Chapter 07
Kabanata 07
Sa Girlfriend Mo
"My baby!" sigaw ko sabay takbo papalapit kay Axelius.
"ATEEE! My neck hurts!" reklamo niya nang mahigpit ko siyang niyakap.
Binitawan ko pa ang dala-dala kong purse para lang mayakap ang kapatid kong matagal ko nang hindi nakikita. He can't blame me, right? I just miss him so much, that's why.
Nang kumalas ako sa yakap sa kaniya ay agad kong inilabas ang cellphone ko. His eyes turned big when he realized why I was doing that. Lumipad sa ere ang mga kamay niya bago tumalon-talon na may kaunting hagikhik pa. Napangiti ako nang malawak dahil do'n.
"Let's watch it now, po!" sambit niya at ipinakita ang palad sa akin.
Kaagad akong umiling-iling, "Ikaw muna, okay? I'll watch those documentaries with you later. Pero ngayon, magbibihis muna ako at maghihintay kina Daddy at Mommy." ngumiti ako at inilapag sa palad niya ang cellphone ko.
Tumango naman siya at hinalikan ako sa pisngi bago tumakbo papunta sa itaas.
Tumayo ako at pinulot ang purse na inihagis ko kanina saka iyon isinabit sa balikat ko. Bumuntong-hininga ako at inilibot ang paningin sa paligid.
The ambience, chandeliers, living room, dining room, studio room, and music room which I've missed so much. The grand staircase, the grandiose huge piano, and huge swimming pool.
"It's glad to be back." wala sa sariling sambit ko bago ngumiti.
"Fern Silver Gomez!"
Napalingon agad ako sa likuran ko nang marinig ang umaalingawngaw na boses sa buong mansiyon.
"Daddy!" nakangiting sambit ko at tumakbo papunta sa kaniya.
He's just wearing a three-piece suit paired with slacks. Halatang kagagaling lang sa office. Mahigpit ang yakap na ibinalik niya sa akin. Gano'n din ang ginawa ko. I really miss him!
"How are you?" aniya nang makakalas na sa yakap. Hinawakan niya ang balikat at sumunod ang palapulsuhan ko naman ang hinawakan niya. "Mukhang hindi ka naman namayat. Nakakakain ka ba nang maayos do'n kahit wala kang pera? Nililibre ka naman siguro ng kuya mo, tama ba?" sunod-sunod niyang sambit sa pag-aalalang tono ng boses.
Ngumuso ako at umiling.
"I'm fine, Dad. Yeah, si kuya ang nanlilibre sa pagkain ko. Hindi niya naman ako ginugutom." nakangiti kong sagot.
He sighed deeply bago tumango-tango.
Napalingon naman ako sa likuran niya nang makita ang kakapasok lang na nakasuot ng grey fabulous dress and a pair of stilletos. Agad akong lumapit sa kaniya at yumakap nang mahigpit.
"Mommy!" sabay yakap ko sa kaniya nang mahigpit.
I miss my mom as much how I miss my dad. That one month and one week we had in Cebu was like a year on how much I miss my family. I have concluded, I am really not an independent woman till now. It's the best feeling whenever I am with them. Siguradong hindi ko kakayanin kapag nawalay ako sa kanila. Call me dependent, it's okay. I won't be ashamed because it's a fact about my personality.
"Oo nga pala, where's Xagred James?" tanong ni Mommy nang kumalas na kami sa yakap.
"May pupuntahan lang raw, Mom. Pinauna na niya ako dito." sambit ko at ngumiti.
Parang ang ikli ng tatlong linggo ng bakasyong kasama ko sina Mommy, Daddy, kuya, at Axelius. Sa tatlong linggong iyon ay sobrang nag-enjoy ako kasama sila sa bahay. Sometimes we ate at a restaurant, we've shopped some malls in Manila, and we've once played in Enchanted Kingdom. Those three weeks were really memorable.
That's why nang dumating ang pasok, drained ang energy ko. Nakulangan ako sa bakasyon kaya siguro wala akong ganang pumasok. No'ng unang araw ng pasukan ay nasigawan ako ng professor namin dahil sa pagka-inis ko.
"As I have said, prepare your things related to arts. Brushes, paints, pigments, wood, etchers, pencils, sketching pads, and many more things. By next week, you'll be needing it. Also, practice sculpting on your own, so that you'll know how to sculp." pag-e-explain ng prof namin.
Pinaglalaruan ko lang ang ballpen na nasa kamay ko kasi wala akong gana. Plus, the guy beside me was Daryl. Mas lalo lang akong nawalan ng gana.
"Oy, Fern... Kausapin mo naman ako." pangungulit niya pa.
Kanina pa niya ako kinakausap na kausapin raw siya pero nagpanggap ako na hindi ko siya naririnig. Kapag kinausap ko pa siya, mas lalo lang siyang aasa. 'Pag nangyari 'yon, siguradong hindi na niya ako titigilan.
