Chapter 01
Kabanata 01
The Cousin
Tinitigan ko nang mabuti ang sketch pad na hawak-hawak bago bumuntong-hininga. Hindi ko alam kung pwede ko na bang ipasa ang sketch ko ng isang ibong lumilipad sa gitna ng dalawang bundok na mapuno.
"I think it's fine!"
Napalingon agad ako sa pinto ng kwarto ko nang may magsalita. Sinamaan ko ng tingin si kuya na nakapamaywang at nakangisi habang pinapasadahan ng tingin ang malaking sketch pad ko.
"Can you please knock next time? Tinatakot mo yata ako, kuya, eh!" singhal ko bago umayos sa pagkakaupo sa kama.
Tinaasan niya ako ng kilay kaya ginaya ko rin siya.
"Your door's not locked kaya hindi na kailangang kumatok pa ako. Unless... may ginagawa kang masama? O nagcha-chat ka lang ng kahit na sinong lalaki? Aba, aba! Isusumbong kita kay Daddy!"
Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. Ang lakas ng loob mangbanta! Wala naman akong ginagawang masama! Now this is why being the only girl in your family isn't easy. Lahat yata ng galaw mo, sinusundan nila ng tingin. Lahat ng pupuntahan mo, kailangan pang ipagpaalam or else ay mapapagalitan ka.
"Please naman, kuya Xagred! I'm now twenty-two years old! Hindi na big deal kung may ka-chat man ako! I am now an adult, right? No'ng lumampas ako ng eighteen ay adult na ako. 'Wag niyo naman akong bakuran. Nakakasakal na minsan, sa totoo lang, kuya." utas ko at ibinaling na lang ang tingin sa sketch ko.
Bumuntong-hininga ako bago ipinasok ang mga lapis na ginamit ko sa pencil case. Pagkatapos ay inilipat ko ang malaking sketch pad sa may double-window ng kwarto ko saka doon itinayo.
"Hindi pwedeng gan'yan, Eve. Binabakuran ka namin kasi ikaw lang ang babae sa ating magkapatid. Kailangan mong bakuran nang sa gano'n ay wala kang pagsisihan. All we're doing were just for you, baby. Don't misunderstand us." sambit ng kuya ko bago ko narinig ang pagsara ng pinto.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi bago tumakbo palabas ng kwarto ko. Naabutan ko naman si kuya na papasok na sana sa kwarto niya nang tawagin ko.
"Kuya!" tawag ko na kaagad niya namang narinig.
Tinaasan niya ako ng kilay. Kinagat ko ulit ang pang-ibabang labi bago tumakbo palapit sa kaniya. No choice kun'di gawin ang lagi kong strategy sa tuwing nagkakasagutan kami. Ayokong nag-aaway kami o ng bunso naming kapatid kasi hindi ako makakatulog 'pag gano'n.
"Are you galit?" sabay nguso ko. Shet! Sana naman effective!
Natigilan siya at kusang bumaba ang nakataas na kilay bago bumuntong-hininga. He shook his head before holding my shoulders.
"Hindi... Hindi ako galit. Sorry, baby." aniya at nginitian ako.
Halos lahat ng santo ay napasalamatan ko na dahil sa sagot niya. Yes! I know how to change my brother's mind in an instant! Kilalang-kilala ko ang kapatid ko at alam na alam ko kung ano ang kahinaan niya. Hindi ko na napigilan at niyakap ko siya agad.
"Fuck!" napatalon ako nang may makitang ipis na lumilipad.
Papunta na iyon sa kinatatayuan namin ni kuya kaya agad akong tumalon-talon at iwinagayway pa ang mga kamay sa ere para lang masapo ang ipis. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang mga ipis! Naririndi talaga ako sa kanila! Hindi ko alam bakit pero nakakatakot talaga ang presensya nila!
"Damn! Damn! Damn! 'Wag kang lumapit sa 'kin! Kuya! Help me!" nagtago ako sa likuran ni kuya na kaagad sinapo ang ipis kaya sumalampak iyon sa sahig.
