Chapter 15

Kabanata 15

Gustong Masolo



Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya maaga rin akong nakapag-almusal kasama ang kapatid kong naka-pajama pa.


"Good morning, ate." he smiled bago ininom ang gatas niya.

Ngumiti ako at hinalikan ang pisngi niya, "Good morning, my baby. Why did you wake up this early?" sabay upo ko sa tabi niya.


Kumuha ako ng sliced bread at nilagyan ng cheese ang gitna ng dalawang piraso ng tinapay saka kinain iyon.


"I'm just... sad,"


Napatingin ako sa kapatid ko nang sabihin niya iyon. Agad kong inilapag ang tirang tinapay sa pinggan bago ko siya hinarap.


"Why? What's wrong, Axel?" nag-aalala kong tanong at hinaplos ang buhok niyang magulo.

Ngumuso siya at nagkibit-balikat.

"Because you will go to ate Margaux's birthday without me. Hindi niyo ako isasama." he pouted again.

Hindi ko napigilan ang ngumiti. Hinawakan ko ang pisngi niya bago ako ngumiti nang pagkatamis-tamis.

"That's because you don't have a date. Kaya hindi pwede. Dito ka na lang and watch documentaries, okay?"

Umiling siya, "Do I have to get a girlfriend first? I want to go to the party!" aniya.

Sumimangot ako, "No, of course you can't have a girlfriend. You're only twelve years old. Kapag nag-twenty one ka na, doon ka pa pwedeng magpakilala sa amin ng babae." seryoso kong sambit.



Natahimik siya saglit at umayos sa pagkakaupo niya.


Ilang saglit lang ang lumipas ay hinarap niya ulit ako at tumango-tango.



"Okay, po."

Lumaki ang ngiti ko, "That's good, my baby boy." ginulo ko ang buhok niya.

"But answer me first, ate." sumeryoso bigla ang itsura niya kaya natahimik ako. "Do you have a boyfriend?" nanliit ang mga mata niya.



Suminghap ako at nag-iwas ng tingin. Hindi alam ang sasabihin. Gusto kong sumagot na 'oo, meron' pero hindi ko rin kaya kasi pretend lang kami ni Heeven. I can lie to anyone pero it's hard kapag sa kapatid ko mismo ako nagsinungaling.


I have never lied to my parents before. Well, a white lie, I guess. Pero iyong mabigat na? Nagawa ko lang magsinungaling sa kanila para hindi matuloy ang pagho-hold ng kasal ko sa isang hindi ko kilalang anak ng business partner namin. Dahil doon, nagsinungaling ako pero guilty ako. Pati na kay Axelius na masyado pang bata upang makarinig ng pagsisinungaling ko. It's hard.


Tumahimik na lang ako at hindi na sumagot. Hindi na rin naman niya ako kinulit. Kaya pagkatapos kong mag-almusal ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nagbihis.



Buong araw kong rine-view ang lahat-lahat ng mga lessons and topics namin kasi paparating na ang final exam kaya kailangan kong mag-focus. Tinignan ko na rin ang results ng sculpture namin ni Daryl. Kalalabas lang kasi ng scores namin last week and ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para tignan.


Nanlaki ang mga mata ko nang makita na ang score namin.



"OH MY GOD!" sambit ko at lumipad ang palad ko sa nakaawang kong labi.



It's one hundred over one hundred! We got the perfect score! Ghad! Hindi ko in-expect iyon! Aminado akong mahirap gawin ang sculpture pero worth it naman pala! I just can't believe this!


Saktong nahimasmasan na ako ay ang pagtunog ng cellphone ko. Tinignan ko iyon at napangiti ng tipid.


Unregistered Number:

It's me, Daryl. Congrats to us, Fern.


Iyon ang laman ng text niya. Bumuntong-hininga ako at magre-reply na sana nang mag-vibrate na naman ulit ang cellphone ko. Literal na kumabog ang dibdib ko nang mabasa ang pangalan ni Heeven.


Dali-dali kong binasa ang text niya.


Heeven:

I'll pick you up at six.


Ngumuso ako para pigilan ang sariling ngumiti. Pero hindi ko napigilan. Napatingin ako sa coat niya na nasa cabinet ko saka ngumuso.


Nireply-an ko muna si Daryl.



To: Unregistered Number

Yeah. Congrats to us. We did well.


After kong si-nend iyon ay inilipat ko naman ang inbox sa text ni Heeven.


To: Heeven

Sige.


Iyon lang ang reply ko at nagpatuloy na sa pag-scroll sa laptop ko para tignan ang slides ng powerpoint na si-nend ng professor namin sa Arts.