"Fern naman. Sige na, uy." rinig ko pa ring sambit niya.
Nasa fourth row ako, siya ay nasa third row. Magkatapat ang mga desk namin kaya siya malayang kausapin at kulitin ako.
"Fern," hindi ko na napigilan ang mapatingin sa kaniya nang maramdaman ko ang gel pen niya na marahang itinutusok sa palapulsuhan ko.
I glared at him, "Daryl!" inis kong sambit at medyo malakas iyon dahil hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko.
"Ms. Gomez! Pakiulit lahat ng sinabi ko!" sigaw ng prof.
Nagkagat ako ng labi bago sinamaan ng tingin si Daryl na kaagad nag-iwas ng tingin at nagpanggap na may ginagawa. Wala na akong nagawa kun'di ang bumaling ng tingin sa highblood na professor. Nadatnan ko itong nakataas ang kilay at kung umuusok lang ang ilong, alam kong umuusok na talaga ang ilong niya dahil sa galit.
"Mr. Al-" hindi ko na naituloy dahil sumigaw ulit siya sa pangalawang beses.
"Wala akong 'Mr. Alvarez' na sinabi kanina, Ms. Gomez! Hindi kasi nakikinig kaya ayan at hindi makasagot ng tama! Unang araw ng klase tapos pinapasakit na ulo ko. I will remind you, you're fourth year college now, hindi grade one! Kaloka!" inis niyang sigaw bago nag-walk out.
Nang makalabas na siya ay saka naman ako pinalibutan ng mga kaklase kong ganoon pa rin ang mga itsura. May nabawas nga lang siguro kasi nag-transfer. Noon pa lang ay pinapagalitan naman na ako kaya hindi na ako nahihiya sa kanila.
"Uy, ano, Fern? Nakakatakot si Mr. Alvarez, ano? Kumembot naman sa dulo." ani Heil.
"Bakit naman kasi sinigaw mo bigla ang pangalan ni Daryl? Kung crush mo siya, sana nag-confess ka na lang through letter o kaya pagkatapos na lang ng klase. Sa lunch, pwede ka ring mag-confess. 'Wag lang dito sa loob ng room."
Halos mapairap ako sa sinabi ni Denzy. Confess? 'Wag na uy. Bakit naman ako mag-co-confess kung hindi ko naman siya gusto? Siya nga ang may kasalanan, eh. Sa pagkairita ko sa kaniya, napasigaw ako. Nakakainis.
Kahit gusto kong magmura, hindi ko na lang ginawa. Kahit sa isipan pa, hindi na ako nagmumura. Mahirap na at baka makalimutan kong sa isip lang, baka masabi ko pa bigla. Ayokong malaman ni Dad na nagmumura na naman ako.
Huh! I won't curse again! Tapos na ang dalawang buwan na freeze ang card ko kaya nagagamit ko na siya ulit. Also, I don't want to use kuya's money anymore. I know that he needs it. Kaya kailangan ko na lang mag-ingat. No curses, less problems. Easy.
"Ate, where are you going?" tanong ng kapatid ko nang makita ako isang araw na inaayusan ang sarili ko.
Sinuklayan ko ang buhok kong medyo mahaba na talaga bago inipit sa tainga ang ibang nakawala sa mukha ko. Inayos ko ang pagkakalagay ng sling bag ko sa balikat bago tumingin sa kapatid kong nakaupo sa kama.
"Bibili lang ng pencils, paints, clays, and other things needed for artworks." sambit ko at tsaka isinuot ang two-inch stilletos ko.
"Bibili lang ng gano'n, magde-dress pa?"
Napatingin naman ako sa likuran ko kung saan nakatayo si kuya habang nakasandal sa pinto ng kwarto ko.
Umismid ako bago namaywang. Nilapitan ko si Axelius bago siya hinalikan sa pisngi. Ginulo ko pa ang buhok niya bago ngumiti.
"'Wag ka nang ano, kuya. Ihatid mo na lang ako." sambit ko at inangkla ang kamay sa braso niya.
Tumango na lang siya at nagpatianod na sa akin.
"Kailan ka kukuha ng driver's license?" tanong niya sa gitna ng byahe.
"Uh... Next time na lang siguro? May driver naman tayo tsaka may personal driver rin ako. Guess kung sino? It's you!" nakangiti kong sabi.
Sinulyapan niya ako bago umiling-iling, "Mag-boyfriend ka na nga para may taga-hatid at sundo ka." seryoso niyang sambit.
Ngumuso ako, "No, I won't. Walang matinong lalaki sa paligid ko. Except you, Axelius and Dad, of course." sabi ko saka tumingin sa labas ng bintana.
I really don't know kung bakit wala pa akong nagiging boyfriend hanggang ngayon. The only reason I know is because kuya wouldn't let me. He even terrified my suitors back then when I was high school. But I wasn't irritated nor annoyed at him. In fact, nagpapasalamat nga ako kasi kung hindi niya tinatakot ang mga manliligaw ko, siguro ilang beses na akong nasaktan.
