Chapter 14

Kabanata 14

His Presence



Umaga ng Sabado nang namulat ako na nasa harap ng pinto ng hotel room ni Heeven.

Wala na kong pakialam pa. Kung mahuhulog man ako, hahayaan ko ang sarili ko basta ayokong maikasal sa lalaking hindi ko naman mahal.

Huminga ako nang malalim bago pinindot ang doorbell sa gilid ng pinto. Pangalawang doorbell ko ay bumukas iyong pinto.


Bumungad sa akin ang walang saplot sa itaas na adonis. Gulong-gulo ang buhok na animo'y bagong gising lang pero hindi pa rin maitatago ang kagwapuhang taglay na dala-dala niya. Uminit ang pisngi ko. Naglakbay ang mga mata ko sa dibdib niyang sobrang tigas tignan. Bumaba iyon hanggang sa abs niyang apat na pares. Pinigilan ko na ang sarili nang pababa na ang tingin ko sa v-line niya. Ayoko na yata.


Dahil sa bungad niya, parang nawalan na ako ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya ang gusto kong sabihin. Nakaka-distract ang mga biceps and muscles niya. Pati na ang hard chest, abs, and v-line.



"What are you doing here?"


Natauhan lang ako nang magsalita siya. May iba sa boses niya ngayon. Ang lamig.


Nagkagat ako ng labi bago tumungo, "Uhm... Heeven... Alam kong galit ka sa'kin. Kaya nga hindi ka na nagte-text, right? Kahit na hindi ko alam ang ikinagagalit mo, gusto ko pa ring mag-sorry. Sorry na... Ayokong magkaaway tayo. Bati na lang tayo, please? Hmm?" ngumuso ako at kumurap-kurap.



Iniwasan niya ang mga titig ko. Tumalikod siya sa akin at akmang isasara ang pinto nang pinigilan ko agad iyon gamit ang palad ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na dumapo iyon sa abs niya. Nag-init ang pisngi ko dahil sa sobrang hiya kaya agaran kong inalis ang kamay sa abs niyang sobrang nakakapang-init.


"Darn," napapikit ako dahil sa sobrang hiya.


Hindi ako makatingin nang maayos sa kaniya dala ng sobrang pagkahiya. DAMN! His abs are really really hard! Bakit ba kasi doon dumapo ang kamay ko? Ayan tuloy at nahawakan ko ang abs niya. Hindi ko na yata makakalimutan 'yon. Teka! Bakit ba iyon ang iniisip ko!? The point here is bakit niya ako pagsasarhan?!


Nawala ang hiya ko at napalitan iyon ng inis.



"You... You... Ugh! Bakit mo ba ako pagsasarhan, huh!? That's so ungentleman of you! Nag-sorry naman na ako, ah? Bakit nag-iinarte ka pa rin? Then, if you won't accept my apology, fine! Fine!" inis kong sambit at akmang tatalikod na nang marinig ko ang pagsinghap niya.


Naririnig ko rin ang mabigat na paghinga niya. Unti-unti ko siyang tinitigan sa mga mata.

Pumikit siya bago nagkagat ng labi.


"Oo na! Sorry! Tangina. Ako iyong galit, eh. Bakit nagso-sorry ako?" aniya at kumuyom ang panga.

Nagtaas ako ng kilay bago nagkibit-balikat, "Minumura mo ako, Heeven?"

Agad siyang umiling, "H-Hindi." tanggi niya.



Tipid akong tumango at pumasok na sa loob ng hotel room niya. Nang makatalikod na sa kaniya ay doon ko na hindi napigilan ang sariling ngumiti.


Inilibot ko sa buong sala ang atensyon ko. Halatang grand master's suit ang room na ito. Malaki ang living room na may mga sala at couch. Mayroon ring kitchen at dining area sa gilid. May dalawang pinto na alam kong mga kwarto.

Malinis rin ang pagkaka-organize ng mga gamit. Hindi ko alam kung room service ba ang naglinis o sadyang malinis lang siya. Kulay cream ang mga walls na may maliliit na paintings na nakasabit dito.



"Ano ba ang kailangan mo at nagpunta ka dito?" masungit niyang saad. Naka-t-shirt na siya ngayon ng kulay grey na bakat na bakat sa muscles and biceps niya.



Umupo siya sa couch at humalukipkip. Sumunod ako sa pag-upo sa kaharap niyang sofa bago nag-cross legs. Kita ko ang paggalaw ng mga mata niya sa legs ko nang ginawa ko iyon kaya mas lalo akong napangisi. Ang playboy niya talaga.



"You're right." simula ko.

Halatang natigilan siya at ang masungit na mukha ay napalitan ng pagkagulat. Pero nanatiling nakakuyom ang panga niya.


