Chapter 13
Kabanata 13
Walang Pakialam
"Bakit gusto mong human figure ang sculpture natin?"
Medyo napapitlag ako nang magsalita si Daryl. Nandito kami sa studio room ngayon na inilaan sa mga Fine Arts students. Ginagawa namin ang project namin na sinimulan pa no'ng isang linggo.
"Uh..." inalala ko ang dahilan kung bakit iyon ang suhestiyon ko pero wala akong mahagilap na sagot. "Wala lang. Sa tingin ko lang na maganda kapag pigura ng tao. Bakit? Hindi mo ba gusto?" pabalik kong tanong.
Sinulyapan niya ako saglit bago ipinagpatuloy ang pagmi-mix ng clay sa isa pang ingredients para mas maging sticky.
"Hindi naman. Nagtataka lang," aniya.
Tumango na lang ako at tumahimik na lang. Tinitigan ko ang phone ko sa gilid nang mag-vibrate iyon. Padabog kong kinuha iyon.
Heeven:
Susunduin kita mamaya.
SHIZ! Kagabi pa siya text nang text sa akin. Nagtatanong tungkol sa amin ni Gian. Sa pretend namin. Iyon lang ang palaging laman ng text niya. Kaya ako naiinis! Kahit sa text ba naman, iyon pa rin ang topic?
Ngayon lang siya nag-text ng may sense. Uh, no. Kaninang umaga rin pala. Nag-'good morning' lang naman siya at ni-reply-an ko na lang ng 'same'. Gusto kong magtaka kung saan niya nakuha ang number ko pero alam kong kay kuya siya nanghingi. Nakakainis talaga silang dalawa! Lagi na lang may alliance.
Ako:
Hindi na. My kuya will fetch me.
Lintek! Muntik na akong mahulog mula sa kinauupuan nang mag-vibrate agad ang phone ko. Wala pa ngang ten seconds ay may reply agad siya! Ang bilis, ah!
Habang nagta-type ako ng reply ay narinig ko ang nag-aalalang boses ni Daryl.
"Okay ka lang?" marahan ang boses niya.
Tumingin ako sa kaniya saglit bago tumango. Hindi makabigay ng isang ngiti. Pagkatapos ay bumaling agad ako sa text ni Heeven.
Heeven:
Nag-usap na kami kanina. Pumayag siya.
Ngumuso ako bago nag-tipa ng mensahe.
Ako:
Okay. Bakit ang close niyo ni kuya? Ginayuma mo ba siya?
Wala na akong maisip na dahilan ng pagka-close nila ni kuya. I mean, four years older sa akin si kuya and as far as I know ay two years older sa akin si Heeven, so, it means that he's two years younger than kuya. Hindi naman sila magka-edad kaya sigurado akong hindi sila naging schoolmates no'n and taga-Manila kami, siya taga-Cebu. Ugh! I don't know anymore.
Heeven:
Hindi ko alam. Basta susunduin kita mamaya. I'll be expecting to see your ass at exactly five at kapag natagalan ka, I'll gate crash.
Hindi ko napigilan ang mapangiti nang mabasa ang reply niya. I don't know. I hate his presence but at the same time, I like it. Kahit na sinabi ko sa sarili ko no'n na kailangan ko siyang iwasan, hindi ko mapigilan. Paano ko siya iiwasan kung siya mismo ang gumagawa ng paraan para magkita kami? Tsss.
Ako:
Bahala ka. Don't reply. I'll do my project now.
I didn't expect his reply since I already told him not to reply pero ilang segundo lang ang lumipas ay nag-reply agad siya.
Wala ba siyang trabaho? Bakit parang free siyang gawin ang lahat ng gusto niya? Anytime pa. I heard that they have a business here. More on advance technologies ang negosyo nila kaya hindi na ako nagtaka kung nangunguna sa lahat ang kompanya nila na TSystem.
Heeven:
Gusto mo bang tulungan kita? I'm free.
Ngumuso ako dahil sa reply niyang iyon. Tignan niyo? Parang walang trabahong inaatupag dahil sa reply. Kung makapag-offer naman siya parang walang hina-handle na malaking kompanya. He's the president for pete's sake!
Ako:
'Wag na. May partner naman ako.
Itinago ko na ang cellphone ko dahil alam kong hindi na siya magre-reply. Tumayo na ako saka lumapit kay Daryl.
"Ako na muna. Umupo ka muna do'n." sambit ko saka ngumiti nang tipid.
Kanina pa kasi siya nagmi-mix baka pagod na rin. Malapot rin kasi ang mga gagamitin.
