Chapter 10

Kabanata 10

Sa Tulong Niya



Akala ko no'n ay hindi gaanong mahirap ang mag-fourth year college pero sobrang mali ako sa akala kong iyon.

It's been months since the school year began pero sobrang dami na ng mga nagagawa naming projects sa arts. Ang daming kailangang gawin sa iba't-ibang subjects.


"Ako na sa powerpoint, guys." presenta ng leader namin sa History of Arts.


May project kaming painting sa History of Arts na subject. Portrait painting, landscape painting, surreal painting, and cubic painting. Pipili kami ng isa sa paraan ng pagpe-paint na itinuro sa amin ng prof sa subject na iyon at ang napili namin ay cubic painting.


Apat kaming group cubic. Si Sheila, Rheina, Kira, at ako. Leader namin si Kira na singkit ang mga mata.


"Ako na lang sa pintura at pigments." nagtaas ng kamay si Sheila.

Tumango si Kira bago ako tinignan, "Sa brushes? Ikaw na?" tanong niya.

"Alright!" sambit ko at tumango.


Sabay naming binalingan ng tingin si Rheina na hindi pa rin umiimik. Kinunotan niya kami ng noo bago nagsalita.


"Ano? Wala na namang kailangang gawin o bilhin, 'di ba?" aniya at umirap.


Humalakhak naman si Kira kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nagagalit na nga, tinatawanan pa.


Talagang hindi lahat ng bagay ay perpekto. Gaya ng grupo namin. Magkaaway si Kira at Rheina. Inagaw raw kasi ni Kira ang boyfriend ni Rheina kaya ayun at nagkaroon sila ng away. No'ng high school pa 'yon pero hanggang ngayon, gano'n pa rin sila.


Tumigil sa pagtawa si Kira bago nag-peace sign sa akin.


Nilingon ko si Rheina bago kumuha ng pera sa wallet ko. Alam kong gusto niyang tumulong pero wala siyang pera. Inilapag ko sa harap niya ang five thousand bago siya nginitian.


"Wala pang painting board. Ikaw na lang ang bumili pa-"

"Anong ibig-sabihin mo, huh, Fern!?" nagulat ako sa biglaan niyang pagtayo.


Magkasulubong ang mga kilay niya at masama ang tinging ipinupukol niya sa akin. Napawi ang ngiti ko dahil sa kaniya. Natahimik rin si Kira at Sheila.


Natigilan ako. Teka... akala niya ba ay binibigyan ko siya ng pera dahil pulubi ang tingin ko sa kaniya?


Umiling-iling ako, "It's not what you think, Rhei-" hindi ko ulit naituloy ang sasabihin.


Padabog niyang kinuha ang pera ko bago iyon inilagay sa palad ko nang padabog rin.


"Hindi por que mahirap ako, bibigyan mo na ako ng pera. Kaya kong tumulong sa inyo sa sarili kong pera! 'Wag mo akong bigyan ng pera kasi hindi ako pulubi!" inis niyang sambit at tumalikod na.


Nagkagat ako ng labi bago lumingon-lingon sa paligid. Buti na lang, wala masyadong tao dito sa gazebo. Kung meron man, masama na siguro ang tingin nila sa akin ngayon.


"Impulsive niya talaga. Kaya ako ang pinili ni Darius, eh." umiling-iling si Kira at humalukipkip.


Imbes na gumatong ay tumahimik na lang ako. Guilty ako dahil sa ginawa ko. Alam kong wala akong intensyong masama pero kung na-offend ko nga siya, hindi na tama 'yon.


Maraming nature ang mga tao. Minsan may mga impulsive na tao. Madalas naman ay 'yong hindi nakikinig dahil na-misunderstood na nila ang sinabi mo. Kahit wala kang sinasabi, dahil lang sa isang galaw mo, mali ka na para sa kanila. You just need to act prim and proper. Hindi pwedeng padalos-dalos.


"You're right, ate! Not all documentaries about cats will hurt me. Meron ring mga nakakapagpasaya!" sambit ng kapatid ko nang isang gabi ay pumasok siya sa kwarto ko dala-dala ang iPad niya.


Tumigil ako sa ginagawang research para sa Aesthetic sub namin at inilagay ang cellphone sa gilid ng kama ko. Tumayo agad ako saka tumabi sa kaniya sa sofa.


Sinilip ko ang pinapanood niya, "Of course, Axelius. Sabi ko naman sa'yo, hindi ba?" sabi ko at ngumiti.


He nodded bago ipinagpatuloy ang panonood niya. Sinamahan ko lang siyang manood ng mga documentaries tungkol sa mga hayop. Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam muna ako saglit na kukuha lang ng chocolates sa baba.


