Kabanata 1

Kabanata 1
Ang Pagkamuhi

"Imposible ang gusto mong mangyari, labag sa batas ang hinihiling mo sa akin." usal ni John kay Ezekiel habang magkaharap sa lamesa.

"Hindi ba doon naman talaga nakabase ang kapangyarihan mo, ang magbigay ng buhay? Pero bakit ang isa tao na nasa baba, ang baba kung saan malayo sa naaabot natin ay hindi mo man lang matulungan?"

"Dahil iyon ang tama." tugon ni John bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Oo at kaya kong magbigay ng buhay, pero hindi ibig sabihin ay hindi ko na bibigyan ng pagkakataon ang mga tao na mabuhay nang hindi nakaasa sa akin."

May sama ng loob ni Ezekiel na nanahimik.

"Ikaw ang mas nakakaalam kung ano ang tama sa mali, parte ng pagkatao ang buhay at kamatayan hanggang sa magsimula muli ito at magpatuloy ang proseso." huling sinabi ni John bago tuluyang umalis si Ezekiel.

Batid nito na kahit alam niyang mali ang kaniyang gagawin ay hindi maaari na panoorin na lamang nito na maghirap ang mga taong naninirahan sa sakop niya.

"Gagawa ako ng paraan, kahit na kapalit pa nito ang dangal ko."

Kinabukasan ay agad na bumaba si Ezekiel sa lupa upang makita ang babae.

"Kamusta ang iyong ina?" tanong nito kay Lita.

"Ganoon pa rin po gaya ng dati, nananatiling lumalaban sa hirap ng kaniyang pinagdadaanang sakit." tugon naman ni Lita.

"Kung gayon ay tanggapin mo ang tinapay kong ito na handog, mananatili ako rito pansamatala hanggang makasiguro ako sa kaligtasan ng iyong ina."

Agad na inabot ni Lita ang tinapay at tumatangis na yumakap sa lalaking kakakilala pa lang nito kamakailan.

"Napakabuti ninyo sa amin ngunit hindi ko pa alam ang ngalan ninyo ginoo. Maaari ko bang malaman kung sino ka?"

"Tawagin mo akong Eze- Ezra.." at sa pagbabalatkayong pangalan na iyon ay natigilan si Ezekiel dahil alam niyang hindi ito kapani-paniwala.

Ngunit ngiti lamang ang naging tugon ng babae.

Lumipas ang ilang araw at kapansin-pansin ang pagbabago sa matanda babaeng nagngangalan na Linda, nagsisimula na itong kakitaan ng paglakas ng mga kalamnan na tila ba ngayon pa lamang isinisilang. Agad na napatangis sa saya si Lita sa nasaksihan at pinasalamatan si Ezekiel sa mga naitulong nito.

Naging komportable naman ang loob ni Lita sa binata at doon nito naramdaman na tila ang kakaibang sensasiyon habang sila ay magkasama. Tila ba isang mumunting pag-ibig na agad naman nitong inamin kay Ezekiel.

"Iniibig kita Ezra, ikaw lang ang lalaking naging ganitong kabuti sa akin sa kabila ng mga pinagdaanan ko sa buhay." usal ng dalaga sa binatang nakadungaw sa bintana.

At ang mga katagang iyon ang nais na malaman ni Ezekiel. Tila isang diyos na may pagka-torpe at mahina sa pagiging romantiko, ngunit hindi ito naging dahilan upang maging sagabal sa kung anong inuudyok ng kanilang mga puso.

"Mahal din kita." maikling sabi nito habang nakahawak sa pisngi ng dalaga, mga magkatitigan sa mata at isang masuyong halik ang siyang nagbigay ng kakaibang mensahe tungo sa isa't isa.

Isang diyos na umiibig sa isang tao, bagay na ipinagbabawal sa kanilang tungkulin ngunit wala nang pake si Ezekiel.

"Kung ang ibigin ka ay isang mali, mas pipiliin kong hindi na maging tama pang muli."

At lahat ng nangyari ay nabalitaan ni John at ng iba pa nitong mga kapatid.

