Kabanata 02
Temper
"What will we do sa Cebu, kuya?" tanong ko bago in-off ang cellphone.
Nandito na kasi kami ngayon sa PIA or mas kilalang Pacific Inside Airport. Kailangan nang i-off ang technologies para hindi magka-aberya ang system ng eroplano. Nasa dulo kami ng bahagi ng eroplano ni kuya nakaupo kasi mas convenient dito para sa akin.
Nanliit ang mga mata ko nang hindi niya sinagot ang tanong ko kaya binaling ko agad ang tingin sa kaniya.
"Kuya!" inis kong sambit at tinanggal ang earphones niya.
Napatingin naman siya sa akin bago ako kinunotan ng noo, "Why?" tanong niya.
"Ang sabi ko, 'ano ang gagawin natin sa Cebu?'" tanong ko.
"May Olympics kasi. Basketball tournament. I'm one of the important guest. Remember, sponsor tayo sa SEU?" aniya.
Soar and Earn University. Yeah, I remember now. One-sixteenth of the whole universities in the Philippines were sponsored by Gomez, my parents eventually. Our business isn't that huge pero it's about trendy items like clothes, appliances, and other essential things kaya we have money for sponsoring universities.
"Uh, okay. Pero, 'di ba ay varsity ka sa basketball no'ng highschool?" napatanong ako bigla.
Tumango siya at nagkibit-balikat, "Yeah, I was." sagot niya.
"What's more tiring, the varsity or being the captain? You know, if you're the varsity player, you must exceed the players or your coach's expectation, while, if you're the captain, you need to help your members to play harder... you need to motivate them and be a good captain. Selfishness should be set aside." mahabang sabi ko.
He let out a manly chuckled bago sumagot, "I didn't became the captain, so, I don't know. Pero may kakilala akong basketball captain for almost four years now. Hayaan mo, tatanungin ko rin 'yon." aniya at ngumisi.
Tumango na lang ako at nagkibit ng balikat bago ipinikit ang mga mata. I chewed some bubble gums on the airplane to prevent my ears from damages because of the loud noise of the plane. Mabilis kaming nakarating sa Cebu. Si kuya ang nagdala ng maleta naming dalawa. Sumakay rin agad kami ng taxi hanggang sa makarating kami sa isang hotel.
"Two rooms, Miss." sambit ni kuya at ibinigay ang card niya sa receptionist.
Ngumiti iyon ng pagkalapad-lapad bago inilipat ang paningin sa akin, "Magkapatid po kayo?" tanong no'ng babae.
Tumango ako, "Yeah, halata ba?" I asked.
Hindi ko kasi alam kung magkamukha kami ni kuya pero may similarities kami sa features ng mga mukha namin, I'm aware of that. Iba pa rin na 'yong ibang tao ang nakakahalata. May pagkakataon kasing napagkakamalan kaming mag-boyfriend-girlfriend. Lalo na sa malls. Nakiki-usyuso pa kasi ang mga salesladies pero kapag sinasamaan sila ng tingin ni kuya ay nag-iiwas agad ng tingin.
Humagikhik iyong babae bago ibinalik ang card ni kuya sa kaniya, "Opo, pareho kasing gwapo at magaganda. At tsaka, kung hindi kayo magkapatid, bakit two rooms, hindi po ba?" aniya at tumawa.
I just smiled at her bago kinuha kay kuya ang key card ng hotel room ko. It was room 137 while his was room 139 kaya sabay na kaming pumasok ng elevator. Kinuha ko na rin agad ang maleta ko nang bumukas iyong elevator.
"Ilang araw ba tayo rito?" tanong ko nang makapasok na siya ng elevator.
"More than one month, baby." sagot niya na ikinalaglag ng panga ko.
"Huh?! More than one month? Bakit? 'Di ba ay basketball tournament lang naman 'yon? Eh, bakit ang tagal natin dito?" sunod-sunod kong tanong.
Sinulyapan niya ako bago pinagkibitan ng balikat, "Today's the semi-final kaya next month pa ang final round. I need to be there, too. Don't worry, Dad and Mom are aware." sagot niya at saktong bumukas ulit ang elavator nang marating na namin ang seventeenth floor ng building.
