Chapter 16
Kabanata 16
Be My Freedom
Mabilis na dumating ang graduation namin. Tuwang-tuwa ako kasi straight uno ang lahat ng grades ko. Lalo na sa arts.
Nakangiti ako habang inililibot ang paningin sa paligid ng auditorium namin. Hawak-hawak ko ang diploma ko habang hinahanap ang pwesto nina daddy. Kanina ko pa sila hinahanap pero natagalan sila kasi traffic raw.
Kumaway sila sa akin at itinuro ang mga upuan kung saan sila uupo. Tumango na lang ako at hinintay ang closing remarks.
"Again, congratulations for making it up to here. Congratulations, graduates! Thank you," ani ng emcee.
Hindi na ako sumali sa mga nagpapalakpakang mga estudyante. Sa halip ay dumiretso ako sa pwesto nina daddy.
Nang tuluyan ng makalapit ay kumunot ang noo ko nang hindi ko makita si Axelius. Si daddy, mommy, at kuya lang ang nandito. Tumayo agad si mommy at ibinigay sa akin ang isang shopping bag na sumisigaw ng mamahaling brand ng purses. Si daddy naman ay agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap.
"Congratulations, my princess." aniya at hinalikan ang ulo ko.
"Thank you, Daddy!" sambit ko at ngumiti.
Sunod naman ay si kuya na may dala-dalang isang bouquet ng red roses. Niyakap niya agad ako kaya niyakap ko rin siya nang mahigpit.
"Congrats, baby." mahinang sambit niya at hinaplos ang buhok ko.
Napangiti ako nang maluwag dahil sa tuwa.
Hindi ko inakalang sa wakas ay graduate na rin ako. I can start planning for my business now, of course, related to arts. Gusto kong magpatayo ng sariling art gallery kung saan maipapakita ko ang mga arts na gawa ko para mapagkitaan rin. Sana... Sana magkaroon ako ng art gallery.
Suminghap ako nang may maalala, "Where's Axelius?" tanong ko at inilibot ang paningin sa paligid.
Kusang tumigil ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na lalaking may dala-dalang maliit na pulang paper bag sa kamay. Kasama niya ang kapatid kong nakangiti nang maluwag na nakahawak sa kamay niya.
Kumabog nang mabilis ang dibdib ko nang maamoy ko ang pamilyar at mabango niyang manly scent na nagpapahiwatig na sobrang lapit na niya.
Nang tumingin ako sa kaniya ay nagbigay ako ng isang tipid na ngiti. Ngisi naman ang ibinalik niya.
Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo pababa at pataas ulit. He's wearing a dark button-down dress shirt paired with jeans na pinaresan ng simpleng ngunit halatang mahal na sapatos. Tumitig ako sa mukha niya at hindi napigilan ang mamula. Darn! Bakit sobrang gwapo niya?
Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Sakto namang nagsalita ang kapatid ko kaya nilingon ko agad siya.
"Ate Eve, congratulations po! You did great!" aniya at nag-thumbs up.
Ngumiti ako saka pinisil ang pisngi niya, "Are you proud of ate?"
"Yes, po! Hindi lang ako. Si kuya Heeven rin! Sinabi niya kanina na sobrang proud raw siya sa'yo kasi sa kabila ng panglalandi mo sa kaniya, you still did great!"
Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi ng kapatid ko. Lumingon ako kay Heeven na nakangisi pa rin sa akin. Pinanliitan ko siya ng mata bago sinimangutan. Hindi rin mapigilan ang matuwa sa loob. Kung totoo man iyon, kahit na sinabi niyang nilalandi ko siya, masaya pa rin ako kasi alam niyang ginawa ko ang best ko.
Tinitigan ko siya at ang dala niyang paper bag. Ano kaya ang laman no'n? Para sa'kin kaya? Ngumuso na lang ako at ngumiti.
