Chapter 03

Kabanata 03

That Easy


Kung hindi lang dumating ang referee at inawat sila ay talagang nagsusuntukan na siguro sila ngayon. They're intense look at each other was so damn dangerous! Kahit ako na medyo malayo sa kanila ay ramdam na ramdam iyon.


"Fern," tumingin ako sa gilid ko nang sumulpot si kuya na umiiling, "Kanina pa kita hinahanap. Magsisimula na ang game. Let's go." aniya at nagsimula nang maglakad.


Sinundan ko na lang siya habang inililibot pa rin ang tingin sa buong gym. May mga cheerleaders sa mga gilid at tantsa ko ay apat na grupo sila. Magkakaiba ang kulay ng mga damit nila na maiikli. May hawak-hawak rin silang elongated balloons at mga gawang props gamit ang temp foil and crepe paper.


"Good morning, Mr. Gomez! Long time no see!"


Ibinaling ko ang tingin sa harap ko kung saan may lalaking mid-40's na ata na may salamin sa mata. Sa gilid niya ay ang babaeng naka-dress na siguradong mamahalin. Tahimik lang iyon habang diretso ang tingin.


"Uh, good morning, Mr. Santiago! Yeah, long time no see." ani kuya at ngumiti sa lalaki.

Tumawa iyong lalaki bago marahang hinila ang babaeng tahimik.

"This is my daughter, Margaux Celeste." pakilala ng lalaki.


Tipid na ngumiti iyong Margaux bago tumingin kay kuya na napawi ang ngiti sa labi. Kumunot ang noo ko sa asta niya pero agad rin iyong nawala nang maglahad ng kamay ang babae sa akin.


"Hi, I'm Margaux. Are you Fern Silver?" tanong niya na nagpakunot uli ng noo ko.

Tumango ako at tinanggap ang kamay niya, "Yeah, hello, Margaux. How did you know my name?" I asked.


Sinulyapan niya saglit si kuya na nanatiling tahimik bago siya tumikhim.


"Someone... introduced you to me, before." aniya at ngumiti ulit.


Tumango na lang ako. Pinasadahan ko ng tingin si kuya na nauna nang maglakad papunta sa mahabang table na may anim na monoblock chairs. Pinaghila ako ng upuan ni kuya na umupo sa pinakagilid na bahagi.


"Thanks," I muttered bago umupo.


After that, I stared at the crowd. Busy na iyong mga basketball players sa pag-uusap habang ang mga cheerleaders naman ay tumatawa habang nakatingin sa mga players.


After a while, the game started. At first, I wasn't paying attention to the game because I just don't understand the flow of it. 'Yong pag-agaw ng bola, pag-dribble, pag-iwas sa mga kalaban, at ang pag-shoot. I don't really understand. Pero nang kalabitin ako ni Margaux na nakaupo sa kaliwa ko ay medyo naintindihan ko na ang takbo ng laro.


"The players whose wearing a sky blue jerseys are the Blue Pigeons. Their captain up until now is Heeven Death Cordova. This tournament is his last term of being a captain kaya sana ay manalo sila ngayon sa semi-finals para makatungtong sila ng finals next month. It would be great if they'll win." seryosong sambit niya habang tinitignan ang mga naka-sky blue jerseys.


Tinitigan ko ang pinsan ni Lancy na seryosong-seryoso sa paglalaro. I was amazed when I saw him shoot the ball in the ring and that was a three-point shot.


"What about the other team with the yellow jerseys?" I asked.


Pumangalumbaba siya bago itinuro ang lalaking nagtanong ng pangalan ko kanina.


"That's their captain and the MVP of their team. Yellow Tigers. That's their team name. Medyo arogante ang captain nila kaya madalas ay nakakaalitan talaga niya ang opposing team. Not like Heeven na parang walang pakialam. Nakikipagkaibigan pa sa mga kalaban. That's why marami siyang kakilala na nagiging kaibigan niya na rin." aniya.


Napatango na lang ako bago muling nanood ng laro kahit wala naman akong masyadong naiintindihan.


After a while, the referee gave them a fifteen-minutes break. Dali-dali namang bumalik ang mga players sa mga upuang nasa gilid ng bleachers. Uminom agad sila ng tubig at ang iba ay nagpahid muna ng mga pawis.


"Last round na lang. I'm sure Blue Pigeons would win!" biglang sambit ni Margaux.