Hindi na lang ako nagreklamo pa. Well, wala na namang pasok kaya okay lang siguro. Besides, marami naman akong pwedeng pasyalan dito sa Cebu. I'm sure that I'll gonna shop all malls here, if I can. I'll also visit some seawalls and tourist spots para naman sulit ang pagpunta ko rito. I bet kuya will be so busy here kaya I can do what I want.
"Ten-thirty, Eve. Kailangang hindi tayo ma-late." sabi ni kuya nang kumatok siya sa hotel room ko.
I just gave him a nod as an answer. After that, I took a shower. The moment I came out from the shower room, dumiretso ako sa living area para tumawag ng room service. Suot-suot ko iyong white bath robe na dala-dala ko nang may kumatok sa pinto. Napakunot ang noo ko at binihisan ang sarili ng mustard yellow fitted t-shirt paired with a pair of black fitted jeans and three-inches stilletos.
Pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto. Pumasok iyong room service dala-dala ang two orders ng lasagna. I wondered if kuya already ate. Pinalagay ko ang isang pinggan ng lasagna sa mini table ng hotel room ko at nang akmang ilalagay na rin ang isa pang pinggan ay agad kong pinigilan ang lalaki.
"Paki-bigay sa nagse-stay sa room 139." utos ko na agad niya namang sinunod.
Habang kinakain ko iyong lasagna ay nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko iyong kinuha.
From: Kuya
Thanks for lasagna.
I didn't bothered myself to send a response. Dali-dali kong inubos ang kinakain ko at nang matapos na ay agad kong itinapon ang paper plate sa trash bin. I brushed my teeth as I was combing my hair with my other hand. I tied my hair into a messy bun at agad ring lumabas nang matapos na.
Nadatnan ko si kuya na nakasandal sa pinto ng room niya. He was wearing a white button-down dress shirt and a pair of black slacks paired with leather shoes. I raised my brow nang umangat ang tingin niya at nang makita ako ay agad rin siyang nauna sa paglalakad.
Mabilis naming narating ang isang open-space area kung saan may malaking gymnasium sa gitna. Nang makalabas na ng taxi ay agad nang naglakad si kuya. Nauuna siya sa akin pero nakakasunod naman ako. I was tall but he was taller. He was a basketball player kaya siguro ang lalaki ng mga hakbang niya.
I felt my phone vibrated from inside of my black fabulous purse kaya tumigil muna ako sa paglalakad saka iyon kinuha.
"Uh, kuya!" tawag ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin, "I'll just take this call." paalam ko at nang tumango siya ay agad akong naghanap ng restroom para doon na sagutin ang tawag.
It was an unregistered number but I have a hunch who the caller was. I bet it's him. Palagi na lang siyang naghahanap ng paraan para guluhin ako. Last week pa may tawag nang tawag sa akin at sa kaniya lahat ng iyon kaya hindi na ako magtataka kapag may unregistered number na naman na tumawag.
Nang makapasok na ako ng gym ay kaagad akong nakakita ng girl's restroom kaya agad akong pumasok doon.
"What is it this time, Daryl?!" I annoyingly hissed.
"I heard nasa Cebu raw kayo ng kuya mo. I would be there next next week siguro kaya pupuntahan kita and let's have dinner." sunod-sunod niyang sambit mula sa kabilang linya.
Napangisi na lang ako bago isinandal ang likuran sa countertop ng restroom.
"Daryl, I'm warning you. Don't mess up with me or kuya would beat you to death." seryosong sambit ko.
"Of course, I know that. Pero hindi ako natatakot sa kuya mo, Fern. Kahit magkaroon pa kami ng wrestling para lang makuha ki-" hindi ko na siya pinatapos.
Inis kong pinatay ang tawag saka padabog na inilapag ang cellphone ko sa tiles ng countertop saka tumingin sa salamin.
The hell with that guy! Ilang ulit ko bang ipapaliwanag sa kaniya na ayoko sa kaniya?! He wouldn't even listen! Ang dami ko nang ginawa para iwasan siya at ipahiwatig na hindi ko nga siya gusto pero ito pa rin siya at nagtitiyagang guluhin ako. Nakakainis na talaga, sa totoo lang. I regret having a crush on him. Sana pala ay hindi ko na lang siya laging nginingitian no'n. If I only can, I would turn back the time!
