Chapter 08
Kabanata 08
Naaakit Ka
Because of unfamiliar things I am feeling whenever that playboy is around, naalala ko ang notebook ko na ginawa ko nang diary.
Iyon ang hinahanap ko ngayon sa mini cabinet ko. Binuksan ko ang unang drawer upang hanapin ang diary ko pero wala doon. Binuksan ko pa ang sumunod na drawer at maging ang katapat nito pero wala pa rin akong nakita.
Bumuntong-hininga ako bago umupo sa kama ko. Nakakibit-balikat kong inalala kung saan ko nga ba inilagay ang notebook na iyon.
"Kung wala sa cabinet ko dito sa kwarto... baka nando'n sa walk-in closet!" I murmured at tumayo.
I didn't expected that I would get it right. Tama nga ako. Nakita ko sa mini cabinet na nasa ilalim ng shoes section ko sa walk-in closet ang diary ko. Saka ko lang naalala na inilipat ko nga pala iyon nang minsan nakita ni kuya na nagsusulat ako doon. Ayokong malaman niya kung ano ang mga nakasulat kaya itinago ko sa imposibleng paglagyan.
Naalala ko, nagsimula akong magsulat no'ng grade four ako hanggang grade ten. Day by day, one paragraph lang ang diary ko. Summary na lang ng mga nangyari sa akin sa kada-araw.
Umupo ako sa kama saka sumandal sa headboard bago binuklat ang notebook. Hindi pa siya sira kasi may plastic cover na nakabalot.
"Unang araw. Nakita ko ang lalaking nagpapangiti sa akin. Nakilala ko siya at kinaibigan rin. Mabait siya kaya pumayag. Ang gwapo-gwapo niya nga, eh. Ang pangalan niya ay Crisanto Santos." pagbabasa ko sa unang pahina.
Hindi ko napigilan ang ngumiwi dahil sa pangalan ng crush ko no'n. I remembered, nagkita kami ni Crisanto no'ng first year college ko. Nagkausap kami at sinabukan niya akong ligawan ang kaso, binasted ko agad. Wala na siyang nagawa kun'di ang tanggapin ang desisyon ko.
Diniretso ko ang pinakadulong pahina ng notebook. Doon ay nakita ko ang hate list ko.
Hate List:
Basic things that I hate; mosquitos, rock songs, dirty things like mud, caterpillars, and leeches.
Things that I hate in man's nature; aren't kind, play someone's heart, doesn't repay kindness, impulsive, bossy, doesn't do commitments, doesn't value love, not gentle, arrogant and bastard, manipulative, and playboy!
Iyon ang laman ng hate list ko na hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin. Hindi ko pwedeng balewalain ang hate list ko. Iyon lang ang tanging pinanghahawakan ko laban sa hindi ko maintindihang kaba kapag nandiyan si Heeven. I need to fight this.
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang may kumatok.
"Pasok!" sambit ko bago itinago ang notebook sa ilalim ng comforter ng kama ko.
Nginitian ko si kuya na pumasok sa kwarto ko.
"Nandiyan na ang designer para sa susuotin natin." sambit niya.
Naalala ko bigla na next next week na pala ang anniversary ng business namin. Every year ay isi-ne-celebrate namin ang anniversary. Imbitado ang mga business partners namin. Mga kaibigan namin ni kuya ay pwede ring pumunta. Nakasanayan na rin naming magpasukat ng damit para maging presentable kami sa harap ng mga bisita.
Tumango ako, "Yeah, kuya." saad ko.
Hinintay kong makalabas siya. Hindi na rin naman ako naghintay ng ilang minuto dahil lumabas na agad siya.
I sighed bago kinuha ang diary ko sa pinaglagyan kanina. Isinauli ko rin iyon agad sa walk-in closet ko at pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto.
"Yaya Wen," tawag ko kay yaya nang makita ko siyang nagva-vacuum sa sahig.
Lumingon siya, "Yes, po, Miss Eve?" aniya.
Lumingon-lingon ako sa paligid. Nang hindi ko makita si kuya at iyong designer ay lumingon ulit ako sa kaniya.
