Chapter 04
Kabanata 04
His Hobby
I did go to the after party with him. Nang makarating na sa loob ng subdivision nila ay hindi ko napigilan ang sariling iliwaliw ang mga mata. Mag-a-alas sais na rin ng gabi kaya medyo madilim na ang paligid ngunit kitang-kita ko pa rin ang nagsisilakihang mga bahay at mga puno.
Nagsilbing liwanag ang mga ilaw na nakasabit sa mga poste at sa ibang pine trees kaya makikita pa ang mga nadadaanang bahay. Malalaki nga ang mga bahay na nadaanan namin pero walang-wala ang laki ng mga 'yon nang inihinto niya ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking bahay na halos glass-walled lahat ng parte. Kitang-kita ang naglalakihang chandeliers mula sa loob ng bahay dahil nakabukas ang malaking double-doors nito. Nakabukas rin ang malaking gate nito na kulay itim na animo'y welcome ang mga tao.
Maingay ang paligid. Laughter and loud noises surrounded the place when I finally get outside of the car. May malaking garden sa kaliwang bahagi ng bahay habang ang garahe naman ay nasa gilid no'n. Sa kanang bahagi naman ay ang malaking infinity swimming pool na may katabing parang beach house na may kalakihan rin.
Napatigil ako sa pagliwaliw nang marinig ang mahinang pagtikhim ng kasama ko.
I slowly looked at him, "Your house is exquisite and... quite spacious." sambit ko, namamangha pa rin.
Tumango siya bago ako nilapitan. Hindi ko na napigilan ang pagpulupot ng kamay niya sa baywang ko na siyang ikinanlaki ng mga mata ko.
"Heeven!" saway ko at sinubukang makawala pero mas hinigpitan niya lang ang hawak niya sa baywang ko.
"You're a guest. You should be taken care of." may ngisi na namang kumawala sa labi niya.
Nangunot ang noo ko. Gusto kong makawala sa hawak niya pero hindi ko man lang magawa-gawa. Hinayaan ko na lang siya hanggang sa makarating kami sa harap ng pool. Doon niya lang binitawan ang baywang ko. Dumiretso siya sa tabi ng isang lalaking may kaakbay na dalawang babae.
"Hey!"
Halos tumalon ako sa bigla nang may lumitaw na babaeng taga-balikat ang buhok na medyo kulot sa harapan ko. Nakangiti siya at kasalukuyang may hawak-hawak na isang baso ng pulang inumin.
"Oops, sorry. I'm Tiara nga pala. Tiara Sync Cordova. Pinsan ni Heeven." pakilala niya at naglahad ng kamay.
I nodded before I stretched out my hand, "I'm Fern," sambit ko at ngumiti ng tipid.
Tumango siya bago ipinakita ang vacant seat sa tabi niya.
"Upo ka dito!" aniya.
Gaya ng aya niya ay umupo agad ako doon. Tinitigan ko ang infinity pool sa harap namin bago bumuntong-hininga. I wondered if where's kuya right now. I want to rest. Gusto kong ikutin ang Cebu bukas o kahit man lang makapag-ice skating sa ice rink. Next week pa ako mag-sa-shopping, as planned.
"Gusto mo bang uminom?" nakuha ulit ni Tiara ang atensyon ko na kaagad kong inilingan, "Uh, how about kumain? Do you like to eat something? Lasagna? Cake? Kukunan kita sa loob-"
Pinigilan ko agad siya nang akma siyang tatayo. Agaran akong umiling at ngumiti.
"I'm fine, Tiara. Thank you na lang." tanggi ko.
She nodded before taking a glimpse on my side, napatingin rin ako doon. Alam kong kay Heeven siya nakatingin. Sa pinsan niyang may kaakbay na babae. Limang butones na rin ang bukas sa dress shirt niya. Malawak ang ngiti niya habang tinitignan ang labi ng babae. Napailing ako at nag-iwas ng tingin.
