Chapter 12
Kabanata 12
Hinala Niya
"Alam kong hindi siya nanliligaw sa'yo. Klarong-klaro. Hindi niyo rin gusto ang isa't-isa. Kailangan mo lang ng tulong sa kaniya. I can help you instead. Let's date," seryosong sambit niya nang nakatitig sa mga mata ko.
Napakurap-kurap ako. Huh? Ano raw? What did he say? Wait! How did he know?!
"What are you talking about?" pilit akong nagpanggap na mali siya at hindi ako naapektuhan sa sinabi niyang iyon.
Sa totoo lang, apektado ako. Sobrang-sobra. Not just by his words but by his presence! His presence makes me so nervous! Kapag nandiyan siya, kumakabog ng mabilis ang dibdib ko. Kapag malapit siya, naghuhuramentado ang buong sistema ko. Kahit na hindi pa ako nagkakaro'n ng boyfriend, alam ko ang pakiramdam na 'to. I don't know why but I think this is bad!
"You won't lie to a Cordova, Fern Silver Gomez. Magsisinungaling ka na nga lang, sa akin pa. Tsss." ngumisi ulit siya.
Kahit na nasindak ako sa lahat ng sinabi niya, hindi ko ipinahalata. Kung ano man ang ibig-sabihin niya, wala na akong pakialam. Kung kanino o paano niya nalaman ang pagpapanggap namin ni Gian, hindi ko na lang iyon pinansin. We don't know kung nagpapanggap lang din siya at konklusyon niya lang iyon sa mga nangyayari at sinasabi niya lang iyon para malaman kung tama nga siya. I don't know.
Umismid ako at nagkibit-balikat.
"I don't know what you're talking about, Heeven. Now, may I excuse myself? Hinahanap na ako ng ka-date ko." sambit ko saka nginisihan siya.
Pakiramdam ko, hindi ko na kaya pang makipagtitigan sa kaniya. Lalo pa't nasa loob kami ng restroom. Kapag tinablan siya ng pagka-playboy ay hindi niya ako palalampasin. Ayokong magpaloko sa isang beterano na sa lokohang industriya.
Akmang lalabas na sana ako nang marinig ko ulit siyang magsalita.
"Seryoso ako, Eve. Hindi lang ang gagong Gian na 'yon ang makakatulong sa'yo. Pwede ako. Wala akong pakialam kung hanggang kailan mo kailangan ang tulong ko. Basta ikaw-"
Hindi ko na siya pinatapos. Tumunog ang lakas ng sampal ko sa pisngi niya. Malakas iyon, aminado ako. Pero wala akong pakialam. Ang lakas ng loob niyang tawaging gago ang kaibigan ko. Akala niya hari siya kung makaasta. Nakakainis.
Imbes na indahin ang sampal ko ay humalakhak pa siya. Nanliit ang mga mata ko habang tinitignan siyang tumatawa. Napairap ako. Kahit ba tumatawa ay gwapo pa rin siya? Kailan ba siya papangit?! I hate his gorgeousness!
"Late na ang sampal mo. Kanina ko pa hinihintay na sampalin mo ako, oh. Pero hindi mo ginawa kasi nagustuhan mo rin ang halik ko." aniya at ngumisi nang mas demonyo.
Pinanliitan ko siya ng mga mata bago inirapan.
"I really hate your audacity!" sambit ko at padabog siyang tinalikuran.
Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi no'ng gabing iyon. Basta inaya ko agad si Gian pagkalabas ko ng restroom na umuwi na kami. Sumunod rin naman siya agad. Siya rin ang naghatid sa akin. Pagkatapos kong maghalf-bath at magbihis ay natulog agad ako.
Naiinis ako! Hindi lang kay Heeven, maging pati sa sarili ko. Hindi ko man lang siya nasampal pagkatapos niya akong halikan. Hindi man lang ako nagalit sa ginawa niya. Ang ikinagalit ko ay ang pagtawag niya kay Gian na gago. Iyon ang ikinagalit ko pero iyong paghalik niya sa akin? Hindi ko man lang magawang magalit! I didn't even regret having my first kiss with that asshole!