"Gian is not my suitor. Hindi ko alam kung paano mo nalaman na nagpapanggap lang kami pero tama ka. Humingi lang ako ng pabor sa kaniya. As a friend, pumayag siya." bumuntong-hininga ako bago nagkagat-labi.

"Tama rin ba ako sa hinala kong si Daryl ang dahilan kung bakit mo iyon naisip?" seryoso niyang tanong.

Tumango ako, "You're right pero... not that. Since my family and your family is quite close, siguro ay narinig mo na ang tungkol sa arrange marriage ko sa isa sa anak ng business partner namin. That's the solution that my parents and even kuya had concluded." sambit ko.

Nanatiling seryoso ang ekspresyon niya bago tumitig sa mga mata ko, "Bakit si Gian? Ang daming lalaki diyan sa paligid na pwede mong mahingan ng tulong, bakit siya pa?" may bahid ng inis ang tono niya.

"Because he's the only guy I trusted. Kaibigan ko siya kaya kilalang-kilala ko na siya. Besides, mas kapani-paniwala kung siya ang ipakilala ko." patuloy kong sambit.

Kumunot ang noo ko nang tumayo siya bigla, "Why are you here, then? Kung siya lang naman ang pag-uusapan natin."



Tumayo agad ako nang akmang tatalikuran na niya ako. Hinawakan ko ang kamay niya bago siya pinasandal sa pader ng hotel room. Lumunok ako bago tumingin sa mga labi niya.


Nakaawang ang labi niya at medyo natutuliro ang mga mata. Mabibigat na rin ang paghinga niya. Oh, this playboy has a weakness?



Hinanap ko ang tingin niya at nang mahanap ko ay saka ako suminghap, "Nandito ako kasi hindi na pwede si Gian. It means, wala na siyang oras na tulungan ako. Ikaw... Ikaw na lang ang pag-asa ko. Tutal ay close kayo ni kuya, boto iyon sa'yo panigurado. Siguradong hindi rin siya magtataka na tayo na-"


Napasinghap ako ulit nang bumaligtad ang posisyon namin. Ako na ang nakasandal sa pader habang siya naman ay nakahawak sa mga kamay ko.


Tuliro ang mga mata ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman. Naghuhuramentado na naman ang mga sistema ko sa katawan. Pilit kong kinalma ang sarili.



"Ako? Magpapanggap bilang boyfriend mo? Sa tingin mo, papayag ako? Hmm?" hinawakan niya ang chin ko at inilapit ang mukha sa akin.


Ramdam na ramdam ko na ang mainit niyang hininga sa leeg ko dahil nakatungo na siya ngayon.

Nang iangat niya ang paningin ay tumango ako.


"Y-Yes. Alam kong papayag ka. Ikaw nga ang nag-offer noon sa akin, hindi ba?" sabi ko.


Umangat ang sulok ng labi niya at hinapit ang baywang ko kaya dumikit ang dibdib ko sa dibdib niyang sobrang tigas.


Marahan siyang tumango, "Uh-huh... Alright. Papayag ako... in one condition." ngumisi siya na nakapagpangamba sa akin.


Damn! Bakit ba ang gwapo-gwapo niya kapag nakangisi? Kahit ba umiyak siya ay gwapo pa rin? Syempre! Kahit ano yata ang gawin niya. Magbaliw-baliwan, tatahimik habang manonood ng movie, at kahit na pawis na pawis ay sobrang gwapo pa rin. Ang lakas pa ng karisma! Kung hindi lang 'to playboy... noon ko pa inamin sa sarili ko na gusto ko siya pero hindi, eh... Playboy siya.


"W-What condition?" sambit ko at nag-iwas ng tingin.


Mas naramdaman ko ang init nang bigla niyang ipinagapang ang kaliwang kamay niya sa leeg ko papunta sa collarbones ko, pababa ng dibdib ko. Napapikit ako sa ginawa niyang iyon pero naudlot rin nang agad siyang lumayo sa akin.



"Let's pretend in front of other people. Hindi lang sa mga magulang mo kun'di sa harap ng ibang tao. Hindi lang tayo magpapanggap kapag tayo lang dalawa ang magkasama. Deal?" nagtaas siya ng kilay.


Dahil wala na akong masabi ay pumayag ako. I don't know the outcome of my decision pero I don't regret that. Wala na akong pakialam sa mangyayari. Just go with the flow.


Mabilis talaga lumipas ang mga oras na agad nagiging buwan. Walang gaanong nangyari sa akin for the past few months. Hindi na kami nagkita pa ni Heeven kasi umuwi siya ng Cebu for some reasons kaya hindi pa namin nasisimulan ang pretend relationship.

I think it's fine para naman maniwala agad sina daddy, mommy, at kuya na boyfriend ko na si Heeven. They won't doubt that kasi ilang buwan na rin mula nang pumunta si Gian sa Norway.


