Chapter 09

Kabanata 09

We Won't Ever


Dumating ang gown na pinagawa ko kay Margaux, biyernes ng gabi iyon. Hawak-hawak niya ang limang shopping bag na may malaking logo ng JC sa gitnang bahagi.


"Let's go inside, hija. Malamig dito sa labas." sambit ni Mommy.


Tumango naman si Margaux saka ako nginitian.


"Good evening, Fern." aniya.

"Good evening, din, Margaux. Ang galing mo. Natapos mo agad ang mga damit namin?" namamangha kong tanong saka kinuha ang dala-dala niya.

Humagikhik siya bago umiling, "May assistant naman ako na tumutulong sa akin kaya natapos agad. Isukat mo agad, ah? Para makita natin kung sakto lang ba." aniya nang papasok na kami sa loob ng mansiyon.

Tumango ako, "Thank you. Tungkol sa bayad, I'll just send you the money through your bank account. I-send mo na lang rin sa akin ang full price ng lahat." sambit ko.

"You'll pay? Ang yaman mo naman!" sambit niya.

Ngumiti ako bago umiling, "Hindi naman, Margaux. May pera lang."

"Eto naman! Pa-humble pa! Oo nga, may pera ka at marami iyon!" aniya at tumawa ulit.


Nagtawanan na lang kami hanggang sa makarating kami sa loob. Saktong hindi pa kami nagdi-dinner kaya pinasabay na namin si Margaux. Mabuti rin na hindi pa siya nakakapag-dinner.


Pagkatapos naming kumain ay dumiretso agad ako sa kwarto ko dala-dala iyong paper bag.


"Wow!"


Shocked plastered all over my face when I fully saw the whole gown. It looked astonishing in the sketch but it's way more better than that! Sobrang ganda ng gown. Plus, it is silky. Ang ganda ng telang ginamit at sobrang comfortable.


"Oh my God!" sambit ko nang maisuot na ang gown.


Saktong-sakto lang iyon sa akin. Hapit na hapit rin sa katawan ko iyon. Kitang-kita ang kurba ng dibdib, baywang, balakang, at legs ko dahil sa sobrang ganda ng pagkakagawa ng gown.


Iyon din ang reaksyon nina Daddy, Mommy, kuya, Margaux, Axelius, at pati na ang mga kasambahay namin.


"How do I look?" tanong ko sa kanila.


Laglag pa rin ang panga nila. Hinintay ko ang sagot nila pero sa tagal ng pagkakatigil nila ay si Axelius na lang ang sumagot.


"You're so pretty, ate!" ani ng kapatid ko at nag-thumbs up.


Ngumiti ako bago tumango-tango. Kinurot ko ang pisngi niya na siyang ikanahagikhik ng kapatid ko.


When Saturday night came, halos lahat ng bisita namin ay pinuri ako. Hindi dahil sa ganda ko kun'di dahil sa suot-suot ko. Bagay raw sa akin. Hindi naman nila nakikita ang mukha ko pero bagay pa rin raw sa akin.


Naka-mask lahat ng bisita. Kulay pula ang suot-suot kong mask na halos kalahati ng mukha ko ay natatabunan. Tanging labi lang ang kitang-kita. Mga pulang balahibo ang design ng mask ko. May mga maliliit rin na silver-colored beads na nakapalibot sa gilid ng mga mata.


Red velvet ang lipstick ko dahil binagay ko lang sa suot kong gown. Silver-colored 4-inches high heels ang ipinares ko. I really like Margaux's design kasi sobrang ganda. Kahit ano yata ang ipares kong high heel ay talagang babagay. She's really a fashion designer. No doubt about that.


"Good evening, Mr. Zechler." rinig kong sambit ni Kuya na nasa gilid ko.


He looks so dazzling in his white tuxedo and a pair of white slacks paired with white flat shoes. Nakatayo kami ni Kuya sa gilid ng gate namin. We're accommodating the visitors all along.