"Good evening, Miss Fern!" bati sa akin ni Rare na bagong kasambahay namin.


Hindi nagkakalayo ang edad namin. Siguro ay kung twenty-two ako, siya naman ay twenty-four. No'ng isang linggo lang siya nagsimula pero ang dami na niyang naipakitang maganda. Ang caring niya at marespeto. Sigurado akong pinalaki siya ng mga magulang niya nang maayos.


Ngumiti ako at isinara ang ref. Kumuha lang ako ng isang piraso ng ferrero at umupo agad sa highchair na kaharap ng mini bar ng mansiyon namin.


"Mahilig po kayo sa chocolates?" sumulpot siya sa harapan ko at pumangalumbaba.

Tumango ako, "Yeah. Depende sa brand." sagot ko habang tinatanggal ang wrapper ng chocolate.

"Ano po'ng mas gusto niyo, local or imported?" aniya.

Kinagat ko ang tsokolate bago nag-isip, "Imported," sambit ko.

"Gano'n ba? Eh, milk po or dark chocolate?" tanong niya.

"I prefer dark chocolate." sambit ko.

"Dairy milk or Parmida?" pahabol niya pa.

"Uh... Parmida. Mas dark chocolate kasi." sagot ko.

Tumango-tango naman siya bago itinukod ang kamay sa upuan, "Nagkaroon na po kayo ng boyfriend or currently dating someone?"


Napatingin ako sa kaniya sa tanong niyang iyon. Bahagya akong tumawa at umiling. Galing sa chocolate ay dumating siya sa topic na iyon. Sasagot na sana ako nang marinig ko ang boses ni Axelius mula sa dulo ng grand staircase.


"ATE! Someone's calling! Daryl raw!" sigaw niya na nakapag-palaglag ng panga ko.


Sa mga dumaang buwan ay sobrang tahimik ng buhay ko. Walang gumagambala sa akin. Walang tumatawag na unregistered number. Walang nang-iinis sa akin. Iyon ang nangyari for the past two months! Pero bakit bumalik na naman siya sa panggugulo sa'kin? Sure, alam kong dahil sa sinabi sa kaniya ni Heeven no'ng anniversary ng business namin ay tinigilan niya ako. But now what? Pinahupa niya muna ang narinig niya? Tapos manggugulo at mang-iinis siya ulit!? DARN!


I immediately swallowed the chocolate in my mouth at uminom agad ng tubig. Nagmamadali akong umakyat sa hagdan at agad na kinuha ang cellphone kay Axelius.


"What do you need!?" inis kong bungad sa kaniya.


Nagkibit-balikat ang kapatid ko bago bumaba ng hagdanan.


"Break na kayo no'ng boyfriend mo, right? Nagsawa na kayo sa isa't-isa. Alam ko. Kaya ngayon, wala ng hadlang. Ipagpapatuloy ko ang panliligaw sa'yo at hindi mo ako mapipigilan."


Halos mahagis ko ang cellphone sa pader dahil sa sobrang inis mula sa narinig sa kaniya.


Ipinikit ko ng mariin ang mga mata bago bumuntong-hininga, "Kung nag-break man kami ng boyfriend ko, wala ka nang pakialam do'n. Hindi ibig sabihin no'n na pwede mo na akong ligawan kasi isa lang ang isasagot ko sa'yo. No!" sambit ko.

Narinig ko ang paghalakhak niya sa kabilang linya, "Gusto ko talaga ang matatapang na babae, Fern. Hard to get? Grumpy? Iyon ang gusto ko." aniya na mahahalatang nakangisi siya habang sinasabi iyon.

Umismid ako, "I really don't care, Daryl. Tigilan mo na nga ako, pwede ba!?" inis na inis na talaga ako.


Nakaka-highblood talaga ang isang 'to. Sobrang kitid ng utak. Hindi man lang makaintindi. Kahit na ano yata ang gawin ko ay talagang hindi niya ako titigilan. At kung nagdududa ako sa mga sinabi niya no'ng gabing nagkausap sila ni Heeven, ngayon hindi na. Talagang titigil siya kapag nakapag-asawa na ako!


Imbes na manatiling nakikinig sa kaniya, pinatay ko na ang tawag. Doon pa lang ako nakahinga nang maluwag. Parang nakawala ako sa pinakamahirap na challenge dahil sa sobrang tuwa ko.


"Who's bothering you, Eve?"


Huli na nang marealize kong narinig ni mommy ang lahat-lahat. Lahat ng sigaw ko dahil sa inis, lahat ng sinabi ko kay Daryl. Narinig niya.


Unti-unti akong lumingon sa kaniya. Nakakunot ang noo niya at sobrang seryoso ng mukha.


