Chapter 11
Kabanata 11
Hindi Marunong
"What?!"
Napatayo siya sa kinauupuan dahil sa sinabi ko. Nanlalaki ang mga mata niya ngayong nakatingin sa akin.
Lumunok ako, "Yeah, Gian. Date me," ulit ko.
Luminga-linga siya sa paligid, "W-What? Why? P-Paano?" hindi siya makapagsalita nang maayos.
Ngumuso ako, "Will you take a seat first? I'll explain everything." sabi ko.
Tinitigan niya ako bago bumuntong-hininga. Umupo rin agad siya gaya ng sabi ko. Humilig siya sa sofa at seryoso akong pinagmasdan.
"Ahm... I mean, let's pretend like we're in a relationship. I know it's hard for you kasi alam kong si Lancy ang gusto mo. Pero pretend lang naman. Hanggang sa mawala lang ang problema ko." paliwanag ko sa kaniya.
Tumango siya pero nanatiling seryoso.
"You know Daryl Ostorio, right? He's been bothering me since last last year ago. Kahit anong sabihin o paliwanag ko sa kaniya, hindi siya tumitigil. Pinagpipilitan niyang liligawan ako kahit hindi ko gusto at titigil lang raw siya kapag nakasal na ako. Recently, my mom heard me talking to Daryl in the phone. She heard everything. Kaya nalaman nilang ginugulo ako ni Daryl and they won't tolerate that matter that's why they've decided na i-arrange marriage ako sa anak ng isa sa business partners namin. Through engagement party raw ay malalaman ng mga Ostorio at ni Daryl mismo na hindi na ako available. Titigilan na niya ako. But I don't like that solution! Hindi ko gustong i-arrange sa taong hindi ko pa kailanman nakilala! Of course, sa taong hindi ko rin mahal. That's impossible." mahabang lintanya ko.
He sighed again bago nagkibit-balikat, "Bakit ako ang napili mo? Na mag-pretend bilang boyfriend mo. Marami namang iba diyan na mas kapani-paniwala. Maraming mas maalam sa bagay na pagpapanggap. Hindi naman ako marunong magpanggap, ah." aniya at ngumuso.
Umismid ako, "Anong hindi ka magaling? Nalaman ba ni Lancy na gusto mo siya? No, 'di ba? Kaya magaling kang magpanggap! Sige na, Gian! Please? Uh... I'll grant you a wish! Anything you want! I'll give it to you. Just help me with this." patuloy kong pangungumbinsi sa kaniya.
Bumuntong-hininga ulit siya bago unti-unting tumango.
Napatayo ako dahil sa tuwa. Tumalon ako ng dalawang beses bago huminahon at bumalik mula sa pagkakaupo kanina.
"Uhm... What do you want? Just name it. Kahit magkano o kahit ano... Ibibigay ko,"
Tinitigan niya ako nang seryoso, "I'm rich, Fern. Wala akong kailangang materyal na bagay. Hindi ko rin kailangan ng kapalit. We're friends and I'll help you. In one condition,"
Nanlaki ang mga mata ko, "What condition?" dali-dali kong sambit.
Tumayo siya at nagkibit-balikat, "Let's pretend that we're in a relationship just thrice." sambit niya.
Kumunot ang noo ko, "Huh? Bakit? I mean, three dates lang? Hindi ba pwedeng hanggang kailan ko kailangan ang tulong mo?" tanong ko.
Umiling siya, "May kailangan rin akong puntahan sa susunod na buwan, Fern. Sa Norway and I'll be staying there for one year." aniya na nakapagpagulat sa akin.
"One year?! Eh... Alright, then! Three dates, it is." pagpayag ko.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay umuwi agad ako. Gaya ng inaasahan, nakaabang si kuya sa akin sa double doors ng mansiyon namin. Nakahalukipkip siya at nakataas ang kilay. Seryoso ring nakatingin sa akin.
"Where have you been?" tanong niya agad nang mapadaan ako sa gilid niya.
Hinarap ko siya, "Sa mall lang." sambit ko at akmang hahakbang na paalis nang magsalita ulit siya.
"Kailan ka pa natutong magsinungaling? Sinundan kita kanina at nakita kitang pumasok sa Grandiose condominium. Ano ang ginagawa mo do'n?"
Hindi ko na napigilang lumingon sa kaniya. Gulat ang mukha at nakaawang ang labi.
"What?! You stalked me?!" may bahid ng inis na sabi ko.
I appreciate his intention to protect me pero hindi ko inakalang aabot sa pagsunod niya sa akin! Kailangan ba talagang sundan ang lahat ng galaw ko? Can't I have my freedom? Can't I do what I want to do? GOD! Hindi na 'to tama!