May nag-pop out na chat heads kaya agad kong tinignan ang message ng prof namin. Link iyon papunta sa isang uploaded video na bago na namang powerpoint sa private group namin para sa finals.


Nag-vibrate na naman ang cellphone ko kaya tinignan ko ulit iyon.


Heeven:

Okay. Don't reply because I have an urgent meeting.


Napairap ako sa text niyang iyon. May nag-vibrate na naman ulit kaya inilipat ko ulit iyon sa conversation namin ni Daryl.


Daryl:

Can I ask for a dinner with you? When you're available, of course.


Napapikit ako. Darn it. He's showing his intentions again! And I hate it. Akala ko tumigil na siya pero hindi pa pala. Some people just never change.

Ipinilig ko ang ulo bago nag-tipa ng reply kay Daryl.


To: Daryl

I am not sure, Daryl. But if I have a spare time. Let's have dinner, then.


Iyon ang reply ko at si-nend ko na agad. Inilipat ko na naman ang atensyon sa laptop ko para basahin ang content ng bagong send na powerpoint.

Nasa ikalimang slide pa lang ako nang mag-vibrate ulit ang phone ko.


Kinuha ko iyon at tinignan ang text ni Daryl. Halos mapamura ako nang mabasa ang pangalan ni Heeven at hindi ni Daryl. Damn! Agaran kong binuksan ang text niya at napapikit ako kasabay ng pagkabog ng mabilis ng dibdib ko.


Darn it! Wrong send!


Heeven:

Dinner with Daryl, huh?


Uminit ang pisngi ko habang binabasa iyon. Hindi dahil kinikilig ako kun'di dahil feeling ko ay iba ang tono ng pagkaka-text niya. It's sarcasm with a little bit of jealousy. And I am having chills because of nervousness.


Napapikit ako nang marinig na nag-ring ang phone ko. Darn it! Heeven's calling! Kagat-kagat ko ang labi habang pinapakalma ang sarili.


Nanginginig ang mga kamay ko habang unti-unting sinagot ang tawag.



"Uhm... I'm sorry. It was wrong sent and... nagyaya lang siya ng dinner kasi perfect ang score namin sa sculpture. Nag-reply lang ako para hindi magmukhang snob kaya ayun..." paliwanag ko.

Tumikhim siya mula sa kabilang linya, "What's with you and your raisons? I don't need it. Give his number to me and I'll talk to him." may awtoridad na sambit niya.

Napakagat uli ako ng labi, "Heeven... Hindi na kailangan 'yon. Masaya lang siya and as his partner ay dapat lang na mag-reply ako--"

"Hindi ko alam, Fern. I really don't like the audacity of that guy. Hindi niya ba alam na may boyfriend ka na? Why won't you tell him? Hindi ka ba naaasiwa sa presensya niya?" bawat salita niya ay may riin.



He sounded pissed kaya hindi ko mapigilan ang sariling matuwa. He sounded so... jealous.



I sighed, "Heeven, we're just pretending. Okay, kapag nandiyan siya, let's show him that we're in a relationship pero ngayon... it's not necessary lalo nang tayo lang dalawa ang nag-uusap ngayon. It's your condition, right? Kapag tayo lang dalawa, no pretend." seryoso ang tono ko habang pinipigilan ang ngumiti.


Tignan natin kung ano ang sasabihin niya. I'm sure he's now jealous. Super sure.


Narinig ko ang paghampas niya ng kamay sa sariling table kaya mas lalo akong ginanahan.



"Pretend... pretend... pretend... Yeah, you are right. Nagpapanggap nga lang tayo... Nakalimutan ko saglit." matabang niyang ani.

Nagkagat ako ng labi, "'Wag mong kalimutan iyon, Heeven. That's the truth. Anyways, why are you still talking to me? Sabi mo may urgent meeting ka pa? Hindi ba ay late ka na?" tanong ko.


Iyon kasi ang sinabi niya sa text kanina. Sinabi niya rin na 'wag na akong mag-reply kasi may urgent meeting siya and no'ng na wrong sent ako ay nag-text ulit siya.



"Mr. Cordova! Hinahanap ka na ng mga board of directors!" rinig kong sigaw ng babae mula sa kabilang linya.


Ngumuso ako. May trabaho na siya. Bakit niya pa inaaksaya ang oras sa pagtawag sa'kin?



"Uh, sige na, Heeven. Magtrabaho ka na." sambit ko.

"At kapag nagtrabaho ako? Ano ang gagawin mo? Magte-text kayo ni Daryl?"


