Chapter 22

Kabanata 22

An End Sign



Pagkatapos ng nangyari, agad akong tumawag kay Heeven.

Namumuo na ulit ang mga luha ko habang naghihintay na sagutin niya ang tawag ko. I still can't believe the truth. Sobrang dami kong nalaman pero that just made me angry at them, especially... him.

When he finally picked up the call, I immediately talked.


"Let's talk." walang-emosyon kong sambit.

Medyo matagal siyang nakasagot and after I heard a sigh, he answered, "Ngayon ba agad?" sambit niya.

I kept a straight face facing the side mirror of the taxi I was riding in, "ASAP. I don't care if you're busy. I'm your girlfriend. Spare time."



Hindi ko napigilan ang tumawa nang malakla pagkatapos kong patayin ang tawag. Girlfriend, huh? I even used that title just to talked with him in person.


Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa lahat-lahat. Ayaw ng puso ko na i-divert ang lahat pero ang utak ko, paulit-ulit na sinasabi sa'kin na kailangan kong buksan ang mga mata sa katotohanan. Who would I blame for this? I still have a part on what happened. Nagpauto ako. Kaagad akong nagtiwala sa kaniya. Pinayagan ko siyang pumasok sa buhay ko. Pinayagan ko nga siyang kunin ang first kiss at first experience ko sa kama nang walang kahirap-hirap iyon. This is also my fault. Nasasaktan ako ngayon dahil rin sa sarili ko but I'll pretend that I'm selfish. I'll blame him.


After a while, he sent his real-time location. Kumunot ang noo ko nang makita ang exact location niya as of the moment. Nasa dagat siya. Isa lang ang naisip ko. He's at the yacht.


Wala na akong sinayang na minuto para isipin kung bakit nandoon siya ngayon. Agad ko nang sinabi sa taxi driver ang address ng isa sa famous port sa Manila where the yacht is.



"Keep the change." diretso kong sabi sa driver at agad na lumabas ng taxi.

"Gabi na po, ma'am. Mag-ingat na lang po kayo." sambit ng driver nang makababa na ako.



Tinanguan ko na lang siya bilang sagot. Thanks for that, kuya pero kahit na madaling araw pa iyan, basta makausap ko si Heeven at linawin ang lahat-lahat.

Mabilis akong naghanap ng available na pump boat pero wala akong nakita. Sakto ring may dumating na mid-40's na lalaki.



"Bangka po ba? Wala pa pong available. Speedboat na lang po, ma'am. Mas mabilis niyong mararating ang kabilang isla." aniya.

Umiling ako, "Hindi po ako sa isla papunta. Sa yate." sagot ko at tinitigan ang karagatan.



Tons of yacht's light from afar blinded my vision. Pero sa gitna no'n ay klarong-klaro ang nakasulat sa ibabaw ng isang yate na "Be My Freedom" at sigurado akong nando'n si Heeven ngayon.



"Sasakay po ako sa speedboat papunta doon." itinuro ko ang yate sa kaniya.



He immediately catched up. Agad rin akong sumakay doon at maya-maya ay pinaandar na niya.

Napapikit ako sa lamig ng hangin na yumakap sa akin nang magsimulang umandar ang yate.


What happened on the night of my twenty-third birthday is still fresh. From the way he asked for my hand and the moment I gave it to him, pinagsiklop niya ang mga daliri namin. Sobrang linaw pa sa ala-ala ko nang sumakay kami sa speedboat at hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko hanggang sa rinegaluhan niya ako ng yate na sobrang ganda at laki. Shit.

Dahil sa naalala ko, mas lalo lang sumikip ang dibdib ko. Bakit ko pa kasi inalala? I am damn stupid.


Kaya nang tumigil ang speedboat sa harap ng gilid ng yate kung saan may hagdanan papunta sa loob nito ay agad akong nagbayad kay manong na naghatid sa akin saka agad na dumiretso sa yate.



"You're here!"


The moment I heard his voice, I got stunned. Bumigat ang paghinga ko. Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko alam pero nawalan ako ng lakas at enerhiya ngayong nasa harapan ko na siya... Nakangisi habang nakapamulsa. Darn it! Fern! Maging matapang ka naman! He's an asshole! Remember that, please!


At dahil do'n, bumalik ako sa tamang huwistyo. Bumuntong-hininga ako at agad na naglakad palapit sa kaniya.


He even walked to greet me pero napatigil rin nang sinalubong ko siya ng malakas na sampal. Sobrang lakas no'n na kahit 'yong kamay ko ay humapdi. Sobrang hapdi pero walang kasing hapdi ang ginawa niya sa'kin.



"Ano? Startled, huh? Wala lang iyang sampal na 'yan sa lahat ng nagawa mo, Heeven!" buong-buo kong sigaw.



He look really stunned and startled. Na hindi makapaniwala sa nangyayari. Hindi makapaniwalang sinampal ko siya nang gano'n kalakas.