She smiled at me kaya nginitian ko rin siya pabalik. She's really attractive. Lalo na kapag ngumingiti siya. She has a fair skin. She's naturally beautiful and the only make-up she's wearing was an eyeliner. May kahabaan rin ang buhok niya na medyo wavy sa dulo. Mas matangkad ako sa kaniya pero matangkad rin naman siya.


"Uh, Fern..." lumapit siya sa akin bago inilapit ang mukha sa tainga ko, "May girlfriend ba ngayon si Xagred James?" bulong niya.


Nang inilayo niya ang mukha niya ay agad akong umiling. Bahagyang nanlalaki pa ang mga mata dahil sa taka. Tinitigan ko si kuya na seryosong nakatingin sa mga cheerleaders. He didn't look interested with the dancers pero nanatili lang ang mga mata niya roon na tila may malalim na iniisip.


I heard Margaux's sighed kaya napabalin ako ng tingin sa kaniya. Kagat-kagat na niya ang labi niya at medyo kumikislap ang mga mata dahil sa tubig na namumuo doon.


"M-Margaux, okay ka lang?" nag-aalala kong tanong.

Tumingin siya sa akin bago umiling, "Yeah, I'm fine. I need to excuse myself, first." hindi na niya hinintay ang sagot ko, tumayo agad siya at nag-race walk pa papunta sa restroom.


Kakalabitin ko na sana ang braso ni kuya nang wala akong naramdamang braso kaya kumunot ang noo ko. Mas lalo lang iyong nangunot nang makita ko siyang tumatakbong sinusundan ang daang tinahak ni Margaux.


Naiwan kami ng daddy niya na may katabing dalawang lalaking seryoso ang mga mukha. Nag-iwas ako ng tingin bago bumuntong-hininga. Naghintay na lang ako kay kuya.


The game resumed nang wala pa ring Xagred at Margaux na bumabalik. I bit my lower lip bago kinuha ang cellphone sa purse. I tried calling kuya pero 'unattended' lagi. Ti-next ko na rin siya kung nasaan na siya pero walang reply. Hanggang sa matapos ang laro. I don't know who won.


"I knew it! They would win!" rinig kong sambit ng babaeng kanina ko pa hinahanap.


She was with kuya. Ang lungkot sa mga mata niya kanina ay nawala na. Tinitigan ko nang mariin si kuya pero nag-iwas lang siya ng tingin.


"Something's bothering you, right?" I asked him.

He just shook his head bago tumikhim, "No, baby. I'm fine," aniya and he looked away, again.


I tried to reach for his arms pero naglakad siya papalayo sa akin. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa tumigil siya sa team ng Blue Pigeons na kaagad naghiyawan.


"Xagred! Kanina ka pa namin hinihintay na puntahan kami at i-advance congratulate kaso hindi ka dumating." ani ng isang player at nakipag-fist bump kay kuya.


Nangunot ang noo ko nang kwelyuhan ni kuya si Heeven na hindi man lang natinag. Instead, he laughed.


"Easy, bro!" aniya at inalis ang pagkakakwelyo sa kaniya ni kuya.


Humalakhak si kuya bago inakbayan si Heeven. I heard them laughed again bago lumapit iyong Heeven sa tainga ni kuya at may ibinulong dito which made him glare on my side. Kumunot ang noo ko pero nawala agad iyon nang marinig ang sinabi niya kay kuya.


"After party mamaya, ah! Sa bahay namin! Alam mo naman na iyon kung saan. O kung hindi, i-search mo lang ang 'Cordova's Village'." aniya at inakbayan si kuya.

Tinanggal naman ni kuya iyon bago umiling-iling, "Busy ako at kasama ko ang kapatid ko. Hindi pwede." sagot ni kuya.

Sinulyapan ako ni Heeven bago nginisihan, "Bring her with you. Nando'n naman si Tiara. She can play jackstones with her."


Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. Mas lalo lang yata nang humalakhak siya at sumabay pa talaga si kuya. Maya-maya ay sumali na rin ang ibang players. Padabog akong naglakad papunta sa kanila saka dali-daling tinuro ang pinsan ni Lancy.


"What did you say?! Jackstones? What do you think of me? A kid?!" inis kong singhal at kinuwelyuhan siya. Tinitigan ko siya ng mariin pero nang mapadapo ang mga mata ko sa mga mata niya ay napabitaw ako bigla.