Mabuti na lang at hindi na niya ino-open ang topic tungkol sa past namin. Pinanindigan niya nga ang sinabi niyang 'let's forget the past'. Well, all in all, mabait naman siya. Though, hindi ako gano'n ka-komportable sa mga titig niya minsan.
Tumango siya at umupo sa gilid ko. Matagal kong natapos ang ginagawa ko kaya hindi ko na namalayang lunch time na pala. Hindi rin kasi nag-ring ang bell kasi brown out raw. Hindi ko maaalala kung hindi lang ako inaya ni Daryl na pumuntang cafeteria.
"Ah, susunod na lang ako." sagot ko sa kaniya.
Narinig ko ang buntong-hininga niya bago siya umalis.
Maya-maya ay inalis ko na rin sa kamay ang gloves na suot-suot bago dumiretso sa upuan kung nasaan ang purse ko. Isinabit ko iyon sa balikat pero napatigil nang marinig ang sunod-sunod na vibrate ng cellphone ko na nasa table.
Nalaglag ang panga ko nang mai-open na iyon.
57 missed calls and 89 messages
SERIOUSLY!? Ang lahat ng iyon ay galing sa lintek na Heeven Death Cordova! Hindi ko binasa lahat ng text niya. Ang dami, eh. Ini-scroll ko lang iyon nang ini-scroll pero nababasa ko pa rin ang iba.
Heeven:
Partner? Who? Babae ba 'yan o lalaki?
Heeven:
I expect it's a girl.
Heeven:
FERN SILVER GOMEZ! Mag-reply ka!
Heeven:
'Pag hindi ka nag-reply sa loob ng limang minuto, papasok ako sa university niyo.
Heeven:
Last ten seconds, Gomez.
Heeven:
Fuck! Papasok na ako, Eve!
Heeven:
Hahanapin kita.
Heeven:
Wala ka sa block niyo. Where are you?
Heeven:
You're not in the cafeteria, either.
Heeven:
Kapag hindi kita nakita bago matapos ang lunch time, patay ka sa'kin.
Nakaramdam ako ng sobrang kaba dahil sa panghuling text niya. Iyon na ang huli! Wala nang sumunod! Nakakainis! Iba-iba na ang pumasok sa utak ko habang hinihintay na pumasok siya dito sa studio room pero wala akong nakita!
Lumabas ako ng room na iyon para mag-lunch and I expected to see him pero wala akong nakita ni-anino niya.
Kumain na lang ako do'n ng isang burger at french fries then softdrinks pagkatapos ay bumalik na ako sa studio. Nando'n na rin si Daryl at sinisimulan na ang paghulma sa leeg ng naked woman na sculpture namin.
Gaya ng sabi ni Mr. Alvarez ay dapat mag-focus lang kami sa paggawa ng project. Mabuti na lang at wala ring pumapasok sa ibang subject kaya nakakapag-focus talaga kami sa Arts.
Alas tres nang nagpahinga kami ni Daryl sa paggawa ng project dahil may klase pa kami sa isang subject na hindi kami classmates. Alas tres y media magsisimula ang klase nila. Ang klase ko naman sa Aesthetic ay alas cuatro magsisimula.
Mabilis ring lumipas ang oras. Malapit nang mag-alas cuatro ay tinahak ko na ang building papunta sa classroom ng professor namin sa Aesthetic. Lima lang yata ang kaibigan ko sa klaseng iyon kaya nakakapag-concentrate ako nang maigi sa pakikinig ng klase.
Napaisip ako. Asan kaya si Heeven? I thought hahanapin niya ako? Bakit dumating na lang ang alas cuatro ay wala pa rin siya? Imposible namang hindi niya ako mahahanap. Yeah, FHU is wide and big pero ang dami kayang pwedeng tanungan lalo pa't malakas ang kamandag niya sa mga babae, bakit hindi siya nagtanong? Or nagsisinungaling lang siya sa akin? Gosh! Ano naman kung oo!?
Nababaliw na yata ako!
"Kilala niyo ba 'yong nag-sit in sa Environmental Education kanina?"
"Iyon ba'ng sobrang hot at gwapo?"
"Oo! Kilala mo?"
"Hindi rin, eh. Pero gwapo, ah? Ano kaya ang course niya?"
"Sigurado ba kayong nag-sit in lang siya or baka hindi talaga 'yon estudyante dito."
"Baka hindi. E 'di transferee or shiftee?"
Napalingon ako sa isang batalyon ng mga babaeng nasa likuran ko. Hindi dahil gusto kong makinig sa kanila pero dahil may kung anong humihila sa'kin na makinig.
