siya ay naramdaman ko ang pagtaas ng lagnat niya.



"Oh, no... Baby, nandito na tayo sa ospital. Hang in there, okay?" kagat-kagat ko ang labi habang bumabagsak ang mga luha sa mga mata sa sobrang kaba.


Inayos ko ang buhok niya. When I finally unbuckled his seatbelt ay agad ko siyang kinarga. I tried to stay calm para man lang hindi siya mahulog in case na manginig ako.

Damn it! Bakit ba kasi hindi ko alam na nilalagnat pala siya? Napansin ko kanina pa na matamlay siya pero kapag tinatanong ko siya, ngingitian niya lang ako kaya akala ko okay lang siya. Iyon pala may lagnat na. Shit! Curse myself! Hindi ko man lang namalayan! Hindi ko man lang inalam!


That day was just one of those days whenI felt I am not qualified to be his guardian. Feeling ko hindi ko siya deserve. I felt like a stupid trying hard woman who wanted to be his guardian. Pero dahil sa kagustuhan kong iyon, napapabayaan ko na siya minsan and I hate myself for that.


When finally, napagdesisyunan ko nang makipagkita sa isang interior designer para makahingi ng payo sa design ng art gallery ko, biglang may unregistered number na tumawag sa akin.



"Uh... Hello?" sambit ko.

"Ma'am, kayo po ba ang guardian angel ni Theon Viken Gomez?" it was a woman.


Kumunot ang noo ko sa dalawang words na sinabi niya pero hindi ko na lang iyon pinansin. Dinapuan agad ako ng kaba nang marinig ang pangalan ni Theon.



"Yes. Ako nga, bakit? May problema ba?" tanong ko, hindi pinahalatang kabang-kaba na.

"Nandito po kasi siya sa ospital, eh. May kaunting sugat sa tuhod."



Napahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ng caller. Mabuti na lang at maliit na sugat lang dahil kapag nagkataon ay hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari na sa kaniya. Hindi ko hahayaang may mangyari na naman sa kaniya.

Kaya I didn't wait for the interior designer. I immediately rushed into the hospital where Theon was. Madali lang akong nakarating kaya agad ko siyang nahanap. Nadatnan ko ang unfamiliar na babaeng nakaupo sa tabi ni Theon. Nakikipag-usap siya sa pamangkin ko pero tanging tango lang at iling lang ang isinagot ng bata.


Nang mapansin ako ng babae ay agaran siyang tumayo saka nilapitan ako.

May salamin siya sa mga mata at medyo kaedad ko lang siguro siya o mas bata pa. She's pretty rin at halatang mabait.



"Madam, ako po pala si Clara. Ako po iyong tumawag sa inyo kanina." aniya na halatang nahihiya.

I nodded, "Ah... Ikaw pala iyon. Thank you for taking care of him." sambit ko at nginitian siya.

Napakamot siya sa ulo bago tinitigan si Theon, "Ang talinong bata po ng anak niyo, Madam. Memorize po iyong number niyo pati na address ng bahay niyo. Tsaka ang gwapo pa po, oh. Ang ganda rin tignan ng dimple sa kanang pisngi niya. If I want just have a sons soon, gusto kong kamukha niya! Superhero handsome!"

Kahit na naguguluhan sa huling pangungusap niya ay wala sa sarili akong napangiti. Weird lang siguro ang english niya.

"Sigurado iyon, Clara." sagot ko sa kaniya.


Binalingan niya ako ng tingin bago tumango-tango ng ilang beses. Pagkatapos niyang magpaalam ay agad rin siyang umalis. Doon pa lang ako napatingin kay Theon.

He was seating in the hospital bed while looking at his bruise in his left knee. Halatang hindi ako kayang tignan kasi sigurado siyang papagalitan ko siya. It happened once. Nagkasugat siya kasi takbo nang takbo kaya pinagalitan ko rin. That was the moment I heard his aggressive cry.

Umismid ako bago naglakad palapit sa direksyon niya.


"It hurts, right? Sure. Masakit talaga kapag nagkasugat sa tuhod." sambit ko.

Tumingala siya at agad na namuo ang mga luha sa mga mata. Unti-unti ring ngumuso ang mga labi niya. Nagkunot ako ng noo at magtatanong na sana nang bigla niyang isiniksik ang ulo sa tiyan ko. I was stunned. Pero that made me smile.


His first ashamed cry... Ako rin ang unang nakasaksi at nakarinig. And I was more grateful with that because all along, ako ang unang taong nakakasaksi sa mga bagong bagay o ekspresyon na itinataglay niya.

Pagkatapos kong magbayad ng hospital bill ay agad na kaming umalis doon.