He mockingly laughed bago umiling, "Dapat lang, Eve. Uulitin ko, ano ang ginagawa mo do'n?" may riin niyang sambit.
Ngumisi ako bago nagtaas ng kilay, "Visiting some friend. Now, if you won't believe me, it's fine. Basta nagsasabi ako ng totoo." sa pagkakataong ito, nilagpasan ko na siya agad.
Days went fast. Walang nagbago sa pakikitungo ko kina daddy, mommy, at kuya. Hindi ko pa rin sila gaanong kinakausap. Pinapansin, oo. Pero hindi katulad no'n na sobrang close ko sa kanila. Ang kausap ko na lang lagi ay si Axelius na walang alam sa mga nangyayari. Sa tingin ko ay pwera kay kuya, hindi nila pansin nina daddy at mommy na nag-iba ang pakikitungo ko sa kanila. They're busy in our business kaya gabi ko na lang sila nakakasalamuha.
Gabi ng Sabado ay nag-text ako kay Gian na samahan ako sa Beleary Mall para mamili ng lipsticks. Hindi lang iyon ang intensyon ko. I heard my parents were talking earlier about having a dinner in Moulieye Restaurant na malapit lang dito sa mall. Tumanggi ako na sumama kasi nagpaalam akong magsa-shopping sa gabi. Sinadya kong isama si Gian para kapag nagutom ako, pupunta kami sa Moulieye at saktong makikita kami nina dad and then, they would know that Gian is my boyfriend. Then, boom! Wala nang arrange marriage na mangyayari! Plus, Daryl would stop bothering me!
"Hindi ba magtataka sina tito na boyfriend mo ako?" tanong ni Gian nang ibigay niya sa akin ang napili kong matte lipstick.
Kumunot ang noo ko, "Hindi naman siguro. Bakit?" sabay kuha ko ng pressed powder sa gilid ko.
"Kasi no'ng anniversary ng business niyo, nagtanong ang daddy mo kay dad na kung may gusto ba ako sa'yo and then I said no, of course. Kaya siguradong magtataka 'yon na bakit naging tayo." aniya.
Nagtaas ako ng kilay habang tinititigan siya. Tumaas ang sulok ng labi ko saka tumango.
"You have a point! Then, ano na lang? I mean... hindi naman imposibleng magbago ang pagtingin mo sa'kin kasi ilang months na rin ang lumipas mula nang sinabi mong hindi mo ako gusto. Pero, hindi ba? Magtataka pa rin sila kasi hindi lang business partners ang turingan ng pamilya natin, magkaibigan rin ang daddy mo at si dad. Siguradong malalaman agad nila kung nanliligaw ka man sa akin." sambit ko.
Dumiretso ako sa counter dala-dala iyong lahat ng mga pinamili kong cosmetics. Rinig ko rin ang yapak niya na nasa likuran ko.
"Eight thousand and five pesos po, lahat, Ma'am." ani ng cashier.
Tumango ako at akmang ibibigay na ang card ko sa kaniya nang ibigay ni Gian ang card niya sa cashier na agad nitong tinanggap.
Tinignan ko siya at kinunotan ng noo.
"Ako na," aniya.
Bumuntong-hininga ako at hinayaan na lang siya. Laking pasasalamat ko at may kaibigan akong tulad niya. Siguro kung hindi ko narinig ang solusyon nina dad para tumigil si Daryl sa panggugulo sa akin, wala akong magagawa kung hindi ang tanggapin na lang ang arrange marriage na solusyon nila. Hindi ko maaatim na may isang lalaking hindi ko gusto na maging asawa ko na lang bigla. Lalo na't hindi ko alam kung ano ang itsura niya.
"How about you introduced me as your suitor? Mas maniniwala pa ang pamilya mo sa gano'n." aniya nang hindi pa kami nakakalabas ng mall.
Napatigil ako at nilingon siya.
Unti-unti akong ngumiti, "You're intelligent, Mr. Zechler! That's right!" sambit ko.
Saktong pagkalingon ko sa Moulieye restaurant na nasa malapit lang ay ang paglabas ni daddy at mommy mula sa sasakyan nila. Nakasunod rin ang sasakyan ni kuya sa kanila na lumabas rin agad kasama si Axelius.
"Sigurado ka talaga na itutuloy natin 'to? Hindi ba ako bugbog-sarado pagkatapos ng gabing 'to?" natatawa niyang sambit.
Umismid ako, "Hindi, don't worry. Sino namang bubugbog sa'yo. Subukan lang ni kuya."