Sa mga dumaang araw na magkasama kami ni Heeven, lagi akong masaya. I don't know if this is a good thing pero wala na akong pakialam. All I know is I'm happy. Sometimes, it made me wonder na 'what if kapag hindi ko na siya kailangan?' Papakawalan ko na ba siya hanggang sa hindi ko na marinig ang arrange marriage sa mga magulang ko? Well, that's the plan. Stop the pretend and live like nothing happened.
Shit! Bakit parang ayoko!? Bakit parang hindi ko kayang itigil ang kung ano man ang mayro'n kami ngayon? Why do I felt like my heart will torn into pieces the moment we end everything between us? Do I like him, already? I mean, wala pa ngang isang taon mula nang magkakilala kami... I should stop thinking about this.
After that, kumain kami sa mamahaling restaurant na more on Italian recipes ang nasa menu. Nakapag-order na kami at hinihintay na lang namin.
"Ilang months na nga ulit kayo, Heeven?"
Lumipat agad ang tingin ko kay daddy nang bigla siyang magsalita. Nagkagat ako ng labi at hinayaan na lang si Heeven na magsalita.
"Mag-fo-four na po, tito." magalang ang tono niya.
Tumango si daddy bago ako tinignan, "Malapit na birthday mo, what's your plan? Do you want a grand celebration or simple lang like going out of town with your boyfriend?" seryosong tanong niya.
Agad akong nilingon ni Heeven gamit ang cold niyang expression. Ngumuso ako at nag-isip ng isasagot kay daddy.
Base sa expression niya ay hindi niya gusto ang sinabi ni daddy. Oo nga naman, why would he waste his time on my birthday? Marami siyang inaatupag na importante at hindi ako kasali do'n kasi wala naman akong halaga sa kaniya. We're just pretending. Dapat gano'n rin ako.
I need to see him as my pretend boyfriend only... kailangang hindi umabot sa point na mamahalin ko na siya. Ayoko. Ako lang yata ang masasaktan. Ang unfair. Sobra.
Mabilisan kong tinapos ang pagkain ko. Pagkatapos no'n ay nagpaalam ako saglit para mag-restroom. Nag-retouch ako at naghugas ng kamay.
Natigilan ako nang makita si Heeven na nakasandal sa pader sa harap ng restroom habang dala-dala iyong paper bag na kanina niya pa bitbit.
Bago pa ako makapagsalita ay kinuha niya ang palad ko at inilapag doon ang paper bag. Kumunot ang noo ko pero nanatili akong tahimik. Hanggang sa bumuntong-hininga siya at tumalikod na.
Ngumuso ako. Wala man lang sinabi. Nakakainis.
Nagsimula akong maghanap ng open space for my art gallery na itatayo kapag ready na ang lahat-lahat. Kahit hindi madali, kailangan kong maging matatag para magkaroon ng sarili kong gallery.
Hindi lang naman para sa kabutihan ko ang itatayo kong negosyo. Plano kong mag-recruite ng mga undiscovered artists all over the country para naman maipakita nila ang galing nila sa sining. If I can, tutulong ako sa kahit na sino.
Bumaba ako ng sasakyan ni kuya nang makarating ako sa pinakamalapit na bahay ng isang open space na walang bahay na nakatayo.
Kumatok ako ng ilang beses at hindi nagtagal ay may lumabas na may edad na babaeng may tungkod.
"Magandang araw, ho, lola." sambit ko at nagbigay ng isang ngiti.
Masungit iyong tumango at nagtaas ng kilay.
"Ano ang kailangan mo, hija?" seryoso niyang tanong.
"Magtatanong lang po sana kung kilala niyo po ang may-ari ng lupa na iyon?" itinuro ko ang open space.
Tumikhim siya bago sinundan ng tingin ang itinuturo ko. Pagkatapos niyang tignan iyon ay ibinalik niya rin ang tingin sa akin.