"Where's the designer?" tanong ko.
"Ando'n po sa music room, Miss Eve." sagot niya.
"Okay, yaya. Thank you," ngumiti ako bago dumiretso sa labas ng bahay.
May daan naman papunta sa music room sa loob ng mansiyon pero kailangan ko pang umikot at dumiretso sa gilid ng guest rooms. Medyo malayo kaya mas prefer kong sa labas na lang dumaan.
Sa garahe ako dumaan. Nadaanan ko rin ang swimming pool namin na malawak bago nakarating sa harap ng sliding glass doors kaya pumasok na ako doon.
Kumunot ang noo ko nang makita ang babaeng medyo familiar. Kasalukuyan niyang sinusukatan ang baywang ni kuya na hindi makatingin sa designer. Saktong napalingon sa akin si Mommy nang matapos iyong pagsukat sa baywang ni kuya.
"Halika na, Eve." sambit niya agad.
Napatingin sa akin ang babae. Malawak na ngiti ang ibinungad niya sa akin nang makita ako. Sa nanlalaking mata ay lumapit ako sa kaniya.
"Margaux?" hindi-makapaniwalang sambit ko.
Tumango siya at mas lumawak ang ngiti. Inilapag niya muna ang tape measure na hawak-hawak bago naglahad ng kamay.
"Margaux Celeste Santiago, fashion designer in JC fashion company." aniya at ngumiti.
Nalaglag ang panga ko nang kaunti. Hindi ako makapaniwalang designer pala siya at sa JC fashion company pa na sobrang sikat at ang daming clothing lines. Ang JC din ang palaging hinahanap tuwing runway fashion week dahil maraming magagaling at propesyonal na fashion designers. Isa pala si Margaux doon.
Nang makabawi na ay saka ko pa tinanggap ang kamay niya, "Uh, I see. Nice to meet you, Ms. Fashion designer." sabay ngiti ko.
Umiling-iling naman siya at saka kinuha ang gel pen niya at ang maliit na notebook.
"Yeah, nice to meet you din, again. Ikaw na ang susukatan ko." sabi niya saka kinuha ang tape measure.
Tinignan ko si kuya na prenteng nakaupo sa sofa.
"Tapos na ba si kuya?" tanong ko.
"Oo. Tapos na." aniya.
Kumunot ang noo ko at nagkibit na lang ng balikat.
Sinukatan nga niya ako. Inuna niya ang upper body ko. Pagkatapos niyang sukatan ang kamay, braso, palapulsuhan, balikat, leeg, at baywang ay sinunod niya agad ang lower part ko. Pagkatapos ay umupo muna kami sa sofa at nag-merienda saglit.
"Okay na ba 'to sa'yo or gusto mong palitan ko ang design?" tanong niya nang matapos na niyang inumin ang grape juice.
Sasagot na sana ako nang marinig kong biglang humalakhak si Mommy na nakaupo sa gilid ko. I creased my brow at her. Nang makita niyang nagugulohan ako ay saka naman siya tumigil.
"Sorry, sorry. Natutuwa lang ako kay Margaux. Sobrang persistent at professional nga talaga." sambit niya saka bumaling kay Margaux. "Naaalala ko no'n na nangangarap kang maging modelo, iyon pala ay naging fashion designer ka. Naaalala mo ba no'ng lagi kang bumibisita dito? Lagi mong hinihiram ang kurtina na nilalabhan ni yaya Wen at ginagawa mong bistida saka maglalakad ka na parang model!" nakangiting sambit ni Mommy.
Margaux smiled, "Naaalala ko nga, tita. But, then, some dreams just changed. Nawalan ako ng ganang maging model kasi wala namang tumatanggap sa akin no'n. Medyo maitim kasi ako at hindi gaanong matangkad. But the moment when I turned taller and whiter, saka naman ako nawalan ng gana mag-model." aniya.
I stared at her. She's really beautiful. Bagay na bagay sa kaniya maging model. Maganda ang kurba ng katawan niya at matangkad nga. Siguro ay nagsisisi na ang mga hindi tumanggap sa kaniya no'n na mag-model siya kasi sobrang ganda na niya. As she said, some dreams changed.