Dumating ang midterm at naging mas busy ang araw ko.
"You need to do sculpting as your midterm activity. May lista na ako dito kung sino ang partners niyo. This is by pair. Kailangan niyong magtulungan nang maigi at pag-isipan niyo nang mabuti kung ano o paano niyo gagawin ang sculptures niyo. You'll be going to present it with powerpoint, of course. You'll be given one month to finish this project." paliwanag ni Mr. Alvarez sa aming lahat.
"Yes, po!" sagot ng mga kaklase ko.
Nagsimula ang professor sa pagtawag sa mga apelyido ng magiging partner.
"Mr. Arwellas and Ms. Abellana." rinig kong sabi ni Mr. Alvarez.
Tahimik na lang akong naghintay na tawagin ang apelyido ko. Kahit na may nakatingin sa akin mula sa gilid ay hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin si Daryl. Hindi na niya ako ini-istorbo gaya no'n. Tanging hanggang tingin na lang siya. Minsan nahuhuli ko pang titig na titig sa akin. Naaasiwas ako sa mga titig niya pero ipinagsawalang-bahala ko na lang. At least he isn't pestering me by words.
"Mr. Ostorio and Ms. Gomez."
Natigilan ako nang marinig ang apelyido ko kadugtong ng apelyido ni Daryl. Napakurap-kurap ako habang isinasaulo ang sinabi ng professor.
"Oh my ghad." iyon ang tanging lumabas sa bibig ko.
Lumabas si Mr. Alvarez kaya agad na nagpuntahan ang mga kaklase ko papunta sa partners nila. Naalerto agad ako nang marinig ang yapak papunta sa akin. Hindi ko na napigilan si Daryl na lumitaw sa harapan ko.
Hindi ko siya agad pinansin. Sinimangutan ko na lang siya. Uupo na sana siya sa tabi ko pero sinamaan ko siya ng tingin kaya sa harapan ko na lang siya umupo.
"W-What are we going to sculp?" aniya na mahahalatang kinakabahan.
Tumitig ako sa kawalan bago nagkibit-balikat, "I don't know. Maybe bird? Human figure? Miniature?" walang-gana kong sambit.
Narinig ko ang pagtikhim niya kaya napatingin ako sa kaniya nang seryoso. Nagkagat siya ng labi bago humugot ng isang malalim na buntong-hininga. Tinitigan niya ako nang mabuti bago nagsalita.
"Let's forget the past and let's be friends. Para hindi na tayo ganito kung mag-usap. We better understand each other para mapag-usapan nang mabuti ang project natin." seryoso ang pagkakasabi niya.
Napatitig ako sa kaniya. Hindi makapaniwala sa lahat ng sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Kalimutan na lang namin ang nakaraan at maging magkaibigan, instead? I mean, it's okay to be friends but I don't think I can forget the past. Ang daming dinulot sa akin no'n.
Bumuntong-hininga ako, "Okay. Friends, it is." sambit ko.
Tumango siya bago nagsimulang mag-suggest kung ano ang gawin naming sculpture. Nagtalo kami kung human figure ba o agila ang gagawin namin pero sa huli ay nagdesisyon kami na tao na lang. A naked figure of woman. Iyon ang gagawin namin.
"Let me do the powerpoint," suhestiyon ko.
"Hindi na, ako na lang." aniya at umiling.
Umiling rin ako, "Ako na lang. Since you're the one who'd buy the things we needed." sambit ko.
Wala na siyang nagawa kun'di ang pumayag. I don't know why but since earlier, he's been insisting that he should do the other things needed. Siya pa ang bibili. Wala na nga akong ambag pwera lang sa paggawa namin ng sculpture kaya kailangang ako na ang gumawa ng powerpoint.
Palabas na ako ng gate nang maaninag ang lalaking nakahilig sa sasakyan niya. May pinaglalaruang susi sa mga kamay. Ang isang kamay niya ay nasa loob ng bulsa ng pants na suot-suot. Nakabukas ang tatlong butones sa suot-suot na blue long sleeve button-down dress shirt. Nakangisi iyon habang pinapasadahan ng tingin ang mga babaeng dumadaan sa harapan niya.