Lumapit agad ako doon sa patay na ipis at inapakan iyon nang ipakan hanggang sa mapisa. Wala na akong pakialam kung mapisa pa siya nang mapisa basta mapatay ko lang siya ay okay na ako. Doon pa lang ako makakahinga nang maluwag.
"God! Thank goodness at deads ka na ring cockroach ka!" singhal ko at napasinghap.
Tinitigan ko si kuya na ngayon ay parang naestatwa sa kinatatayuan. Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay. Magtatanong pa lang sana ako kung bakit iyon ang reaksiyon niya nang marinig ang mariing boses mula sa likuran ko.
"Freeze for two months, Eve." ani ng baritonong boses na kilalang-kilala ko.
Napasinghap ako bago unti-unting lumingon sa taong nagsalita. My gosh! Kinabahan ako nang sobra-sobra! Lalo na yata nang makita ang napakaseryosong mukha ni Daddy!
"D-Dad..." nagpilit ako ng ngiti kahit na nanginginig na ang labi ko.
Tinitigan niya ako nang mariin kaya nag-iwas agad ako ng tingin. Narinig ko na lang ang pagbuntong-hininga niya bago pumalakpak. It's a sign that he needs a housemaid. Nakita ko ang natatarantang mukha ni yaya Wen na may dala-dala pang walis.
"Bakit ho, Sir?" aniya at ngumiti.
Tinuro ni Daddy ang ipis na pisang-pisa na, "Paki-linisan, yaya Wen." utas niya.
Agarang naghanap si yaya Wen ng gamit pangpunas at pagkabalik niya ay may dala-dala na siyang isang rolyo ng tissue. Pinanood ko siyang punasan iyon. Napapangiwi na lang ako sa ginagawa niya, lalo na yata nang bigla niyang nabitawang ang tissue na may katas pa ng ipis at lumipad iyon sa direksyon ko.
"Dam-!" napatakip ako sa sariling labi bago unti-unting ibinaling ang tingin ni Daddy.
"Fern Silver Gomez?" may riin niyang asik.
"D-Dad, no! I wasn't saying a curse! It was supposedly a..." nag-isip ako ng pwedeng idahilan at laking tuwa ko naman nang may maisip nga, "...dambuhalang, Dad. Dambuhalang ipis. That wasn't a curse." kinakabahan kong banggit.
"It does not changed the fact that you muttered 'four' curses in total, Eve. So... two months for you."
"But, Dad-"
"Sana nag-isip ka muna bago ka nagmura. It's not my problem if you don't have any cash with you or what... You need to feed yourself. Well, now, the dinner's ready. Let's eat and don't open this topic while we're in dining area." tinalikuran na niya ako pagkatapos.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi bago sinulyapan si kuya na busy sa cellphone niya. Umangat ang tingin niya sa akin at agaran akong inilingan.
"No. I will not give you money. Feed yourself." humalakhak siya at bumaba na ng hagdan.
I bitterly smirked. Oh, great! What a nice evening to ruin my night! Alam na alam talaga nila kung ano ang kahinaan ko. They knew that I wasn't independent and I relies on them up to now. They really know how to tie me down. Let's see! Bibigay rin si kuya sa akin.
True enough. When we ate, parang walang nangyari. Dad was just eating peacefully while my Mom was cutting the steak in her plate. Kuya was beside me and like Dad, he acted like nothing happened.
"Ate," napatingin ako sa kapatid kong eleven years old.
"Yes, Axelius?" I muttered.
Ininguso niya ang wine na nasa harap ko bago nag-puppy eyes.
"Wine? You're still our baby. You can't drink alcoholic drinks unless you turned twenty-one." sabi ko saka nagpatuloy na sa pagkain.
Tumayo na si Mommy nang matapos niyang pahiran ng tissue ang labi niya. Sumunod naman si Daddy na tapos na ring kumain. Mom walked towards my younger brother saka pinahiran rin ng tissue ang labi dahil sa sauce ng steak.
"Come here na. Kailangan mo nang maghalf-bath." ani Mommy at hinawakan ang kamay ng kapatid ko.
Suminghap ako at tinitigan ng mariin si kuya na nag-iiwas ng tingin. He already knew that I would bug him about money kaya siya nag-iiwas ng tingin. I smirked and was about to talked when Dad suddenly interrupt. Napatingin ako sa kaniya at maging si kuya rin.
