Scripted Tears

Kharmaine

"Miss O'Hara to the office now," singit ni Ma'am Santos nang paalis na siya sa room namin. Alam kong pinatawag kami ni ma'am dahil pag-uusapan ang roleplay. Lumingon ako kay bheshy na kasalukuyang nakatanaw sa labas ng bintana. Ang lungkot ng mga mata niya. It's like a sea that is too deep to know what it holds, a forgotten mystery.

Kinuhit ko siya upang ipaalam na aalis muna ako.

"Bheshy una ka na do'n sa botanical garden ah pinatawag pa kasi ako ni Ma'am Santos, doon daw gaganapin ang orientation ng mga transferees at freshmen for the upcoming Rank Examination."

Naghintay ako ng response niya pero tumayo na lang siya bigla at walang lingun-lingon na umalis, bastusing bata.

Tumayo na rin ako naglakad papunta sa office ni Ma'am Santos. Pagkapasok ko ro'n ay muntik nang manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lahat ng nasa Star Section. Pagsinabi kong lahat ibig sabihin pati Knightmares nando'n kaya malamang sa malamang nando'n ang pervert na aso.

I composed myself immediately at nagtuloy-tuloy na papasok.

"Good thing that we are complete. Now let us proceed to our main agenda, the fusion of Star Section and Section One for this event. To commemorate this we will have a role play to be lead by Ciel Loong from Star section and-"

Hindi natuloy ni ma'am ang nais niyang sabihin nang may biglang nabasag na ashtray, hindi na ako lumingon. I saw it in my peripheral vision. Ciel Loong , the hot-headed leader of Knightmares, threw that ashtray a few inches away from Ma'am Santos' feet.

"Please refrain from disturbing me Ciel Loong if you are not interested get your ass up from the couch, walk away and drive yourself to hell," napa 'ooh' ang mg Knightmares sa mapangahas na sinabi ni ma'am.

Ang iba ay nanlalaki ang mata. Madalang pa sa patak ng ulan na may bumangga sa kinatatakutan na leader ng Knightmares. At sa mga matatapang na 'yon, iilan lang ang nabuhay para ikwento ang mga nangyari sa kanila.

I am very entertained. Si ma'am binangga ang kinatatakutan ng Dark High, bago pa kasi 'to si ma'am kaya kawawa talaga siya sa maaari niyang danasin. Sintaas ng Statue of the Liberty pa naman ang ego ni Ciel Loong. Hay naku!

"Hell? That would be your life once you step off from your office, old hag." umalis na siya pero bago tumayo ay binalibag niya ang center table. Isa pa 'tong bastusing bata. Tahimik lang kami, 'yong iba walang pakialam kahit tensyonado na ang paligid, popcorn!

Pero bago pa tuluyang maka alis ng office si Ciel may sinalo siyang blade gamit ang dalawa niyang daliri habang nakatalikod. What the heck! Sabay kaming napalingon kay ma'am na nakangisi lang.

"Try me," Ma'am Santos said.

This roleplay will be one heck of a bumpy ride.

Luciana

Kulang na lang isumpa ko si Kharmaine. Nagngingitngit ako dahil kanina pa ako nawawala rito. Nasa likod na yata ako ng college department nang mapansin ko na may nerd na nakaupo sa ilalim ng kahoy. Linapitan ko siya at tinanong.

"Saan ang direksyon papuntang botanical garden?"

Pero ang engot nito hindi ba naman ako nilingon kaya kinuhit ko na siya at napalingon naman siya sa'kin sabay tanggal ng earphones niya. May earphones pala kaya hindi ako napansin kanina.

"Ano nga ulit 'yon?'' he flashed a smile at me.

"'Asan ang direksyon papuntang Botanical garden?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Kung 'di ka lang naka eyeglass pagkakamalan kitang masungit," bakit ang layo ng sagot nito.

"Saan nga Mister," nang titingnan ko na sana ang I.D. niya ay wala akong makita para madugtungan ang sinabi ko.