Darn it! Sobrang nakakatuwa talaga ang lahat ng mga linya niya. Halatang naiinis. Bakit ba siya naiinis? Kasi naaapakan ang ego niya? He shouldn't waste his time on me kasi hindi naman araw-araw kailangang mag-pretend kami. Kung gusto niya, he's free to do anything he want.


Ipinilig ko ang ulo, "Hindi. Pero kung oo, bakit? Nagseselos ka ba? Maiinis ka ba?"

"Shit! Oo, Fern. Nagseselos ako. Naiinis ako. Big time. Kaya 'wag mo akong paselosin nang ganito. 'Wag mo na siyang i-text--Sir! Hinahanap na po kayo!-- Narinig ko na, alright!? Papunta na!" rinig na rinig ko ang pagkainis sa tono niya.



Umiling ako at ngumisi. Hindi ko na hinintay na magsalita ulit siya. Pinatay ko na ang tawag at nag-focus na lang sa pagre-review kahit na no'ng una ay hindi pumapasok sa isip ko ang lahat ng pinag-aaralan dahil sa pag-uusap namin ni Heeven.


Eksaktong six PM ay dumating ang BMW na sobrang pamilyar sa akin. Nakatayo na ako sa garahe namin at halos limang minuto nang naghihintay.


Namatay ang ilaw ng sasakyan at kasabay no'n ay ang paglabas ni Heeven na naka-striped button-down dress shirt na bukas ang tatlonh butones sa itaas. Pinaresan niya iyon ng black slacks at simpleng itim na sapatos. Maayos ang pagkaka-style ng buhok niya ngayon na halatang nilagyan ng gel.


Kaagad akong umayos sa pagtayo ko nang maglakad siya papalapit sa akin.


"Let's go?" aniya at ngumisi.


Mas lalo siyang gumwapo sa ayos niya ngayon. Pumungay ang mga mata niya nang mapagmasdan ang labi ko. Agad rin siyang umiwas ng tingin bago bumuntong-hininga.


I bit my lower lip bago ngumiti.


"Ah! Wait, kukunin ko lang ang coat mo." sambit ko at tatalikuran na sana siya nang agad siyang nagsalita.

"Hindi na, Eve. I'm giving that to you. Remembrance?" nagtaas-baba ang kilay niya at pinagmasdan ang ekspresyon ko.


Iniwas ko ang paningin. Damn it. Ayan na naman siya sa remembrance niya. Sariwa pa sa alaala ko nang ibigay niya sa akin ang cloth headband niya sa Cebu and he's too thick-skinned back there. Hindi ko iyon tinanggap, of course. At ngayon, hindi ko na alam.


"Uhm... No! Ibabalik ko 'yon sa'yo." sambit ko nang mapatingin sa dibdib niyang medyo expose.

Uminit ang pisngi ko dahil sa pagdapo ng paningin ko doon. Darn it! Why is he so hot!?

"At tsaka, pwede ba, Heeven? Don't unbutton the buttons in your clothes! Hindi mo ba alam na marami ang mga nahuhumaling dahil diyan? Hindi mo ba alam na pinagpapantasyahan ka na ng ibang babae sa mga utak nila? Kung sana ay hindi ka na lang nagdamit, kung ipapakita mo lang naman ang parte ng katawan mo." inis kong sambit.



Umangat ang sulok ng labi at pilit na pinipigilan ang ngumiti. Inirapan ko na lang siya bago pumasok sa front seat ng sasakyan niya.


Walang masyadong nangyari sa party ni Margaux. Kumain lang kami doon at kung hindi pa ako niyaya ni Heeven na sumayaw ay hindi ako sasayaw. It's not an intimate dance pero naghuhuramentado na ang mga sistema ko.


"Ang ganda mo talaga..." aniya na hindi ko na lang pinansin pa.


Hinapit niya ang baywang ko kaya napatingin ako sa kaniya nang wala sa oras.


Nagsitindigan ang mga balahibo sa katawan ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa tainga ko. Hindi ako nakagalaw hanggang sa maramdaman ko ang pagbulong niya sa akin.


"Hindi na kayo magdi-dinner ni Daryl?" aniya.

Napapikit ako, "H-Hindi ko pa a-alam..." nauutal kong sambit.


Who wouldn't stutter if a beast is in front of you, right?! At sobrang lapit niya pa!


"Why? Reject him already. Walang dinner na mangyayari, alright? Tell him and after that, block his number. Change your number also. Please, Fern? Answer me... Reject him... Tell him that I am your boyfriend... That you're off-limit..."


Bumigat ang talukap ng mga mata ko dahil sa pagkapaos niya. Hindi agad ako nakasagot. Ilang segundo pa ang lumipas bago ako nakatango. Iyon lang ang nakaya kong isagot sa kaniya.