Sinuklayan ko ang nakugay kong buhok dala ng inis. Ibinalik ko na rin sa purse ko ang cellphone ko. I stared at the mirror in front of me bago kinagat ang pang-ibabang labi.
"I look pale," I muttered.
Kinuha ko mula sa bag ang lip balm ko at agad na ipinahid sa labi ko. There! I look more fine! Bumuntong-hininga ako bago ngumiti.
"Don't be bothered by that guy, Fern. You're a Gomez, you shouldn't waste your time on him. You should just breath and forget all negative and unpleasant things. That's what you need--"
Napatigil ako sa pangangaral sa sarili ko nang marahas na bumukas ang pinto ng restroom. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paglaglag ng panga ko nang makita kung sino ang pumasok.
A guy and a woman. A man was wearing a sky blue sleeveless shirt and a sky blue and white colored jersey shorts that was paired with a white rubber shoes. It was a big deal para sa sino mang babae na makakita ng isang lalaki sa loob ng girl's restroom pero ang mas big deal pa kaysa doon ay 'yong ginagawa nila ng babaeng sobrang ikli ng dress.
Ghad! They were obviously making out! At sa loob pa ng restroom! Bakit hindi na lang sila pumasok sa cubicle?! Sa labas talaga?! Nagpalipat-lipat ang kamay ng lalaki sa katawan ng babae habang naghahalikan sila nang mapupusok. They didn't even recognized my presence because they're both closing their damn eyes! Oh, great!
Suminghap ako para kunin ang atensyon nila at nang makuha ko nga ay kaagad ko silang tinaasan ng kilay. Tinitigan ko ang babae na halos magdugo na ang labi dahil sa pula bago inilipat ang mukha sa lalaki. Kumunot ang noo ko nang makita ang pamilyar niyang mukha. He... I think I know him... I just don't know how or where did I saw him, but, I think I know him. Ugh!
"Wala ba kayong mga hiya sa katawan niyo at dito pa talaga sa restroom ng mga babae kayo naglampungan? Sa public facility? Really? Mukhang mayaman naman kayong dalawa, bakit hindi kayo dumiretso ng hotel o motel? O kaya sa sasakyan niyo? Bakit dito pa? My God!" sambit ko at inayos ang purse sa balikat ko.
Tinitigan ako nang mariin ng babae bago siya nagtaas ng kilay.
"Ano bang pakealam mo? We can do whatever we want! It's not our fault if dito kami inabot ng boyfriend ko ng kalandian. It's our leisure time. Inggit ka lang siguro, 'no?" mataray na sabi ng babae na siyang ikinairap ko.
Tumawa ako nang mapakla bago ibinaling ang tingin sa lalaki.
Magsasalita pa sana ako pero agad niyang hinarap ang babaeng kalampungan niya.
"Boyfriend? Sabi ko naman sa 'yo, 'di ba? I don't do commitments. Now, get out." he, then, pointed the way out.
Nanginig ang labi no'ng babae at tila hindi makapaniwala sa sambit ng lalaki. I smirked. I really don't know what to do with these kind of persons. Sobrang babaw nila. Lalo na ang lalaki.
I admit it. He's handsome. Parang Greek God ang datingan niya because of his eyes, nose, and lips! Kaya siguro niya nabilog ang babae dahil sa mukha niya. Kung ganiyan lang naman pala ang mapapala ko sa isang lalaki, ang paglaruan? Mas mabuti pang 'wag na lang. Don't do commitments, huh? So ano lang pala ang mga babae sa kaniya? Pampalipas oras? Ghad! Sobrang iba na talaga ang mga lalaki ngayon. Not like the old times na hindi pwedeng hawakan ang babae kapag hindi pa sila magkarelasyon. Pero, ngayon? Where's the respect?
Nagkibit-balikat ako bago sila tinitigan. Hinawakan ng babae ang kamay ng lalaki na agad din namang tinabig ang kamay nito habang nang-iigting ang panga. He looked at her with his dangerous eyes kaya tumakbo agad iyong babae papalabas. Umiling-iling ako. How pathetic.