"You two, no arguments. You're still in front of the foods." paalala niya at sumunod na kina Mommy.
Tinitigan ko ang steak ko na maliit lang ang bawas bago tumayo. Nagpunas ako ng tissue sa labi at kaagad na naghugas ng kamay. Dumiretso agad ako hagdan at tumayo sa tapat ng pinto ko.
Yeah, arguments aren't allowed in front of the food pero hindi dito. I will talk to him and will convince him. Hindi naman ako hihingi ng pera, uutangin ko lang. After two months, babayaran ko na rin agad. Ang arte lang niya kung hindi pa ako pautangin. Hindi naman ako prankster or scammer.
Nang marinig ang yapak niya paitaas ay agad akong tumayo sa harap ng pinto niya.
I crossed my arms over my chest bago nagtaas ng kilay, "Just one-hundred thousand, kuya. Please? I will pay you naman, eh. Saka, no'ng nagmura ka at na-freeze ang card mo ng two months ay binigyan naman kita ng pera, ah? Hindi nga utang, eh, bigay talaga. Sige na, please?" sabay nguso ko.
Pinagkibitan niya ako ng balikat bago tumango.
My eyes widened because of shock but I immediately jump out of joy. Yes, yes! I knew it! He would really lend me money! Gosh! Akala ko ay pang-matagalan na ang saya ko pero napawi iyon nang magsalita siya.
"In one condition." seryosong sambit niya.
Nalaglag ang labi ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kuya isn't the type to give conditions when you want something from him. Even nga no'ng nangutang ako sa kaniya dahil sa mura ko, eh, wala 'yong kondisyon pero ngayon, mayroon na?
"Kuya!" sambit ko, nagrereklamo.
He raised an eyebrow, "Ayaw mo? Then, no money for you." papasok na sana siya sa kwarto niya pero agad ko siyang pinigilan.
Bumuntong-hininga ako, "Fine! What condition?" pagsuko ko.
It's fine for me na may kondisyon pero sana ay 'yong maganda at hindi mahirap. Maiinis talaga ako kapag pinahirapan niya pa ako. I would rather not eat if that's the case.
Tumitig siya sa akin bago humalakhak na parang nagtagumpay siya. Pinaikutan ko na lang siya ng mga mata.
"Good, Fern. Then, you can have my other card. You can do anything with my money and you don't need to pay me back. Just accompany me in Cebu. Next week, Eve." aniya at kumindat.
Pumasok na siya sa kwarto niya habang ako ay naiwang tulala. Okay? Then? Wait, saan? Sa Cebu?! Ano naman ang gagawin namin do'n? Hindi na lang ako nag-abala pang magtanong at natulog na lang agad.
The next morning, he dropped me off in FHU. I need to submit my sketch. That would be the last project of this school year. After two months break, I will be turning as a fourth-year college student. I heard, fourth year will be very very difficult. I don't know if it's true, though. All I know that it's tough but not that 'very' difficult.
"Thank you, kuya." saka lumabas na ako ng sasakyan niya.
On my way to the art studio, I bumped into Daryl. When he saw me, his eyes suddenly turned big like he saw an angel. Dahil doon, hindi ko napigilan ang umirap. Darn! Akala ko ba ay nai-submit niya na ang sketch niya kahapon, why is he here?
"Fern! Let me help you with that." aniya at akmang kukunin na ang sketch pad na dala ko nang agad akong lumayo sa kaniya.
"May hands naman ako, Daryl. I don't need your tulong na. Thank you na lang." sambit ko bago siya nilagpasan.
I admit that I've once a crush with him but it didn't last. Masyado siyang maarte at insensitive kaya nawalan ako ng gana. Then, no'ng nawala na 'yong crush ko sa kaniya ay siya naman ang nangulit. Ano 'yun? Aftermath? Kasi na-miss niya 'yong laging pagngiti ko sa kaniya? Duh! If he don't like me talking conyo, I don't care. I can do what I want, anyway.