Kinunotan niya ako ng noo, "'Yong Heeven na kasama ng kuya mo no'ng party, umuwi na ba siya?"
Nanliit ang mga mata ko. Hindi ko alam pero biglang kumabog nang mabilis ang dibdib ko dahil sa tanong niyang iyon. Kinailangan ko pang tumikhim para lang bumalik sa tamang huwisyo.
"Oo yata. Tara na nga. Pumasok na sila, eh." sambit ko nang nakita kong pumasok na nga sila sa loob ng restaurant.
Nang nasa labas na kami ng glass-door no'n ay saka ako kumapit sa braso ni Gian na medyo napapitlag pa. Sinamaan ko agad siya ng tingin bago ibinigay sa kaniya ang shopping bags na dala-dala ko.
Nagpanggap ako na kausap siya habang tinatahak namin ang loob ng kainan. Sumasabay rin naman siya sa akin kaya hindi na ako nahirapan pa. Kinakabahan, oo.
Iginala ko ang paningin sa restaurant at itinuro iyong vacant table sa gilid.
"Doon tayo, Gian!" sinadya kong lakasan ang boses upang marinig ng pamilya ko.
Hindi ako nabigo dahil narinig ko agad ang boses ni kuya na tinatawag ako. Medyo galit pa iyon at may awtoridad.
"Fern!" aniya.
Unti-unti ko silang nilingon bago nanlaki ang mga mata. Nakaupo sila sa table na nasa gitnang bahagi at naghihintay sila ng order. Nakakunot ang noo ni daddy habang nakataas-kilay naman si mommy. Si Axelius ay madilim ang tingin sa akin.
"OH! Nandito pala kayo!" sambit ko saka hinigit si Gian papunta sa table nila.
Humalik ako sa pisngi ni daddy, mommy, at Axelius bago nginitian si kuya na seryoso ang tingin.
"Yeah! Bakit magkasama kayo?" tanong ni Mommy at sinulyapan si Gian.
"Good evening, tita... tito... and Xagred." sambit ni Gian sa magalang na tono.
"Good evening rin, hijo. Upo kayo dito." ani Mommy.
Umirap si kuya. Si daddy naman ay agad na kinuha ang upuan sa gilid niya at ibinigay iyon kay Gian. May dalawang upuan pang available sa tabi niya kaya umupo na ako doon. Tumabi rin naman sa akin si Gian na seryoso rin ang mukha.
Mausisa akong tinignan ni mommy. Inilipat-lipat niya ang tingin sa aming dalawa ni Gian.
"Kamusta na si Nourel?" si daddy na tinanong agad si Gian tungkol sa daddy niya.
"Eve, bakit magkasama kayo?"
Napatingin naman ako kay kuya na mahinang bumulong sa akin.
"May date kami, kuya." sagot ko saka nagbigay ng isang ngiti.
"Date?" medyo tumaas ang tono ng boses niya.
Narinig iyon ni Gian na tapos ng sagutin ang tanong ni daddy kaya siya na ang sumagot.
"Uh, yes, Xagred. Sinamahan ko si Fern na bumili ng cosmetics." sagot ni Gian.
Umangat ang sulok ng labi ni kuya bago siya humalakhak ng kaunti. Sinamaan ko agad siya ng tingin kaya tumigil rin.
"Date na 'yon?" sarcastic niyang ani.
Umirap ako, "Respect my suitor, kuya Xagred." may riin kong sabi.
Sa sinabi kong iyon, alam kong natigilan si daddy at mommy. Umawang ang labi ni Axelius habang si kuya naman ay nawala ang ngiti sa labi. Tumango ako bago inangkla ang braso kay Gian na mukhang nagulat pa.
"Dad," tumingin ako sa kaniya, "Mom," kay mommy naman, "Kuya," kay kuya na bumalik sa pagiging seryoso, "Meet my suitor... Gian Zechler." sambit ko saka ngumiti.
"W-What!?" si mommy.
"T-Teka, kailan lang?" si daddy naman.
"How about kuya Ven--" hindi na naituloy ni Axelius ang sasabihin niya sana nang tinakpan ni kuya ang bibig niya.
Kumunot ang noo ko pero hindi na nagtanong. Nanatili akong nakangiti habang nakaangkla ang braso kay Gian na alam kong kinakabahan rin. Sorry, Gian. Kinakabahan rin naman ako, eh. I just want them to stop their freaking plan that has to do with marriage.
Hinarap ni Gian si daddy. Hinarap ko rin siya.
"Two days,"
"Two weeks,"
Nagkatinginan kami ni Gian dahil sa sagot naming dalawa. Darn! Synchronized pa kami pero magka-iba 'yong huli naming word.
