Rank Examination

Luciana

Tinatamad na bumangon ako at naghanda para pumasok, tiyak na tambak ang gawain. Bago ako umalis sa aking silid ay tiningnan ko ulit ang kalendaryo, two weeks na lang at prelim na. Two days ang Prelim. Ang unang araw ay puro exam at ang ikalawang araw ay inaabangan ng lahat.

Prelim second day or also known as the Rank Examination.

Iba ang epekto ng Rank Examination sa pandinig ko. I know it's the devil inside me but I managed to control it and shrugged it off my system. Kinuha ko na ang lalagyan ng gitara at isinilid do'n ang Enraiha. Kung titingnan mo lang ay parang ordinaryong lalagyan ng gitara lang at syempre may lamang gitara, malamang. Pero ang totoo, ang Enraiha ang laman nito. May passcode din ito para sa mga taong may makakating kamay.

Pagtingin ko sa relos, two minutes late na'ko kaya patakbo akong umalis ng dorm building at mabilis na tinahak ang College Building. Minsan naiisip ko na may sayad ang ang nagpangalan ng paaralan na'to aba't tinawag na Dark High tapos may College Department.

Kung oobserbahan mabuti, bagay ang salitang dark dito, foggy place kasi ang paligid. Maybe because of the fact that this school was surrounded by forest. Kaya mahamog talaga siya kahit tirik na tirik ang artipisyal na araw. Kung normal lang siguro akong tao ay siguro 'di na'ko papayag na mag isang maglakad dito pero hindi ako isang ordinaryong tao.

For me this place is the kind of place that will envelope my sanity. 'Yan din siguro ang isa sa rason kung bakit hindi ko pinili ang Light Academy, ang aking paaralan. Pag-aari ito ng Shiranui family. These past few weeks, naging happy go lucky lang ako at nagpakareckless sa lahat ng aking galaw.

I almost forget that I , Fallen Angel, is a versatile warrior and I am the Underworld Goddess. I decided to put my plans into actions. Just wait and see, until I will utter the word "Checkmate, traitor."

Mabilis akong lumiko at naglaho sa dilim.

Kharmaine

Nasaan na ba ang babaitang 'yon? 'Di siya pumasok sa first and second class, oh my gee na talaga! I am so worried! Ilang beses ko na nilibot ang College Department, well not really, 'di ko pa napuntahan ang uppermost part which is the Rank A section. I was supposed to be there being a Rank A and all.

Ayoko sa section na 'yon, ayoko makita ang tsonggong 'yon namely Wolf Lycan. Kumukulo talaga ang dugo ko tuwing nakikita siya.

Bumaba na'ko sa College Department building at nagtungo sa Cafeteria. Napabuntonghininga ako pagkasakay ko sa elevator. Dapat nasa third class na si bheshy dahil do'n na ididiscuss ang details about roleplay.

Hindi sa pagiging pakealamera pero sinabotahe ko ang pairings, one of the perks of being a Rank A student. Napabungisngis ako sa aking isipan nang maalala ko kung pa'no ako nakiusap kay ma'am.

That incident in Predator's Lane made some of my questions for Luciana to become clearer. Nakita ko ang ginawa niya at hindi lang 'yon basta halik lang ang nangyari though naapektuhan din naman siya na kinatawa namin, there was more in that kiss that met the ordinary eyes. She verified her feelings, mahal niya ang kalaban namin at ngayon ko lang napagtanto 'yon. Hindi rin naman masisisi ng Phoenix ang pakikialam ko. After that incident one year ago, ang daming nagulo.

Sakto namang pumasok ako sa cafeteria ay nahagip ko agad si bheshy sa sulok na pinagtitinginan at pinagtsitsismisan.

'Di ko naman sila masisisi, kung 'di ko lang 'to kilala baka isa rin ako sa titingin sa kaniya nang nakakaloko. Nakaupo kasi si bheshy sa the usual seat niya rito sa canteen at naglalaro ng chess. Well 'di naman to weird. What's weird ay ang maglaro siya mag-isa! Nakanerd get up na nga siya eh may nakasandal na lalagyan ng gitara sa upuan niya at seryoso siyang naglalaro ng chess. Alone.

How weird can she get? I slapped my face mentally and dahan-dahang lumapit sa kaniya mula sa likod. I am trying to sneak behind her back.

"What do you want?" tanong niya sa'kin kahit 'di ko pa siya kaharap. See? May thirteenth sense kasi 'yan dahil isa siyang highest level S class warrior ng Underworld Realm tulad ko.

That four words question sent shivers to my body. Oops! Mukhang bad mood ang lukaret kaya shut up muna ako.

"Ah ey sinasamahan ka?" patanong din na sagot ko sabay upo sa harapan niya.

Sinenyasan ko na lang ang waiter para lumapit sa'kin, 'di ko feel ang tumayo at pumila. I ordered foods good for two at dumating naman 'to after a few minutes.

"What are you doing?"

Bakit trip niya maglaro mag isa? Noong nasa mansyon pa siya ng mga Nightwalker ay madalas ko rin siya makitang naglalaro ng chess mag-isa.

"'Di mo ba nakikita o sadyang tanga ka lang talaga?"

Taray naman nito.

"Ang creepy mo kaya niyan bheshy!"

"Edi umalis ka."

"Joke lang ito naman 'di na mabiro. Enjoy nga eh!" tumawa ako ng pagak.

Tiningnan niya lang ako saglit pero napalunok ako. Parang mga bubuyog ang mga tao sa cafeteria dahil nakipag-usap ako sa isang nerd. Kilala ako rito bilang misteryosong rank A. At dahil rank A ay maraming gustong makipagkaibigan sa akin pero hindi ko sila pinapansin. Napatingin ako sa aking relos, fifteen minutes na lang at third class na.

"Ano plan mo sa darating na Rank Examination bheshy?" ngumunguyang tanong ko sa kaniya. At nang tingnan ko siya sa kaniyang mga mata ay doon na ako napahinto.

Her eyes, her eyes reflected sufferings that no one could decipher what it bares.

"Simple, I'll slash anyone who will be in my way." sa pagkakasabi niya parang sinabi niya lang na bilog ang mundo. Walang emosyon. Walang alinlangan. Para siyang makina na naka-set nang pumatay. Oo mamamatay tao rin ako. Oo may pinagdaanan din ako pero alam kong mas malala ang kay bheshy.

"Anyone? Even him? " makahulugan kong tanong sa kaniya. That made her freeze for a moment.

"Anyone. Though there is always an exception in every rule," tumingin na siya sa'kin at ngumisi. Tinabig niya ang King of Black habang hawak niya ang Queen of White at ipinalit sa pwesto ng King of Black na tinabig niya kanina.

"Tenzegen," bulong niya sa'kin at nakita ko sa loob ng ilang segundo, pumula ang mga mata niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top