Boyfriend? Do we even need it? I guess not. Magkaro'n ng pamilya will be very satisfying. I want to have a family. I want to have two sons and a daughter with the man I love. Pero hindi ko pa siya nakikilala, or maybe, nakilala ko na pero hindi ko pa alam na siya ang mamahalin ko. When the right time comes, love will find me.
Ano ba 'yan! Bakit ko ba pinoproblema iyon?
"Do I need to wait for you?" tanong ni kuya nang tumigil ang sasakyan sa harap ng National Book Store na malapit sa mall.
I unbuckled my seatbelt bago umiling, "No need. Magta-taxi na lang ako pauwi." sambit ko saka ngumiti.
I bid my goodbye to him before I go outside of his car. Tinitigan ko pa ang kotse niya hanggang sa mawala na iyon sa paningin ko ay doon pa lang ako pumasok ng NBS.
Dumiretso agad ako doon sa ball pens section para bumili. Pagkatapos ay dumiretso ako sa pencil section para bumili ng graphite art pencil. I also bought sharpeners and new pencil case.
Mabilis akong natapos sa pamimili sa NBS. Kaagad rin akong lumabas pagkatapos magbayad. Dumiretso ako sa katabing trade market na may mga pintura at pigments na binibenta. Gaya kanina, mabilis rin akong natapos sa pamimili.
"Iyon lang po. Keep the change na lang." sambit ko sa cashier na lalaki sa trade market na iyon.
Kahit gusto ko pang mamili ng mas maraming pigments ay hindi na ako bumalik. Ang lagkit kasi makatingin ng cashier, eh. I really don't know kung bakit may mga taong gano'n. Why can't they just act properly based on their roles in this society? Bakit kailangan pa nilang umakto na parang may masama silang balak sa'yo? I don't know anymore. That's why I hate men.
"Miss! Naiwan mo 'yong-"
Kaagad kong binalingan ng tingin ang banda kung saan may sumisigaw na baritonong boses.
Nangunot ang noo ko nang makita si Heeven na may hawak-hawak na pink wallet. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na akin iyon. Dala-dala ang dalawang paper bags sa kamay ay mabilis akong naglakad papunta sa kinatatayuan niya.
"Bakit na sa'yo 'yan?! At bakit ka nandito?! Ini-i-stalk mo ba ako?! Huh!?" inis kong sambit at sinamaan siya ng tingin.
Tinaasan niya ako ng kilay bago humalakhak na tila may nakakatawa akong sinabi. Inirapan ko siya at binawi sa kamay niya ang wallet ko. Agad ko namang iyong nabawi kaya nag-flip hair ako at akmang tatalikod na nang hinawakan niya nang marahan ang palapulsuhan ko.
"Ano ba!?" singhal ko at binawi ang pagkakahawak niya sa akin.
"Sino ba kasi ang nagsabing tumalikod ka na? Hindi pa nga ako tapos sa sinasabi ko kanina." aniya at umangat ang sulok ng labi.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Pakialam ko ba sa sinasabi mo? Bahala ka na nga!" tatalikuran ko na sana siya ulit nang hapitin niya ang baywang ko.
Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang magkalapit ang mga katawan namin. Lalo na yata nang inangat ko ang tingin ko sa mga mata niya. Trumiple ang kabang nararamdaman ko nang maalala ang braso niya na nakapulupot sa katawan ko.
Darn! Bakit ba nababaliw ang sistema ko kapag magkalapit kami?! Bakit ba naghuhuramentado ang puso ko kapag nakikita ko siya? Dapat na ba akong matakot o ano?
Tumikhim ako bago tinanggal ang pagkakahawak niya sa baywang ko. Tumingin ako sa mga mata niyang sobrang expressive bago ngumuso.
"S-Sabihin mo na nga ang dapat mong sasabihin kanina. Aalis na ako." nag-iwas ako ng tingin.
"Ang sabi ko... naiwan mo 'yong puso ko."
My lips rifted when he said that. I tried myself to stop from smiling or even just giving a hint that I wasn't affected by his words. But I didn't. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapangiti. Nag-iwas ako ng tingin bago kinagat ang pang-ibabang labi.
"Baby! Nandiyan ka lang pala!"
From giving a hint of smile, it literally vanished when a girl with her pink tiny dress snaked her hands around Heeven's arm. Sinundan ng mga mata ko ang ginawa niyang iyon.
I don't know why... but some parts of my system were slowly breaking apart. It felt like... I didn't liked what she did. It felt like... I wasn't happy what I am seeing. It felt like... I am hurting from inside.
Hindi ko na napigilan ang sariling tumawa nang mapakla.
"I don't need your heart, Heeven. Ibigay mo na lang sa girlfriend mo." may riing sambit ko bago tumalikod.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top