Never Again (one shot)

Graduate na ako, pero hindi ko pa alam ang tutunguhin ko pagkatapos nito.

Nagising ako sa pagkakatulala ng marinig na umingay ang cellphone ko.

"Hello"

It's mom.

"Mom, ano na naman ba?"

"Pack your things anak, pupunta tayong New York bukas. Wag mong kakalimutan."

"Mom, how many times do i have to tell you na hindi po ako sasama?"

Ilang beses ng pinipilit ako ni mama na sumama sa kanila sa New York pagkagraduate ko. Eto nga at kakatapos ng graduation ay tumawag sila para sabihin yun. They want us to stay there for good.

Pero ayoko.

"Anak, walang mangyayari sa buhay mo dito. Sa New York, maraming opportunity doon, doon mo i-apply ang napag aralan mo. Kung mananatili ka dito, hindi ka uusad."

"I'm sorry, mom. Pero maiiwan ako dito. I'm planning to take a vacation somewhere, somewhere i can relax. Sa probinsya. Malinis ang hangin at nakakarelax ang tanawin."

"Then what? Sasama--"

I know it's rude, pero agad kong pinutol ang tawag at hindi na narinig pa ang sasabihin niya.

I sighed.

Binasa ko pa ang huling text ni mama bago humiga sa kama.

"I will tell you this, sooner or later ikaw mismo ang lalapit at susunod sa amin. Kapag nangyari yun tawagan mo lang kami."

"That's not gonna happen," I whispered bago ako hinila ng antok.

Wearing my rayban sunglass, i'm enjoying the wind coming from the window of my car while maneuvering the steering wheel.

Malakas ang tugtog ng stereo.

This vacation should be worth it. Narinig ko ay maganda raw sa probinsyang iyon. At sakto, we have a vacation house there na pinatayo ni papa para sa ganito.

"Aahhh ang sarap ng hangin. The city really sucks."

Sinabayan ko ang kanta sa stereo at muling pinaharurot ang sasakyan. Hanggang sa makarating ako sa destinasyon ko.

"Ma'am ikaw pala yan! Sana po nagsabi kayo na pupunta ka para napaghandaan namin!"

Sinalubong ako ng mga caretaker ng bahay at tinulungan sa mga dala ko.

"Kamusta naman po ang buhay dito?"

"Maayos naman ma'am ang buhay dito. Masaya lalo na at kasama ko ang buong pamilya ko." Saad ni nanay Maria.

"Ah! Ipapakilala kita sa susunod sa mga anak ko. Wala pa kasi sila at nasa mga kaibigan nila. Baka mamayang gabi uuwi sila dito."

Nginitian ko lang siya at pumasok na ng bahay.

Sinalubong ako ng ilang maid at inasikaso.

"Kung gusto mong mamasyal, sabihan mo lang ako hija. Ipapasama kita sa isa sa mga anak ko. Alam niya lahat ng pasikot-sikot dito."

Saad ni nanay Maria na nakasunod sa likod ko.

Inalalayan ako ng isa na umupo sa upuan para kumain.

"Kaya ko naman po mag-isa nanay, diyan lang naman ako sa dagat mamamasyal at hindi na sa malayo. Hindi naman po siguro ako maliligaw doon."

Pabirong saad ko, natawa din siya at mga kasama namin dito.

"Sabayan niyo na lang po akong kumain."

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso ako sa kwartong binigay nila sa akin.

Dito na tumitira ang buong pamilya ni nanay Maria. Since wala din namang gumagamit sa bahay na 'to, at sila lagi ang naglilinis. Pinatira sila dito nila mom, dahil sa nakaraan ay dumating ang malakas na bagyo at nasira ang bahay-kubo nilang bahay.

My Dad also want na ipangalan sa kanila ang titulo ng bahay at lupa, ngunit ayaw nilang tanggapin. Sapat na daw na nakatira sila sa isang concrete at matibay na bahay in case kapag may bagyo.

"How do i start my vacation here?" Asked myself before go to bed.

Naalimpungatan ako sa isang kaluskos, inopen ko ng konti ang mata ko at nakitang binubuksan ni nanay Maria ang kurtina at bintana.