"Fern!"


Napatingin ako sa babaeng kakapasok lang ng café kung saan ako umiinom ng latte paired with a slice of cheesecake. I just had a yoga session in the gym kaya dumiretso na ako dito sa café.

Tumayo ako bago nag-beso kay Margaux.


"Take a seat, Margaux. What do you want? Frappe, latte, iced americano or what?" tanong ko.

Umupo siya sa tabi ko bago umiling, "Thank you na lang, Fern pero busog pa ako, eh. Galing kasi ako sa mall ng tita ko and we had snacks together." aniya.

"Ah, really? Okay, then." sambit ko at humigop sa latte ko.

"Next Sunday is my birthday and my dad wants me to hold a party kaya I would like to see you there. Are you perhaps free... that night?" nagtaas-baba ang kilay niya at hinintay ang sagot ko.


Unti-unti akong tumango kasi wala naman akong gagawin.


"Talaga!?" her eyes got bigger bago siya ngumiti nang maluwag. "Then, good! Anyways, you need to bring a date, okay? There will be a birthday ball." sambit niya.

Napatigil ako. Date? Sino naman ang isasama ko? Wala naman si Heeven dito kaya alam kong hindi siya pwede. He's busy, too. I don't wanna disturb him.

"Ahm... Can't I go there alone? I... I think I won't be having a date." sagot ko saka tipid na ngumiti.

Tinaasan niya ako ng kilay bago umiling, "No. Of course, you can't. You need to bring someone with you." sumeryoso ang mukha niya.


Nagkagat-labi ako bago tumahimik. Wala talaga akong maisip na pwedeng dalhin do'n bilang date. I'm used to being alone kapag may mga parties. Hindi na ako sumasali sa mga sayawan kasi hindi rin naman ako gano'n ka-interesado.


Natigilan ako nang may maisip, "How about kuya? Pwede ko ba siyang gawing date?" tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay bago sinimangutan, "I'm sorry, dear. Your kuya is my escort for that night." aniya at ngumisi.


Umismid ako bago umiling.


Pinag-isipan kong mabuti kung sino ang dadalhin kong date sa linggo. Wala pa rin akong maisip kaya nang dumating ang sabado ay nakipagkita ako kay Margaux in person. Gusto kong tumanggi, in person talaga.



"Oh? What's the tea, Sissy?" aniya at umupo sa kaharap kong upuan.

"Uhm... Margaux... kasi..." darn!


I really don't know how to reject her invitation. I like to come but there's no one who's suitable to be my date. Pupunta sila ni daddy at mommy pero mauuna sila nang kaunti at siyempre, they're dates! Wala naman akong maisip na pwedeng dalhin. Where's Heeven na kasi, eh!


"What, Fern?" seryoso niyang ani.

Nagkagat ako ng labi bago bumuntong-hininga, "Kasi I think--" hindi ko na naituloy ang dapat kong sabihin nang biglang mag-ring ang cellphone ko.


Nagpaalam muna ako saglit kay Margaux para sagutin ang tawag. Nang makalabas na ng restaurant ay agad kong tinignan kung sino ang tumatawag.

Kusang nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang pangalan ni Heeven.


"God," dali-dali kong sinagot ang tawag habang hindi mapigilan ang mataranta.

"Hey..." aniya sa kabilang linya.


Kumabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa narinig mula sa kabilang linya. It was definitely his voice! That gorgeous voice of his makes me so excited! I don't know why! I'm panicking right now!



"H-Hey... N-Napatawag ka?" nagkagat ako ng labi at minura ang sarili dahil sa pagkakautal.


He never called! Hanggang text lang ang kaya niyang gawin and now that he's calling me, I can't even talk properly! I was stuttering and I felt ashamed of my tone.


Narinig ko ang halakhak sa kabilang linya bago iyon unti-unting naging malapit at totoo.


"Babe..." I heard his voice.


Dali-dali akong tumingin sa likuran ko and I saw him with his maroon button-down dress shirt paired with a pair of slacks and a simple black shoes. Nakabukas ang tatlong butones ng damit niya.


"Heeven!" sambit ko at agad na lumapit sa kaniya.


Wala na akong hinintay pa na oras at kaagad siyang niyakap nang mahigpit. He chuckled bago mas hinigpitan ang yakap.


Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na yakapin siya pero... I felt... like I met my lost treasure again. Those months na hindi ko siya nakita ay parang ilang taon sa akin. Unti-unting nabubuhay ang mga kulisap sa tiyan ko na medyo matagal ko ring hindi naramdaman.

Suminghap ako bago unti-unting kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. I felt my face heated because of embarrassment. Lalo na nang marinig ko ang pagtunog ng ngisi niya.