Kumulo ang dugo ko lalo na nang magsitilian ang mga babaeng nginisigan niya. Umirap ako bago nagmartsa papunta sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito?!" singhal ko agad sa kaniya.
Napatalon siya sa gulat. Nagtaas ako ng kilay bago sinamaan ng tingin ang mga babaeng walang humpay sa pagtili.
"Ano ba? Walang artista dito. 'Wag kayong maglaway!" sita ko sa kanila.
Tinaasan ako ng kilay ng iba. Ang iba naman ay umismid at umirap. 'Yong iba ay umalis na lang. Kahit na nakakamatay ang titig na ipinupukol ng karamihan sa kanila ay hindi ako natinag. Tinitigan ko sila hanggang sa isa-isa silang umalis. Umirap ako at umiling. Nakakainis talaga!
Nang ibinalik ko ang tingin kay Heeven ay naging mala-demonyo ang ngisi sa labi niya.
"What are you doing here?! Kung gusto mong maghanap ng lalandiin, 'wag dito sa FHU. University 'to, hindi bar." sabay ismid ko. Napatingin ako sa dibdib niya na medyo kita dahil sa nakabukas na butones ng damit niya. Umirap ulit ako.
"Kasalanan ko ba kung marami ang nanlalandi sa'kin?" aniya at nagtaas ng kilay.
I mockingly laughed, "Oh? Tapos? Paki ko ba? Eh, magpalandi ka! Gano'n ka naman. Playboy," sabay iwas ko ng tingin.
"'Wag mong sabihing wala kang paki? Halos sumabog ka na nga dahil sa inis mo sa kanila."
Tinitigan ko siya ng mariin bago ginulo ang sariling buhok. Itinaas ko ang sling bag ko bago iyon hinampas sa dibdib niya.
"Feeling mo! Nakakainis ka talaga kahit kailan! I really hate everything about you!" inis kong sambit habang patuloy pa rin ang paghampas ko sa dibdib niya.
Humalakhak siya. Hinayaan niya lang ako na hampasin siya ng bag ko. Imbes na masaktan, natutuwa pa.
"Isa pa 'yang dibdib mong expose na expose. Kung sana hindi ka na lang nagdamit kung tatanggalin mo lang naman ang mga butones." reklamo ko.
Natigilan siya sa pagtawa. Unti-unti niyang sinangga ang kamay niya sa paghampas ko sa kaniya. Bumuntong-hininga ako bago itinigil ang paghampas.
"Are you jealous?" sumeryoso ang itsura niya.
Natigilan ako nang ma-realize ang lahat ng sinabi ko sa kaniya. Plus, ang paghampas ko pa ng bag ko sa kaniya. Aminado akong inis na inis sa mga babae kanina. Naiinis rin ako dahil sa pagngisi niya sa kanila. Naiinis ako dahil sa pagpapakita niya ng balat sa mga babaeng 'yon. Inis ako, oo. Pero selos? Nagseselos ba ako? How can you define jealousy? Hindi ko alam.
Tumikhim ako bago inayos ang sarili.
"Of course not." sambit ko at akmang lalagpasan na sana siya nang higitin niya ang palapulsuhan ko at ipinaharap ako sa kaniya.
Umangat ang sulok ng labi niya bago unti-unting tumango.
"Oo na. Hindi ka na nagseselos." aniya pero sa pang-aasar na tono.
Hinila niya ako nang marahan bago binuksan ang front seat ng BMW niya na siyang ikinakunot ng noo ko. Huli na nang ma-realize ko dahil nakapasok na ako sa loob ng sasakyan niya na agad niyang isinara.
Umikot siya papunta sa driver's seat nang nakangisi.
"Saan mo ako dadalhin?" agad kong tanong nang makapasok na siya ng sasakyan.
Sinulyapan niya ako saglit bago ininguso ang seatbelt.
"Tsss." rinig kong aniya habang isinusuot ko ang seatbelt sa katawan.
Hinintay niya akong matapos bago niya pinaandar ang makina.