Nagkagat ako ng labi bago ngumiti, "Uh, yeah, two weeks na pala. Nakalimutan ko," sabi ko saka alanganing ngumiti.
DARN! This is making me so nervous!
I was thankful nang mukhang kumbinsido naman sina daddy at mommy sa pretend namin ni Gian. Now, I'm super duper sure na kakalimutan na lang nila ang napagplanuhang solusyon. Great! Thanks to Gian na dinamay ko talaga sa problema ko.
Sa sumunod na mga araw ay tahimik ang buhay ko. Nagkaintindihan na sina Kira at Sheila kaya natapos na namin agad ang painting namin nang matiwasay.
"Oh? Wala kayong date ng manliligaw mo bukas?" iyon ang salubong ni kuya sa akin nang madatnan ko siyang nakasandal sa pinto ng kwarto niya.
Kinunot ko ang noo ko, "Meron kaming date bukas ni Gian, kuya. Sa cinema. Manonood kami ng movie. Romantic ng suitor ko, right?" sambit ko at ngumiti.
Inirapan niya ako bago itinuro-turo na animo'y naiinis siya. Tikom pa ang labi.
"Ugh!" sambit niya at ginulo ang buhok. Tinitigan niya ako nang mariin, "Basta hindi mo sasagutin 'yang Gian na 'yan. Sigurado ako." aniya at pumasok na sa kwarto niya.
Hindi ko mapigilan ang ngumiti. Kahit na nakakainis si kuya ay talagang naappreciate ko ang pagiging protective niya sa'kin.
The next day came. Maaga pa lang ay nag-ayos na ako ng sarili ko para sa date kuno namin ni Gian sa cinema. Akala nila romantic date. Friendly date lang naman iyon. But well, I need to look presentable para maniwala sina kuya na romantic date nga iyon.
Suot-suot ang pink fabulous dress paired with three-inches high heels ay lumabas na ako ng mansiyon namin. Nadatnan ko pa si kuya na nakahilig sa sasakyan niya at may susi pa sa kamay niya.
Hindi ko napigilan ang umiling.
"Ihahatid na kita," presenta niya na agad kong tinanggihan.
"Gian will fetch me, kuya. Nag-text siya sa akin na paparating na raw siya." sambit ko saka napatingin sa labas ng gate namin, "Oh! Nandito na pala siya!" sabay ngiti ko. Hinarap ko uli si kuya bago kumaway. "Bye, kuya." sambit ko.
Inayos ko ang lakad ko hanggang sa makapasok ako sa loob ng kotse ni Gian na bagong gray na Toyota.
"Sorry talaga sa abala, Gian. Don't worry, tinatantanan na ako ni Daryl and alam kong binawi na nina daddy ang solusyon nila. Tsaka second date na natin 'to. Makakalaya ka na pagkatapos ng third date natin." sabi ko at nginitian siya.
Tumango siya bago pumila sa medyo mahabang pila sa bagong labas lang na romantic movie. Nandito na rin lang kami, susulitin na namin.
Nang kami na sana ang magbabayad ng ticket ay biglang may sumingit sa unahan namin na matangkad na lalaki. Nauuna ako kay Gian kaya ako ang nasingitan.
Dahil sa lapit niya ay amoy na amoy ko ang mabango at pamilyar na manly scent. Muntik na akong mapapikit dahil sa bango niya pero buti na lang ay napigilan ko ang sarili ko.
Kumabog na naman nang malakas ang dibdib ko dahil sa presensya niya. Parang may naghuhuramentadong mga sistema sa loob ko na hindi na mapigilan pa. Unti-unti kong kinagat ang labi lalo na nang marinig ko ang panunuyang boses niya habang kausap ang babaeng nagbabantay.
"One ticket, Miss." aniya na natutunugan ko ang pagngisi sa labi.
Narinig ko ang pagsinghapan ng mga babaeng nasa likuran ni Gian. Kita ko rin ang pagkalaglag ng mga panga ng mga babaeng dumadaan habang nakatingin kay Heeven na siguradong napakalaki ng ngisi. Sino ba naman kasi ang hindi mababaliw sa ngisi niya? Darn it!
Mukhang hindi na pansin ng babae na bantay ang pagsingit niya sa pila dahil sa ngisi na ipinapakita ni Heeven sa kaniya. Dahil doon ay napairap ako.
"Are you okay?" tanong ni Gian nang makaupo na kami sa likurang bahagi ng theater room.
Inilapag niya ang coupon ng pop corn at ang drinks na binili niya sa harapan ko. Napansin niya siguro ang simangot ko.