"Seth Dyn," putol niya sa'kin at inabot na rin ang kamay niya sa akin. "Luciana Nightwalker," tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. His grip was firm.

"So the botanical garden huh? Good thing at tinanong mo ako tara sabay na tayo."

He led the way at honestly it's a few steps from where we're standing earlier. Pagdating namin nag-umpisa na sila kaya agad kaming pumwesto sa likod na wala pang tao. Seth sat beside me, kibale nasa right side ko siya. I am listening attentively sa naglead ng orientation, who knows it might help me set a plan for the Rank Examination kaya hindi ko na nilingon ang umupo sa left side ko, probably a late comer too.

"Quite busy Juliet huh?"

Saad ng isang pamilyar na boses sa aking tabi kaya marahas akong napalingon sa nagsalita and literal na nanlaki ang mata ko nang makita ko si Ciel Loong katabi ko with his smug look, what the hell is he doing here?

"The last time I checked you are not suppose to be here," alam kong nakikinig si Seth pero hindi ko siya pinansin. Hininaan ko ang aking boses.

"And the last time I checked, you do not own the place. We have a script to practice ksp girl who turns out to be my Juliet. Now I wonder, sinabotahe mo ba si ma'am halimaw para makapartner ako? Hindi ako pumapatol sa mga uri mong mga desperada," binigyan niya ako ng isang tinging nanunuri at tumayo na siya.

Nagsisunuran naman sa kaniya ang Knightmares. Bago makalayo ay tinapon niya sa sahig ang mga script kaya nagkalat ito habang ako ay naiwang tulala. His voice, ang lamig. At saka pumunta lang ba siya para sabihin 'yon sa'kin? I didn't know he could be this cruel.

"Are you okay?" Doon lang ako natauhan at dali-dali kong pinulot lahat. Tinulungan naman ako ni Seth sa pagpulot at nang ayos na ang script ay tumalikod ako bigla.

"Luciana!" tawag niya sa akin.

I didn't look back nor reply because I knew my voice might crack and tears will start to drop. I am the Underworld Goddess. I should be immortal from pain but that would be a big joke even I, will cry.

A sad reality. I run as fast as I could not minding the people around me. Dumiritso ako sa dorm building pero napasandal na lang ako sa dinding ng hallway nang maalala ko ang isang linya mula sa script na nabasa ko no'ng pinulot ko 'to kanina.

"I am waiting for you; I will always wait for you, my Romeo."

That line, can I revise it? Hindi naman siguro magagalit si Ma'am Santos. A little revision will do because honestly kapag babasahin ko 'yan I am one hundred percent sure na iiyak ako sa harap ng maraming tao. That line seems to stab me from within. Totoong naghihintay ako at patuloy na naghihintay na maalala niya. Kaya nga ako nandito sa Dark High 'di ba.

Bakit mo kasi ako kinalimutan? 'Yong pangako mo, akala mo ba hindi ko naalala? Hangin kita 'di ba? Hindi iiwan ng hangin ang puno.

Hindi nga ba? Ang puno sa iisang lugar lang 'yan habang ang hangin palipat-lipat ng lugar pero nangako ka sa'kin diba? Ikaw ang hangin na palagi kong mararamdaman.

I closed my eyes as tears drop freely from my eyes. Nang biglang may puting panyo akong nakita na ipinupunas sa luhaan kong mukha, who on earth?

When I looked at that someone's face.

"Ang pangit mong umiyak," walang emosyong saad niya sa'kin. I sensed that this is his way saying he's sorry. Alam niya na nasaktan niya ako? How? Mula sa kinasasadlakan ko ay nakita ko sa malayo si Seth at tahimik siyang kumaway sa akin bago tumalikod at umalis. Sinabi niya kaya kay Ciel na umiyak ako?

"Alam ko, practice lang 'to asa ka." hindi ako makatingin sa kaniya nang isagot ko ito sa kaniya.

"Dumb ksp girl."

Ano? Ako? Dumb?

"I can't believe that I shed tears with that stupid script," I cracked a joke which made us smile.

But in reality, these tears are not scripted.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top