Chapter 18
Kabanata 18
Just All Pretend
"Are you sure that you'll be okay there?"
Nilingon ko si Heeven na tumutulong sa pagkuha ng mga damit ko sa cabinet.
We're in my walk-in closet now and currently organizing my clothes and will put it later on my luggage.
Sinabi ko sa kaniya 'yong sinabi ni Lancy sa akin sa text. Pupuntahan ko ang kaibigan ko doon para kamustahin at tanungin tungkol sa kung paano sila nagkaayos ni Jared.
Litong-lito talaga ako kung paano nangyaring engage na sila 'coz all I know was Jared didn't even have a hunch Lancy's whereabouts lalo na sa pagkakabuntis nito. Now I'll go to Oslo para linawin ang lahat-lahat.
Then, there's Heeven na pilit akong kinukumbinsi na isama siya at ako naman ang todo tanggi kasi Lancy is his cousin at walang alam si Lancy sa amin. Ano na lang ang sasabihin niya sa amin, hindi ba? She's been my friend for years now at hindi ko man lang nakuwento sa kaniya 'yung sa amin ni Heeven. I'm sure she'll be pissed at me for not telling her about this thing.
"I'll be okay, Heeven. Malaki na ako and alam ko na kung ano ang gagawin, okay? It's not like I am one of those kids who don't know what to do with their selves." sambit ko na lang at nagpatuloy na sa pagligpit ng mga damit.
I heard him scoffed kaya napaismid ako. He's really acting like a very-protective-clingy-boyfriend na ayaw akong payagan at papayag lang siya kapag kasama siya.
"But what if you don't know what to do? Example hindi ka marunong mag-order ng pagkain. Oh, ano na lang ang kakainin mo? You're going to Norway and their preferences and culture are different from ours. Pa'no na lang kung--"
Hindi ko na siya pinatapos. Tinitigan ko siya at pinagkibitan ng balikat.
I raised my brows, "You understand me naman, hindi ba? I'll be visiting my best friend which is your cousin na wala pang alam tungkol sa namamagitan sa ating dalawa. We shouldn't get her stress or piss because she's pregnant. Kapag buntis, madaling mainis. Ayokong ma-stress 'yung kaibigan ko na pinsan mo kapag nalaman niyang kakaiba ang namamagitan sa'tin." paliwanag ko sa kaniya.
Sinimangutan niya ako at inilapag sa vanity table ang capelet coat ko na hawak niya kanina.
Naglakad ako papunta sa kaniya at akmang kukunin na ang coat ko sa mesa nang bigla niya akong hinila.
My eyes widened the moment I sat on his lap. Nakaupo siya sa vanity chair habang ako nakaupo sa hita niya. My face heated and tried to stood up but he grabbed my waist kaya hindi na ako nakagalaw pa.
Unti-unti ko siyang binalingan ng tingin hanggang sa makaharap ko na siya.
"H-Heeven, let me go baka may biglang pumasok and they'll see--"
Hindi pa ako natatapos sa sasabihin nang mas inilapit pa niya ang mukha sa mukha ko. Isang dangkal na lang ang natitira ay mahahalikan na namin ang isa't-isa. Sobra-sobra ang kaba ko at hindi na alam ang gagawin. Kapag gumalaw ako, wrong move kasi mahahalikan ko siya. Kapag umatras ako, no, I couldn't kasi mahigpit ang pagkakakulong niya sa baywang ko. What should I do? I'm trapped.
"Fern... Gusto mo ba 'tong sitwasyon natin? Pretending as lovers?" seryosong tanong niya habang nakatitig sa labi ko.
Kumurap-kurap ako. What does he mean by that? Of course, noon, gusto ko pero ngayon... Hindi na. Kapag sinabi kong 'hindi', would it change a thing?
Bahagya ko siyang itinulak gamit ang palad kong lumapat sa dibdib niya at nagawa ko namang medyo lumayo sa kaniya.
"Y-Yes kasi iyon lang naman talaga dapat." wala sa sarili kong sagot.
Kumawala sa labi niya ang maliit na ngisi bago ko naramdaman ang pagluwag ng hawak niya sa beywang ko hanggang sa nakawala na nga ako.
"Be safe there."