"Ezekiel!" sigaw ni John at isang madilim na ulap ang sumakop sa buong Netherio.

Naging tila isang salot ang dumating at walang kamalay-malay si Ezekiel na kasalukuyang nagpapakasasa sa ligayang kaniyang nadarama.

--

Lumipas ang ilang mga araw at bumalik sa kalangitan si Ezekiel na siya namang sinalubong ng galit na mukha ni John.

"Anong kapalaluan ang ginagawa mo?" tanong nito kay Ezekiel.

Batid ni Ezekiel ang kaniyang nagawa ngunit nangyari na ang nangyari, ngayon ang siya tagapag-balanse naman ang nakasalang upang siyasatin sa mali niyang nagawa.

"Umibig ako sa isang taga-lupa." maikling sagot niya.

"Pero alam mong hindi ito katanggap-tanggap, wala kang karapatan na umibig dahil makakaapekto lamang iyon sa tungkulin mo."

Mabilis na sumagot si Ezekiel.

"Pero iyon naman ang ginagawa ko at kailanman ay hindi ako nagkulang. At ano naman ang magagawa mo kung ganoon?"

"Nararapat kang parusahan sa iyong kasalanan, kailangan mong pagdusahan ito habang inaayos namin ang ginawa mo."

"Pwes kung ganoon ay parusahan na ninyo rin ako." sabat ni Hanna na lalong ikinagulo ng mga pangyayari.

"Ako rin katulad ni Ezekiel, ay umibig at napamahal sa isang tao." humihikbing pagpapatuloy nito.

Kasabay naman ng pagtatalo ang malakas na buhos ng ulan sa kalupaan.

"Kabaliwan!" sigaw ni John.

Agad na umalis si Ezekiel at naiwan ang tatlo na gulong-gulo ang isip.

"Kung ganoon rin lang naman ang mangyayari, mabuti pa siguro ay maghiwa-hiwalay na tayo mga kapatid." sabi ni John.

"T-teka lang saglit, hindi ba parang ang higpit naman ng desisyon mo masyado?" tanong ni Oscar sa kapatid.

"Oo nga, ako na mismo ang humihingi ng kapatawaran para sa amin ni Ezekiel. Tatanggapin ko kung anong parusa pa ang ihahatol mo, pakiusap huwag lang ang ganito." saad naman ni Hanna.

"Nagdesisyon na si Ezekiel para sa sarili niya at ito naman ang sa akin, ayoko man ngunit sana'y respetuhin ninyo ang pagpapasiya ko." tugon ni John.

--

"Mahal, magtutungo ako sa pamilihan upang kumuha ng ating makakakain." usal ni Ezekiel matapos ang ilang araw na pamamalagi sa lupa kasama ang babaeng mahal nito.

"Sige, basta ay mag-iingat ka lamang." tugon naman ni Lita at mabilis na umalis si Ezekiel at sa daan nito patungo sa pamilihang-bayan ay hindi nito inaasahan ang isang bagay na sumulpot mula sa gilid.

"Kamusta Ezekiel, mukha yatang abala ka." tanong ng isang munting nilalang.

"Sino ka, paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong naman ni Ezekiel na may halong pagtataka.

"Patawad at ang sama pala ng pagpasok ko sa eksena. Ang pangalan ko nga pala ay Terrell, isa ako sa mga elementong naninirahan dito sa Netherio at aksidenteng nakita kita kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na lapitan ka." sagot ng nilalang at ngumiti.

"Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang diyos na tinalikuran ang kaniyang mga kapatid sa ngalan ng pag-ibig."

"Alam mo na nagkakagulo sa langit ang mga kapatid dahil ang iniisip nila na ikaw ay nagtaksil sa kanila?" dagdag nito na ikinaisip ni Ezekiel, batid niya ang pagkakamali at wala naman siyang pinagsisisihan dahil kasama niya naman ang taong mahal niya.

Hindi na nakapagbitaw pa ng anumang salita si Ezekiel at naglakad na lamang ito ng diretso sa patutunguhan.