Pagkabukas niya ay agad pumasok ang sariwang hangin. Malamig pero katamtaman lang, masarap iyon sa katawan. Kaya imbis na tuluyang gumising ay nagkumot ako at pinagpatuloy ang pagtulog.

"Gising na Allisa, mamamasyal pa kayo mamaya. Nasabi ko na kay Larry na sasamahan ka niya mamasyal ngayong araw."

"Hmm"

Tanging tugon ko at muling natulog.

"Hayy, hala sige! Bumaba ka na lang kapag tuluyan ka nang nagising ah."

Saad niya at narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan.

Ilang minuto lang siguro ang naging tulog ko ulit nang tuluyan akong magising sa ingay sa labas.

"Hahaha nay! Alam niyo ba si Kuya Larry, pinopormahan yung anak ni anti Espinosa! Yung anak ng kumare mo nay! Hahaha!" Boses ng babae.

"Ang daldal mo! Tumahimik ka nga! Baka may nakatulog pa diyan tapos magigising lang sa kabungangahan mo!" Sabat ng boses lalaki.

"Argh"

Pinilit kong bumangon para makapaghilamos. Nag-iingay na din ang mga alaga ko sa tiyan. Hayyss para namang hindi ko pinakain kagabi.

"Wag niyo masyadong lakasan ang boses niyo. Tulog pa ang anak ng boss natin, baka magising iyon sa kaingayan niyo."

Saway sa kanila ni nanay Maria.

Gising na nga ako eh. Ang sarap ng tulog ko tapos magigising lang ako sa mga ingay nila. Hayss.

"Ahh yung sinabi mo kagabi nay na sasamahan ni kuya mamasyal? Maganda ba siya nay? Baka mainlab si kuya diyan, kawawa naman si Ayen. Hahaha"

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo sa wala akong gusto dun."

"Naku! Wag niyo nga lagi pinaguusapan yang anak ni mareng Espinosa. Baka ilang beses na niyang nakagat dila non dahil sa inyo."

I heard them laugh.

Uugod-ugod pa akong bumaba sa sala, isang maid ang naabutan kong naglilinis doon.

Binati niya ako, tinanguan ko siya bago dumiretso sa kusina. Rinig ko pang nagkukulitan ang mag iina.

"Oh! Allisa! Gising ka na pala. Halika sumabay ka sa amin sa pagkain."

Lumapit ako sa kanila at naupo sa tabi ni nanay, kaharap ko yung lalaking anak niya at siya naman ay kaharap yung babae.

Tulala ang dalawang anak niya na nakatingin sa sakin. Hanggang sa unang nakabawi yung babae at pinunasan yung baba ng kapatid niya at malakas na sinapok sa ulo.

"Putang ina! Ano Isabel! Namumuro ka na ah!"

Galit na turan nung lalaki habang hinahaplos yung banda kung saan siya sinapok nung Isabel.

Natawa ako ngunit pinipigilan ko lang, pero hindi maiwasang may lumabas na tunog kaya napatingin sa akin nung lalaki. Namula na parang kamatis.

Nag iwas naman siya agad.

"Dimo naman sinabi sa amin nay na ganyan pala kaganda ang anak ng mga Mendez. Ang puti puti na mukang kagigising sa kabaong." Saad ni Isabel.

Nanlaki ang mata nila nanay at nung lalaking kapatid niya na agad tinakpan ang bibig ng kapatid.

Samantalang ako ay nabitawan ang kutsara sa gulat dahil sa sinabi niya.

A-anong kabaong?

"A-anong s-sinabi mo?" Tanong ko na parang nabibingi.

Inalis niyang inalis ang kamay ng kapatid niyang nakatakip sa bunganga niya.

"Bakit? Ganon naman ang mga bampira diba? Ang puputi nila, lalo na kapag gumigising sila sa kabaong nila, umuusok-usok pa."

"Nako naman, Isabel. Tigil-tigilan mo na ang kakapanood ng ganyan!" Saway ni nanay Maria.

Natawa na lang ako na sinundan din nila ng tawa.

"Siyempre, alagang-alaga siya ng magulang niya." Ani nanay Maria.