Ngumisi ako habang unti-unting nararamdaman ang panlalabo ng mga mata. I need to be strong. Dapat isipin ko muna ang sarili ko ngayon... Dapat gawin at kunin ko ang hustisya sa nagawa niya sa'kin.



"L-Love... a-ano ang pinagsasabi mo?" he tried to act innocent! Huh! Curse you, Death!

Hindi ko napigilan ang tumawa nang mapakla, "You don't know? You still couldn't understand? Then, I'll tell you. Simula sapul, you played me like I'm a piece of toy who would satisfy an asshole like you! From the moment you'd approached me and even offered to be my pretend boyfriend which truthfully, your fault why I did think of that strategy to stay away from Daryl! Mula sa simula, ikaw ang may pakana!" humigit muna ako ng mahabang buntong-hininga dahil pakiramdam ko wala na akong lakas pa.

"F-Fern..." he tried to grab my hand but I took a step backward.

"Just stay there, Heeven. Don't touch me and let me bring the moments that happened because of you! Wala naman talaga akong planong maghanap ng pretend boyfriend kung walang loyal business partner, eh. Walang arrange marriage plan that was supposedly happened just to stop Daryl from pestering me! Wala sanang pagpapanggap kung hindi nag-eexist 'yung ipapakasal sa'kin and that was you, Heeven! At nang malaman mong may naisip akong plano, you took the chance to grab my attention. You took the chance for me to allow you to pretend na isa pala sa stratehiya mo para paikutin ako--"

"Hindi kita pinaikot, Fern." he cut me with his serious words while he shook his head.

Nagkagat ako ng labi nang maramdamang tumulo na ang mga luha ko, "Binitag mo 'ko, Heeven! Minanipula mo 'yong nararamdaman ko! You did all of that because you want to win me and now you really did! You're damn happy, right?" pinahiran ko 'yong ibang luha ko sa pisngi. "Ano kaya ang reaksyon mo nang malaman mong sa wakas, mahal na kita. Sa wakas, nakuha mo na ako. Sa wakas, namanipula mo na ako. Ano kayang pakiramdam mo, 'no? Siguro tinatawanan mo 'ko sa loob mo kasi 'wow, uto-uto talaga ni Fern!' Ang dali lang talagang manapiwala ni Eve. Wow! 'Ang sayang paglaruan ng isang Gomez'."



Patuloy na umaagos ang mga luha ko. Sobrang sakit. Ngayong nasa harap ko na siya, mas trumiple ang sakit na nararamdaman ko.


Pinanood ko siya. Hinintay ko ang reaksyon niya sa lahat ng sinabi ko pero wala... wala akong nakita. Kaya naman napailing na lang ako at napatawa nang mapakla dahil sa sobrang sakit. That's it, he only treat me like how he treated tons of girls.



"Ano ba iyong pinagkaiba ko sa kanila, Heeven?" nakuha ko pang itanong sa kaniya iyon pero ako rin ang sumagot. "Ah, kasi siguro... wala naman talaga akong pinagkaiba. Tinatrato mo lang ako the way you treated your girls. Gano'n ba lagi ang strategy mo? Manipulating women's feelings? Oo, hindi ba? Kasi playboy ka at dahil playboy ka, pare-pareho lang ang tingin mo sa aming mga babae. Pagkatapos mong paglaruan, utuhin, kunin 'yong lahat-lahat, pagkatapos makipag-sex, wala na... Finish na para sa'yo iyon, right? Like girls were your race and the finish line is when you get what you want."



Paulit-ulit kong kinagat ang pang-ibabang labi habang patuloy na umaagos ang mga luha ko galing sa mga mata. Fuck it. Ako umiiyak, siya nakatunganga lang. Poker face. His eyes used to be expressive pero ngayon, wala na akong makitang emosyon. That's it. Playboy's always mysterious.


I sighed bago tumingala sa buwan. Moon, I'm done by now. I'm literally done.


Tinalikuran ko na siya kasi wala naman akong naririnig na sagot sa kaniya or reaksyon man lang, wala. I would just waste my time waiting for his damn response.


Napatigil ako sa paghakbang. I'm done... pero hindi ko pa rin talaga kaya. Kapag hindi 'to naayos, wala na talaga, hindi ba? Wala nang pag-asa pang maayos 'to. I bit my lower lip... Just please, give me a sign para bumalik ako at tanggapin ulit siya. Promise, kapag narinig ko siyang magsorry, aayusin ko, papakinggan ko siya... kakayanin kong intindihin siya.

Just as then, I was stunned when he took a deep breath. Lalo na nang magsimula siyang magsalita.



"Hindi ako magso-sorry, Fern. I am not sorry. Kahit kailan, hinding-hindi ako hihingi ng tawad sa nagawa ko kasi ginusto ko 'yon. Ginusto kong makuha ka dahil iyon na lang ang paraan para mahalin mo ako kasi tangina! Ayokong ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa, Fern. Gusto ko mutual ang nararamdaman nating dalawa..."