"M-Mom, that w-was... u-uh..." nagkagat ako ng labi dahil hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya.

Wala akong masabi!

"Daryl? I heard you. And that guy is bothering you? Why didn't you tell us?" tanong niya nang makarating kami sa sofa ng kwarto nila ni Dad.


Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang sumagot. Wala akong maisagot. Alam kong hindi sila strict pero baka dahil sa narinig nila ay pagbabawalan nila ako. Kukunin nila ang cellphone ko and worst, kailangan kong mag-transfer para lang hindi na maabala pa ni Daryl. They're not strict but they just love me so much. That's why they won't tolerate this matter.


Mas lalo akong kinabahan nang bumukas ang pintuan at bumungad si Daddy na may dala-dala pang suitcase.


"Oh? Hey, Eve." aniya at humalik sa pisngi ko. Bumaling naman siya kay mommy na seryoso pa rin ang itsura bago lumapit at humalik rin sa pisngi ni mommy. "What's the commotion here, honey?" aniya at umupo sa kama nila.


Nagkagat ako ng labi. Tumahimik na lang. Hinintay ko na lang na si Mommy ang magsalita. Hindi nga ako nagkamali.


"Some guy is pestering our daughter, Vard. At klarong-klaro, kitang-kita ng mga mata ko na inis na inis ang anak natin habang kinakausap iyong lalaki! And you know that we don't like that. Hindi natin gustong nakikita ang unica hija natin na ginugulo ng kahit na sino!" sambit niya at umirap.


Nanatili lang akong tahimik na nakaupo sa sofa nila. Tama ako. They won't tolerate this.


"Relax, honey. Baka ma-stress ka." ani naman ni Dad sa kaniya.


Bumuntong-hininga si Mommy bago ako nilapitan. Hinawakan niya ang mga palad ko at hinaplos ang buhok ko.


"Ilang araw ka nang ginugulo ng Daryl na 'yon?" seryoso niyang tanong.

"Uh... One year... Almost two-"

"WHAT?! Almost two years?" si Daddy na tumayo na. "Drop the surname of that guy, Fern. We will destroy their business-"

Hindi ko siya pinatapos, "Dad, no! 'Wag namang umabot sa ganoon. May ibang paraan pa naman siguro..." sambit ko habang inaalala ang paraang pagpapakasal. Pero wala akong planong magpakasal, 'noh!

Kumunot ang noo ni Daddy, "Do you like him?" nanliit ang mga mata niya.

"What!? Of course not, Dad!" agaran kong sagot.

Tumango siya, "Then, wala nang problema! I won't tolerate this matter, Eve! You are our unica hija. Kailangang alagaan at protektahan. I'm sure, if their business would drop its sales at malalaman ng mga magulang niya kung sino ang may pakana, they would probably make Daryl leave you alone." seryosong sambit niya.


Nagkagat ako ng labi. Hindi naman yata tama iyon. Si Daryl lang naman ang nanggugulo sa akin, hindi ang lahat ng pamilya niya. Walang dapat madamay dito. Daryl is Daryl. Ostorios are Ostorios.


"Dad, Mom, 'wag niyong hayaan na humantong pa sa ganoon. May ibang solusyon pa naman." sagot ko.


Natapos ang usapan namin no'ng gabing iyon. The next days, hindi ko na narinig pa na pinag-usapan nila iyon. Hindi na rin nila binabanggit iyon sa akin. All I thought that they would just forget that matter but the next month came. One fine night when I heard my parents and my brother were talking beside the stair.


"Hindi pa rin tumitigil si Daryl, Dad. Sinusundan niya pa rin si Fern. Kahit nga sa ibang subjects na hindi sila classmates, nakasunod pa rin siya." boses iyon ni Kuya.


Nanatili akong tahimik. Humilig ako sa railings ng hagdanan bago nagkagat-labi.


"Hindi talaga mapigilan ang lalaking 'yan. Bakit ba kasi ginugulo niya pa rin si Eve!? Wala ba siyang ibang magustuhan at iyong unica hija pa natin ang ginagambala." may riing sambit ni Dad.

"Multo 'yon, Dad. Si Fern lang ang makakatulong sa kaniya na hanapin ang hustisya bakit siya namatay. Hindi niya titigilan ang kapatid ko kapag hindi niya nakukuha ang gusto niya." humalakhak pa si Kuya.

"Anong multo, Xagred? Seryosong usapan 'to, ah. Set aside your craziness." sambit naman ni Mommy.


Bahagya akong sumilip sa kanila. Nakita kong tumango si daddy. Seryosong-seryoso ang itsura. Humalukipkip siya at tinitigan nang seryoso sina kuya at mommy.