Lumingon siya sa akin bago ako nginitian, "Don't you remember me? I was the playmate of your brother before. Lagi akong bumibisita dito kasi palaging may business trip si Dad kaya binibilin niya ako kay tito at tita." aniya.
Natahimik ako bigla. Inalala ko kung nakita ko na ba siya noon pa pero ang tanging naaalala ko lang ay sa Cebu kami unang nagkita.
Umiling ako at nanatiling tahimik.
Tumango-tango siya, "Sabagay, you're just five back then."
Ipinakita niya ulit ang kulay red na gown na naka-sketch sa sketch pad niya. Kinuha ko iyon sa kamay niya at tinitigan nang malapitan habang nanlalaki ang mga mata.
A red silky gown na sleeveless. Makikita rin panigurado ang kalahating bahagi ng likod ko dahil backless rin. May slit iyon mula sa dulo hanggang sa may hita ko.
I smiled bago tumango kay Margaux, "I like this! It's elegant and fabulous!" nakangiti kong sabi.
"Really?! Okay, then! Thank you, Fern!" halatang tuwang-tuwa talaga siya sa narinig mula sa akin.
"No worries. I'm just being honest. Pero by next week ba, matatapos mo na agad?" tanong ko saka humalukipkip.
"Of course! Minsan nga, four days lang, tapos na. Basta may inspiration... madali lang matapos." sumulyap siya saglit kay Kuya na siyang ikinakunot ng noo ko.
Tumikhim ang kapatid ko at nag-iwas ng tingin pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagngisi niya.
Tumingin ako kay Margaux na nakangiti nang maluwag saka sinulyapan uli si kuya. There's really something between them. Sa Cebu pa lang, halatang-halata na. Kung sabagay, magkaibigan na rin naman sila noon pa kaya hindi na imposibleng maging sila.
It was thursday night when I saw Mom and Dad sitting in the sofa. They were organizing some purple envelopes.
Lumapit agad ako sa kanila at humalik sa pisngi nilang dalawa.
"What are you doing, Mom?" tanong ko at umupo sa sofa.
Sinulyapan niya ako saglit bago nginitian, "Invitation cards, Eve. Ihahatid ng kuya mo sa mga business partners natin. Invite your friends, too. The more, the merrier, 'di ba?" aniya.
Tumango naman ako bago kumuha ng isang envelope.
"The honor of your presence is important to our company's anniversary. Venue: Gomez's mansion. When: This Saturday night." basa ko sa nakasulat sa front ng card.
I flipped it. Sa likod ay nakasulat na maghanda ng mask kasi masquerade party ang theme ng anniversary. Hindi na ako nagtaka pa. Paiba-iba ang theme ng party kada taon. Last year ay halloween ang theme. Marami ring bisita no'n pero sigurado akong mas madami ngayong Sabado.
"I'm home!"
Sabay kaming napatingin nina Mommy at Daddy sa kadadating lang na si nakangiting si Kuya.
Humalik siya sa pisngi ng mga magulang namin bago umupo sa tabi ko.
"'Yan na ba ang invitation cards?" tanong niya.
Tumango si Mommy bago ipinasok sa sa sling bag na kulay itim ang mga invitation cards. Ibinigay niya iyon kay kuya na agad namang tinanggap iyon.
"Eh, sa Cordova's?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.
Cordova's? Did he mean na sila ni Lancy? Business partners pala namin sila? Bakit hindi ko alam? Hindi ko naman sila nakikita no'ng mga nakaraang party kaya ako nagtataka.
"Si Fern na lang ang magbibigay."
Lumingon agad ako kay Daddy dahil sa sinabi niyang iyon. Naabutan ko siyang nakangiti sa akin habang hawak-hawak ang isang card na kulay ginto. Iba sa lahat ng mga invitation cards na ipinasok ni Mommy sa sling bag.
"Dad?" kunot-noo kong sambit.