"Fern..." nagsalita ulit si Tiara, "Do you like my cousin, perhaps?" kunot-noo niyang tanong.
Muntik na akong matawa sa tanong niya, "Huh?! Kanina lang nga kami nagkakilala. Hindi, Tiara." I would never like a playboy.
Sa hindi malamang kadahilanan, she sighed and relieve was evident in her beautiful face, "Buti na lang. You're beautiful and looks like a very proper woman kaya 'wag kang magpapauto sa pinsan kong 'yan. Wala pa 'yang sineseryosong babae. Naghihintay na nga lang kami ni Lancy na tumino 'yan, eh." aniya at napahilot sa sentido niya.
I don't doubt of her being a cousin of Lancy. She looks innocent yet very beautiful. She looks simple yet looks serious. Kung may kaibahan sila ni Lancy, that's their attitude. Pareho silang maganda, yes, pero mas mature siya kay Lancy, I can say that.
Hindi ako nagtagal doon sa after party. Umuwi rin ako agad nang dumating si kuya. Nagpaalam lang ako sa kaniya na mauuna na ako at magta-taxi na lang sana pero nakita kong nakaabang si Tiara sa akin. May hawak-hawak na susi sa sasakyan. Hindi na ako nagreklamo at nagpahatid na lang sa kaniya.
Habang nagda-drive siya ay hindi ko mapigilan ang mamangha. She looks serious and skilled in driving. Minsan nga ay bumibilis ang pagpapatakbo niya pero kalaunan ay bumabagal lang din.
Tumigil ang sasakyan niya sa harap ng hotel na pinagsi-stayhan namin ni kuya. Kinalas ko agad ang seatbelt sa katawan ko bago siya nginitian.
"Thank you, Tiara. It's nice meeting you." sambit ko nang nakangiti bago lumabas ng kotse.
Nginitian niya ako bago tumango, "Yeah! It's nice meeting you, again..." aniya at pinaharurot na ang kotse niya.
I was left dumb-founded. Again? Nagkita na ba kami noon pa or what? Isa pang malaking misteryo ang pagkakakilala sa akin ni Heeven. But, I'm sure that they aren't familiar to me. Kahit saan anggulo ko tignan ay talagang hindi ko maalala na kilala ko na sila noon pa.
Nang dumating ako sa hotel room ko ay agad akong nag-order ng room service. Habang hinihintay iyon ay nag-ayos muna ako sa sarili ko. I took a shower and put some lotions on my skin after that. Saktong pagkatapos kong magbihis ng nighties ko na simpleng long sleeve pink silky dress ay binuksan ko na iyong pinto.
I immediately ate after the waiter closed my door. While eating, I was thinking of what to do first thing in the morning, or rather, where shall I go first. But I've decided to do skate.
That's what happened. Whole day yata ako doon sa ice rink. I had really enjoyed roller skating alone. I feel like I am free from all the problems in this whole world. May nakilala akong bata doon. Hindi siya marunong mag-skate kaya tinuruan ko siya. Good thing that I have once visited an ice rink kaya sanay na akong mag-skate. Mabilis siyang natuto kaya buong maghapon ay ang bata ang kasama ko sa pag-skate. Ang mommy niya naman ay nanonood lang sa amin mula sa labas ng rink.
As what I planned from the very first day I arrived at Cebu, nag-shopping ako buong araw sa sumunod na linggo. May ginagawang powerpoint si kuya sa hotel room niya nang magpaalam ako sa kaniya kanina.
Kuya liked business as much how I liked arts. Siya ang panganay kaya sa kaniya napunta ang kalahati ng responsibilidad sa kompanya namin. He's twenty-three when he started to accompany dad on our stock prices kaya hanga ako sa kaniya kasi sa kaunting oras lang na inilaan niya sa kompanya ay nakuha niya ang posisyon ng Vice President.
I don't know why I don't have any interest in our business gayo'ng alam kong kailangang may magmana sa business namin. I'm sure that it won't be me. They know that I don't have interest in our business. Alam din nilang arts ang priority ko. Kung may business man ako, related iyon sa arts, someday... hopefully.