Mabuti na lang at hindi na niya ako kinulit pa kaya good mood ako no'ng kinausap ko ang professor namin sa Arts. In her first glimpse of my sketch, she seems satisfied kaya napahinga ako ng maluwag dahil do'n. Nang papauwi na ako ay agad akong nag-text kay kuya.
To: Kuya
Tapos na ako.
Wala pang ilang minuto ay narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha mula sa purse ko. I was expecting kuya's call but it wasn't his name that popped up on my cellphone's screen. Nanlaki ang mga mata ko at kumurap-kurap pa ng ilang beses bago iyon sinagot.
"GOSH? Is this my dear friend named Lancy Sapphire Cordova?!" hindi-makapaniwalang tanong ko.
I heard her chuckled. Ghad! It's been months since I have a conversation with her! Ang tagal na rin no'n. I miss her bitchiness and spoiled personality! She has been my friend for two years and more as of now.
No'ng una ko siyang nakita sa school namin ni Marya and Jared, she was sitting in the bleachers while roaming her eyes around the gymnasium. Medyo malayo siya no'n but it's really visible in her face that she's a spoiled girl. Pero hindi ko inakalang magiging kaibigan namin ang isa't-isa.
"Yes, it's me, Fern. Kamusta?" aniya.
Sasagot na sana ako nang marinig ko siyang nagtaray mula sa kabilang linya. Hindi ko napigilan ang pagtawa dahil sa sinabi niya.
We talked about how we missed each other and after that, she told me that she'll arrived hours from now. Our conversation didn't last. Napag-usapan naming pumunta sa bar bukas ng gabi para man lang makapag-usap kami ulit. Siguradong inimbitahan niya rin si Marya at Gian.
Napatingin ako sa sasakyang bumusena sa harapan ko. Binuksan ni kuya ang bintana ng driver's seat bago ako sinenyasang pumasok na.
"How's your day?" tanong niya nang tumigil ang sasakyan dahil sa traffic.
Suminghap ako bago tumingin sa mga building mula sa bintana, "It's fine, as usual." I answered.
"Really? Nakita ko si Daryl kanina sa likuran mo. Sinusundan ka yata." aniya kaya napatingin ako sa kaniya at kinunotang agad siya ng noo, "Is he still bothering you?" seryoso niyang sambit habang nagsisimula nang mang-igting ang panga.
Sa lahat ng pamilya ko, kay kuya ko lang sinabi ang tungkol kay Daryl. Well, noon pa man, kapag nagkakagusto ako sa lalaki ay siya ang unang nakakaalam. Several guys courted me before but at the moment they'd met my kuya, they back-off. Maybe, they were scared. Eh, sino ba naman ang hindi matatakot? Kuya wouldn't even let them approach me with the dangerous smirk he always had.
I bit my lower lip before I shook my head, "Hindi-"
"Don't lie. Kasi kung hindi ay hindi ko sana siya nakitang nakasunod at nakatingin sa 'yo kanina." he didn't let me finish.
"Hanggang doon lang naman ang kaya niya. Hindi naman niya ako pinipilit kapag hindi ko siya gustong tulungan ako o ano..." sambit ko.
He shook his head, "Mahuli ko lang siya ulit..." bulong niya pero sapat lang na marinig ko bago ako nginitian, "Next week, baby. Pupunta na tayong Cebu... and, here's my card. Do everything you want with it. Akin naman 'yan, hindi kay Daddy." ibinigay niya sa akin ang gold card na agad kong inilagay sa pink wallet ko.
"Okay, kuya." sagot ko.
Nang dumating ang gabi ng pagkikita namin ni Lancy ay agad akong nagbihis ng peach-colored cottony dress na above the knee at pinaresan ko lang ng three-inches high heel. I put on minimal make-up at pagkatapos ay nilugay ko lang ang medyo mahaba na straight kong buhok.
When I finished up, bumaba agad ako. Naabutan ko naman si kuya na umiinom ng tsaa at nakaupo sa couch. Nang makita niya ako ay agad niya akong kinunotan ng noo. He looked at me head-to-toe bago umiling-iling.
"Where will you go this late at night with that dress of yours?" masungit niyang ani.