My brow creased when he suddenly walked out of my room without looking back. Nagkagat ako ng labi. Did I say or did something wrong? Why did he acted down? Did he expected me to answer 'no'? No, no, no, Fern. Get a grip of yourself. If you answered 'no', it will not change a thing. Ganoon pa rin. What are you expecting? Na kapag 'no' ang sagot mo ay magiging totoo na? Walang halong pagpapanggap? Gosh. Wake up. He don't do commitments. Remind yourself that.
Dumating ako sa airport nang ganu'n pa rin ang iniisip. Kung hindi lang ako tinapik ni kuya sa braso ay hindi ko talaga malalamang nasa airport na nga ako.
"Okay ka lang ba?" tanong niya nang makalabas na ako ng sasakyan niya.
I forced a smile before noding, "Yeah! I'll see my best friend again, who wouldn't?" sambit ko na lang at nagkibit-balikat.
I really wish I could come in Oslo with Heeven but that would be really impossible. I am not blaming Lancy yet I just wish that maybe if my boyfriend and my best friend isn't related to each other, things would go easy. Darn. Bakit ba hanggang dito ba naman sa airport ay si Heeven ang laman ng isip ko?
"You're zoning out again, uh-huh?"
Napalingon ako kay kuya nang magsalita siya. Nailabas na niya ang luggages ko mula sa likod ng sasakyan niya. Hindi ko man lang napansin. Isa pa 'yung thing about sa nakita ko na magkasama sina kuya at Marya sa hotel. Hindi ko pa siya natatanong du'n but well, maybe some other time na lang siguro since mas importante ngayon ang kaibigan ko.
"Akin na," sambit ko at akmang kukunin ang mga maleta sa kaniya nang itinaas niya ang kanang kamay sa ere na to stop me.
"Let me walk you to the departure area." aniya at nauna nang maglakad.
I just sighed. Heeven's not here but kuya's serving me like a damn princess.
Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago sumunod kay kuya na malayo na pala. Being tall is really advantage in times like this.
"Be careful there, princess. No boys for you, okay? Unless gusto mong may magulpi kami ni Heeven." ani kuya nang makarating na kami sa departure area.
I rolled my eyes bago inagaw sa kaniya ang mga maleta ko, "I know, Kuya. No need to remind me."
Wala na siyang nagawa kun'di ang tumango at maya-maya ay nagpaalam na. I just wait for the departing time and then yeah, mabilis akong nakarating sa Finnmark, Norway.
"Thank you," sambit ko sa chauffeur nang makalabas na ng taxing sinasakyan.
Bumuntong-hininga ako at tinitigan ang second floor house na malapit nang matabunan ng snow. I'm excited to see Lancy and I know she'll be surprise to see me. Hindi niya naman alam na pupuntahan ko siya. Pero dapat ay hindi ko muna siya yayakapin. Tatanungin ko muna siya para maliwanagan ako sa lahat-lahat.
I took a step and sighed again.
"Okay. This is it." bulong ko sa sarili at kumatok.
One. Two. Three.
Sa pang-apat na katok ko ay binuksan na ang pinto. I was about to talked when an unexpected guy friend shown up.
"Gian?" hindi-makapaniwalang sambit ko.
He looked stunned. Siguro ay dahil hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ako. Same to me. Kahit ako ay hindi makapaniwala. I mean how? What? Why? When?
"Sino 'yan, Gian?"
Naalerto agad ako nang marinig ang boses ni Lancy mula sa loob. Lalo lang nangunot ang noo ko.
"Fern!?" gulat na sambit ni Lancy nang makalabas na ng bahay.
Dahil sa lakas ng boses niya ay maging ako, nagulat. Sumunod sa kaniya ang babaeng hindi pamilyar sa akin pero may similarities sila ng kaibigan ko. Inayos ko ang sling bag sa balikat bago hinila ang mga maleta papasok ng bahay.
"Why didn't you tell me na pupunta ka?" tanong ng kaibigan ko nang makaupo na ako sa sofa.
Nagtaas ako ng kilay, "Why didn't you tell me na nandito ka pala?" I asked in a monotone.
I wasn't pissed yet I felt betrayed. Lancy is pregnant, that's the fact I know pero hindi ko alam kung saan siya nags-stay yet Gian knows. Did he knew from the start? Unfair if yes. It's not like si Gian lang ang best friend niya.
Nangunot ang noo ni Lancy, "Are you angry at me?" lumambot ang boses niya.