Quarter to six ng gabi na ako nakasakay ng taxi para pauwi sa hotel na tinutuluyan ko. Ramdam ko ang pagod sa paglalakad at paglilibot ng mall kanina kaya gusto ko na ring matulog agad. Hindi naman marami ang pinamili ko. Some dresses, purses, two stilletos, and three pumps lang naman. Baka magtaka pa si Dad kung bakit ang dami kong bagong gamit gayo'ng freeze ang card ko. Ayoko namang madamay si kuya kaya mas mabuti pang mag-ingat ako.
"Good evening, po, Ma'am." salubong sa akin ng guard ng hotel pagkababa ko ng taxi dala-dala iyong six shopping bags.
"Good evening rin, po." sagot ko at ngumiti sa kaniya.
"Tulungan ko na po kayo, Ma'am. Mukhang mabigat," akma niya sana akong lalapitan pero agad akong tumanggi.
"No, po. It's fine and hindi rin naman gano'n ka-heavy." sabay ngiti ko sa kaniya.
Nakumbinsi naman agad ang guard kaya tumango na lang siya at bumalik sa pagbabantay. Pumasok naman agad ako sa loob ng hotel at dumiretso sa reception area para mag-check in.
"Mabigat po ba, Ma'am?" tanong ng receptionist na naka-assign sa check-inners.
Umiling ako bago ibinalik ang ballpen sa kaniya, "Hindi naman. Thanks for the concern." sagot ko saka nginitian siya.
Pagkatapos niyang tumango ay dumiretso na ako sa elevator. Nang makapasok na ay pinindot ko agad ang button doon para sumara na pero hindi pa iyon tuluyang sumasara nang may pumasok na isang lalaki at isang babae na magkaakbay.
Nang dumapo ang tingin ko sa lalaki ay hindi ko napigilan ang mapairap. Ano ba ginagawa nito dito?
Bumagsak ang tingin ko sa kamay niya na agad dumantay sa baywang no'ng babae pagkapasok nila. Nasa unahan ko sila at alam kong hindi nila ako napansin kasi busy sila sa paglalandian. Umiling-iling ako bago nagkibit-balikat.
"I can't wait, darling. Ang tagal naman kasing umakyat ng elevator, eh." rinig kong reklamo ng babae sa maarte na tono ng boses.
Tumaas ang kilay ko nang agad na dinampian ng halik ni Heeven ang tainga no'ng babae at bumulong doon na narinig ko naman.
"Sshh... Bed can wait..." aniya at humalakhak.
Hindi ko napigilan ang sariling umismid. Diretso agad sa kama? Wala man lang date? Manood ng sine or walang ligawan? Diretso agad sa kama? God! 'Pag ako nagka-boyfriend, I would act hard-to-get para may challenge naman. Hindi 'yang diretso agad.
Natigilan ako nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa purse. In-adjust ko muna ang mga pinamili ko papunta sa braso ko bago binuksan ang purse ko at kinuha ang cellphone mula doon. Napangiti ako nang mabasa ang pangalan ng caller.
Baby Axelius
"Yes, baby?" malambing kong ani.
Nakita kong natigilan ang dalawang naglalandian sa harapan ko at napatingin sa akin. Tinaasan ko lang sila ng kilay bago itinuon ang atensyon sa kapatid kong tumatawag.
"Ate... I miss you..."
My heart melted when I heard my younger brother's sobs on the other line. Hindi ko napigilang ngumiti nang malungkot.
"I miss you, too, my baby." I bit my lower lip to stop myself from crying.
Medyo matagal siyang nakapagsalita pero rinig na rinig ko ang pag-iyak niya mula sa kabilang linya. Hindi naman iyakin si Axelius pero minsan ay hindi na niya napipigilan kapag malungkot talaga siya. Now, I can't wait to go home.
"Where's kuya Xagred, ate?" tanong niya nang sa wakas ay kumalma na.
