Starfire
Luciana
Nakakabanas alalahanin 'yong kagabi. Aaminin ko, nang hinatak niya ako ay ang daming ala-ala ang bumaha sa aking isipan. Nagpahalik ako at nagpatulak, dilat na dilat ang mga mata ko sa ginawa niya pero hindi ako umimik sa kadahilanang namiss ko ang presensya niya. Oo umasa ako, tanga na kung tanga mahal ko 'yong tao.
Pero nang nagsalita siya gamit ang walang buhay niyang boses na hindi tulad ng dati bigla akong natauhan. Oo siya pa rin yung Ciel na nakilala ko, ang hangin, ngunit 'di maipagkailang hindi na niya ako nakilala.
Marami na ang nagbago, masakit man aminin pero parang 'di na matutupad ang pangako niya sa'kin.
"A penny for your thought, leader?" biglang sulpot ni Starfire sa aking tabi. Nasa may pool area kasi ako ng Phoenix headquarters. Kita mula sa kinauupuan ko ang itim na kalangitan na kumikinang dahil sa mga bituin na nagsikislapan. Kahit artipisyal lahat ng nasa Underworld Realm City ay parang totoo pa rin ang nasa kalangitan nito. Napakanakakahanga talaga ang O'Hara Tech Industries.
Nakaupo ako sa may hagdan ng pool kaya mula sa tuhod ko at pababa ay nasa tubig. Katabi ko naman ang isang bote ng alak na kanina ko pa naubos. Tumabi siya sa'kin at inilapag niya ang dalawang wine glass at isang bote ng lady's drink. As always, Starfire is not a heavy drinker.
"Yo Starfire," nanatili akong nakatingin sa mga bituin at hindi ko siya nilingon. Nakinuod na rin siya at gumaya sa'kin na tumingala.
"Siya na naman ba?" tanong niya sa akin matapos ang ilang minutong pananahimik. Tumawa ako ng mapakla bago sumagot, "Sino pa nga ba."
"You should forget about him, leader. You are not being yourself," nilangkapan niya ng biro ang pahayag niya. But I could sense that he is just making the mood lighter.
"Gago ka talaga kahit kailan Starfire." Magaan ang boses na saad ko. "Gwapo naman," bawi niya.
Nagkatawanan kami, nilingon ko na rin siya. Maaasahan ko talaga 'tong gagong 'to. Ang pagiging kengkoy niya ay sa akin lang niya pinapakita pero sa harap ng marami napakaseryoso at nakakatakot niya. Kaya siya ang pinili kong second in command ng Phoenix. Tumingin ako sa mga mata niya at bumuntong hininga. Tumingala ako ulit sa kalangitan.
Biglang umihip ang malamig na hangin kaya isinayaw nito ang aking buhok. Napatigil ako sa pagtawa at seryosong tumingin sa repleksyon ko sa tubig.
Hangin. At bumaha na naman ulit ang mga ala-ala na parehong masaya at malungkot. Randam ko ang panunubig ng aking mata sabay ang pag-aagaw ng pula at normal nitong kulay.
"Ayos ka lang?"
Sa halip na sagutin ang tanong niya ay hinayaan kong makita niya ang pagpatak ng masaganang luha mula sa aking mga mata. Kahit anong pigil ko ay pumapatak pa rin ang mga luha kaya hindi ko na'to pinigilan sa pagpatak.
Minsan, ang pag-iyak ay ang pinakasimbolo ng katatagan. Ang pagtago ngnararamdaman o ang pagtakbo mula rito ay magdudulot ng kapahamakan sa sarili.
"Alam mo ba Starfire, it was very sudden and it was magical."
I'm pertaining the time when we first met.
Me, the White Family's heir.
Him, the Dark Family's heir.
Tears keep on falling from my eyes. Hindi na rin sumagot si Starfire. He just remained silent because he knew all I needed is his presence alone.