My desire vanished. Binalingan ko siya ng tingin nang magkaabot ang mga kilay ko. He's not sorry. He's not. Hindi niya gustong magkaayos kami. That was the sign. He didn't want me.



Tumingala ako, "Ang labo, Heeven! Ang labo labo! Hindi kita maintindihan. Ang dumi mo maglaro. Minanipula mo lang ang damdamin ko. You're a manipulative jerk!" humikbi ako.

"Manipulative na kung manipulative pero nagawa ko lang 'yon kasi mahal kita! Mahal na mahal kita, Fern! To the point na kaya kong ibigay sa'yo ang lahat-lahat! Kaya ko nagawa 'yon kasi gusto kong mahalin mo rin ako--"

Napailing ako. Hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan ang laro niya. "Damn you, Death! Napakababaw ng pagmamahal mo! Napakababaw..." that he even manipulated my feelings!


I heard his sarcastic laugh pero nanatiling seryoso ang mukha niya.


"Don't judge my love, Fern. Kasi kung mababaw 'to, hindi ko na sana sinunod ang tinitibok nito. Don't judge my love because it was true, is true, and will be forever true!" he shouted as if he's talking to a deaf person.

"I don't care, Heeven! I don't care!" umiling-iling ako.



Hindi na ma-divert ng utak ko lahat-lahat. My heart disabled it's beat. Wala na. Hinahabol ko na 'yung hininga ko kasabay ng paghikbi ko.

Ang alon ng dagat, the birds' chirps, ang mabigat na paghinga ko... at higit sa lahat, ang mabagal na pagtibok ng puso ko. Iyon ang mga bagay na tanging naririnig ko sa mga oras na iyon.


Nihindi ko na namalayang sobrang lapit na niya sa akin. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko habang titig na titig sa mga mata ko.



"Mahal mo rin ako, alright? Alam ko. Kitang-kita ng mga mata ko. Ramdam na ramdam ko na mahal mo rin ako. Mahal na mahal mo rin ako. Tangina! Ang laking achievement na no'n!"



Ngumiti siya. Ngumisi siya. Pumalakpak pa siya. He looks really happy with his thoughts. And I hate it... I hate him for recognizing my feelings for him. I hate him...

Pero ayoko... dapat na magdusa siya. Dapat pagbayaran niya ang ginawa niya.



Unti-unti akong umiling, "Hindi, Heeven. Mali ka. Hindi kita mahal. Hindi... Hindi..." pilit kong ini-insist sa kaniya 'yun kahit na alam ko ang totoo.

His eyebrows creased, "Don't tell me that bullshit! Alam ko! Kasi kung hindi mo ako mahal, e'di sana wala lang sa'yo ang mga ginagawa ko! Kung hindi mo ako mahal, hindi sana mamumula 'yang pisngi mo sa inis tuwing may kasama akong iba. Kung hindi mo ako mahal, hindi ka sana magagalit sa nagawa ko. Kung hindi mo ako mahal, wala ka lang pakialam sa lahat ng 'to. Kung hindi mo ako mahal, hindi ka iiyak nang ganiyan. Kaya mahal mo ako, Fern. You love me!"



Tuluyan na akong nainis sa kaniya. Bakit ba siguradong-sigurado siya!? Nakakainis na!


"Oo! I love you! Dahil sa bitag mo, mahal na kita! Pero wala akong pakialam sa pagmamahal ko sa'yo, Heeven kasi alam mo? Hindi 'to tama. Hindi ka tama. Mali ang lahat ng solusyon mo... Sobrang... Mali."



Wala na akong pakialam kahit below the belt na iyong sinabi ko. Totoo naman, hindi ba? O kahit na hindi totoo, pangbawi na lang sa ginawa niya.


Akala ko ipaglalaban niya pa ako. Akala ko gagawa pa siya ng paraan para sabihin lahat ng gusto niyang sabihin. Akala ko magpapaliwanag pa siya. Pero... Hindi dahil tinalikuran niya na ako. Humakbang na siya papalayo sa akin.


At habang ginagawa niya iyon, lumalabo ulit ang mga mata ko. Nawawala 'yong lakas at enerhiya ko. Nanghihina ako. Kaya siguro napaupo na lang sa sahig ng yate. Umiiyak... at sobrang nasasaktan.


Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Kahit na nanlalabo ang mga mata ay kinuha ko iyon sa sling bag ko at binasa ang mensahe. It was from him.



From: Heeven

Naproseso ko na lahat tungkol sa yate. It is officially yours now.


I wasn't done reading the first text yet another message came.


From: Heeven

Happy thirty-sixth monthsary, love.



Dahil sa nabasa ko, mas lalo akong nanghina. Mas lumakas ang iyak ko. Hampas ng alon, huni ng mga ibon, at mga hikbi kong ang tagal umurong... ang tanging naaalala ko bago ako nawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top