I sighed bago dahan-dahang tumango. Hindi na nakuha pang sumagot dahil sa inis. Ewan ko bakit ako naiinis. Basta nagsimula 'to nang makita ko si Heeven na pinopormahan ang bantay kanina. Nakakainis kaya! Akala ko ba ay umuwi na siya ng Cebu? Eh, ilang buwan ko na siyang hindi nakikita. Tapos susulpot siya dito bigla at iinisin lang ako? Tsk. Playboy nga talaga. Nakakainis.
Lumilipad ang isip ko habang nanonood ng movie. Hindi ko na nga naintindihan ang flow. Nagtataka na lang ako kung bakit nag-away ang mga karakter at nauwi pa iyon sa halikan. Nawalan na talaga ako ng gana.
Hindi ko maaninag si Heeven kung saan siya nakaupo pero ang alam ko, nando'n siya sa unahang bahagi kasi ang daming babaeng nagkakandarapa na doon umupo. Hindi naman yata movie ang pinapanood nila, si Heeven!
Dahil sa pag-inom ko ng softdrinks na libre ni Gian ay nakaramdam ako ng pagkaihi sa gitna ng movie.
"Restroom lang ako, Gian." paalam ko sa kaniya.
Tinignan niya ako, "Samahan na kita," presenta niya na agad kong tinanggihan.
Tumango na lang siya at nagpatuloy sa panonood. Mabuti pa siya at alam kong naintindihan niya ang flow ng movie kasi hindi naman siya lutang. Hindi gaya ko na inis na inis kaya lumilipad ang isip.
Pumasok agad ako sa restroom at sa cubicle para umihi. Nang matapos na ay dumiretso ako sa countertop saka tinitigan sa salamin ang sarili. Bumuntong-hininga ako bago nagkagat-labi.
"Bakit ba ako naiinis? Eh, nature niya na naman 'yon. Ilang beses ko na siyang nasaksihan na may kalandian. Ngayon pa ba ako maiinis ng ganito? What do I expect? He's a playboy. He can do what he want." sambit ko saka nagkagat uli ng labi.
Nang buksan ko ang pinto ay natigilan ako nang madatnan ko si Heeven na nakatingin sa akin ng diretso at seryoso.
Pinilit kong kumalma kahit na kumakabog na naman nang mabilis ang dibdib ko. Nagtaas ako ng kilay bago siya pinagkibitan ng balikat.
"Yes?" mataray kong sambit.
Napaatras ako nang bigla siyang humakbang palapit sa akin. Trumiple ang lakas ng tibok ng puso ko nang hinila niya ang kamay ko. Sa isang iglap lang ay nasa loob na kami ng restroom. Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa ginawa niyang iyon.
"What are you doing?!" inis kong sambit at hinampas ang dibdib niya.
Nginisihan niya ako bago hinawakan ang magkabilang-kamay ko at pinasandal niya ako sa pinto. Nakaramdam ako ng kaba lalo na nang inilapit niya ang sarili sa akin. Gamit ang isang kamay niya ay hinawakan niya ang baywang ko at idiniin ako sa kaniya.
Huli na nang mapigilan ko ang pagsiil niya ng halik sa labi ko. Galit iyon at alam na alam kong sabik. Kusang pumikit ang mga mata kong namumungay dahil sa mga halik niya. Hindi ko ginalaw ang labi ko. Hindi ko alam kung paano humalik. It's my first kiss for pete's sake!
Nanghina ang mga tuhod ko dahil sa dala ng mga halik niya. Tanging ang nagawa ko lang ay kumapit sa batok niya dahil kung hindi ko iyon gagawin ay siguradong matutumba ako. Wala na akong lakas. Ubos na dahil sa halik niya. Nakakawala ng enerhiya. Nakakalasing. Nakakasabik. Nakakabaliw.
Inilayo niya ang labi sa akin pero nasa baywang ko pa rin ang braso niya. Nag-iwas ako ng tingin nang unti-unti kong iminulat ang mga mata.
Nagkagat ako ng labi. Habol-habol ang sariling hininga dahil sa halik niya.
"Hindi ka nga marunong humalik, nagpapaligaw ka pa." aniya.
Napatingin ako sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag. Unti-unti niyang kinalas ang braso na nakapulupot sa akin bago lumitaw ang ngising nakakabaliw.
"Alam kong hindi siya nanliligaw sa'yo. Klarong-klaro. Hindi niyo rin gusto ang isa't-isa. Kailangan mo lang ng tulong sa kaniya. I can help you instead. Let's date,"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top