"Ilang dates pa ang natitira bago matapos ang pagpapanggap niyo ni Gian?"
Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niyang iyon sa gitna ng byahe. Hindi siya nakatingin sa akin. Sa kalsada lang ang tingin niya pero hinding-hindi niya maitatago ang bakas ng pagkainis sa mukha niya.
Nagkagat ako ng labi bago umiling, "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Heeven." wala sa sarili kong sambit.
I heard his sarcastic laugh na hindi ko na lang pinansin pa. Maya-maya ay tumigil ang sasakyan kaya napatingin ako sa labas.
Nasa harap na pala kami ng gate namin. Hindi ko man lang namalayan na pumasok kami sa subdivision ng Gomez's. Akala ko saan kami pupunta, ihahatid niya lang pala ako. Teka? Why do I sounded disapointed!? What do I expect? Damn it!
Ikinalas ko ang seatbelt sa katawan, "Thank you," mahinang sambit ko.
Akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig ko ang malutong na mura niya sabay hampas sa manibela.
"Goddamn it!" aniya.
Kumunot ang noo ko bago siya tinignan. Nadatnan ko siyang ginugulo ang sariling buhok at panay pa rin ang pagmumura.
"Heeven! Stop!" pigil ko.
Hindi niya ako pinakinggan. Ipinagpatuloy niya pa rin ang pagmumura kaya hindi ko na napigilan ang umirap.
"Heeven, ano ba!? Stop cursing! Ano bang problema mo?!" inis kong singhal.
Seryoso ang tingin niya nang ibaling ang tingin sa akin, "Tell me, Fern. That Gian isn't courting you for real, right? Nagpapanggap lang siya. Kayo. To stop the arrange marriage thing! And to stop Daryl." may riing sambit niya.
Nagkagat ako ng labi, "Oh? What if you're right? Then, what will you do? And what is it to you if that's the situation, huh?" sinakyan ko na lang ang pinaniniwalaan niya.
Bakit ba kasi parang apektado siya sa mga nangyayari? Bakit parang hindi niya gusto na ligawan ako ni Gian? Bakit parang ang gusto niya ay walang pretend na mangyayari? Kasi nga sinabi niya na siya na lang ang pumalit! DARN! Oo nga! He told me! No'ng nasa restroom kami sa cinema! Pero bakit nga?
Naglaho ang inis na nakapaskil kanina sa mukha niya. Napalitan iyon ng malaking ngisi na animo'y may napanalunan siyang isang laban.
"Tama ako, hindi ba? Nagpapanggap lang kayo. Shit! I'm right!" hinampas niya ulit ang manibela pero hindi na dahil sa inis.
"Heeven, paano. Iyon ang sabi ko. So, iyon ang sagutin mo, okay?" nagtaas ako ng kilay.
Hinarap niya ako, "Just answer me, alright? Oo o hindi lang. Gusto ko lang marinig."
"Bakit nga gusto mong malaman? Paano kung mali ka? Ano ang gagawin mo kapag nalaman mong nililigawan nga ako ni Gian? Totohanan at walang bahid ng pagpapanggap." paliwanag ko.
Umiling siya, "No. Tama ang hinala ko. Lahat. Wala akong pakialam kung hanggang kailan ang napag-usapan niyo pero gusto kong malaman mo na ako ang papalit sa kaniya." nanatiling seryoso ang boses niya na sinabayan pa ng seryoso niyang ekspresyon.
DAMN! Why is he so gorgeous!?
Nagkagat ako ng labi bago binuksan ang pintuan ng front seat.
"Let's see, then kung tama ba ang hinala mo." sambit ko at lumabas na ng kotse niya.
I hate him. I hate his gorgeousness! I hate his smirk! I hate his presence! I hate his braveness! Hindi ko gusto ang pagiging matapang niya at ang paninindigan niyang tama ang hinala niya. Hindi ko iyon gusto kasi parang sigurado siya. Hindi ko gusto ang pagiging confident niya sa lahat-lahat. Pakiramdam ko ay malulusaw ako. Pakiramdam ko ay magsisisi ako kapag napatunayan niya ang hinala niyang iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top