Nang bumukas na sa wakas ang elevator ay kaagad akong lumabas pero dahil may dalawang naglalandian sa unahan ko ay kinailangan ko pang mag-'excuse me'.
"Oh, sorry." rinig kong sambit ng babae.
Dire-diretso ang lakad ko papunta sa room 137. Nasa tainga ko ang cellphone habang kinukuha ko ang key card ng hotel room ko sa purse. Napasimangot ako nang hindi ko maabot ang card doon kaya ibinagsak ko ang mga shopping bags na dala-dala at kinuha ang key card.
"Are you fine, po?"
Napangiti ako bago itinapat ang card sa detector sa pinto ng hotel room ko.
"Yes, baby. I'm fine... and si kuya ay ando'n sa room niya. Aren't you sleepy? It's past six na," tanong ko.
"I was watching documentary videos before I called you, po. After this call, I'll sleep na rin." aniya.
We have separated rooms. Five years old yata kami ay may sarili na kaming kwarto. Hindi na pwedeng tumabi kami kay daddy at mommy. They want us to be independent at a young age kaya separated kami ng rooms. Si Axelius rin ay mahilig matulog kaya madali siyang makatulog.
Hinawakan ko ang cellphone ko saka isa-isang pinulot ang nabitawang shopping bags. Pabalik-balik ko iyong ipinasok sa loob para hindi ako mahirapan. Nang matapos na ay sumandal muna ako sa pader ng hotel room ko mula sa labas.
"What about the documentaries you've watched? Tungkol saan?" I excitedly asked.
"About flying squirrel! They're wings looks sturdy that's why they could fly freely! Also, I've watched documentaries about cats, but, I really don't love it. The kitten was abandoned by it's mother that's why she's alone in the leafy field. Her toes had sprained due to running out of fear of the big bear she saw. That's why, I have concluded that I would never watched documentaries about cats anymore. It made me cry, ate." pagke-kwento niya.
I chuckled, "Why? Lahat ba ng documentaries sa pusa ay 'yong nakakaiyak? Many documentaries about cats will made you happy, too! I have watched some of it kaya. Do you want me to download it for you and then, we'll watch it together when I arrive?"
"Really?! Okay, ate! We'll watch it, then!" sagot niya na mahahalatang natutuwa siya.
Napangiti ako bago tumango-tango, "Alright. Wait for ate na lang. Sleep na baka inaantok ka na and kiss Mommy and Daddy for me!" sambit ko.
"Okay, ate Eve. Good night and I love you!" I heard his flying kiss.
"Good night, baby. I love you, too. Sleep well," pagkatapos no'n ay naputol na ang tawag.
Suminghap ako bago nagkibit-balikat. Papasok na sana ako nang makita si Heeven na kakalabas lang ng hotel room, medyo malayo sa akin. Naka-t-shirt iyon at magulo ang buhok. Hindi nakatakas sa paningin ko ang paggulo niya pa lalo sa buhok niya bago tumingin sa paligid.
Agad akong nag-iwas ng tingin at bumuntong-hininga. I race-walked the distance of my door. Sapo-sapo ko ang dibdib nang tuluyan nang makapasok sa room.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang maalala ang nakita kanina.
"That's it? Tapos na sila?" I muttered.
I shook my head as I spatted my forehead because of the thoughts in my head. Why am I curious? Of course they can do it quickly kasi sanay na siya o sila. Maybe it's not the girl's first time in bed kaya mabilis silang natapos. Then? Saan naman siya papunta no'n? Bibilhan niya ng pagkain ang babae kasi napagod? Kasi nagutom sa ginawa nila? Ghad! Why am I curious!?
I just shook my head to stop myself from thinking. After that, I immediately took a shower to refreshing myself up. Pagkatapos no'n ay nagbihis ako ng white lacy night dress na medyo see-through. Nag-lotion lang ako saglit at lumabas na rin ng kwarto para magluto ng pagkain.
