Kaya Mo Ba Akong Patayin?

Luciana

Tahimik akong sumusunod kay Tandang Seiryo, lahat ng dinadaanan namin ay yumuyuko. Dumaan kami sa malahiganteng painting na may drawing na babaeng nakatupis ng puti at may dalang espada, which is very familiar at isang pulang pares ng mga matang nangungusap. Magulo ang buhok pero maganda siya sa larawan.

Napansin yata ni tanda na tumunganga ako sa painting. Sa tagal ko na rito, ngayon ko lang pinagtuunan 'to ng pansin.

"Lucy apo, halika na. We have something to discuss," nagpatuloy na siya sa paglakad kaya sumunod na'ko.

Sa isang library kami napadpad, hindi ako madalas dito dahil mas madalas ako sa Devil's Tongue nagsasanay. Pumunta si tanda sa isang shelf at may hinanap na libro yata. Nakita kong itinulak niya ang isang libro at biglang bumukas ang dingding kanina. Naalala ko tuloy no'ng tumakas kami ni Ciel at yung painting ang ginalaw niya.

Pumasok kami, madilim ang paligid pero bawat daanan ni tanda ay umiilaw naman ang mga torch.

May opisina pala si tanda sa loob, mala-ancient style ito. Umupo kami sa couch na luma na base na rin sa disenyo. May isang makapal na aklat siyang iniharap sa'kin.

Nang buksan ko ito ay nakita ko ang larawan ng Enraiha. Paanong?

"'Yan ang Enraiha mo, apo. Nakikita mo ba 'yang babae na may hawak sa Enraiha? 'Yan ang bunsong anak ng pinakaunang pamilya ng Loong, siya si Lucia at ang nakakatandang kapatid nito ay isang lalake. Ang napangasawa ng bunsong anak na babae ay ang pinaka mortal na kalaban ng Loong, ang Shiranui clan mula Japan. Kahit labag sa pamilya ng Loong at Shiranui ay naikasal ang dalawa. Biglang pumanaw si Lucia at ang pinagbintangan ay ang ninuno natin. Sa sumunod na araw ay natagpuan si Cameron na patay na at ito ang dahilan kung bakit poot ang naging pinaghugutan ng loob ng angkan ng Shiranui upang maghiganti." lumagok si tanda ng wine at tinitigan ang painting sa pinakagitna ng silid. Ang unang pamilya ng Shiranui kasama si Lucia na may kalong na batang lalaki.

"Ito ba ang ipinunta ko rito sa White Mansion? To know my ancestors?" sarkastiko kong tanong kay tanda.

"Certainly not, apo, I wanted to remind you the deep hatred between our families and also to inform you that the Mercenaries Society are on the move. Ayon sa spy natin, aatake sila sa koronasyon mo bilang the next Head ng White Family kaya babaguhin natin ang petsa ng iyong koronasyon." nakangising sagot ni tanda na ikilunok ko ng dalawang beses.

"Don't tell me."

Isang malagim na ngiti ang iginawad ni tanda sa akin. He is starting a war and he is using me!

"Apo, apo, apo. You know me better more than anyone else."

Of course, Seiryo being Seiryo, always the deceitful one.

" Now what's the plan?" kinuha ko ang isang kopita at nagsalin ako ng wine. "The legacy of our family is to continue the hatred that kept us on the top," hinugot niya ang isang espada mula sa baston niya at itinuro ito sa'kin. He is testing my loyalty and my resolve.

"What do I have to do to continue the legacy?" hinawakan ko ang katanang nakatutok sa'kin. Has it something to do with me being the last heir?

"So you're in for my challenge?" nakakalokong ngumisi siya sa'kin. Hinigpitan ko ang hawak sa espada dahilan upang tumulo ang dugo mula sa kamay kong nasugatan.

"Tenzegen," tanging sagot ko. "Good, as expected from my heir. Now I hope I enlightened you about the little trip to memory lane."

Tumango lamang ako.

"This is an all out war Fallen Angel, a legacy that is bound to us since a Shiranui was born. Ngayon. Ikaw ang may hawak ng Crimson Eyes, misyon mo ang ubusin ang kanilang lahi," humalakhak siya at nanlamig ako bigla.

Ubusin? Pati siya?

Kakayanin ko ba?