It's been thirty minutes since we're standing there and greeting the visitors with a big smile on our lips.


Napatingin ako sa lalaking kausap ni Kuya at umawang ng kaunti ang labi.


Gian chuckled bago lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko. Pagkatapos ay tinanguan niya lang ang kapatid ko. May katabi siyang isang lalaki na halatang daddy niya. Naka-three piece suit with a pair of shoes. Nginitian ako ni Gian kaya nginitian ko rin siya.


Tinitigan ako ng mariin ni Kuya na para bang may ginawa akong mali. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa pagtatataka. Magsasalita na sana siya nang may dumating na lalaking bisita kaya hinarap niya muna iyon.


"Ba't mukha kang bad trip diyan, Xagred?" rinig kong sambit ng pamilyar na baritonong boses.


Unti-unti akong lumingon sa kararating lang at natigilan.

The guy was wearing a fabulous blue tuxedo with a black and white striped long sleeve button-down dress beneath it. He has a black necktie that fitted the suit. In his lower body was a pair of blue slacks paired with black leather shoes. His mask was dark-colored that has some sparkling beads in the sides. Unlike mine, mata niya lang ang natatakpan.


"Gwapong-gwapo talaga sa'kin ang kapatid mo, 'tol."


Dahil sa sinabing iyon ni Heeven ay bumalik ako sa tamang huwistyo. Umismid ako bago nagkibit-balikat sa kaniya.


"Fuck you, Heeven. Kapatid ko 'yan! 'Wag mong paglaruan!" singhal ni Kuya at pabirong sinapak si Heeven na tumatawa.


Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi pa rin natinag. Hanggang sa maalala ko ang sinabi ni Kuya.


"Kuya! That's a curse! Isusumbong kita kay Daddy!" sambit ko at ngumisi.


Tumawa silang dalawa na parang baliw. Imbes na matakot si Kuya na isusumbong ko siya kay Dad ay talagang tumawa pa. Mga baliw!


"Oh? Sige. Isusumbong rin kita." aniya nang humupa na ang tawanan nila.

Umirap ako, "And what would you tell him?" nagtaas ako ng kilay.

Nagkatinginan sila ni Heeven, "Sinabi ni Heeven sa akin na minura mo raw siya. Padabog mo pang ibinigay ang invitation card. Loyal business partners natin ang Cordovas. Magagalit si Daddy at Mommy sa'yo kapag nagsumbong ako. Ano? Isusumbong mo pa rin ako?" aniya.


Napaawang ang labi ko bago pinanliitan ng mga mata si Heeven na walang ginawa kun'di ang tumawa at ngumisi.


"Ewan ko sa inyo!" inis kong sambit at padabog silang tinalikuran.


Pagkapasok ko sa studio room ng bahay namin kung saan ang main venue ay naghanap agad ako ng mauupoan. May nakita akong vacant table malapit sa pool kaya doon na lang ako umupo.


Nakakainis talaga! Bakit ba nandito 'yong lalaking 'yon? Oo nga at business partner namin sila kaya nga binigyan ng invitation card, eh. Pero pwede namang tumanggi. Wala namang mawawala kapag hindi siya dumalo. Tapos pupunta lang siya dito para inisin ako? Para ibalandra ang kagwapuhan niya? Gwapo nga siya at sobrang hot pero playboy naman! Not justifiable!


May welcome program pang ginanap nang sumapit ang alas-siete ng gabi. Marami na rin ang bisita. Ang iba'y naroon sa loob ng bahay, ang iba nasa harap ng pool gaya ko, at ang karamihan ay nando'n sa main venue sa likuran ko.


Napatingin ako sa lalaking umupo sa harap ko habang nakataas ang kilay pero kusang bumaba iyon nang makita si Gian na may suot-suot nang puting maskara.


"Ikaw pala," sambit ko saka nginitian siya.


He nodded bago inilibot ang paningin sa paligid namin. Humalukipkip siya at ininom ang isang kopita ng blue wine.