Kumuha lang ako ng sliced pork belly and I quickly grilled it in a grilling pan. I washed some lettuce that will serve as a wrapper to the pork bellies.
Nang matapos na ay agad kong kinain iyon. Wala pang ten minutes ay natapos na rin ako. Nagsuot ako ng gloves bago hinugasan ang pinagkainan ko. After that, pinaandar ko ang TV para manood sana ng movie nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko.
My brows creased as I was reading the name of the caller. I sighed at sinagot na rin iyon.
"Yes, kuya?" ani ko at inilipat ang channel.
"Kumain ka na ba? I cooked some aglio e olio here." aniya.
Gosh! Aglio e olio! I love that! It's been months since I last ate that dish! Kaagad akong tumayo at pinatay ang TV bago isinuot ang peach flip flops ko at agad na nagtungo sa pinto para lumabas. Nang makalabas na ay saka pa ako sumagot.
"I'm coming na!" naglakad agad ako papunta sa harap ng hotel room niya, "Pagbuksan mo na ako." dugtong ko pa.
"Alright," binaba niya na rin ang tawag.
Ipinasok ko sa bulsa ang cellphone at nagkibit-balikat habang hinihintay ang pinto niya na bumukas. Nagtaas ako ng kilay habang tinitignan ang mga daliri kong matagal na bago nakapag-manicure.
"I need manicure," bulong ko sa sarili.
Nang marinig ang pagbukas ng pinto ay agad akong napatingala. Kusang tumaas ang kilay ko nang makita ang pinsan ni Lancy na naka-black t-shirt at pants lang. Medyo magulo rin ang buhok niya. Tinitigan niya ako bago pinagmasdan ang katawan ko, head-to-toe and vice versa.
"What are you doing here?" mas tinaasan ko pa ang kilay ko.
Kusang bumaba ang pagkakataas ng kilay ko at napalitan iyon ng pagkakunot ng noo dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
"Hoy!" I snapped my fingers in front of his eyes kaya medyo natauhan na siya.
Nag-iwas siya ng tingin pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya hanggang sa naging ngisi iyon. Napailing ako bago siya nilagpasan pero hindi pa nga ako nakakailang hakbang nang hablutin niya nang marahan ang baywang ko. Nanlaki ang mga mata ko nang magkadikit ang katawan naming dalawa.
"Hey!" singhal ko at bahagya siyang itinulak.
Inilahad niya ang palad niya sa harapan ko na siyang ikinakunot ng noo ko.
"What? Wala akong piso." I sarcastically said as I crossed my arms below my chest.
"Great," aniya at tumango-tango.
"Anong 'great'? Ano ba kailangan mo at bakit nandito ka sa room ni kuya? At, ano? Asan na ba 'yong babae mo kanina? Tapos na kayo? Final na ba 'yan?" tinitigan ko siya nang mariin.
Huli na nang ma-realize ko ang dating ng sinabi ko. Napakagat ako sa pang-ibabang labi bago nag-iwas ng tingin. Darn!
Napatingin ako sa kaniya nang bigla niya na namang hinablot ang baywang ko at walang effort na pinasandal ako sa pader.
My brows creased as an unfamiliar beat in my system were appearing.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago siya sinamaan ng tingin, "Ano ba, Heeven?!" Heeven? Katunog ng langit kaya hindi bagay sa kaniya, or, rather... Death? Yeah, I should call him that.
"Bakit mo ako tinatanong tungkol sa hobby ko?" aniya at umangat na naman ang sulok ng labi.
Nag-iwas ako ng tingin, "H-Hobby? I'm not asking about your hobby. I'm asking about your girls." sambit ko, hindi pa rin makatingin.
"That's what I was talking about, hobby."
Tinitigan ko siya nang mariin, "Laruan lang ba talaga para sa'yo ang mga babae? Bakit?"
Kumunot ang noo niya bago ako binitawan, "I don't know, Fern. Change your clothes bago pa kita isali sa hobby ko." aniya at tinalikuran na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top