The Devil Inside Me
Kharmaine
"Lalalala," patalun-talon akong naglalakad sa hallway ng Dark High, ayos lang naman 'to kasi wala namang tao. Sa kabila ng aking malabatang disposisyon ay hindi maalis ang isang mabigat na aura ang nakapalibot sa akin. Papasok na lang siguro ako sa third subject.
Pumasok na'ko sa room namin, buti na lang wala pa ang professor. 'Asan na ba 'yong si bheshy, loner tuloy ako rito. Nakipag-asaran na naman siguro 'yon kay Ciel. Actually marami namang friendship offer sa'kin dahil Rank A ako pero duh, isa lang ang gusto kong maging kaibigan , si bheshy.
Nang makarating na ako sa room namin ay tuloy-tuloy lang ako sa aking upuan at kinuha ang Iphone at doon nag-sketch sa digital sketchpad nito.
Boring. Kulang na lang ay hatakin ko ang oras para makaalis dito.
"Good morning class," nakangiting bati sa'min ng professor namin pagkapasok niya. Naka-ubob lang ako buong klase. Walang pakialaman at baka makikipag-usap sila sa aking baril. Pagktapos ng mahaba-habang oras ng klase ay sa wakas natapos na rin.
"Okay, that's all for today by the-" naputol ang pagsasalita ng professor nang biglang bumukas ng pabalya ang pinto kaya lumikha ito ng nakakabwesit na tunog.
Ay pusang gala! Sino ba 'yon? Umayos ako ng upo at tiningnan ang pumasok.
"You're too early for the next subject Miss Nightwalker."
Sinamaan lang ng tingin ni bheshy ang taklesang professor namin, 'yan kasi eh. Si bheshy 'yong nerd na astig, ang cool. Kulang na lang at magningning ang aking mga mata habang nakasunod ng tingin kay bheshy.
"Take your sit Miss Nightwalker," inayos ng professor ang salamin niya at si bheshy naman ay tumabi sa'kin.
"Yah bheshy. Bakit 'di ka pumasok. Saan ka nagpunta?" excited kong bulong sa kaniya.
"Shut up," malamig pa sa North Pole na sagot niya sa akin habang nakatitig sa white board. Aish! Shut up na nga lang ako, kabadtrip naman ey!
"Okay everyone as I was saying, two days from now, we will have our annual rank examination," seryosong pahayag ng professor kaya napabaling ang tingin naming lahat sa kaniya. Umalis na rin ang professor matapos niya 'yong sabihin, langya!
"Gosh! Pasakit nanaman 'to sa beauty ko!"
"Excited na akong maglevel up ng rank!"
"Wag kang ambisyosa, remember may mga rank A."
"'Di ba back to zero?"
"Tange! It won't change the fact that they're strong."
Puro gano'n lang ang mga classmates ko at ako na sanay na ay gustong maglupasay dahil sa purwesyong hatid ng Rank Examination. Nakapangalumbaba lang ako sa aking desk nang biglang nagsalita si bheshy. "Karmy, tell me about Rank Examination and how it was done before".
"Oh sure! Let's talk about sa dorm mo, sleep over ako do'n," excited kong pahayag sa kanya.
"No. Cafeteria. Now," tumayo na siya at diridiritsong umalis ng room. Ako naman na ever loyal bheshy niya ay sumunod na sa kaniya.
Pumwesto na kami sa seat na tanaw ang soccer field dahil na rin sa glass wall. Nasa tuktok kasi 'tong cafeteria kaya kailangan mo pang mag-elevator or hagdan. Sumakay na lamang kami ng elevator upang mas mapadali ang lahat.
Carbonara with strawberry milk shake ang order ko at large burger with soda in can naman ang kay bheshy.
"Can you tell me how this rank examination works?" tanong niya sa'kin habang nakatingin siya sa labas.
"Okay, listen carefully." I leaned towards her and started to feed her the information she need.
Luciana
'Andito ako sa rooftop ng dorm namin, may three dorm house kasi at nasa panghuling dorm house ako.
Ang lamig ng simoy ng hangin dito, ang daming bituin sa kalangitan. For sure, maayos ang panahon bukas. Nakita ko nga dito sa pwesto ko ang pinakagusto kong constellation, ang hunter. The constellation for the travelers. Just follow the arrow and it will lead the way. Artipisyal man ang mga ito ay nakabatay pa rin ang mga makikita mo sa totoo. Matatawag din itong repleksyon ng tunay na kalangitan.