"Your house is huge. Mas malaki pa sa amin." aniya.

"Uh, talaga? Hindi pa ako nakakapunta sa inyo. Si Lancy, nakapunta na, right? No'ng birthday mo." sambit ko at nginisihan siya.


Tinitigan niya ako ng mariin kaya hindi ko na napigilan ang tumawa. Ghad! He's really obvious! Noon pa lang, alam ko nang gusto niya si Lancy.


Sumimangot siya at nilagok ang wine niya.

Napatitig ako sa kaniya habang ginagawa niya iyon. I can't deny the fact that he's one of the guys out there that are to be died for. I mean, sobrang ganda ng features ng mukha niya. Plus, halatang alaga ang katawan niya sa pag-gy-gym. Clean cut rin lagi ang buhok niya at halatang ang linis pa niya. Mabango pa. Kung may gusto lang ako sa kaniya, no'n ko pa siya inayang mag-date. Siya kasi 'yong tipong hindi marunong mag-aya ng date kaya ang babae na ang dapat mag-aya.


"Punta ka rin kapag birthday ko." aniya.

Ngumisi ako at tumango, "Si Lancy? Invited rin?" nanunukso kong sambit.

Umiling siya, "Text lang siguro ang ibibigay sa'kin no'n. Sabay 'yong birthday namin ni Jared kaya malabong ako ang pupuntahan niya." hindi man niya sinasabi, halatang malungkot siya.


Saktong may dumaang waiter sa tabi ko kaya agad akong kumuha ng juice sa tray.


"Cheers?" sambit ko at ngumiti ulit.

Tumango siya bago sinunod ang sinabi ko.

"Nga pala, bakit hindi ka nagdala ng date? May sayawan mamaya, eh. Sino na lang partner mo?" kuryos kong tanong.

Suminghap siya bago umiling, "I don't dance, Fern. Uuwi na rin ako maya-maya. May flight pa ako papuntang America." seryoso niyang sabi.

"Flight? What? Business trip ba?" tanong ko.

"Yeah. Ako na ang nagha-handle ng ibang farm namin. May aasikasuhin lang."


Oo nga pala. He's graduated now. One year ahead siya sa amin ni Lancy. Sayang, hindi man lang ako nakapunta no'ng graduation niya. It's a good thing na may pinagkaka-abalahan na siya. Siguro ay makakalimutan na niya ang nararamdaman sa kaibigan namin.


Hindi na rin siya nagtagal. After naming mag-usap ay nagpaalam muna siya kina Daddy at Mommy na abala sa pakikipag-usap sa ilan pang bisita.


"Tito, tita, aalis na po ako." paalam ni Gian.

Ngumuso si Mommy bago tinapik ang balikat ni Gian, "Sayang naman at hindi ka makakadalo sa sayawan. Mag-ingat ka, ah?" aniya.


Tumango si Gian bago tumingin kay Daddy na nakangiting tumango sa kaniya. Lumipat naman ang tingin niya sa akin bago ako nginitian.


"Mauna na ako, Fern." aniya.

Akmang tatalikod na siya nang agad kong pinigilan, "Samahan na kita. Wala naman akong ginagawa." presenta ko na hindi niya na tinanggihan pa.


Nauuna siya sa akin sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa labas ng gate. Nagpaalam ulit siya bago sumakay sa sasakyan niyang mamahalin.

Suminghap ako bago naglakad pabalik sa loob. Kumunot ang noo ko nang madatnan ang laser eyes ni Kuya habang nasa tabi niya si Heeven na nakasimangot.

Tinaasan ko ng kilay si Kuya.


"What, Kuya?" ani ko.


Nilapitan niya ako bago pinagkibitan ng balikat.


"Manliligaw mo ba si Gian?"

Nanlaki ang mga mata ko, "Ano!? Hindi! Kaibigan ko lang 'yon." sagot ko.


