Predator's Lane

Luciana

Kasama ko ngayon si Karmy at Carol sa Pint Bar with our masks on. Kahit nakaupo ay kitang-kita pa rin ang takot sa mga taong andito sa bar. Ramdam nila ang rumaragasang aura ni Carol aka Sprite, kilala bilang isang Class S++ warrior na miyembro rin ng Phoenix. Hindi ko alam kung anong problem nito at basta na lamang siya nag-aya na makipag-inuman matapos ang training.

"Hey Carol anong problema mo? Ba't parang pasan mo ang mundo? 'Yong totoo?" Karmy laughed in a mischievous manner, trying to lighten up the mood.

" 'Yong totoo, pwet ba ng manok yang bunganga mo Siren?" inisang lagok lang niya ang whisky.

"Ang hot mo naman Sprite para nagtatanong lang eh." hula ko nakanguso na 'yan, obvious masyado kahit naka mask pa siya.

Tahimik lang kami sa sumunod sa oras, 'yong aura ni Sprite pamatay. Kaya tikom ang bibig ni Karmy, naramdaman din niya 'yan panigurado. Habang ako ay walang pakialam.

"Hey girls, drag race tayo?" I said breaking the ice. Ang bigat ng atmosphere. I waited Carol to open up, even Karmy waited too but it seemed that she didn't want to brag about it. Siguro ay away magnobyo. Ano na naman kaya ang ginawa ni Nightwind?

"Eh makakaya pa kaya niyang isa d'yan bheshy?" nag-aalangang saad ni Karmy habang nakanguso kay Carol na tulala.

"She love drag racing Siren," nababagot na sagot ko kay Siren. Simula nang magkakilala kami ni Siren ay drag racing na ang naging hobby naming. And that was long time ago.

"Not with her condition bheshy," pilit niya.

Sumama pa ko dito akala ko 'di boring. Nakakagago tumambay sa dorm. Tumayo na'ko at nagsimulang maglakad palayo. Wala rin naman pala akong mapapala rito. Ang anumang pagpigil ni Siren ay hindi ko na pinakinggan.

SA pag-alis ko ay pumunta ako sa Predator's Lane, the most dangerous part of the Underworld Realm City. Dito sa Predator's Lane ang tambayan ng mga taong halang ang kaluluwa.

Parang maliit na gubat lang ito sa gitna ng Underworld Realm City, pinagigitnaan ng dalawang mansyon ng Shiranui at Loong Family. Mabaho rin dito dahil sa mga patay na katawan na hindi na kinain ng mga aso, sobrang dami na kasi ng mga patay dito araw-araw. 'Di din naman to nakaka apekto sa syudad dahil napapalibutan to ng matatayog na steel walls.

Bakit ako pumasok dito? I just wanted to satisfy my need, my need of blood, of flesh, of death and fear.

"Hey sexy, you lost?" May isang lalaking nakaputi lahat pati maskara ang lumapit sa'kin. May dalawa siyang katana na nakasukbit sa likod, isang ninja. Namiss ko tuloy bigla ang Enraiha.

Tinitigan ko lang siya, I'm not wearing my contact lens kaya kitang-kita ang pula kong mga mata.

"Fuck off." I said as calm as possible kahit sa totoo niyan ay gustong kong ihiwalay ang ulo niya mula sa kaniyang katawan.

I need to calm the devil inside me. Inihagis niya ang mga kunai sa'kin. I s dodged it with very less effort. Pero ginamit niya iyon bilang tsansa para bunutin ang mga katana niya at sinugod ako.

Mabilis siya. He tried to punch me on my face pero I countered his attack by grabbing his right hand sabay hila papunta sa direksyon ko. At tinadyakan ko na siya kaya napasalampak siya sa kahoy. Nakita ko kung pano siya umubo ng dugo.

Ang dami na ring nanunuod sa'min at may sumali na rin. Bumangon ang ninja pero may mga sumugod din sa'kin sa likod ko. Sabay-sabay silang sumugod sa'kin. Yumuko ako dahilan para masuntok nila ang isa't-isa.Tinapid ko din silang anim at kinuha ang mga kunai sa bulsa ng nakaputi nang 'di niya namamalayan.