Ipinilig ko na lang ang ulo at naghanap ng mauupuan. Sa gitnang bahagi ako umupo katabi si Rheina na nakatingin sa kawalan.
"Rheina, kanina ka pa?" tanong ko at umayos sa pagkakaupo.
Tinignan niya ako, "Kadarating ko lang din." sagot niya.
Tumango na lang ako at hinintay ang prof na pumasok.
Itinaas ko ang bag ko para sana maghanap ng ball pen pero kusa akong napatigil nang biglang tumahimik ang paligid. As in sobrang tahimik.
Nag-angat ako ng tingin sa pag-aakalang ang prof ang unang mahahagip ng mga mata ko pero nagkamali ako. Pares ng mga mapupungay at expressive na mga mata ang una kong napagmasdan. Pag-aari iyon ng lalaking nakakunot ang noo. Nakahilig siya sa upuan sa unahan ko habang nakatingin siya sa akin ng seryoso.
Lumunok ako bago luminga-linga sa paligid.
Si Heeven ba ang dahilan kung bakit tumahimik ang buong paligid? Obviously!
Naghahanap ako ng lakas ng loob na kausapin siya nang marinig ko ang tilian ng mga babae kanina.
"OH MY GOODNESS! Siya iyong sit in, hindi ba?!"
Natigilan ako dahil do'n. Nakaawang ang labi habang unti-unting binalingan ng tingin si Heeven.
"Si Daryl ang partner mo?" malamig ang boses niya.
Kumunot ang noo ko, "Paano mo nalaman?" nagtaas ako ng kilay.
Tumango-tango siya at nag-iwas ng tingin bago tumayo ng maayos.
"Great. Kaya pala hindi ka nakapag-reply kasi busy ka. Fine... Fine." iyon ang sambit niya bago ko narinig ang dahan-dahang pag-alis niya.
Nanigas ako sa kinauupuan ko. Ramdam ko ang mga masasamang titig na ipinupukol ng mga kaklase ko sa likuran ko. May naririnig pa akong bulungan pero hindi iyon ang pinapakinggan ko kun'di ang malakas na kabog ng puso ko.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit sa tuwing malapit si Heeven ay pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig nito. Nagkagusto na ako sa lalaki noon pero ibang-iba ito ngayon. Parang hindi na 'to normal. At sa tuwing naaalala ko ang paraan ng pag-alis niya ay namimilipit ang tiyan ko sa sakit. Hindi ko na alam.
The next days were good but I wasn't. I felt like an empty bottle who don't have an importance anymore. Wala na akong nararamdamang emosyon.
Palagi lang akong nakadungaw sa cellphone ko kahit na ano ang gawin ko. Kapag nagse-sketch ako, tumitigil lang ako para tignan kung may text ba ang cellphone ko. Kapag naliligo ako, palagi akong nagmamadali kasi baka nag-text na siya o tumawag. Iyon ang hinihintay ko sa araw at gabi. Nangungulila ako sa mga text niya.
Kaya nang isang hapon ng linggo, nang marinig na nag-vibrate ang cellphone ko ay agad-agad ko iyong kinuha.
Kinakabahan ako habang unti-unting dinudungaw kung kanino galing ang mensahe. Pero nawala ang kaba ko at napalitan ng simangot nang makitang si Gian ang nag-text.
Gian:
I think we can't have our third pretend date, Fern. Kailangan ko nang mag-stay doon sa Norway para sa negosyo namin. May problema kasi. Sorry.
Mas lalo lang akong napasimangot.
Ako:
Gano'n ba? Alright. It's okay. Thank you sa two pretend dates natin. It helps a lot.
Totoo naman. Though hindi alam ni Daryl kung sino ang manliligaw ko, alam niya na may nanliligaw sa'kin. Siguro dahil do'n ay tumigil na siya. Wala rin naman siyang mapapala sa pagkakagusto niya sa akin.
Gian:
No worries. Sorry ulit.
Ngayong opisyal nang tapos ang pagpapanggap namin ay siguradong wala ng problema pa. I am confident na kapag nagtanong sina daddy kung bakit hindi na kami nagde-date ni Gian, alam ko na ang isasagot. 'I rejected him. He was meant for Norway because of their business. I can't bear the long distance relationship.' Iyon ang sasabihin ko. It sounds convincing kaya hindi ko na poproblemahin pa.
Gaya ng inaasahan, isang gabi habang nagdi-dinner kami ay napunta ang usapan mula sa negosyo papunta sa amin ni Gian.
"How are you and Gian? Hindi ko na yata kayo nakikitang nagdi-date." sabi ni Mommy at uminom ng juice.