Kinunotan ko siya ng noo nang makitang napahinga siya ng maluwag. Ininguso niya si Heeven na gano'n pa rin ang itsura. Umiling-iling ako bago sila nilagpasan.


Problema no'n? Parang bad trip na bad trip. Namatayan ba siya ng alagang langgam? Makasimangot naman parang ang laki ng problema. Playboy, 'di ba? Eh, dapat naghanap na siya ng babae! Ang dami kayang magagandang bisita ngayong gabi. Mga anak ng business partners namin. Ano pang hanap niya? Elegante at maganda. Iyon naman ang tipo niya, hindi ba?


Ilang minuto ang lumipas ay nagsimulang tumugtog ang slow music sa music room. Iyon ang venue ng sayawan kaya pumunta na ako doon. Nakakasabay ko pa ang iilang business partners namin na agad sumayaw sa gitna.


Umupo muna ako sa highchair sa tabi ng DJ bago humalukipkip.


"May partner ka na ba, Miss?" rinig kong tanong ng isang lalaki, ilang minuto ang lumipas.


Nilingon ko ang lalaking medyo matangkad sa akin ng kaunti. Naka-suit ito at may pa-gel pa ang ayos ng buhok. Ang maskara niya ay kulay itim.


Umiling ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa highchair.


"I don't have." sagot ko.

Ngumiti siya bago naglahad ng kamay, "May I have this dance, then?" aniya.


Tumango agad ako at tinanggap ang kamay niya. Wala namang masama, 'di ba? Besides, hindi naman na siya stranger sa akin. Lagi ko naman siyang nakikita tuwing anniversary ng business namin. Kasa-kasama niya ang mommy niya.


"Sure, Vince!" nakangiti kong sabi at nagpahila na sa kaniya papunta sa gitna ng dancefloor.


Nang nakarating na kami doon at akmang ilalagay ko na ang kamay ko sa balikat niya para sumayaw ay biglang napalitan ng rock music ang slow and mellow music.


Awkward akong ngumiti bago tinignan ang banda kung nasaan ang DJ. Kusang kumunot ang noo ko nang makitang iba na ang nakatayo doon. Imbes na ang DJ ay si Kuya na. Katabi niya ang nakangising lalaki na si Heeven. Nakatingin ito sa akin habang pinaglalaruan ang labi.


Nag-iwas agad ako ng tingin at itinuon na lang ang atensyon kay Vince na sumasabay na sa sayawan ng mga tao.


"Panira ng moment 'yong kuya mo, ah." aniya at tumalon-talon.


Tumango ako at ngumuso. Hindi na nagawang sumagot. Nagtagal ang rock music na iyon ng ilang minuto. Sa tingin ko, kung hindi lang nagpaalam si Vince para pumuntang restroom ay talagang mabibingi na ako sa ingay ng buong dancefloor.


From rock music, slow and acoustic music played the moment Vince turned his back on me. Sinundan ko lang siya ng tingin.


Sinamaan ko ng tingin si Kuya nang dumapo ang paningin ko sa kaniya. Akmang lalapit na sana ako sa kaniya nang maramdaman ko ang paghigit sa akin nang marahan.


Huli na nang makawala ako dahil lumapat agad ang katawan ni Heeven sa akin. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko kaya hindi ko nagawang tumakas. Ang tanging nagawa ko lang ay ang samaan siya ng tingin kahit hindi siya natitinag.


"Heeven! Bitawan mo nga ako!" may riin kong sambit sa kaniya.


Imbes na sundin ako ay mas idiniin niya pa ang katawan ko sa kaniya dahilan para masinghot ko ang manly scent niya na sobrang bango.


"Let's dance," aniya at ngumisi.

Umismid ako at sumimangot, "Lumayo ka ng kaunti. Dikit na dikit ang katawan natin. Hindi magandang tignan." seryosong sambit ko.