Ngumuso si Isabel.

"Nay, alagaan mo din kasi ako para ganyan din ako kaganda at kaputi."

"Asa ka!" Kontra ni Larry.

Pagkatapos ng masayang kainan na yun ay sinamahan nga ako ni Larry mamasyal sa dagat.

Marami pa kaming napagkwentuhan habang naglalakad sa buhanginan.

"Okay ka lang? Namumula balat mo. Mukang hindi sanay sa init. Sandali kukuha lang ako ng payong."

"Ah wag na--"

Huli na dahil tumakbo na siya pabalik sa bahay para kumuha ng payong.

Naghanap ako ng sisilungan sa gilid para hintayin siya.

Kahit ganito kainit, ang dami paring tao ang naglalaro sa dagat. Habang nanonood sa mga tao sa dagat ay naagaw ng pansin ko ang dalawang bangka sa medyo may kalayuan. May apat na mangingisda ang bumaba doon. Pinagtulungan nilang hilain ang lambat.

Ang nakaagaw ng pansin ko ay yung isang kasama nila na kahit mainit ay umiibabaw parin ang kaputian niya. Lalo na ay ang mga kasama niya ay masyadong kulay tan ang balat dahil sa pagkababad sa tubig dagat at sa init.

Hindi sinasadyang mapatingin sa direksyon ko ang lalaki. Hindi rin naman ako nakaiwas agad.

Halos kasing edad ko lang, wala siyang suot pang-itaas kaya kitang-kita ang kakisigan ng katawan niya. Ang buhok niya na hindi na yata naisipang gupitin na umaabot na sa mata niya.

Natigilan din siya sa ginagawa niya.

Samantalang, mabilis kong tinakpan ang mukha ko dahil alam kong namumula na ito ngayon.

Nginitian ba naman ako ng mala-perfect na ngiti niya bago umiwas na imiiling.

"Ghod Allisa! Stop that!"

Sinampal ko ang sarili ko para tanggalin sa isipan ko ang ngiti niyang iyon.

"Nandiyan na pala ang mga nangisda kagabi! Aba naman! Sumama din pala ang batang iyon! Ang sipag talaga, basta para sa pamilya sumasama yan sa raket nila berto."

"Ang swerte ng pamilya niya no?"

Rinig kong usapan ng ilang mga matatanda sa may hindi kalayuan habang nakatingin sa direksyon nung mga mangingisda.

Sa araw na din iyon nagsimulang mahulog ang sarili ko sa lalaking yon.

Kilala pala siya nila nanay Maria, madalas din nakikikain kapag naghahanda sina nanay sa labas. Dito sa may kubo.

"Allisa, tawagin mo na sila nang makakain na." Habang hinahanda ang mga pagkain sa table.

Napatingin ako sa may dagat, naglaro sila ng bola. Kasama na doon si Caloy. Yung lalaking nginitian ako na nagpabilis ng tibok ng puso ko sa araw na yon.

"Kakain na daw!"

Napatingin sila sa direksyon ko at mabilis silang nagtakbuhan sa may kubo.

Nagpaiwan si Caloy at sumabay sa akin.

"Ahh eto nga pala."

May binigay siya sakin ang pinagbubuhol na shells at ginawang porselas.

"Wow! Marunong kang gumawa nito? Ang ganda!"

"Madali lang naman gawin yan. Kahit bata kayang gawin yan" natatawang saad niya.

"P-pero kasi iba 'to. I think, pwede mo itong pagkakitaan sa manila. Pwede mong gawing negosyo. Ang ganitong talent dapat dinadala sa city. Mas maraming opportunidad."

He smiled at me using his sweetest smile.

"Wala akong balak pumuntang manila para magnegosyo. Kontento na ako sa kung anong meron ako dito."

Naging mabilis ang nangyari, palagi kaming magkasama. Palagi siyang nakabuntot sa akin. Hindi na siya gaanong nakakapangisda dahil lagi siyang nasa tabi ko.

Dinadala niya ako sa mga lugar na talagang napapanganga ako.

Until one day, umamin siya sa akin.

He like me, no, he love me. And vice versa.

Una pa lang, nahulog na ako sa mga ngiti niya.