Naging busy ako sa mga sumunod na linggo. Bukod sa malapit na ang finals, ang dami pang projects na kailangang gawin. Isa na doon ang sketch na sa susunod na araw agad isa-submit.



"Sino ang model mo, Fern?" tanong ni Kara sa akin, classmate ko rin.

Binalingan ko siya ng tingin bago nagkibit-balikat.

"Hindi ko pa alam, eh." sagot ko na lang.

Ang ise-sketch kasi namin ay dapat pigura ng tao. Kailangang maging perpekto at maipakita ang mga elemento sa sketch. Wala nang mas makakadepina ng kagandahan ng isang sketch kun'di ang pagkaka-sketch mo mismo at ang tao lang ang makakatulong sa'yo kaya kailangan kong humanap ng lalaking pwede kong i-sketch.



"Bakit ka ba namo-mroblema? Hindi ba may boyfriend ka? Iyong ka-text mo no'ng isang araw?" aniya at ngumisi.


Napairap ako. Alalang-alala ko pa no'ng text nang text sa akin si Heeven kasi wala raw siyang inaasikasong kliyente at trabaho. Naabutan ko na lang si Kara na nakikiusyuso na pala sa gilid ko kaya niya alam.


"Busy, eh..." sagot ko na lang.

Tinaasan niya ako ng kilay, "Busy sa ano? Kasi may iba't-ibang klase ng busy. Busy sa trabaho, busy sa sariling kasiyahan, at busy sa ibang babae..." ngumiti na naman siya nang parang nanunuya.


Pinagdikit ko ang labi ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis. Kakaibang inis na may halong... selos. Heeven's playboy. Alam ko pero sa lahat ng araw simula nang magsimula kami sa pretend relationship ay hindi ko siya nakitang may ibang babaeng pinapansin bukod sa akin. Is the playboy serious? What am I thinking!? The hell.


Nang dumating ang hapon ay agad akong sumakay sa taxi para puntahan si Heeven sa kompanya nila.


Agad akong sinalubong ng malaking ngiti ng isang babaeng halatang receptionist.



"Mrs. Cordova! Ikaw nga! Ang ganda-ganda niyo po talaga! Bagay na bagay kayo ni Sir Heeven!" aniya at mas lumapad ang ngiti.

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Uh, hindi ako asawa ni Heeven. We're just friends." sagot ko at nagbigay ng isang ngiti.


Halatang natigilan siya at napawi ang ngiti sa labi pero kalaunan ay umiling din at humalakhak.


"Palabiro po pala kayo!" tumawa ulit siya. "Halika, Mrs. Cordova. Sasamahan kita sa office ni Sir,"


Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Tinalikuran na niya ako kaya wala na akong nagawa kun'di ang sumunod na lang. Hanggang sa makarating kami sa sixtieth floor ay nauna siyang lumabas sa akin. Dumiretso siya sa glass-walled room na halatang opisina ni Heeven.


"Pasok na po kayo, Mrs. Cordova." aniya at ngumisi.


Ibinalewala ko na lang ang pagtawag niya sa akin ng Mrs. Cordova at sumunod na sa kaniya.


Kumalabog ang dibdib ko nang makaapak na sa loob ng office. Doon sa mesa ay ang pangalan ni Heeven na may kasamang 'Chief Executive Officer' sa ibabaw.


Inilibot ko ang paningin sa paligid. Malinis ang buong opisina niya at halatang walang alikabok dahil sa kakintaban. Napatigil ang mga mata ko sa isang picture na nakasabit sa wall. Isa iyong batang babae na sobrang pamilyar sa akin.

That... That's me! Hindi ako nagkakamali! Bakit may picture siya sa'kin pagkabata ko!? And where did he get that? Of course, why did he put it in his office?


"Sir Heeven! Nandito na po ang asawa--"

"Shut up, Mia." ani ng baritonong boses.


Kaagad kong nilingon ang nasa likuran ko at halos malaglag ang panga ko nang makita ang lalaking walang traces ng kapangitan. He's wearing an office attire and his hair's a bit messed up pero that made him look hot! Shit!


"S-Sige po, Sir... and Mrs. Cordova, mauna na po ako." paalam ng babae saka lumabas na.


Nang maisara na ang pinto ay agad akong dinapuan ng kaba. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya! Tatanungin ko ba muna siya tungkol sa sketch or tungkol sa picture ko? God. I have never been this torn.


"Ah..." nagkagat ako ng labi bago bumuntong-hininga.

"What, babe?" aniya at ngumisi.