Napatingin ako sa gilid namin kung saan maraming sumasabay sa tugtugin. Meron ring nakatingin sa amin sa gilid. They were looking on Heeven's arm that was snaked in my waist!


Napapikit ako nang mariin. Sinisinghot pa rin ang amoy niyang nakakaakit. Nang dumilat ako ay nadatnan kong nakatingin siya sa labi ko. Nagkagat pa siya ng pang-ibabang labi bago unti-unting niluwagan ang pagkakahawak sa baywang ko.


"Pwede bang itago mo 'yang labi mo?" iritado niyang sambit.

"Huh? Why?" inosente kong sambit.


Pumikit siya bago ako tiningnan sa mga mata. Natigilan ako sa paggalaw nang magtama ang paningin namin. There's something in his eyes that made my knees weak. Mapungay ang mga mata niyang sobrang expressive. Dahil ba sa mga mata niya kaya marami siyang napapaikot na babae? Or dahil sa labi niyang sobrang sarap halikan? HALIKAN!? Darn! Ano ba 'tong pinag-iisip ko! Shit!


Lumayo ako sa kaniya at bahagya siyang itinulak. Sa tingin ko, hindi ko kayang titigan siya ng matagal. Sa susunod baka mawalan na ako ng balanse. Nakakapanghina siya.


Lumabas ako ng music room at dumiretso sa inuupuan ko kanina saka nilagok ang isang baso ng wine na nakita ko sa tray. Napapikit ako sa pait no'n.

Kakatapos ko lang uminom nang makita si yaya Wen na dala-dala ang purse ko.


"Miss Eve, may tumatawag yata. Kanina pa vibrate nang vibrate, eh. Naiwan niyo po sa sala." aniya at inilahad sa akin ang purse ko.

Tumango ako at ngumiti, "Thank you, po."


Nang tumalikod siya ay kinuha ko agad ang cellphone sa loob ng purse. Kusa akong napairap nang makitang 'unregistered number' na naman ang tumatawag. It's Daryl, again. Darn! Kailan niya ba ako titigilan?


"Ano?!" singhal ko agad.

"Fern naman... Kailan mo ba ako papayagang manligaw sa'yo, huh?" aniya.

Umiling ako, "I told you, Daryl. Hindi ako magpapaligaw sa'yo. I already told you! Makinig ka naman! I'm tired on accommodating you! Stop now." seryoso kong sambit.

"Hindi pwede. Titigil lang ako kapag nakasal ka na. Kasi kung may boyfriend ka man, siguradong maghihiwalay rin kayo. Kaya hindi ako titigil, Fern. Seryoso ako."


Kumulo na talaga ang dugo ko dahil sa sinabi niyang iyon. Fuck! How can I stop this guy?!


Sasagot na sana ako nang may humablot ng cellphone ko. Napatingala ako at nakita ang nakakunot-noong si Heeven. Inilagay niya sa tainga ang cellphone ko bago ako sinulyapan.


"Stop pestering my girlfriend, Daryl." aniya na siyang ikinakunot ng noo ko.


How did he know Daryl? At narinig niya ba ang pinag-usapan namin kanina pa? Narinig niya rin ba ang lahat ng sinabi ni Daryl mula sa kabilang linya?


Umigting ang panga niya. May sinabi siguro si Daryl pero hindi ko marinig.


"I am her boyfriend for one year now. You can't expect her to break up with me. You see, marami na kaming napagdaanan. Pros and cons. Pero matatag pa rin kami. It's enough evidence to prove that we won't ever broke up. Never, Daryl." seryoso niyang sambit at pinatay na ang tawag.

Hindi ko naigalaw ang katawan ko dahil sa lahat ng sinabi niya kay Daryl. I mean, all of that were lies. But, why? Bakit sobrang sarap pakinggan lahat ng sinabi niya?


"Siguradong titigilan ka na niya. Don't worry." aniya at ibinigay sa akin ang cellphone ko.

Nagkagat ako ng labi bago tumango. Speechless. Hindi na makasagot.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top