The Coward's Ray Of Hope
Luciana
Coward , coward, coward!
Ray of hope! Ray of hope! Ray of hope! Ray of hope! Ray of hope!
Napabalikwas ako ng bangon habang tila naligo ako sa sariling pawis. 'Di ko mabura sa isip ko ang mga sinabi niya. Parang sirang plaka na paulit-ulit ito and damn! It was two days already since that talk at the pool area pero it still gave me sleepless nights. Buti na lang at naisagawa namin ng maayos ang misyon.
Bumangon na'ko sa pagkakahiga at kumuha ng pahayagan, noong isang araw pa yata 'to. Nakita ko ang headline at 'yon ang isang mass murder sa isang mansyon ng gobernador. The reactions of normal people irritates me. So naive. Mga rebel ang kanilang pinagbintangan malamang hindi nila pwedeng sabihin sa madla ang tungkol sa amin.
Pero hindi ako nakatulog dahil sa sinabi ni Starfire. Akala ko pagod lang ako dahil sa sunod-sunod na misyon ang binigay ni tanda sa akin kaya dalawang araw akong nag absent pero damn! I'm still having a very hard night!
Umalis na'ko ng dorm at diri-diritso sa cafeteria ng school since di pa'ko nakakain. Actually ang dorm namin ay may mga rank, rank A to E. Si Karmy ay rank A na dahil din ito ang rank niya noong nakaraang taon pero magbabago pa 'yan dahil may Rank Examination na naman ngayong bagong school year. Ako ay nasa rank E yata, 'di pa kasi nagsisimula ang examination. 'Yong rank din ang magdedetermine sa I.D. 'Di ko alam kung anong exam ba 'yon since parang napaka-big deal naman no'n dito. Tatanungin ko na lang si Karmy mamaya.
Unti-unti nang nagsidatingan ang mga students dito sa Cafeteria, this is not just a typical cafeteria. Para itong Italian inspired restaurant with huge and elegant chandeliers matching glass walls all over the area giving the area a classy ambiance.
"Bheshy!" biglang may sumigaw na babae sa kabilang dulo ng cafeteria. Sino pa nga ba ang may ganiyang bunganga? Kung hindi lang ako takaw pansin ay baka nasaksak ko na 'to ng Enraiha sa kaingayan.
"Ang aga natin ah bheshy?" tanong niya sabay hagikgik nang makalapit na siya sa table ko. Pinagtitingan na rin siya, nga naman, sikat din dito si Siren dahil sa rank niya. The monarchy of the school is determined by the ranks.
"Ayoko ng istorbo," at tiningnan ko siya ng matalim.
Tumawa siya ng bahaw. Hindi na lang ako umimik. Nagpatuloy ako sa pagkain habang may putak ng putak sa harap ko. Sarap lagyan ng pinggan sa bibig. I just eat, not minding the people around me but my thirteenth sense is at bay when an unlikely commotion erupted.
'Omg!'
'They're here they're here!'
'Girls get ready!'
Nagkatinginan kami ni Siren at nagpatuloy na sa ginagawa namin. Sila na naman 'yan panigurado. Lalong mas umugong ang mga bulungan at mas tumindi ang sigawan nang pumasok na ang Knightmares .
'Omg! Pahingi number mo Prince Zenon!'
'Kyaaah! Lord Ciel ang hot mo!'
'Oo nga! Ang cool mo din!'
'Omooo!! Prince Wolf ang panty ko nalaglag paki abot naman!'
'Make love with me Prince Aen! Kyah!'
Tiningnan ko lang ang eksena sa canteen, particularly him.
Hmm, why not try my plan on this one? I mentally sighed with my hideous idea. Take this as a payback for what you did to me at the Pint Bar Ciel.
Bigla akong tumayo at tinahak ang daan patungo sa counter. Bumili ako ng softdrink. Syempre binuksan ko' to nang pabalik na ako sa table ko. Pinangatawanan ko ang pagiging nerd. Tahimik na naglalakad sa gtna ng maraming estudyante habang nakayuko.
Busy silang lahat. Well I want this to be memorable. Kaya pasuspense akong naglakad at pasimpleng tinahak ang daan kung saan malalagpasan ko ang table nila. I secretly smiled viciously with my very naughty idea.
Pasimple kong pinatid ang sarili ko at nagkunwaring natapilok kaya tumalsik ang dala ko kay Ciel and viola! All eyes are on me.
"What the fuck!" malakas na sigaw ni Ciel.
"Oooohhh," sabay-sabay na saad ng Knightmares at mukhang nag-eenjoy pa maliban sa kaniya na naggningitngit. Napasinghap naman ang mga nakasaksi. In my peripheral vision nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Siren. Poker face lang ako at hindi na maipinta ang mukha ni Ciel. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa cafeteria.
"Sorry po," nanginginig kunwari kong saad sa kaniya habang nakayuko.
"Kung madadaan ang lahat sa sorry edi sana wala ng batas 'di ba, lampa ka na nga tatanga-tanga ka pa," nanggagalaiti niyang saad sa'kin habang hawak niya ang aking kwelyo. Aw ang cute niya magalit. May ganitong side pala siya. Lihim akong napangiti.
"Sorry po talaga lord Ciel," nakayuko pa rin ako.
Pang Oscars talaga ang aking drama.. Nasaan kaya si Siren, laglag panga na 'yon panigurado. This is not the typical me, I stooped my level too low but there is no harm in trying right.
"Look at me you loser," hindi ako tuminag at nakayuko pa rin ako. "I said, look at me!" dumagundong ang boses niya sa buong cafeteria at niyugyog niya ako.
Narinig ko ang mga bulong-bulungan.
'That ugly nerd is so dead!'
'How stupid of her!'
'Kulang ang buhay niya sa ginawa niya!'
'I know right!'
Ang ingay nila. Talupan ko kaya 'yang mga mukha niyo. Akmang titingnan na sana niya ang aking mukha kaso biglang tumunog ang cellphone niya. Bumulong siya sa'kin at hinigpitan ang pagkakakwelyo sa akin. Napalunok ako nang magkalapit ang mga mukha namin.
"Kung iniisip mong lusot ka na, well you're damn wrong," he hissed at umalis na. Sumunod naman sa kaniya ang Knightmares at katulad kanina ay nagkagulo na naman ang mga babae.
Nanatili ako sa kinasalampakan ko at nakayuko pa rin. But if you will looked at me intently I'm smiling viciously.
" I'll get you by hook or by crook Ciel of Knightmares. I'll make you remember me." I whispered.
I felt satisfied for what I did. Now we're even Ciel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top