Nagkagat ako ng labi bago umismid, "I thought you died." sambit ko at nagkibit-balikat.


Sumandal siya sa BMW niya bago tinitigan ang suot-suot kong purple dress na may kaiklian.

Kumuyom ang panga niya bago umikot papunta sa driver's seat ng sasakyan niya. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa bumalik siya at inilahad sa akin ang isang formal coat.


"I'm not cold, Heeven." sabi ko.


Ihinagis niya sa akin ang coat kaya nag-landing iyon sa mukha ko. Naamoy ko mula doon ang amoy niyang sobrang nakaka-addict. Muntik na akong mapapikit dahil sa bango pero buti na lang at napigilan ko.


"I'm not cold but thank you." sambit ko nang maisuot na ang coat niya.


Tumango siya at bahagyang sumilip sa loob ng restaurant. Nang-igting ang panga niya nang ibalik ang tingin sa akin.


"Were you with someone?" seryoso niyang tanong.

I remembered Margaux, "Yeah," sagot ko.


Mariin siyang pumikit bago unti-unting tumalikod. Nakarinig ako ng malutong na mura niya bago ako hinarap.


"Dinner date with someone? Akala ko ba ay ako ang boyfriend mo? Bakit ka nakikipag-dinner sa ibang lalaki?" matabang niyang wika.


Nalaglag ang panga ko at napakurap-kurap bago umiling.

Nangunot ang noo niya kaya bago pa man siya ulit mag-conclude ng ibang bagay ay nagsalita na ako.


"I was with Margaux. Nakipag-dinner ako kasi sasabihin ko sa kaniyang hindi ako makakapunta sa party niya bukas." pag-amin ko.

He quirked his brow, "Why?"

"Uhm... Because I have no date? Hindi kasi pwedeng pumunta ang walang kasamang date kaya I thought... of not coming." sagot ko.


Naglakad siya papunta sa akin bago inayos ang pagkakalagay ng coat niya sa balikat ko dahilan para manigas ako sa kinatatayuan. Darn! Kung kanina, napigilan ko pa ang pumikit, ngayon hindi na.


Napamulat lang ako nang marinig ko ang paghalakhak niya. Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim. That. Was. Embarassing.


"Stop laughing!" inis kong sambit nang hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa.


Napatigil rin ako sa pagsuway dahil sa pagtawa niyang iyon. I never saw him laughed like this before. It's sincere and... comforting. Parang hinehele ako ng tawa niya. Ipinilig ko ang ulo at kinagat ang pang-ibabang labi. Why do I feel like there's something wrong with me? I mean, hindi ako madaling maka-miss ng isang tao lalo na kapag hindi ko gaano ka-close pero itong si Heeven, kahit ilang buwan pa lang kaming magkakilala ay iba na ang nararamdaman ko. Tons of... unfamiliar feelings.



"Did you missed me, Fern?" hindi ko na namalayan na sobrang lapit niya na pala sa akin.


Hindi ako gumalaw. Tinitigan ko lang siya na sobrang lapit na.


I missed him. He's right. But I won't tell him. Baka lumaki pa ang atay. Baka lumaki pa ang ulo.


"Ikaw? Did you missed me?" nagtaas ako ng kilay at hinintay ang sagot niya.


He lifted a brow at me bago ko naramdaman ang pagdausdos ng braso niya sa baywang ko at sa isang iglap lang, nakakulong na ako sa braso niya.


Naghintay ako sa sagot niya. Wala akong ina-assume na na-miss niya nga ako kasi he's a playboy. Isa lang ako sa mga babae niya. That's what he thinks, I am sure. Hindi rin ako naniniwalang wala siyang naging kalandian doon sa Cebu kasi malakas ang karisma niya. Hindi na niya kailangang kumindat sa mga babae dahil ang mga mata at labi niya mismo ay sobra-sobrang kamandag na. I am not assuming something.



"Would you mind me answering your question through a gesture?" umangat ang sulok ng labi niya habang tinititigan ako sa mga mata.

"I-I don't mind. After all, I don't know what's running in your mind--"



Nanlaki ang mga mata ko nang siniil niya ako ng halik. Unlike before, his kisses were slow, soft, and gentle. It's more passionate than before. It's giving me different emotions that aren't familiar.

Ang tanging nagawa ko ay ang humawak sa kwelyuhan ng damit niya sabay pikit sa mga mata. I really don't know what's happening to me. I'm not an easy girl. I am prim and proper. Matapang rin ako. Pero kapag si Heeven na ay sadyang napakahina ko. Humihina ang katawan ko tuwing malapit siya.




Kahit ano ang gawin ko, kahit ano ang itatak ko sa isip ko, wala akong nagagawa. All I know is I am trap. I am trap by his presence.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top