Umirap ako bago nagkibit-balikat, "'Yon nga, eh. Magpapahatid ako sa 'yo sa Purple Lit bar. Bonding with friends lang." paliwanag ko.
Umiling ulit siya, "Purple Lit talaga? Why not sa restaurant? Mall? Or park? You can hang out everywhere. Bakit sa bar pa? And who's this friend?" sunod-sunod niyang sambit.
"Sa bar, kuya. Iyon na ang napag-usapan namin ni Lancy. 'Wag ka ngang OA diyan. Ihatid mo na lang ako." nauna na akong lumabas sa kaniya.
Dumiretso agad ako sa garahe saka tumayo sa harap ng black Mitsubishi na bagong bili niya. Maya-maya ay lumabas na rin siya saka pinatunog ang kotse. Pumasok na rin agad ako at kaagad na nag-seatbelt. Sumunod naman agad siya.
"Don't drink too much and never dance with some strangers." paalala niya bago pinaharurot ang kotse niya paalis.
Neon lights, jazz and rock music, the smell of alcoholic drinks mixed with the smell of different scent of perfumes, and people were dancing... Those unfamiliar things welcomed me nang makapasok na sa loob ng bar. I don't really likes to go in bar kasi hindi ako sanay. I preferred shopping all day kaysa uminom buong gabi. I don't know, I don't like bars.
Dumiretso ako sa highchair ng counter at umupo doon. Wala pa naman si Lancy kaya hihintayin ko muna siya and sitting on a highchair would be a big help.
"Drink, Miss?" aya ng bartender na malawak ang pagkakangiti.
I shook my head before smiling, "Mamaya na lang siguro." sagot ko saka inilibot ang paningin sa mga wines and alcoholic drinks, "Is mixing drinks fun?" curious kong tanong.
Tinawanan niya ako bago sumagot, "You're cute. Well, yeah. It's fun pero nakakapagod lang minsan." sagot niya.
I chuckled because of what he said. Sasagot na sana ako nang may kumalabit sa akin mula sa likuran. Nanlaki ang mga mata ko bago tumalon pababa ng highchair. Niyakap niya agad ako nang mahigpit kaya napayakap rin ako pabalik.
"Darn! Akala ko sino na! Sobrang ganda mo na talaga, Lancy! Anong meron sa America at mas lalo kang gumanda?" tanong ko nang makaupo na kami sa isang sofa ng bar.
She chuckled before crossing her arms over her chests, "Wala kang magagawa. Cordova's beauty is really breathtaking." aniya nang nakangisi.
Tumango-tango ako. I have nothing more to say with that. Totoo naman kasi. Sobrang ganda ni Lancy lalo na sa blonde niyang buhok at ang gagwapo at gaganda rin ng parents niya kaya no doubt. Siguro kung may kapatid siyang lalaki ay matagal na akong nagka-crush doon pero malas kasi wala.
Napatingin ako sa kaniya bago hinawakan ang chin ko, "Wala ka bang kapatid na lalaki? O pinsan man lang? Siguradong ang gagwapo ng mga 'yon, 'no? Ireto mo nga ako sa kanila." walang pakundangan kong sabi.
"Uh... Mayroon akong pinsan na mga lalaki ang kaso... Wala rito. Ang iba'y nasa Cebu at ang dalawa naman ay nando'n sa Netherlands." sambit niya na ikinanlaki ng mga mata ko.
She showed me pictures of her cousins and totoo nga 'yong sinabi niya, mayroon nga and sobrang gagwapo ng mga 'yon! 'Yong sa Netherlands na magkapatid ay ang lakas ng karisma. Isi-nwipe niya iyong picture at pinakilala sa akin isa-isa ang mga pinsan niya na taga-Cebu.
Napatigil ako nang makita ang huling picture ng pinsan niya. He was smirking like an evil. He has the tender eyes, saktong kapal ng kilay, pointed nose, kissable lips, perfect shaped cheekbones and perfect jaw line. His hair was fluffy and that even made him look hot! Wait! Napakurap-kurap ako ng ilang beses bago tumikhim.
Did I... just described Lancy's cousin's features? What the hell am I thinking?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top