He's really tall! Breathtakingly tall! I'm tall but he's really taller. I guess he's way more taller than my kuya. Kuya Xagred is twenty-six years old now. Maybe, this guy is one or two year older than me. But, he's really taller than kuya!


"Yeah, you're still a kid." banggit niya ulit kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Nang marinig ulit ang tawanan ng ibang players ay inisa-isa ko sila, "You... Stop laughing!" sambit ko.


Tumigil naman sila at mukhang natakot. 'Yong iba ay agad na kinuha ang sariling duffel bags bago tinapik ang balikat ni kuya at ni Heeven.


"Bihis lang kami, bro." paalam pa no'ng isa saka sinulyapan muna ako saglit.

"What?" tinaasan ko siya ng kilay pero inilingan niya lang ako at tumalikod na kasama ang ibang players. Binaling ko ang tingin sa kaharap ko, "Stop laughing." sambit ko at padabog na tumalikod.


Hindi pa ako nakakailang hakbang nang maramdaman ko ang paghatak sa palapulsuhan ko ng isang mainit na kamay.


"Ano ba?!" inis kong singhal at tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.


Binitawan niya naman agad ako bago niya pinasadahan ng palad ang magulo niyang buhok. Tinanggal niya ang cloth headband niya bago iyon inilahad sa akin. Napakunot na lang ang noo ko sa ginawa niya pero kinuha niya ang kamay ko at inilapag iyon sa palad ko.


"My remembrance, Miss." aniya at humalakhak.


Umawang ang labi ko nang ma-realize ang sinabi niya, "H-Huh? Why would you give me this headband? Remembrance? The hell? Dam-" hindi ko na naituloy ang pagmumura nang takpan niya ng palad niya ang bibig ko.


He, then, leaned his body forward that made our faces leveled. Pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niyang iyon. Pero hindi lang iyon dahil may kung anong bumibilis na parte ng katawan ko and... it's foreign. Tinitigan niya ang mga mata ko bago ngumisi.


"It hasn't been a week since your card got freeze, don't tell me you want it to extend?" aniya bago pinakawalan ang bibig ko.


Napakagat ako sa pang-ibabang labi bago tinignan ang banda kung saan nakatayo si kuya kanina pero wala na siya doon. Hinanap ko siya pero wala akong nakita. Hanggang sa makalabas ako ng gymnasium at ng open space. I roamed my eyes around the whole place but it was cars, tall buildings, shopping malls, and convenience stores that I've seen.


I frustratedly sighed out of nervousness. Napatigil lang ako nang may mahagip ang mga mata ko.


It was a guy who's wearing a small-striped button-down dress shirt and a pair of black pants paired with a white rubber shoes, the same from earlier. Nakasandal siya sa pinto ng isang white BMW habang pinapasadahan ng tingin ang mga babaeng dumadaan.


Napailing ako. A playboy, indeed. Ang saya niya siguro lage kapag nakakakita ng babaeng parang makikita na ang kaluluwa. Pero, sobra siguro siyang malulungkot kapag wala nang pumatol sa kaniya. I sighed. It's not even possible. Sa gwapo at hot niyang iyan ay wala siyang mabibilog? Who am I kidding?

But, wait! Did I just complimented him? Damn! This isn't good. Well, I'm a liar if I would deny that he's really handsome. It's just that, I hate playboys. Pakiramdam ko ay sakit lang sila ng ulo sa lipunan. More girls and they're happy.

Naalarma agad ako nang magtama ang paningin naming dalawa. Iniwas ko ang paningin ko at nag-a-as if na naghahanap. Oh! Hinahanap ko nga pala si kuya.


"Kuya mo ba?" I heard a baritone voice asked.


Tipid akong tumango habang hindi pa rin siya tinitignan.


"He's with Margaux. Nakita ko siya kanina and... he texted me to bring you with me. After party of winning the game." aniya.

Napatingin ako sa kaniya, "What? You're kidding me, right?" pinanliitan ko ulit siya ng mga mata pero agad siyang umiling, "Then, show me the evidence. To see is to believe." hamon ko.


I thought he would be intimidated, pero nagkamali ako. He handed me his phone at pagtingin ko doon ay may text nga si kuya.


From: Xagred

Isama mo muna si Fern sa bahay niyo. I'll just talk to Margaux.


Iyon ang laman ng text niya. Bumuntong-hininga na lang ako bago tumingin sa kaniya. Kinuha niya ang cellphone niya sa kamay ko bago nauna sa aking maglakad.