Tumayo siya bago lumapit sa akin. Napatayo na rin ako. Kinuha niya ang palad ko at inilapag doon ang invitation card.
"Hindi makakapunta ang ibang Cordova's kasi busy sila. Iyong panganay lang na anak nila. Sa Golden hotel, fortieth floor, room 304. Do'n naka-stay si Mr. Cordova." aniya.
Natigilan ako. OH MY GHAD? Don't tell me na si Heeven ang kailangan kong puntahan? I mean, marami namang Cordova sa buong mundo pero isa lang naman ang family line na mayaman at iyon ay ang pamilya nina Lancy. Ako? Ako ang kailangang magbigay ng invitation card sa kaniya? Paano na 'to?
Ang tanging nagawa ko na lang ay ang sumunod sa utos ni Daddy. Pinilit na rin kasi ako ni Mommy at sumali pa si Kuya na halatang natutuwa.
"Naman kasi, eh!" sambit ko nang makasakay na ng taxi.
I don't know what to do with my family! Parang binibigay na lang nila ako kay Heeven. Si Kuya, gano'n din no'ng nasa Cebu kami. Parang ang laki ng tiwala nila kay Heeven gayo'ng hindi naman talaga nila kilala ang totoong pagkatao niya. He's a playboy kaya!
Pilit kong tinatagan ang loob ko lalo na nang makarating ako sa harap ng hotel na tinutuluyan niya. Hanggang makapasok ako ng elevator at makarating sa 40th floor. Hinanap ko agad ang room 304. Hindi na ako nahirapan kasi ikatlong room lang naman iyon kaya malapit lang.
Bumuntong-hininga ulit ako bago nagkagat ng labi.
"Kaya ko 'to." sambit ko bago pinindot ang doorbell.
Pangalawang pindot ko ng doorbell ng room niya ay binuksan agad iyon. Bumungad sa akin ang topless na lalaking magulo ang buhok. White sweatpants lang ang tanging suot bukod sa flip flop slipper niya na kulay itim. Namumungay ang mata nito at mukhang kagigising lang dahil sa gulo ng buhok niya. Kahit na gano'n ay nag-uumapaw pa rin ang kagwapuhang taglay niya.
Napatingin ako sa sobrang tigas niyang dibdib na halatang inaalagaan. Sa muscles niyang sobrang ganda ng built at sa six-pack abs niyang sobrang nakakaakit. Darn! Why is this man so freaking hot!?
"Oh? Magandang view ba?"
Darn! Hindi ko man lang na-realize na nagtagal pala ang mga mata ko sa katawan niya! Shit! Ilang mura na ang sinabi ko sa isip bago ko nagawang sumagot.
"You're so kapal!" sabay irap ko.
Narinig ko ang paghalakhak niya na ang sarap-sarap pakinggan. Napapikit ako. Damn! Ano ba ang hindi masarap sa kaniya?
"You're so kapal." he even mocked my voice!
I glared at him bago inilabas mula sa purse ang invitation card. Padabog ko iyong ibinigay sa kaniya bago umismid.
"Here! Basahin mo na lang." inis kong sambit at akmang tatalikod na nang magsalita siya.
"Have you eaten dinner?" mahina niyang tanong.
Unti-unti ko siyang tinaasan ng kilay bago tumawa nang mapakla, "Sa tingin mo ba, makakayanan kong makasama ka? You're freaking naked kaya!" sambit ko at ngumuso.
Hinalakhakan niya na naman ako kaya napagmasdan ko kung paano tumaas-baba ang balikat niya dahil sa kakatawa. Hindi ko napigilan ang mapalunok. I have never been this attracted to a guy before. Swear! I have never!
Nang humupa na ang tawa niya ay saka niya naman ako nginisihan.
"I can wear t-shirt, Fern. Sabihin mo lang kung nadi-distract ka sa katawan ko o kaya... naaakit kang hawakan." aniya at ngumisi.
Uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niyang iyon. Kumabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa sinabi niyang iyon. Hinuli ko pa ang hininga ko bago nakapagsalita.
"Damn you, Death!" inis kong singhal at nagmartsa na paalis.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top