"Where are we going, Mommy?" tanong niya nang lumiko ako ng daanan.

Sinulyapan ko siya sa rearview mirror saka nginitian.

"You left your tito Axelius in the mall, remember? I'm sure he's worried now. Pupuntahan natin siya." I gently told him.


He didn't gave an answer. He just simply nod. Maya-maya rin ay nakarating na kami sa Beleary Mall. Tinanggal ko agad ang seatbelt sa katawan ko saka lumabas na ng sasakyan ko. Pagkabukas ko ng pinto ng passenger's seat ay napatigil ako nang makitang tulog na tulog na siya.

I bit my lower lip bago dahan-dahang tinanggal ang seatbelt sa katawan niya. Inabot ko muna iyong cellphone ko bago siya pinahiga sa buong seat sa likod.

Ginawa kong unan niya ang hita ko para makatulog siya nang maayos.

I had no choice but to text Axelius na pumunta sa parking lot ng Beleary Mall. He didn't replied but a minute had passed, I saw him walking towards my car.

Nang kumatok siya sa bintana ng passenger's seat ay agad kong ibinaba ang salamin no'n. Nadatnan ko ang parang kinakabahan niyang ekspresyon na tila may nagawa siyang mali at nagdadalawang-isip pa kung sasabihin niya sa akin o hindi. But in the end, he told me.



"Si Theon kasi... n-nawawala. He was just by my side earlier but when I left him in front of the boutique to pee and after that, wala na akong makitang-- Wait, is that Theon?" naguguluhan niyang sambit nang makitang nakahiga na ang pamangkin niya sa hita ko.

I crunched my nose bago pinisil ang ilong ng kapatid ko, "Oh, you attractive little guy." sambit ko at ngumiti bago siya binitawan.

Sinimangutan niya ako, "I'm not a little guy anymore, ate. I'm seventeen." he sarcastically said as if I don't know his age.

I scoffed, "But that doesn't mean na big ka na. You're still my baby brother kaya."


I tried to reached for his face para sana pisilin iyon nang lumayo agad siya at mas sumimangot pa.



"Tss... Ever since Theon came, he became your baby." aniya at mas ngumuso pa nga.

Hindi ko napigilan ang mapahagikhik sa akto niya. Nagkunot siya ng noo bago umikot papunta sa front seat. Nang makapasok na siya ay agad akong lumapit sa kaniya at hinalikan ang ulo niya.

"Oh, you childish. Of course both of you are my babies. Ikaw baby brother, siya, baby nephew." sambit ko pa.


He just scoffed and ignored me pero nakita ko sa rearview mirror ang pagngiti niya. I just smiled. I remember when he was the one who didn't knew what was happening and why didn't I talked to our parents and kuya those hard days of my life.

One fine night when I was storytelling to Theon who was hugging my waist. He was wearing his pajamas with his sleepy eyes when he suddenly asked me about the question I have been practicing to answer once he'll asks me about it and now... that's happening.


"Mom... Who's my father?" inosenteng tanong niya at sinulyapan ako.


I stopped reading the story as I was stunned. He's just two years old and yet he's curious about his father... I expected that he wouldn't asked me about his father unless he turned ten pero mas napaaga ang pag-amin ko sa kaniya. Well, mas mabuti na rin siguro.

Kaya I didn't hesitated to tell him everything from the start... Of course, I won't include what Margaux did. Hindi ko siya binanggit sa bata. Ang sinabi ko lang ay umalis ang totoong mommy niya for her dreams and I never included her name.

Alam naman ni Theon na hindi talaga ako ang mommy niya pero kahit na gano'n, tinatawag niya pa rin akong 'mommy' at tinuturing na ako talaga ang nagluwal sa kaniya.

Pero hindi naging madali ang pag-amin ko. Kaya hindi na rin ako nagtaka nang mas dumami ang tanong niya. He asked about why did kuya never called him 'his son' and why he didn't came along with him when kuya moved out of our house.

Yeah, he moved out three years ago pero malapit lang naman iyong condo na tinitirhan niya ngayon. And I wouldn't say he didn't care about his son kasi siya iyong nagproseso ng lahat ng important documents ni Theon and he even supported his son financially. I know he cared for his son pero hindi niya lang ipinapakita at alam kong kaya siya umalis ng bahay kasi ayaw niyang maattach sa bata kasi hindi niya alam ang sasabihin kapag nagtanong ito tungkol kay Margaux. Hindi naman ako galit sa kaniya o ano. I understand my brother. Hindi ko lang napigilan ang maawa kay Theon dahil sobrang komplikado ng buhay ng totoong mga magulang niya.

Marami pa akong pinagdaanan na hindi maganda habang inaalagaan si Theon pero wala akong pinagsisihan sa lahat-lahat. In fact, I was thankful to my self that I did carry the responsibility in raising him. I understand life more.