"Pstt"

*Toktoktok*

Alas diyes ng gabi nang may marinig ako sa salamin na pintuan sa may terrece.

"Buksan mo."

Bulong niya.

Napakunot ako at lumapit doon. Nakita ko sa labas si Caloy. Agad ko namang binuksan iyon at nagagalit na tinanong siya.

"Paano ka naka-akyat dito? Saan ka dumaan!?"

Mahinang sigaw ko dahil baka magising ang mga kasama ko sa bahay.

Ngumisi lang siya at nilapitan ako. Mahigpit na niyakap.

"I have my ways."

Binugbog ko yung likod niya ng mahihinang suntok habang siya ay natatawa na lang.

"Pano kung nahulog ka diyan. Ang taas pa naman."

Hindi na siya umimik pa at kinulong sa palad niya ang dalawang kong pisngi.

Mabili niya akong hinalikan sa labi.

"I love you" saad niya pagkatapos ang mabilis na halik sa labi ko.

I pouted.

"I hate you"

"I love you too" natatawang sagot niya sa saad ko.

Hindi pa alam nila nanay, nilang lahat na kami na. Ang buong akala nila ay magkaibigan lang kami. Tulad sa amin ni Larry.

Palihim akong hinahalikan minsan ni Caloy sa labi kapag walang nakatingin. Sapok naman ang nakukuha niya ganti sa akin.

Hanggang sa isang araw,

Masaya kaming nagkukulitan dito sa may kubo. Ang ingay ni Isabel, ang dami niyang chismis. Nandito kami lahat, si Larry, si nanay, si Isabel, si Caloy at ako.

Kumakain si Isabel at punong-puno ang bibig na nagkukwento. Panay saway naman sa kanya sina nanay at Larry.

"Oh! Nandito pala sina Mavis, Caloy!"

Mula sa pagkakangiti ni Caloy, ay natigilan siya pagkarinig sa pangalang iyon.

"Okay ka lang?" Nag-aalangang tanong ko.

Pilit siyang ngumiti at tumango.

"Mavis! Ngayon ka lang ulit yata lumabas ng bahay at bumisita dito?"

Tanong niya sa kararating lang. Isang babaeng kaedad ko lang rin na may buhat-buhat na bata.

"Dinalaw ko lang si Caloy, kasi naman mukang hindi na gaanong nakakapangisda. Lagi siyang umuuwi na walang dalang isda kaya nagtataka ako. Nandito lang pala nakikipag harutan habang ang anak niya ay umiiyak na at walang makain."

Tumahik ang mga kasama namin, ang malawak na ngiti ni nanay ay isang pilit na ngiti na lang ngayon. Si Caloy ay nakayuko ngunit mahahalata mong umiigting na ang panga sa hindi malaman na dahilan.

Hinawakan ko ang kamay niyang mahigpit na nakasara at parang gusto nang manuntok pero nagpipigil lang.

Did i heard it wrong, right?

Nabingi lang ako, at mali ang pagkakaintindi ko.

Ngunit napatunayan ko din ang lahat.

Na may anak siya, kasal siya kay Mavis. Na ang binubuhay niyang pamilya ay ang sariling pamilya niya mismo. Na ang inakala kong pamilya na mga magulang niya. Yun pala, sarili niya mismong pamilya. Anak niya, asawa niya.

Tapos ano ako? Kabit? Ginawa niya akong kabit?

Damn! Ang sakit.

Kahit kailan sa buhay ko hindi ko pinangarap ang maging sabit!

Ilang mura at sampal ang nakuha niya sa akin, ngunit kulang pa!

"Aahhh!"

Basag lahat ng mahawakan kong bagay. Sumigaw ako hanggang sa kaya ng boses ko. Umaasang sa paraan na yon, mabawasan ang kirot dito. Sa may bandang dibdib ko, ito ang unang beses kong magmahal at makaramdam ng ganito.

Nalaman nila nanay ang relasyon namin ni Caloy.

Pumunta mismo si Caloy dito sa bahay para kausapin ako. At ganito nga na kinalabasan.