Umirap ako ng isang beses bago sumunod sa kaniya. Nakita ko ang pagbukas niya sa front seat pero dumiretso ako sa backseat at agad na nag-seatbelt.


"Mukha ba akong driver mo, Fern?" sarcastic ang tono niya.


Binaling ko ang tingin sa kaniya at kitang-kita ko ang pagkainis sa mukha niya. I forgot. Hindi ko pa pala nasasara ang pinto. Sumimangot ako na agad ring napawi nang bahagya siyang yumuko kaya nakita ko ang bahagi ng dibdib niya na na-e-expose dahil sa three unbutton sa long sleeve niya. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.


"I-I'm fine here." I answered.

"Nakalaan na ang seat na 'yan sa iba. Do'n ka sa front seat." darn! He sounded so authoritative!

"Fine!" pagsuko ko at tinanggal ang seatbelt saka padabog na lumipat sa front seat.


Nakasimangot ako habang isinusuot ang seatbelt hanggang sa pumasok na siya ay iyon pa rin ang ekspresyon ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na sinusulyapan niya ako habang nagda-drive siya pero hindi ko na lang pinapansin. Instead, itinuon ko na lang ang atensiyon sa mga nadadaanan.


Kumunot ang noo ko nang tumigil ang sasakyan sa harap ng isang mall. Hindi ko man gusto, tinitigan ko siya.


"What are we doing here?" tanong ko.


Sumulyap siya sa akin saglit bago lumabas. What?! Hindi man lang ako sinagot?! The nerve of that guy!

I saw him walked inside of the mall and after a while, may kaakbay na siyang babae na sobrang ikli ng dress. Mukhang mayaman iyon at maarte. Ang kapal rin ng lipstick! Wait.


Sinulyapan ko uli ang babae bago napataas ang kilay ko. She's different from the girl in the restroom earlier. Mas maarte ito tignan kaysa kanina. Mas hapit na hapitbang dress nito na animo'y makikita na ang kaluluwa.

Tumikhim ako nang buksan ni Heeven ang backseat. Narinig kong humagikhik iyong babae bago nagpasalamat.


"Thank you, baby. You're such a gentleman." aniya at narinig ko ang tunog ng paghalik.


Napairap na lang ako bago umiling-iling. I really don't understand kung ano ang nakakatuwa sa paglalaro sa mga babae. Sobrang unjustifiable! Anong nakakatuwa sa nakakasakit? Well, bakit ba kasi may mga nabibilog sa itsura? Kaya maraming nasasaktan, eh. Pero, hindi wala rin namang masasaktang babae kung walang mananakit, 'di ba? I can't understand the nature of a playboy. That's why I really hate them!


"Wait! Who's that girl, baby?!" rinig kong sambit ng babae. Nakita na siguro ako.


Hindi na ako nag-aksaya ng oras na tumingin sa kaniya. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag-text kay kuya.


To: Kuya

Bakit mo ako binibilin sa isang playboy?


Naiirita pa ako habang nagta-type ng message na 'yon. Nasa'n na ba kasi si kuya? Bakit sila mag-uusap ni Margaux? Ano ang mayroon sa kanila? And, this playboy! Paano sila nagkakilala ni kuya?


"You told me na wala akong kahati sa 'yo! Bakit may kasama kang babae?!"


Napalingon ako sa kanila nang tumaas na ang boses ng babae. Nasa labas na rin silang dalawa. Binuksan ko ang bintana ng front seat saka tumingin sa kanilang dalawa. Nakasandal si Heeven sa pinto ng backseat at hinahayaan lang na pagsabihan ng babae.


"Ano!? Hindi ka sasagot?! Sige! 'Wag mo na akong kausapin!" nag-walk out na iyong babae.


Tinitigan ko si Heeven na nakangisi lang, "Hey," tawag ko na agad rin naman niyang narinig, "Hindi mo hahabulin? Iiyak 'yon." sambit ko at ininguso ang babae.

Pinagkibitan niya ako ng balikat bago umiling, "I don't give a damn. Siya rin naman ang unang bibigay." aniya at pumasok na ng sasakyan.


Napairap na lang ako bago isinara ang bintana.


"Wala ka bang konsensya sa katawan mo? Hindi ka ba naaawa sa mga babaeng napapaiyak mo?" kuryos kong tanong sa gitna ng byahe.


Sinulyapan niya ako saglit bago nginisihan, "Forget about the conscience. That easy."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top