Mabilis lumipas ang mga buwan sa bayan ng Bountania at kasabay nito ang pagsilang ng sanggol ng asawa ni Ezekiel. Sa mabuting kapalaran ay biniyayaan sila ng kambal at si Lita na ang nagpasiya na pangalanan sila na Lilith at Lazarus.

Ngunit isang bagay ang lubhang ipinagtataka nila Lita at ng kumadrona.

"Kataka-takang may mga tinik siya sa kaniyang katawan, ang anak mo Lita." saad nito habang buhay buhat ang bata. Agad namang tumawag ang kasamahan nito ng mga albularyo sa bayan.

"Kampon ng demonyo!"

"Kahindik-hindik ang itsura ng bata na iyan."

"Isinumpa kayo ni Bathala dahil kayo ay mga makasalanan!" usapan ng mga tao habang hawak ito ng awtoridad ng bayan.

"Lubos na ipinagbabawal ang mga ganitong halimaw sa bayan, upang hindi na magkagulo pa ang mga tao ay hayaan ninyo kami na kunin siya." usal ng isa sa mga kasama nito.

"A-anak ko, saan ninyo dadalhin ang anak ko?" tanong ni Lita habang hinang-hina sa higaan nito.

"Kami na ang bahala sa kaniya, kailangan namin munang malaman kung anong uri ito ng nilalang sa pamamagitan ng ilang eksperimento."

Sa kabilang banda ay pauwi pa lamang si Ezekiel mula sa trabaho nito bilang isang manggagawa ng establisyimento nang malaman ang kaguluhan sa bahay nito.

"Hindi baboy ang mga anak ko! Hindi siya hayop para pag-eksperimentuhan ninyong mga walang puso!" sigaw ni Lita habang pinipilit na pigilan sa pag-alis ang mga tao.

Hanggang sa..

"Huwag ka nang pumalag!" sigaw ng isa sa mga pulisya at itinulak ito palayo dahilan upang tumama ito sa pader at aksidenteng isang matulis na kahoy ang tumusok sa katawan nito. Sa pagkabigla ay mabilis na umalis ang mga taong sangkot sakay ang kanilang mga kabayo.

Sakto namang pagkarating ni Ezekiel ay wala na itong natagpuang mga tao sa loob bukod sa kaniyang asawa na naghihingalo.

"Ang mga anak ko.. k-kinuha nila ang mga anak natin. Kailangan mo silang iligtas." sabi ni Lita habang kapwang humahagulgol, wala ng sinayang na oras si Ezekiel at dali-daling tumakbo sa kinaroroonan ng mga kumuha sa mga anak niya.

"Bossing, may kung ano yatang sumusunod sa atin sa likod!" sigaw ng isa sa mga taong nakasakay sa kabayo at wala pang isang kisap-mata ay agad itong dinakma ni Ezekiel, sinakal sa leeg hanggang sa tuluyang hindi na makahinga.

"Ibigay ninyo sa akin ang mga anak ko!" sigaw ni Ezekiel at isa-isang pinabagsak ang mga kabayong sinasakyan ng mga pulis. Sa tulong ng mga ilang kakayahan gaya ng paglipad at mabilis na pagtakbo ay nagapi niya halos kalahati sa mga kalaban niya.

Hanggang sa dalawang lalaki na lamang ang natitira, dahan-dahang lumapit si Ezekiel at diretsong nakatingin sa dalawa.

"Gusto mo ba ito?" sabi ng lalaking may hawak sa batang babae.

"Anong ginagawa mo?" tanong ng kasama niya.

"Kunin mo." usal niya at inihagis sa bangin ang hawak nito.

"Hindi!" sigaw ni Ezekiel at agad na tumalon upang iligtas ang anak nito.

"Tara na, mas mahalaga ang batang lalaki. Tiba-tiba tayo sa makukuha natin mula sa peryahan." sabi ng lalaki at mabilis nilang pinatakbo ang kabayo palayo.

Samantala, sa kabila ng mga galos na natamo ay maayos naman na nailigtas ni Ezekiel si Lilith sa bingit ng kamatayan.

"Babalikan kita anak ko, hahanapin kita at magkakasama tayong muli." usal ni Ezekiel mula sa hangin at umuwi sila ng anak niya matapos nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top