"Ako nga ang may-ari niyan, hija."
I gasped, "Talaga po? Ah... I am planning to build an art gallery po kasi and currently looking for an open space. Interesado po ako sa lupa niyo--"
Natigilan ako nang sinamaan niya ako ng tingin. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa tungkod na dala-dala bago ako inismiran.
"Hindi ko binebenta, hija. Pasensya na," akmang tatalikod na sana siya nang pinigilan ko.
"Bakit ho? It looks like wala namang gumagamit, eh. Why hindi po pwede?" naguguluhan kong ani.
Tumawa siya ng mapakla bago umiling-iling. Kumunot na lang ang noo ko at tinignan ang matanda na naglalakad na papasok ng bahay nila.
Suminghap na lang ako at tinitigan ang open space. Gusto ko talaga ang lugar na iyon dahil hindi lang malawak kun'di center of attraction pa. Ganoon kasi ang gusto ko. Dapat ay sa isang tingin pa lang ng mga tao, magkaka-interest agad sila.
Maybe I should find other open spaces. Iyong binebenta para hindi masayang ang oras ko.
I sighed again bago tumalikod.
"Nabili mo ba?" iyon ang bungad ni kuya nang makapasok na ako ng sasakyan niya.
Umiling ako, "Hindi binebenta. Maghahanap na lang ako ng ibang lugar." sagot ko saka nagsuot ng seatbelt.
Narinig ko ang pagsipol niya bago pinaandar ang sasakyan.
"Next week na birthday mo, ah. Pero wala pa rin kayong plano ni Heeven?"
Lumingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niyang iyon.
Nagsiabot ang mga kilay ko dahil sa inis. Sumimangot ako at umirap. Itinuon ko na lang ang paningin sa labas ng bintana.
"Wala bang oras sa'yo si Heeven kaya ka ganiyan?" natatawang sambit niya sabay sipol.
Ipinikit ko na lang ang mga mata dahil sa inis.
Okay, fine. Alam ko na naman na wala talaga siyang oras sa akin. Hindi na dapat ipamukha. Nakakainis lang talaga. Hindi ako naiinis kay Heeven kun'di sa sarili ko.
It's been two weeks since he didn't call me or even a text, hindi ko na natanggap pa sa kaniya. Alam ko namang busy siya pero hindi ba pwedeng kahit isang text lang ibigay niya? Kahit limang minuto lang para tawagan ako? Ugh! Of course! He's damn busy with his freaking client!
Sumipol ulit si kuya at tumawa, "Hindi mo pa rin nakakalimutan ang nakita mo no'ng isinama kita sa kompanya niya?" tanong niya.
Nagkagat ako ng labi at pilit na nanahimik. Ayoko nang maalala iyong nangyari pero pinapaalala na naman ni kuya. Nakakainis talaga.
"Hindi ka na nasanay do'n? He's a playboy bago naging kayo kaya hindi mo siya masisising may kahalikang iba--"
"Kuya!" nilingon ko na siya.
Natahimik naman siya at pinagdikit ang mga labi. Inis akong bumuntong-hininga bago ipinikit ang mga mata.
Oo na. Alam ko namang playboy si Heeven pero hindi ko naman in-expect na maaabutan ko siyang may kahalikang ibang babae. Kliyente niya pa! Hindi naman sa nagseselos ako pero naiinis ako! Hindi sa kaniya kun'di sa sarili ko. Kahit anong pilit ko sa sariling itatak sa utak na nagpe-pretend lang kami, hindi ko maiwasang mainis. Pumayag siya, eh! Dapat ako lang ang girlfriend niya! Dapat ako lang ang hinahalikan niya! WHAT THE HELL!? What is really going on with me and my systems?!
Kaya nang dumating ang birthday ko, hindi na ako nag-expect na dadalawin niya man lang ako. It's clearer than water that he never cared for me. Kasi kung may paki siya sa'kin, dapat ti-next niya na ako o tinawagan pero hindi.