"Kung hindi siya madala sa masinsinang usapan, idadaan natin sa negosyo nila-"

"Boulevard! Gaya ng sabi ni Eve, may solusyon pa! 'Wag naman nating idamay ang buong pamilya. Sa lahat ng tao, alam nating dalawa kung gaano kahirap ayusin ang takbo ng negosyo once the sales dropped! Let's play fair." ani Mommy.


Ngumuso ako at patuloy pa ring nakinig.


"Ano ngang solusyon? Wala na tayong ibang solusyon-"

"Meron! Ipakilala na natin si Fern sa anak ng business partner na pinangakuan natin. Magpa-engagement party tayo para sa kanila nang sa gano'n ay malaman niyang may fiance na ang anak natin. Hindi na niya gugulohin si Eve, panigurado."


Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo. Pagkatapos kong marinig iyong sinabi ni Mommy ay hindi ko na alam ang gagawin. Niwalang makalabas na isang salita sa bibig ko dahil sa pagkabigla. Bigla at takot. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Nakakabigla ang lahat ng sinabi ni mommy. Nakakatakot dahil alam kong hindi ko gusto ang solusyon nila. Ayoko. Ayokong magkaroon ng fiance. Ayokong ikasal sa taong hindi ko gusto. Doon din naman papunta 'yon kaya ayoko.


Maaga akong pumasok sa FHU nang dumating ang lunes. Hindi ako nagpahatid kay kuya kasi hindi ko siya kayang kausapin. Simula no'ng araw na iyon, no'ng nagplano silang i-arrange marriage ako sa anak ng isa sa business partners namin ay hindi na ako masyadong kumakausap sa kanila. Sa lahat ng narinig ko, hindi ko pa kaya. I felt betrayed.


Nang uwian na ay agaran akong lumabas ng gate. Nag-abang agad ako ng taxing masasakyan papunta sa bahay ng taong alam kong makakatulong sa akin.


"Saan po tayo, Ma'am?" tanong ng driver.

"Wait lang po." sambit ko at inilabas ang cellphone mula sa bulsa.


Hinanap ko agad ang number ni Gian sa contacts. Nang mahanap na ay tinawagan ko agad siya. Naka-ilang ring pa iyon bago niya nasagot.


"Busy ka ba?" tanong ko.

"Fern? Hindi naman. Bakit?" tanong niya mula sa kabilang linya.

Nagkagat ako ng labi, "Where are you?"

Narinig ko ang pagsara ng isang pinto bago siya sumagot, "Nasa condo ko. Bakit?" sagot niya.

"What condominium?" wala nang paliguy-ligoy pa.

"Sa Grandiose. Bakit ba?"

"Which floor? What room number? Pupuntahan kita. Kailangan ko tulong mo." sambit ko.

"Ma'am? Saan po?"

Sinulyapan ko ang driver ng taxing sinasakyan ko, "Sa Grandiose condominium po." sagot ko at bumalik sa tawag.


"What? Tulong? Are you okay? Uh, fifteenth floor. Room 101."

Tumango-tango ako, "Okay, thank you. Papunta na ako." sabay patay ko sa tawag.


I really need his help now. Wala na akong ibang maisip o mahingan ng tulong. Wala na akong kakilalang lalaki na babagay sa kailangan ko. Tanging si Gian lang.


"Gian, I'm sorry for disturbing you. I just need your help. Hindi naman ako magmamadali na puntahan ka dito kung hindi urgent." sambit ko agad nang makapasok na sa condo unit niya.


Inilapag niya ang isang baso ng tubig sa harapan ko bago umupo sa kaharap na couch. Humalukipkip siya at nagkunot ng noo.


"Yeah, I know you. Hindi ka naman manghihingi ng tulong kung kaya mong lutasin nang mag-isa ang problema. What's your problem?" tanong niya.


Lumunok ako bago tumitig sa kaniya. Gian is definitely handsome. Hindi lang iyon. Mayaman rin siya. Mabait rin. Gentleman at makakapagtiwalaan. My parents won't doubt kung ipakilala ko si Gian sa kanila as my boyfriend. Yeah, boyfriend. That's the only solution I've thought. Kilala ko sina daddy at mommy. They know their limits. 'Pag nalaman nilang may boyfriend ako, hindi na nila itutuloy ang pagkakasundo sa akin sa isang stranger. They would stop. Hindi lang ang arranged marriage ang mawawala na parang bula, si Daryl rin. Alam kong titigilan na niya ako. Kilala niya si Gian at alam kong maniniwala siyang boyfriend ko si Gian. This will be the best option for me.


"Date me," sambit ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top