Lalagpasan ko na sana ang lalaki nang bigla niyang hinablot ang wrist ko and in just a swift motion, nakasandal na ako sa pader. His both hands were cornering the walls beside my arms kaya hindi ako makawala.
Sinamaan ko agad siya ng tingin at akmang tatanggalin ang kamay niya sa magkabilang gilid ko nang hinawakan niya ang dalawang kamay ko at ikinulong iyon gamit ang isang kamay niya lang.
"Ano ba?! Let go of me!" singhal ko at mas nangunot ang noo.
Mas dumikit ang katawan ko sa pader nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. I pursed my lips before glaring at him using my dangerous expression. Napatitig ako sa mga mata niya na nakatitig rin sa akin. His eyes were really familiar. Those tender eyes, pointed nose, kissable lips, and perfect jaw line. Ngayong mas nagkalapit ang mga katawan namin ay amoy na amoy ko ang mabango niyang manly scent. Lumipat ang mga mata ko sa labi niya na agad nagpakawala ng isang pilyong ngisi bago ako pinakawalan.
"You're Fern Silver Gomez, right?"
I was taken aback, "W-What? How did you know? Are you stalking me?" pinanliitan ko siya ng mata.
He let out a manly laugh bago inilagay ang magkabilang kamay sa baywang niya. Nasulyapan ko ang biceps niya dahil sa sleeveless na damit niya. And those biceps are to die for!
Napatayo ako nang matuwid nang pasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko. Pagkatapos no'n ay saka niya naman ako tinitigan sa mga mata.
"Well, I just know." aniya at tumalikod na.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa sinabi niya. He know? He just know? How is that even possible? Taga-Cebu siya, taga-Manila ako. Paano niya ako makikilala? Or... was he one of my old friends before? Was he my schoolmate on highschool or college? Ugh! I can't even remember that he was! I'm sure he wasn't.
I pursed my lips bago siya sinundan ng tingin. Napakunot ang noo ko nang makita kung ano ang nakasulat sa likuran niya. Sa jersey niya, to be exact.
Cordova
Below it was two zeros. Unti-unting nalaglag ang panga ko dahil sa nabasa. Cordova? Lancy Sapphire Cordova... That guy was familiar. Napasapo ako sa noo ko nang maalala kung saan ko nga ba siya nakita. Right! He's that guy on the last picture that Lancy showed me last week in Purple Lit bar. That... That basketball player is my friend's cousin? That playboy?!
Bumuntong-hininga ako ng malalim bago lumabas ng restroom. Hinanap ko agad si kuya sa bleachers pero sobrang laki ng gymnasium kaya hindi kaya ng mga mata ko ang hanapin siya. Sobrang dami rin ng tao!
"Psst, Miss!"
Napabaling ako ng tingin sa di kalayuan nang may tumawag sa akin. Nadatnan ko ang eight basketball players with their yellow jerseys na matatangkad. Obviously, they're basketball players kaya matatangkad.
"What's your name?" sigaw ng isang lalaking may white cloth headband sa ulo.
Tinuro ko ang sarili ko para makumpirma kung ako ba ang tinatanong niya. Tumango naman ito agad. Sasagot na sana ako nang biglang may maghagis ng bola sa banda nila.
Sinundan ko ng tingin ang pinanggalingan ng bola at nadatnan ang pinsan ni Lancy na nakapamaywang na. May suot-suot ring black cloth headband sa ulo at may knee pad na kulay itim rin.
"Ano bang problema mo?!" pagalit na tanong ng basketball player na yellow ang jersey.
Nakalapit na sila nang tuluyan sa pinsan ni Lancy na hindi man lang natinag.
"Hindi ko lang na-control ang kamay ko, bro. Sorry." aniya at humalakhak na tila may nakakatawang nangyari.
Umismid iyong nagtanong sa akin kanina bago itinaas ang kamao niya sa ere na agad nahawakan ng pinsan ni Lancy.
Sumeryoso ang mukha niya at nawala ang ngisi niya kanina, "Ang ayoko sa lahat ay 'yong bumabangga sa teritoryo ko. Don't mess up with me or else..." binitawan niya ang kamay ng lalaki bago ibinaling ang tingin sa akin, "I'll lose my temper." banggit niya at nagpakawala ulit ng pilyong ngisi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top