Kaya hindi na ako nag-expect.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ang init na dumadampi sa pisngi ko. Unang bumungad sa akin ay ang nakabukas na kurtina. Hindi ko siya isinara kasi nanood ako ng stars kagabi. At mas maganda rin na sariwang hangin ang bumungad sa'yo, right?
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang marinig ang mga yapak mula sa labas. Kasabay noon ay ang pagpasok nina daddy, mommy, kuya, at Axelius sa kwarto ko.
"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you..." sabay-sabay na pagkanta nila.
Dad was holding a chocolate-flavored cake while my mom was holding a confetti. My kuya was holding a bouquet of red roses while Axelius was holding his smartphone.
Agad akong bumangon at isa-isa silang niyakap nang mahigpit.
"Thank you..." sambit ko at naramdaman ko ang isang butil ng luha na kumawala mula sa mata ko.
Nang kumalas ako sa yakap kay daddy ay ininguso niya ang cake na hawak-hawak.
"Make a wish," sabay-sabay nilang sabi.
Ipinagsiklop ko ang mga palad bago sila tinitigan isa-isa nang may ngiti sa labi.
Do I need to wish for more? My family's presence is more than what I wanted. Okay na ako kapag nandiyan sila lagi. Ang pamilyang masasandalan ko tuwing may problema. Ang mga taong sumusuporta at gumagabay sa akin para sa kabutihan. Ang mga taong pumoprotekta sa akin mula sa mga taong alam nilang walang maidudulot na maganda. Now, this is one of the reason why being the unica hija is an advantage.
I wish to have this life over and over again...
Hinipan ko iyong cake. Pagdilat ng mga mata ko ay kusang bumagal ang ikot ng mundo.
I wasn't expecting him to come pero bakit parang ang saya-saya ko na nandito siya ngayon? Bakit parang mas kompleto ang araw ko kapag nakikita ko siya?
Kung aamin man ako ngayon, hindi ko na itatangging gusto ko siya. Wala na akong maisip na palusot para lang masabing hindi ko siya gusto. Ano ba ang magagawa ko? Puso na ang nagdesisyon. Kahit na utak ko ay walang magawa. Kailangan ko na lang tanggapin tutal sinabi ko naman na sa sarili ko no'n na wala akong pakialam kung ano ang mangyari kapag nag-pretend relationship kami. Ngayon, ito na ang pinakakinatatakutan ko... Ang mahulog sa kaniya.
"Happy birthday, my love..." sambit niya na nakapagpakabog ng dibdib ko.
I bit my lower lip and gave him a small smile, "Thank you," I answered.
"Uyyy..." Nagkantyawan sina daddy, mommy, kuya, at Axelius na nanonood sa amin ni Heeven.
Uminit ang pisngi ko at nagkagat na lang ng labi.
Maya-maya ay nagpaalam muna sila na lumabas dahil maghahanda pa raw para sa lunch namin. Naiwan tuloy kami ni Heeven sa kwarto ko.
"Twenty-three ka pa, Fern?" tanong niya at inilibot ang paningin sa buong kwarto ko.
"Uhm... Oo." sagot ko.
Tipid siyang tumango at sinulyapan ako saglit. Kumabog ng mabilis ang dibdib ko lalo na nang magpakawala siya ng isang malademonyong ngisi. Shit! Why is he so hot!?
Ako ang unang bumitiw sa titigan namin. Naco-conscious na yata ako sa lahat-lahat ng ginagawa ko kapag nasa paligid siya. Noon naman ay komportable pa ako sa kaniya at nakakapagpalitan pa ako ng titig sa kaniya pero ngayon ay parang hindi ko na kaya. Sa tingin ko nga, kapag tumigil ang titigan namin, tatakbo ako bigla at yayakap sa kaniya. Ugh! Hindi ko na alam!