Starfire
Nanatili akong tahimik, ito ang pangalawang beses na nakita ko siyang umiyak. Una ay 'yong namatay ang pamilya niya tapos ngayon. Ang tuluyang pagkalimot ng minamahal niya sa kaniya.
"Starfire, masakit 'yong ikaw na lang yung nakakaalala at nakakaramdam. Akala ko manhid na'ko sa sakit."
Nilapitan ko siya at niyakap, kahit sa ganitong paraan man lang ay maibsan ang sakit na nadadama niya. It is not everyday that the Underworld Goddess of the Realm will cry in front of you. I'm thrilled to witness but I am not happy to know she's hurting. I cared for her in my own way
"Hey stop crying leader," iniharap ko ang mukha niya sa'kin at pinunasan ang mga luha niya gamit ang hinlalaki ko.
"Lecheng luha naman kasi 'to, bakit ayaw tumigil!" marahas niyang pinunasan ang mukha niya kaya pinigil ko ang kamay niya. At doon ko nakita ang taranta sa mga mata niya, hindi siya sanay na may nakakakita sa pagluha niya. Kilala ang Underworld Goddess bilang simbolo ng takot sa Underworld Realm.
"Leader, hey listen to me. Don't give up without trying," marahan kong pangongonsola sa kaniya.
Tinitigan niya ako kaya nagpatuloy ako sa aking sinasabi. "Gumawa ka ng paraan. Let him remember you in your own twisted way." magaan ang aking boses.
"I can't possibly do that," nag-aalangang sagot niya sa'kin.
"Why?"
"I .. I just can't," bulong niya sa kaniyang sarili pero narinig ko pa rin ito. For the first time I saw her doubt herself.
"Coward," pagsasaboses ko sa aking nakikita sa kaniya. "Anong sabi mo?" tumayo siya at humarap sa'kin, galit na galit, ayaw niya kasing tinatawag na duwag.
"Backing out like you're planning to do speaks for it kahit saang angulo tingnan, duwag ka leader. You should at least take the risk of being hurt than regretting it, you understand?" nabigla siya sa aking sinabi.
"Better safe than sorry," mahina at nakayukong sagot niya sa'kin.
"Listen to yourself leader! Ikaw ba talaga 'yan Fallen Angel? Playing safe won't take you anywhere because trying is your ray of hope!" bago pa siya makasagot ay iniwan ko na siya sa pool area. She needs time to rethink.
She must learn to stand still for her feelings before it's too late. May mga disisyon tayong dapat panindigan.
Nagtuloy-tuloy ako papasok sa pribado kong silid sa headquarters. Nadaanan kong nakaupo si Dark Phoenix sa sulok habang tulog si Death Stalker. Si Siren naman ay may kung anong binubutinting sa laptop niya. Ang mag nobyong Nightwind and Sprite ay naglalampungan sa sofa. Pumasok na ako sa silid ko at kinuha ang itim na sobre. Isa 'tong misyon mula sa kataastaasan ng White Family. Tulad ng nakagawian ng grupo sa loob ng isang taon, papatay na naman kami ng isang malaking isda sa gobyerno ng Pilipinas. Lumabas ako ng silid at tinira ng dart ang maliit na espasyo sa nag uusap na sina Nightwind and Sprite.
"The fuck dude!" bulalas niya. Sprite just chuckled at her boyfriend's reaction.
"Ang landi niyo kasi," bumungisngis naman si Siren.
"Misyon ba 'yang hawak mo?" tukoy ni Dark Phoenix sa hawak ko.
"Gisingin niyo na rin ang malanding tulog na 'yan!" utos ni Siren at tumayo para kunin ang mga inbensyon niya. Nagsitayuan na rin sila para kunin ang mga maskara nila.
"Wake him up Phoenix pupuntahan ko muna si leader," turo ko kay Death Stalker na tulog pa rin. Umiiling na umalis ako ng headquarters para puntahan si leader sa pool area. Siguro naman ay kumalma na 'yon ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top