Nasa harapan ko siya at paulit-ulit na sorry ang binabanggit niya. Habang ako ay hindi na maawat sa pagwawala, basag lahat ang makikita mo sa paligid.

Sina nanay at ilang mga kasama namin dito sa bahay ay nakayuko lang sa gilid.

Tanging pag-iyak ko, pagbasag sa mga mahahawakan ko at ang paulit-ulit na sorry niya ang maririnig sa paligid.

Umiiyak kong tinawagan sina mommy at tama nga ang sinabi niya. Ako mismo ang magkukusang pupunta sa kanila.

3 years had passed, wala akong narinig na kahit anong balita sa kanila. And now, i have the courage na puntahan ang lugar na iyon, pagkababa ko sa eroplano galing New York.

Marami nang nangyari, marami nang straktura ang naipatayo.

"Hija? Ikaw pala yan! Kamusta na? Hinahanap mo ba si Caloy?"

Natigilan ako doon at kahit hindi naman talaga si Caloy ang sadya ko dito ay tumango na lang ako. Gusto ko din malaman kung kamusta na siya.

"Nasa manila na hija, may sariling negosyo na doon. May taong nakapagsabi daw kasi sa kanya na baka doon siya makakaahon sa buhay. Mukang importante sa kanya ang taong yun."

Ngumiti ako sa sinabing iyon ni mang berto. Hindi pala niya yun nakalimutan?

Nandito na ako sa manila. Malawak ang manila kaya hindi ko na aasahan pang magkita kami dito.

Ngunit kakasabi ko pa lang ay gulat na gulat ako nang may bumaba sa isang sasakyan na huminto sa gilid. Nasira kasi ang sasakyan ko kaya nastuck ako dito sa gilid.

"Are you okay miss?"

Napatanga ako sa bagong itsura niya ngayon. Malayong-malayo sa batang Caloy noon sa probinsiya.

Maging siya ay nagulat din nang makita ako. Agad siyang nakabawi at dinamba ako ng yakap.

"A-allisa"

Pilit ko siyang tinutulak.

Nagusap kami tungkol sa nangyari noon. Doon niya pinaliwanag na hindi niya totoong anak yung bata, anak iyon ng kaibigan niya kay Mavis.

Ngunit etong si Mavis ay pilit na ipinaako sa kanya yung bata dahil namatay yung kaibigan niya sa pagcrash ng eroplanong sinasakyan niya.

Importante din kay Caloy yung bata kaya wala siyang magawa. Inako niya iyon dahil ipapalaglag daw iyon Mavis kung walang tatayong ama.

Hindi rin sila totong kasal ni Mavis dahil peke ang lahat ng mga document sa kasal nila. Kinuha ni Caloy yung bata at ipinaalaga muna kay nanay Maria bago siya lumuwas dito sa manila.

Naging kami ulit. Tinuloy ang naudlot na pagmamahalan namin noon. Until we got married.

Kilala na pala siya sa industrya bilang Callix Fontana.

Callix Fonatana's Pov

Sinagot ko ng walang pagdadalawang isip ang tawag habang nasa meeting.

"Sir, si ma'am Allisa po--"

Bungad nung caller na nanginginig ang boses.

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone at mabilis tumayo at iniwan ang mga kasama ko.

"Anong nangyari!?"

Hanggang sinabi niya ang nagpaguho ng mundo ko.

Mabilis kong pinuntahan ang pinangyarihan ng disgrasya.

I don't know what to say.

Fuck!

Nanginginig ang buong katawan ko. Ang daming taong nakikiusisa.

Mas lalong binagsakan ng malamig na bato ang mundo ko nang makita ang isang babaeng nasa stretcher na kalalabas nila mula sa sasakyan.

Ayokong maniwala na siya yun.

Ngunit lumabas ang isang kamay niya mula sa puting kumot, doon nakita ko ang singsing sa daliri niya.

Bullshit!

"Aahhhh!"

Sabunot sarili at suntok sa pader ang tanging magagawa ko. Mabilis ako inawat ng mga pulis.

Life is so fuck up! She died just like that!?

I don't know how to start again.

I can't start anew beginning to someone again unless it's Allisa.

I can't love someone else, again.

Never again.









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top