Time went fast hanggang sa dumating agad ang lunch time ay saka pa lang kami bumaba ni Heeven. Wala naman kaming pinag-usapan talaga but I let him stay in my room for our pretend relationship. Pretend... Why are we just pretending? Pwede namang hindi na, eh.
Bakit ko ba tinatanong sa sarili ko 'yon? Alam ko naman na noon pa na hindi pumapasok si Heeven sa isang relasyon. Ilang ulit ko yata 'yong narinig sa kaniya. Pero bakit parang... hindi ko na gusto ang salitang 'pagpapanggap'? Parang ayoko nang magpanggap... Mas gusto kong higit pa doon. Darn! I should stop this! Wala naman 'tong patutunguhan.
"Saan kayo pagkatapos nito?" tanong ni dad nang mag-lunch kami.
Napatingin ako kay Heeven na nakangisi lang. Sinulyapan niya ako kaya nag-iwas agad ako ng tingin.
"Wala kaming ibang plano, Dad." sagot ko at uminom ng juice.
Nagtaas siya ng kilay sa sagot ko bago binalingan ng tingin si Heeven.
"It's a surprise, tito." seryosong sagot niya.
I creased my brow out of curiosity. Bumaling ako sa katabi ko bago ako nag-lean forward at bumulong sa tainga niya.
"What surprise?" bulong ko at lumayo agad.
Humalakhak lang siya at hindi sumagot. Ngumuso na lang ako at tinapos ang pagkain.
After we ate, nagpaalam na si Heeven kasi may urgent meeting raw sa kompanya nila kaya umuwi na rin siya agad. Sinulyapan niya ako saglit bago nginisihan. Kinindatan niya ako bago tuluyang pumasok sa BMW niya.
Quarter to four when my phone vibrated. Kinuha ko iyon habang nakatingin sa laptop ko at kasalukuyang naghahanap ng iba pang open space na available sa Manila o Quezon city man lang para malapit.
Dumungaw ako sa cellphone ko at tinignan ang text.
Heeven:
Susunduin kita mamayang six. Don't wear tiny clothes or dress kasi malamig sa pupuntahan natin.
Nakaramdam agad ako ng sobrang kaba na may halong excitement. OMG! May surprise nga siya sa'kin? Saan? Bakit malamig? Sa ice rink ba or mag-a-out of town kami? O pupunta kaming Baguio? Gosh!
Kahit saan naman basta kasama siya. Why do I sounded so excited!?
Isinara ko na ang laptop ko at pagkatapos ay naghanap agad ng maisusuot. Nahirapan pa akong maghanap kasi dress kadalasan ang damit na mayroon ako. Sa huli ay napili kong suotin ang isang color red t-shirt na may nakasulat na 'safe place' sa gitna. I paired it with a pair of black skinny jeans and 3-inches stilletos. Tinali ko rin ang buhok ko at ang kunting bangs ay hinayaan na lang.
Hindi pa yata ako tapos sa pagre-retouch nang marinig kong may kumatok sa pinto.
"Bukas 'yan!" sambit ko at ipinagpatuloy ang paglalagay ng matte lipstick sa labi.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan pero hindi na ako nag-abala na tignan iyon. Hinintay ko lang na magsalita iyon at hindi nga ako nabigo.
"'Wag ka na ngang mag-lipstick. Mabubura rin naman 'yan." rinig kong sambit ni Heeven.
Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag. Umirap na lang ako. Bakit sanay na sanay na siya sa mga ganiyan? Because he's a playboy!
"Are you expecting me to kiss you?" mataray kong sambit at kinuha ang purse sa gilid.
Narinig ko ang tunog ng ngisi niya, "Hindi. Ako ang hahalik sa'yo."
I glared at him bago umismid.
"Tara na nga! Saan ba kasi tayo?" sambit ko at nilagpasan na siya.