That made me soft, too. Pero pinigilan ko lang ang sarili ko. I know her situation is not easy, though.
Binalingan ko ng tingin ang babae na nakatayo sa tabi ni Gian. She just raised her brows. Inilipat ko ang paningin sa katabi niya bago ako bumuntong-hininga.
"I want to talk to Lancy. Privately." seryosong sambit ko na nakuha niya naman agad.
Hinigit niya iyong babae hanggang sa makaakyat sila ng kwarto. I immediately gazed at Lancy.
"Why didn't you tell me na you're here lang pala sa Finnmark? And why did you only tell Gian? Am I not your friend, too?" there, I asked her.
Tumayo siya at tumabi sa akin. I acted like I didn't care pero nang hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako ay hindi ko na napigilan na bumigay. I hugged her back.
"I just don't want to bother you, Fern. Regarding Gian... It just happened na he's Venyce's boyfriend. It's not like gusto kong siya lang ang makaalam kung nasa'n ako." aniya.
Kumalas ako sa yakap at inismiran siya. I heard her chuckle.
"Oh, okay. Pero tell me how the hell did you and Jared got engaged? And where's him pala? I haven't seen him since kanina." sambit ko.
She bit her lower lip bago kinuha ang cellphone niya. She dialed there at wala pang limang segundo ay sinagot agad ang tawag niya.
"Where are you na?" aniya at sinulyapan ako.
"Loudspeaker, please." I mouthed.
Tumango siya at pinindot ang loudspeaker button.
I heard the cars' horning in the opposite line before Jared's voice.
"Coming, babe." sagot ni Jared.
"Malapit ka na ba? Could you please rush? A visitor slash investigator has arrived." ani Lancy sa maarteng boses.
I chuckled.
"Of course. Give me five minutes."
"Uhm, okay, but... bumili ka ba ng apples and--"
"Oranges. Yeah, don't worry. Wait for me. I'll hung up now."
Lancy nodded as if Jared would see her agreeing to his statement.
Hinintay lang namin si Jared at wala pang limang minuto ay bumukas na ang pintuan at pumasok doon ang lalaking kinababaliwan ng kaibigan ko noon pa man. Of course, it's her fiancé. Jared arrived with his slightly deep chinito eyes and perfectly-made face with a plastic of apples and oranges.
Mukhang nagulat pa si Jared nang makita ako pero napawi rin iyon nang umakmang tumakbo si Lancy papunta sa kaniya. Napalitan ng kaba ang mukha niya at agarang hinawakan ang kaibigan ko para hindi makatakbo.
"The hell, Lancy!?" nagsalubong ang kilay niya.
Imbes na mag-sorry ay nakuha pang ngumiti ng kaibigan ko. I shook my head before I stood up. Hinawakan ko ang kamay niya at kinunotan siya ng noo.
"Are you crazy? Bakit ka tatakbo when you're pregnant? Don't act recklessly, please. For God's sake, three months from now, manganganak ka na." may bahid ng inis na sambit ko.
Ngumuso siya at hinawakan ang kamay ni Jared na halatang naiinis na.
"I am sorry, okay? Kaya ko pa naman. Don't worry." aniya.
"Kahit na," sambit ko, naiinis.
I stayed with my friend for about two months now. Isang month na lang at due date niya na kaya mas naging maingat si Jared sa kaniya. Nagpaalam muna siya sa agency na hiatus muna sa pagkanta para mabantayan nang maigi si Lancy.
Ganu'n rin ako. Wala akong inaatupag na iba at binibigay ko ang buong atensyon sa kaibigan kong madalas galit at inis dahil yata sa mood swings niya. It's really not easy to be pregnant, I must say. Buti na lang at marami kaming nag-aalaga sa kaniya. Me, Jared, Gian, Venyce, at minsan ay bumibisita pa sina tito Nickel at tita Monica para mabantayan ang anak nila.
"Fern,"
Naalerto agad ako nang tawagin ako ni Lancy isang araw, tanghali. Agad akong lumapit sa kaniya at inalalayan siyang umupo sa kama.
"Umalis saglit si Jared at sina Gian at Venyce ay may binili lang." sambit ko at ngumiti.
Tumango siya at nagbigay ng isang ngiti.
"Uh, wait, nagugutom ka ba? What do you want to eat? Or do you want to take a bath?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
She chuckled and shook her head, "Hindi pa ako gutom and I already took a bath. I just want to make a call." aniya.