Tanging ang liwanag ng artipisyal na buwan lang ang nagsisilbing ilaw ko rito. I like this kind of silence. Sabi nila, dilikado daw ang tahimik na lugar kasi 'di raw natin alam kung ano ang maaaring maghintay sa katahimikang ito. Kasalungat naman ito sa pananaw ko. I love the dark side with its never ending silence. Sanay na ako. I was born this way, to be like this. Kakambal ko ang kadiliman ng mundo.
Hanggang sa makilala ko siya. For a very short period of time, I came to love my greatest enemy. How ironic. Me the next in throne from the Light Family and him the next in throne from the Dark Family.
Ayoko ng balikan ang pangyayaring 'yon one year ago, ang pangyayaring akala ko ay nawala na siya nang tuluyan sa akin. Kaya nga ako nagbalik dito para isarado ang pinto ng kabanatang 'yon ng buhay ko.
A week from now Rank Examination na, let's just say na stepping stone ko na 'yon para maabot ang minimithi ko. Ang mga sagot sa aking mga katanungan.
Naalala ko tuloy 'yong sinabi ni Kharmaine sa'kin kanina do'n sa Cafeteria.
" Ang Rank Examination, isa itong pagsusulit na buhay mo ang nakataya. Ang lahat ng estudyante ay sabay-sabay na papasok sa isang dome na may malaking maze na inihanda. Sa bawat maze may inihandang deathly traps. Last year, yung trap kong napasukan ay do'n sa lugar na may tatlong world's most wanted criminal na nasa pangangalaga ng Loong Family. Simple lang ang rule, run or get killed."
"'Yong Knightmares, kasali ba?"
Baka hindi, sila namamahala ng school na 'to.
"Oo naman, pero may mga iba't-ibang pakulo ang Rank Examination every year bheshy kaya most of us Rank A ay excited na!" nagningning ang mga mata niya no'ng sinabi niya 'yon. Hayok talaga 'to sa away at dugo. Sa lahat ng Phoenix member, siya at si Dark Phoenix ang hayok sa dugo.
"Pa'no ka naging Rank A?"
"Ay ano ba yan, bheshy! Para mo namang sinabi na ang hina ko to reach my rank," naknguso niyang reklamo sa'kin. Kahit kailan talaga napaka childish.
"Kharmaine," tinawag ko na siya with my warning tone .
"Oo na, heto na, atat much? As I was saying, may sampung nakapasa for the standard Rank A student. 'Yong whole Knightmare, ako, dalawang first year students who they believed to be from the assassin family, the Yukami Clan. At tatlong galing sa Special Class na same age lang din natin. Sad to say, may nasawi rin. Well, hindi na naman 'yon bago since every year may namamatay talaga. Okay, punta na tayo sa mga ranks." she sipped her strawberry milkshake and continued to talk again.
" 'Yong mga natirang nakalabas ng buhay 'yon yung ihahanay sa Rank B to Rank E. How to determine? Simple, we rank A, will decide base na rin sa nasave na videos sa bawat isang studyante at base na rin sa natirang life points na ibinibigay sa lahat ng students bago pumasok ng dome. Para 'tong isang relo na isinasaad kung ilang points ang sa'yo at sa kalaban mo, nababawasan 'to bawat pinsalang natamo mo, if you reach the zero life, automatic mawawalan ka ng malay which is very dangerous since maraming kriminal o mababangis na hayop ang nasa dome na pagalagala lang. Puwede ka ring gawing target ng mga kriminal since kapalit ng sampung relos na makokolekta nila ay ang kanilang kalayaan."
This time seryoso na si Karmy kaya hinayaan ko na lang siyang magpatuloy habang nilalantakan ko ang aking burger.
Aaminin ko, excited na'ko. I longed to see the blood moon. When the moon turns red like my eyes. It's been a while, one year of playing hide and seek. One year of accepting missions secretly. One year of running away. The devil inside me is finally free.
"Leader, anong utos niyo?" may nagsalita sa likod ko. One of my underlings was able to penetrate the school's watchdogs. Phoenix and its underlings are simply the best of all.
"Siguruin niyong magmamanman kayo sa darating na rank examination."
"Tenzegen," at bigla na lang naglaho ang presensya niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top