I heard his footsteps behind me kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad. Naabutan ko si Axelius sa sala namin habang nanonood ng video sa tablet niya. Sumulyap siya saglit sa amin ni Heeven bago ipinagpatuloy ang panonood niya.
Dumiretso na rin ako agad sa front seat ng sasakyan ni Heeven at nagsuot agad ng seatbelt.
"Where are we going ba kasi?" tanong ko sa kaniya sa gitna ng byahe.
Nanatili siyang seryoso habang nagda-drive. Sinulyapan niya lang ako saglit at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Napairap ako nang hindi niya man lang sinagot ang tanong ko.
Ilang beses ko siyang tinanong no'n pero ilang beses niya rin akong in-ignore kaya nawalan na ako ng gana magtanong. After an hour drive yata ay tumigil ang sasakyan niya sa parking space sa harap ng isang famous port sa Manila.
Kumunot ang noo ko. Ano ang gagawin namin dito?
"Tara na,"
Napatingin ako sa kaniya mula sa labas. Pinagbuksan na niya pala ako. Hindi ko namalayan. Tipid akong tumango at hinawakan nang mahigpit ang purse ko.
Umihip ang malakas na hangin lalo na nang makababa ako ng sasakyan.
Narinig ko agad ang pagbuntong-hininga ni Heeven bago binuksan ang back seat saka may kinuha doon. Pagbalik niya ay may hawak na siyang makapal na coat na agad niyang inilahad sa akin.
"Hindi na kailangan--" hindi na niya ako pinatapos.
Lumapit siya sa akin at isinuot sa akin ang coat niya. Para akong batang sumusunod lang sa kaniya hanggang sa naisuot ko na iyon. Singhot na singhot ko ang mabango niyang manly scent na nanuot sa coat niya. He really smells good.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang mapatingin sa paligid.
Madilim na ang karagatan pero hindi naman nakakatakot kasi malaki ang buwan at kitang-kita pa mula sa di kalayuan ang iilang ilaw na nanggagaling sa mga yate sa gitna.
Napatingin ako sa kaniya nang bigla niyang kinuha ang kamay ko at ipinagsiklop agad ang mga daliri namin. Kumabog nang mabilis ang puso ko sa ginawa niyang iyon pero hindi ko ipinahalatang sobra-sobra ang kaba ko.
Tinignan niya ako bago hinatak. Nagpatianod ako sa hila niya hanggang sa makarating kami sa harap ng isang speed boat. Kumunot ang noo ko. Saan ba talaga kami pupunta?
Nauna siyang sumakay doon at kaagad niyang inilahad ang kamay sa akin. Tinanggap ko naman agad iyon kaya nakasakay na ako sa speed boat.
"Your hand," may awtoridad niyang sambit kaya wala akong nagawa kun'di ng ibigay sa kaniya ang kanang kamay ko.
Nginisihan niya ako bago ulit ipinagsiklop ang mga daliri namin.
"Be ready," maikli niyang sambit at ipinaandar na ang speed boat.
Humigpit ang hawak ko sa kamay niya nang mas bumilis ang takbo ng sinasakyan namin.
Napatingin ako sa kaniya na malayo ang tingin sa dagat. Ngayong malapit siya, parang gusto kong mas lumapit pa sa kaniya. Gusto kong pagmasdan ang mukha niya kada-segundo. Siguro hindi ako magsasawa kahit kailan.
I bitterly smiled. Hanggang saan lang kaya 'tong pagpapanggap namin? Hanggang sa tuluyan na akong nilubayan ni Daryl at hindi na ulit babanggitin nina daddy ang arrange marriage thing.
Hindi ko mapigilang mapaisip kung sino kaya ang lalaking ipapakasal sa akin na anak ng loyal business partner namin. Gwapo kaya siya? Mabait? Gentleman? Mabango? Matalino? Maganda ang built ng katawan katulad kay Heeven? Kung hindi ko ba naisip na magpanggap kami, kinasal na kaya ako ngayon sa lalaking hindi ko mahal? Malamang, oo. Mabuti na lang pala hindi. Hindi ko alam ang gagawin kapag natuloy iyon.