I threw a kunai at the lamp post that served as the sole light to the whole Predator's lane in a matter of a split second. Automatic na nagdilim ang buong Predator's Lane. Tumuntong ako sa sanga ng puno na matatagpuan sa pinakagitnang bahagi ng Predator's Lane.

Kung ordinaryong mga tao lang siguro ang nandito sa Predator's Lane siguro takot na ang unang mararamdaman nila pero iba sila. Malinaw kong nakikita gamit ang pula kong mga mata ang mga pangyayari. May ibang nagpapatanayan na, sinasamantala ang dilim. The smell of blood was all over the place.

Tiningnan ko ang artipisyal buwan.

How nostalgic.

Bumaba na'ko at pinulot ang katana ng lalaking aking nadaanan. Ang buwan na tanging nagbibigay ng liwanag sa buong Predator's Lane ay natabunan ng isang makapal na ulap kaya kumalat ang dilim sa paligid.

Ang crimson eyes ay malinaw na nakikita ng lahat na mas lumilitaw ang ganda dahil sa dilim ng kapaligiran. Huminga ako ng malalim at mabilis na sumalakay sa aking mga biktima. Ang una kong nakitang grupo ay sa tingin ko'y mga tauhan ng pamilya namin. What on erath are they doing here?

I slashed the nearest person to me. Gulat na tumingin sila sa'king mga mata. They must have recognized me.

"Lady Shiranui, you're back." nanginginig na saad niya sa'kin. Siguro ay sila ang kumokontrol dito noong wala pa ako.

"Goddess," yumuko sila sa'kin. May takot sa mga mata nila. Bumuntong hininga na lang ako. I wanted to kill them. Pero baka mapatay lang ako ni Tandang Seiryo. Ibang grupo na lang bibiktimahin ko.

"Sui," malamig kong sambit sa pangalan ng tumatayong leader ng grupo.

"Yes, Goddess ?" may bahid ng takot na sagot niya sa'kin.

"Ipuslit mo ang Enraiha. Once we crossed path again here in Predator's Lane I will not forsake you kahit na kayo ang mga reapers ng pamilya namin." may babala sa aking boses. Agad silang sumagot, "Tenzegen!" At tuluyan na akong naglaho sa dilim.

One year ago, walang nangahas na pumasok sa teritoryo ko, ang Predator's Lane. Ayon sa mga kumalat na balita, isang mabangis na hayop ag nakatira rito na may pulang mata. Red eyes that they believed to be the gates of hell, to the eternal sufferings. At ako ang hayop na tinutukoy nila.

That's why I named it the Predator's Lane. Kasi ako ang halimaw na kikitil sa sinumang tatapak sa teritoryo ko.

Tahimik akong naglalakad sa gitna ng gubat habang nasa kaliwang kamay ko ang espada na pagmamay-ari ng assassin kanina at nasa kanang kamay ko ang puso ng assassin.

Huminto ako .

"Pagmamasdan mo lang ba ko at hindi mo ko lalabanan," mababa ang tonong tanong ko sa gitna ng gubat. Nasa kanan ko siya, nagtatago sa puno ng Narra at sinusundan na ako simula no'ng pagkapasok ko lang dito sa Predator's Lane.

Hindi siya sumagot pero ramdam ko sa lupa ang tahimik na mga yapak niya.

"What the hell!" sigaw ng lalaking kanina pa sumusunod sa'kin. Nasa likod na niya kasi ako. His both hands are captured by my left hand and I'm holding a kunai near his throat.

"You're the Knightmare's underling right?" bulong ko sa kaniya. Nakita kong nagsitayuan ang mga balahibo niya. "So what if I am?" sagot niya at sinubukan akong ibalibag.

Wrong move, idiot.

Dahil sa gumalaw siya nagilitan siya ng leeg. Napatay tuloy siya ng 'di oras. Stupid. Biglang may mga kunai at shurikken ang nagsiliparan papunta sa direksyon ko kaya mabilis ko silang sinalo at sa loob ng dalawang segundo ay ibinalik ko ang atake nila sa'kin. Aiming for their eyes.

Marahil ay 'di nila napansin ang counter attack ko kaya isa-isa silang nahulog sa mga sangang kinatutungtungan nila. Two hundred meters away from me.

Ito ba ang third class underling nila Ciel? Lumapit ako sa kanila. Nasa kaliwang kamay ko ang ulo ng lalaki kanina at sa kanang kamay ko ang katana.

"Die." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top