"K-Kasi... G-Gusto kong magtanong..."

Nagkibit-balikat siya at tumango.

"Free ka ba? I mean... Hindi sa mag-aaya ako ng date pero kailangan ko ang tulong mo. If... that's okay with you. Baka busy ka or what?" ani ko na lang.


Kumunot ang noo niya at humakbang palapit sa akin. Agad akong umatras.


"Anong tulong ba 'yan?" seryoso ang mukha niya.

"Pwede ba kitang i-sketch?" nilakasan ko na ang loob ko.


Umangat ang sulok ng labi niya at kumuha agad ng swivel chair. Umupo siya doon at nginisihan ako. Nag-dekuwatro siya ng upo.


"I'm ready. Sketch me now." aniya.



Nalaglag ang panga ko at hindi agad nai-proseso ang sinabi niya. Wala man lang tanong kung bakit? Agad-agad? Well, ano pa ba ang gagawin ko? Mabuti na lang at pumayag.

Kinuha ko ang may kalakihang sketch pad at mga pencils. Umupo ako sa sofa ng office niya at nagsimula siyang i-sketch. Hindi siya gumalaw. Para siyang monumento na nakaupo sa swivel chair niya. Pinasadahan ko ng tingin ang coat niya at napakagat ng labi.



"K-Kasi... Pwedeng hubarin mo ang coat mo? Sa tingin ko, mas cool kapag wala iyan." ani ko.


Nangunot ang noo niya pero sinunod rin agad ang sinabi ko. Napangiti ako dahil doon. Bakit ba sa tingin ko ay ginagawa niya lahat ng gusto ko? Like I am his master and he's my slave. I don't know.


Ipinilig ko na lang ang ulo at tumikhim. Ginuhit ko siya pero napatigil rin nang may maisip na mas maganda.


"Pwedeng maghubad ka? Hindi naman ang lahat-lahat. Ang upper lang. I-I just need it to make my sketch more... attracting." nagkagat ako ng labi.


Bumigat ang paghinga niya dahil sa sinabi ko. Marahil ay hindi in-expect. Iyon lang naman ang naisip ko na mas makakaganda sa sketch ko. His naked body.


"Fern? A-Are you serious?" nang-igting ang panga niya.


Halos murahin ko ang sarili. Darn! Sobrang sarap niyang panoorin!


Tumango ako. Nag-iwas siya ng paningin. Ilang segundo pa ang pinalipas niya bago sinunod ang sinabi ko. Uminit ang pisngi ko nang unti-unti niyang kinalas ang butones ng white dress shirt niya. Bago ko pa mapigilan ang sarili ay tumambad na sa harapan ko ang sobrang gandang katawan niya. That hard chest with muscles. That biceps and triceps. That eight-pack abs. That adonis belt. Shit!


Sa tingin ko, hindi ko kayang mag-concentrate dahil sa katawan niyang sobrang nakaka-distract. How did I end up suggesting that!? Ako itong nababaliw ngayon, eh.


"Sir, may pa--"


Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may pumasok na babaeng may dala-dalang mga folders. Laglag ang panga niya nang makita ang katawan ni Heeven.


"S-Sir..." nauutal niyang sambit habang pinapasadahan ng tingin ang katawan ni Heeven.


Agad na nag-init ang pisngi ko dahil sa inis. Padabog kong inilapag ang sketch pad sa sofa at nagmartsa papunta kay Heeven. Natigilan iyong babae nang makita ako.


Hinawakan ko ang braso ng boyfriend ko at nginisihan ang babaeng nag-iiwas ng tingin.



"Babe... Wala ka bang ibang room dito? Ayoko ng distractions, eh." nanunuya kong sambit at hinarap si Heeven na halatang natutuwa. Nginisihan ko siya at hinarap ang babae, "Ilapag mo na lang raw sa table niya, Ms. After that, lumabas ka na kasi busy pa kami ng boyfriend ko." diniinan ko ang bawat salitang binitawan.


Namutla siya at agad na inilapag ang mga folders sa table. Umalis rin siya agad pagkatapos.


Doon ko lang binitawan si Heeven. Umismid ako at tinaasan siya ng kilay.



"Ano? May room ka bang iba? Ang dami namang pumapasok dito. Hindi ako nakakapag-concentrate." inis kong sambit.


Mas lumaki ang ngisi niya at hinawakan ang pisngi ko. Marahan niya iyong hinaplos dahilan upang magsitindigan ang mga balahibo ko.


Agad rin niya iyong binitawan bago tumango.


"Sana sinabi mo agad. Kung gaano mo ako kagustong masolo, gano'n rin ako sa'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top