NASA Predator's Lane ako ngayon matapos akong patagong umalis sa mansion. Hoping to stain my hands with blood for hours already .Pero maliban sa mga assassins ay wala na akong nasagupang iba.

"Uy brad! Andito 'yong Knightmares!"

"Talaga? Tara hamunin natin!"

"Sira ka ba! Nararamdaman ko si Fallen dito! Gusto mo bang mamatay?"

Napangisi ako sa huling sinabi ng mga nagbubulungan. This is what I like here in my nest. Everyone is strong. Good enough for my hunger to see death.

Knightmares, may apog pa kayong tumungtong sa lungga ko.

Mabilis akong tumuntong sa sanga ng puno at nagpalipat-lipat sa bawat sanga na matalunan ko. Animo'y hangin ako sa bilis na halos hindi na ako makita ng isang ordinaryong mata.

Natanaw ko na sila dito mula sa pwesto ko. I smirked mentally nang lumingon bahagya si Ciel sa banda ko. Not bad. Let the hide and seek begin!

Pinitik ko ang kanang kamay ko at biglang dumilim ang paligid. Pumikit ako at nilasap ang hangin na isinasayaw ang buhok ko at uniform. Kinuha ko ang itim na tela at itinali sa mukha ko dahilan upang mata ko na lang ang nakikita. Dahan-dahan akong dumilat. Tanaw ko sila mula rito, hindi sila natinag sa mga pwesto nila pero alam kong alerto ang buong sistema nila. Plus, they also felt my murderous presence.

Like the old times I scattered the cards in the air. May natamaan at may nakailag. Dahan-dahan kong hinugot ang Enraiha. I miss my sword buti nadala ko 'to nang umalis ako sa White Mansion.

A few moments ago

Pabagsak akong humiga sa malaking kama. I need to change my plan, a major revision it is. Iidlip na sana ako kung hindi ko lang naramdaman ang isang presensya. Mabilis akong kumilos.

"Why are you here?" bulong ko malapit sa teynga niya. Nakita kong nagsitayuan ang kaniyang mga balahibo. Pinilit niyang paghiwalayin ang mga tuhod ko pero bigo siya.

"Speak when I'm asking," may diin kong utos sa lalaking 'to.

Nanginginig na tinuro niya ang isang mesa. Doon ko napansin ang nakapatong sa mesa. Sinapak ko muna siya bago bitawan kaya napanawan siya ng ulirat, ang Enraiha .

Kung ganoon 'yong lalaking umatake sa'kin ay ang lalaking inutusan kong kunin ang Enraiha sa tagong parte ng mansion. Si Sui.

Hiniwa ko ang aking daliri gamit ang Enraiha at dinilaan ko ito. Mas pumula ang mga mata ko. I wanted to be sane because I have a game to play. With that thought I just smiled devilishly.

Tumalon ako sa harap nila. Alam kong nagulat sila pero agad 'yong nawaglit at napalitan ng nakakakilabot na aura. Pinantayan ko ang aura niya kaya kumakapal ang tensyon sa paligid.

"The ohlala hot boss of Predator's Lane is here," pasipol na saad ni Wolf. Tama nga si Siren makati nga siya. Kung putulan ko kaya 'to ng pagkalalaki? 'Di bale na, mas gusto ni Siren na siya mismo gagawa no'n .

"Underworld Goddes," mapanindig balahibong saad ni Ciel. Without answering him, I gazed at him with burning passion.

"'Yan pala ang Crimson Eyes, ang counterpart ng Angel's Eyes ni Lord Ciel." nakahawak sa baba na sambit ni Aen habang nakatingin sa akin.

Inikot ko ang Enraiha at at pinagdikit ang dalawang hawakan ng dalawang espada at inikot ng sabay sa magkasalungat na direksyon. Nabuo ang Saiha, ang ikatatlong anyo ng Enraiha. Pero agad ko ring pinaghiwalay ito at mula sa pagkakadikit ng mga espada ay may lumabas na kadena na nag-uugnay sa dalawang hawakan ng mga espada. At ito ang ika-apat na anyo ng Enraiha, ang Shukin.

"I will give you a token for visiting here in my place," walang emosyon kong titig sa nagliliyab na mga mata ni Ciel. Masakit. Kaya mo ba ako patayin Ciel? Kaya ba kitang patayin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top