Napatingin ako kay Heeven nang maramdaman kong bumagal ang takbo ng speed boat.
Seryoso siyang nakatingin sa akin bago nagbitaw ng isang ngiting nakakalusaw.
"Sa harap mo, Eve." aniya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
Unti-unti akong bumaling sa harapan ko kasabay ng pag-awang ng labi ko. Napatakip ako sa labi habang tinitignan ang napakalaki at napakagarang bagay sa harapan naming dalawa.
Isang yate na may nakasulat sa gitna na 'BE MY FREEDOM'.
Litong-lito kong tinignan si Heeven na nakatingin lang sa akin ng seryoso.
"Happy birthday again, babe... That yacht is yours. Pri-noseso ko na ang mga papeles. Kapag natapos na lahat 'yon... The yacht... is officially yours." aniya na nakapagpaawang ng labi ko.
His surprise? Ang yate ang surprisa niya sa akin? Ibibigay niya iyon sa akin? Pero... Bakit? I mean... Hindi naman kailangan na regaluhan niya ako kasi in the first place, wala naman kaming relasyon. We're just pretending. Sa mga totoong magboyfriend at girlfriend lang ang nagreregaluhan ng mga mamahaling bagay.
Umiling agad ako, "N-No, Heeven. It costs millions, right? I appreciate it but... I can't accept that. Besides, hindi naman kailangan na regaluhan mo ako..." pagtanggi ko.
Pinisil niya ang kamay ko kaya napakagat ako ng labi, "Fern, pera ko mismo ang ginamit para mapagawa ang yateng iyan. At pinagawa ko kasi ito ang plano kong iregalo sa'yo. Mayaman rin kayo kaya nahirapan akong maghanap ng ireregalo kasi alam kong lahat ng bagay ay kaya mong bilhin... pero ang yate? Wala ka pa kayo, hindi ba? Kahit kailan ay hindi naisip ni tito Boulevard na bumili ng yate kaya... iyan... It's my gift and hindi pwede tumanggi." seryoso niyang sambit.
"Heeven, I really really appreciate it pero hindi ko matatanggap iyan. Sobrang mahal at oo nga, pera mo ang ginamit. Ikaw ang napagod, hindi ako. Kaya sa'yo na lang iyan. Being with you and greeting me a 'happy birthday' is more than what I've wanted. No need for gifts, Heeven. No need." patuloy kong tanggi at umiling.
"Fern, wala lang ang pera sa'kin. If that's what you think."
"Hindi sa ganoon pero..."
Nagkadikit ang mga kilay niya bago ako nginisihan, "Binabalaan kita, Fern Silver Gomez. Kapag tumanggi ka pa ng isang beses, aanakan kita."
Uminit agad ang pisngi ko sa sinabi niyang iyon. Napabitaw ako sa hawak niya dahil sa sobrang kaba. Nagkagat ako ng labi bago tinitigan ang kaharap na yate. Malaki talaga iyon at may kataasan pa. Kitang-kita ang kulay puting pintura nito dahil sa liwanag ng buwan.
Hindi ko na napigilan ang sariling yakapin siya nang mahigpit dahil sa sobrang tuwa.
"Thank you, Heeven. So much. You made me really happy." tumakas ang mga luha ko sa mga mata.
Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap ko sa kaniya bago ko naramdaman ang paghalik niya sa noo ko. Inilapit niya ang labi sa tainga ko bago bumulong.
"More years to live, babe."
Yeah, Heeven. More years to us. I hope. I hope us to be like this forever. 'Yong laging nagkakasundo. Laging magkasama. Laging masaya. Laging nagmamahalan pero alam kong hindi mangyayari kasi... ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top