Tumango agad ako at agad na kinuha ang cellphone niya sa ibabaw ng cabinet. I handed her the phone.
"Thank you," sambit niya at may di-nial doon.
Wala pang sampung segundo ay sinagot agad ang tawag niya.
"Hey," aniya sa masiglang boses.
Kumunot ang noo ko. She smiled at me and pointed her phone before uttering, "It's Honeylyn."
Oh, her manager. I wondered why Honeylyn haven't visited Lancy yet. Maybe she's busy. Manager kasi ng artista. Siguro ay hina-handle niya pa ang offers and contracts ng kaibigan ko since hiatus pa si Lancy.
"Don't worry. Okay lang na hindi ka dumalaw. Alam kong busy ka. Alright. Sige. Thank you," sambit ni Lancy at pinatay na ang tawag.
She smiled at me and I smiled back. She's really moody. Minsan ay nagagalit at naiinis na talaga siya sa aming nag-aalaga sa kaniya pero madalas ay nagiging sweet. I got goosebumps sometimes when she'd turned into being sweet when the Lancy I know is grumpy.
But I could say that she looks blooming. Maybe it's because of her pregnancy that's why she bloomed. Or maybe Cordova's are born attractive. That's the fact, though. Kahit na si Heeven... Shit. I miss him. Minsanan niya lang ako i-text at madalang lang tawagan. Okay lang naman kasi alam kong busy siya pero I felt tampo to him. Sometimes I think that since I am not around, siguro ay may dine-date na siyang iba. I know it's alright since we're just pretending but it hurts... like hell.
Darn. I shouldn't think about him. I should think about my family. I really miss my brothers. I wonder how they're doing. Speaking of my brothers... Ngayon ko lang ulit naalala 'yung nakita ko sa hotel. Kuya and Marya. I wonder how I can discover the truth.
Napatingin ako kay Lancy at sa cellphone niya. She's really close with Marya.
"Uhm, Lancy..." I bit my lower lip.
She raised a brow, "Why?"
"May contact ka pa ba kay Marya?" tanong ko at tumabi sa kaniya.
She nodded, "Yeah, bakit?" kumunot ang noo niya.
"Pwede mo ba siyang tawagan? And asked her if she's doing well." ani ko.
Nagtataka man siguro pero ginawa niya rin ang sinabi ko. She dialed Marya's number and after a while ay sinagot rin iyon. I gestured her to turn the loudspeaker and she did.
"Pasensya na kung medyo matagal kong nasagot ang tawag mo. Nandito kasi ako sa mall kaya hindi ko masyadong narinig. Kamusta ka na pala?" sunod-sunod na sambit ni Marya mula sa kabilang linya.
"It's fine, Marya. I'm also doing good. Ikaw ba?" ani Lancy at sinulyapan ako.
"I'm doing good, too!--Who's that?--Wait lang, Lancy."
A familiar voice of a man interrupted the call and I know for sure that it's my brother's. Napapikit ako. Shit. They're together again? What is really going on? Did he and Margaux broke up or he's cheating? I hope it's the latter. Hindi ko siya mapapatawad kung nagchi-cheat siya.
The opposite line got silent. Marya probably covered her phone speakers to avoid us hearing their conversations. And that made me pissed.
Maya-maya ay nagsalita ulit si Marya.
"Sorry for that. An annoying guy interrupted me." she chuckled, as if something's funny.
Sinulyapan ulit ako ni Lancy and she handed her phone. Tinanggap ko iyon pero hindi muna ako nagsalita. Tinakpan ko muna ang speaker ng phone niya at kinunutan siya ng noo.
"Why?"
She hissed, "You wanted to talk to her, right?" aniya, nagiging masungit ulit.
Pinaikutan ko siya ng mata at saka pinatay ang tawag.
Halatang nagulat siya pero inilagay ko na lang ang phone niya sa ibabaw ng cabinet bago siya pinagkibitan ng balikat.
"I thought you wanna talk to her?" nagtataka niyang sambit.
Umiling ako at pait na napangiti, "No. I already know the answer."
And that kuya is probably cheating on Margaux for months now. That made me pissed. I mean bakit kailangang may mag-cheat? Bakit kailangang may playboys? Could relationships be perfect? Oh, how would I know. I didn't even have a romance relationship with anyone. Just all pretend.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top