Uminom ako ng tubig bago nagbigay ng ngiti, "Hindi ko na pinatuloy sa panliligaw, Mom. Lagi siyang busy sa negosyo nila sa Norway. Hindi ko kaya ang LDR." sagot ko.
Suminghap si kuya kaya binalingan ko siya ng tingin. Nakangisi niya akong tinaasan ng kilay.
"Paano siya magpapatuloy kung hindi pa nag-uumpisa?" aniya.
Kinunotan ko siya ng noo bago umismid.
"Xagred, 'wag kang ganyan." suway ni Mommy sa kaniya.
"How about that Ostorio, Eve? Ginugulo ka pa rin ba?" si Daddy naman.
Agad akong umiling, "Hindi na, Dad. In fact, magkaibigan na kami ngayon. Well... We need to kasi partners kami sa project sa Arts." sagot ko.
Kumunot ang noo ni Daddy sa sagot ko. Si Mommy naman ay umiling-iling. Si Kuya ay nakakunot ang noo. Hindi ko na lang pinansin ang mga reaksyon nila at sa halip ay nagpatuloy na lang sa pagkain.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso agad ako sa kwarto ko para mag-half bath.
Wala pang twenty minutes ay handa na ako para matulog. Tinignan ko pa ang cellphone ko para makita kung may text ba pero nang malamang wala ay humiga na ako sa kama ko.
I was near to dream land when I heard voices from outside near my room's door. It was my parents and kuya Xagred.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at dahan-dahan ring bumangon mula sa kama ko. Alam kong lock ang pinto ng kuwarto at sound proof rin pero kinakabahan pa rin ako baka marinig nila ang mga hakbang ko kaya hininaan ko lang ang mga yapak ko hanggang sa makarating na ako sa harap mismo ng pinto.
"Do you really think na tumigil na 'yong Daryl sa pagkakagusto kay Fern? Because I think not! Hindi gano'n kadaling ma-fall out!" may riin pero mahinang sambit ni Kuya.
Napairap ako. Darn! Hindi pa ba sila tapos sa topic na iyan? Pinag-uusapan na naman nila si Daryl? Dahil ba alam nilang binasted ko na si Gian ay bumabalik na naman ang takot nila? O baka... tototohanin na ni dad na idamay ang negosyo nila para lang tumigil si Daryl!? Gosh! Why can't they just forget that matter?! Hindi na naman ako ginagambala ni Daryl katulad no'n! Bakit ba dinadamay nila ang buong Ostorio?
"Well, we don't have any choice." boses iyon ni Dad.
Ginapangan ako ng kaba. 'Pag si dad na ang nagdesisyon, wala nang makakapigil sa kaniya! Damn it! Bakit ba 'to nangyayari?
"Don't tell me na idadamay natin ang negosyo nila? Come on, Boulevard! Hindi tama iyon!" apela ni Mommy.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Janice!"
Imbes na makahinga nang maluwag dahil sa sagot ni dad ay mas lalo lang akong kinabahan.
"Then... we we're going to replan the arrange marriage thing?"
Nanlaki ang mga mata ko. Napaawang ang labi ko dahil sa sagot ni kuya. SHIT! Wala na akong ibang maisip kun'di ang murahin ang sarili ko. Darn! Dapat ba, hindi ko na lang sinabing binasted ko si Gian? Dapat ba ay ipinagpatuloy ko pa rin ang pagpapanggap kahit wala ang kaibigan ko? Damn it! Wala akong maisip!
"That's the best choice, Xagred. We are going to let our daughter meet the son of our loyal business partner."
Tuluyan na nga akong nanghina. Wala akong masabi. Gusto kong umiyak dahil sa inis pero walang luhang lumalabas. Lintek! Sana ay naging iyakin na lang ako para hindi ako mahirapang umiyak. Pakiramdam ko ay manhid ang sistema ko. Walang lumalabas na luha kahit na gustong-gusto ko nang umiyak.
YES! I appreciated their efforts in protecting me pero sumusobra na sila! Hindi na 'to tama. Kahit ba naman sa mga bagay na dapat desisyon ko ang mangingibabaw ay makikialam sila? Bakit ba!? Bakit nakakasakal na ang pagiging protective nila?! Hindi ko na gusto 'to!
But, no. I will never let that happen. Kung habang-buhay akong may ipapakilala sa kanilang manliligaw, hindi matutuloy ang arrange marriage ko sa anak ng loyal business partner namin. Kung may maipapakilala ako sa kanilang isang lalaki na makakapagkatiwalaan ay hahayaan nila ako. Wala na akong pakialam kung ano man ang maaaring mangyari kapag humingi ako ng tulong kay Heeven... Wala na akong pakialam.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top