"There are arts and paintings?"


I smiled at him. Pumunta kami no'n sa isang art center para mag-volunteer na tumulong sa mga aspired artists. Wala rin kasi akong ginagawa no'n kaya nag-volunteer ako.

I carried him with me because I didn't trust him to behave like he promised kasi maya-maya ay susuway lang. Baka maulit pa iyong nangyari no'ng iniwan niya si Axelius sa mall at dinala siya ni Clara sa ospital.


Speaking of Clara... Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang pamilyar na likuran ng babaeng nagtuturo sa isang bata tungkol sa pangalan ng kulay ng pintura.



"Clara?" sabi ko at hindi nga ako nagkamali, it was her.

"Madam! Ano po ang ginagawa niyo dito?" aniya at nang mapatingin sa gilid ko ay nag-wave agad siya. "Hi, baby boy! Theon, right? Naaalala mo pa ba ako?" tinuro niya ang sarili niya.


Tiningala siya ng bata bago umiling. Napasimangot naman doon si Clara pero nginitian agad ako.


"I didn't know you like arts." sabi ko nang matapos ang event.

Tumango siya, "Mula noon pa man, Madam. Ang laking tulong nga ng talent ko sa arts sa pamilya namin. Nagkakakita rin ako sa mga paintings at drawings ko, eh. Kung wala lang akong talent, saan kaya kami pupulutin ng mga kapatid ko. Patay na kasi sina mama at papa. Nadisgrasya habang nagde-deliver. Delivery services kasi ang trabaho nila kaya ayun... Ay, masyado na po ba akong madaldal?"


Agad akong umiling-iling at nginitian siya.


Hindi nga ako nagkamali sa unang impresyon ko sa kaniya sa ospital. She's kind-hearted.



"Uh, Clara... Would you mind joining me in my art gallery? Kaya mo bang maging manager ng art gallery ko?" tanong ko at nginitian siya.

Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala sa narinig mula sa'kin.

"P-Po? Ako? Totoo, Madam? Pero bakit po? I was afraid that I would not meat your expectational po. I am don't graduate for I am the one who alaga-alaga my mga siblings in the best way that I could donate even wala nang matira sa akin. Hehe. Ang hirap pala mag-english kapag english kausap mo." aniya at napakamot sa ulo.


Wala sa sarili akong napangiti. That was the start of our closeness. Madali lang siyang pagkatiwalaan. She even helped me find a well-known interior designer and engineer. Iyong architect, ako na ang naghanap. Marami siyang naitulong sa akin. Minsan nga ay pinapabantayan ko sa kaniya si Theon kasi napalapit na rin ang bata sa kaniya kaya komportable lang ako na ibilin sa kaniya si Theon.


At isa sa araw na pinabantayan ko siya kay Clara iyong nagkita ulit kami ni Heeven sa art gallery ko.



"May kailangan pa po ba kayo, Mr. Cordova?" pilit kong pinapakalma ang boses ko.

Tinitigan niya ako nang mariin, "Who was that kid, Fern?" mariin niyang tanong.


Umatras ako ng kaunti bago nagkibit-balikat.



"Mr. Cordova, pasensya na pero kapag nandito ako sa loob ng Artiose, hindi ko ini-involve ang personal things. Be professional, will you? Now, may I excuse myself?" I hissed.


Pero hindi siya natinag. Kinuha niya ang wrist ko hanggang sa hinapit niya ako papalapit sa kaniya. Madilim pa rin ang mga mata niya. Nang-iigting ang panga niya.



"Answer me, Silver!" inis niyang sambit.

Ngumisi ako bago padabog na kinuha ang kamay ko na kaagad ko din namang nabawi.

Tsk. This is why I left him because he always loosen up his grip with my wrist. Hindi mahigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya ako nakakaalis. Hindi niya yata talaga ako sineryoso noon. Tanging isa lang ako sa mga babae niya kaya ang dali-dali lang na pakawalan ako. Damn him! Pero that was all past... I already moved on.



I smirked, "I'm sorry to disappoint you, Death... but he's not yours." then, I turned my back at him.


Dumiretso na ako sa sasakyan ko kung nasaan si Theon na binabantayan ng isa sa artists rinecruit ko before.



"Mommy, hungry..." aniya at ngumuso.


Tumango ako sa kaniya bago siya nginitian. He chuckled before clinging into my neck. Hinalikan niya ako sa pisngi ko and that made me smirk even more. From my peripheral vision, I saw him... staring at us. Intently and dangerously. Wala sa sarili akong napakagat ng labi. How can he be yours, Heeven... when he didn't even came from me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top