Fated Encounter
Ilang oras na rin ang nagdaan simula nang umatake kami sa walang kamalay-malay na Loong Clan, ang pamilyang may hawak sa Dark Family. Gaya ng inaasahan ay mababa ang kanilang depensa at nakikita ko na ang pagkapanalo namin kaya naisipan kong huminto muna. Nasa isang sanga ako ngayon at tanaw ang binatang tumutugtog ng piano. Ang bawat pagtipa niya ay ang pagtibok ng puso kong naguguluhan sa kakaibang sensasyong nararamdaman. Bago ang pakiramdam na ito sa akin.
Curiosity? Interest? Hindi ko alam.
"Leader," pagtawag ng isang tinig mula sa likod ko. Hindi ko siya nilingon at nanatiling nakatitig sa pigura ng lalaki na tila ba hinipnotismo na ako nang tuluyan dahil sa aking nasasaksihan.
"Siren, order the Phoenix to stop. We have served our purpose. Fall back," utos ko sa isang miyembro ng Phoenix.
"Tenzegen," sagot nito bago biglang naglaho sa dilim matapos magbigay-galang.
Tinuon ko ang atensyon sa lalaking nakaupo sa harap ng piano. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin pero halata sa tindig nito ang kakisigan.
Halata rin sa piyesa niya ang kalungkutan at parang may sarili itong mundo na hindi pinapansin ang mga nangyayari sa paligid. Tila sinasabayan niya nang malungkot na kanta ang isa-isang pagkalagas ng mga re aper ng Dark Family.
Pa'no ko nasabing kalaban siya? Dahil na rin sa damit niya na may tatak ng pamilyang Loong — isang kulay ginto na dragon.
Bumaba ako mula sa sanga at dahan-dahang pumasok sa verandah ng kwarto ng lalaki, eksakto namang hindi ito naka-lock .
"Who are you?" malamig ang boses na tanong ng lalaki sa'kin. Hindi man lang ako nilingon.
Naramdaman pala niya ang presensya ko. May thirteenth sense ito kaya hindi ito basta-basta. Ang thirteenth sense ay ang kakayahang doblehin ang isandaang porsyentong kapabilidad ng 'five senses.'
Huminto na siya sa pagtipa sa grand piano at unti-unting humarap sa'kin. Napahinto ako bigla pero agad naman akong bumawi. Ang mga matang 'yon... "You're here to kill me, right?"
And now, he's staring at me. Chocoloate-colored eyes, dark as the night locks, jaws that matched his face, eyes that held thousands of secrets, an aristocratic nose, and a lip that is so inviting. I stepped away to stop my dirty thoughts. I should kill him now, a part of me argued.
"Obviously." Napalunok ako nang ilang beses nang sabihin ko 'yon kaniya. Another part of me wants to spare him.
Nga naman, sayang din ang lahi nito. I'm not a hypocrite. I recognize that he's indeed good looking. Sa katunayan, papasa na siya para maging artista. 'Yon nga lang ay hindi local artist. 'Yong tipong international na Asian.
Napalingon kami pareho nang may narinig kaming pagsabog. Hula ko ay nasa may garden nagmula ang tunog at nakikipaglaban pa rin ang iba maliban sa amin. Marami na rin akong napatay sa pagpasok ko sa mansyon kaya hindi na ako nakisali sa kanila sa ngayon at sinundan ko na lang ang tunog na aking narinig kanina. Naantig ng musika niya ang puso kong akala ko'y balot ng yelo.
May kung anong pumipiga sa puso ko nang mapagtanto kong damay siya sa slaughter.
Kinuha ko ang Enraiha na may mga bakas pa ng dugo. Pero parang hindi man lang siya natakot. I can't sense any fear from him and that makes me more frustrated! I want to see his face twisted with fear.
"Why aren't you afraid?" naguguluhan kong tanong sa kaniya. He just shrugged.
Ibinulsa niya ang kaniyang mga kamay na para bang naghihintay na lamang siya sa atake ko. Mas lalo akong nainis. He's underestimating me.
Hinugot ko ang Enraiha at sumugod sa kaniya. Die!
Hindi nagkaroon ng palitan ng mga suntok o sipa dahil puro iwas ang ginagawa niya. Tumalon ako sa taas niya at sinipa siya sa likod kaya tumilapon siya at napasalampak sa grand piano.
"Why? Why don't you fight back!?" inis na sigaw ko sa kaniya nang muli akongvsumugod. Hindi ko maintindihan kung para saan ang inis ko.
Nasugatan ko siya sa kaliwang braso niya pero hindi nagbabago ang kanyang ekspresyon. He is still staring blankly at me.
Nang akala ko ay hindi na siya sasagot ay doon naman niya ako ginulat. "Dying in front of a gorgeous reaper is not a bad way to die, don't you think?" nakangiti niyang sagot kaya napatigil ako sa pag-atake sa kaniya.
This is hopeless. Sino ba 'tong lalaking ito at hindi siya natatakot sa'kin? Simula nang trahedyong iyon ay nasanay na ako sa mga tingin ng mga taong maraming inaasahan sa akin. Sanay na akong kinatatakutan. Pero hindi ako sanay sa ganito — hindi ako sanay sa ngiti.
When was the last time that someone actually smiled at me? Five years ago? Seven years ago? I can't clearly remember.
"Umalis ka na lang. Hahayaan kitang mabuhay," saad ko sa kaniya at ibinalik na ang Enraiha sa sakuban nito.
Mababakasan ng pagtataka ang kaniyang mukha mula sa sinabi ko. Sino ba naman ang hindi magtataka kung pakakawalan ko siya? Ako si Fallen Angel o mas kilala sa bansag na ibinigay ng Nether City sa akin bilang Underworld Goddess, isang reaper mula sa kalaban ng pamilya nila ngunit ngayon ay hinahayaan lang siyang mabuhay? Nakapagtataka nga 'yon — maski ako ay nagdududa rin sa aking ginagawa.
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papunta sa pinto ng veranda ng naturang silid. Bahala na siya kung paano siya tatakas.
Subalit ang aking pag-alis ay napahinto nang magsalita siya bigla. "Teka, Miss Reaper! Ano ang totoo mong pangalan?"
Pangalan ko? Ibang klase talaga, ilang taon na rin ba simula nang marinig ko ang tanong na 'yan? Limang taon? Sampung taon? Sa sobrang tagal na ay parang nakalimutan ka na ang pangalan ko.
Luciana Shiranui, isang pangalan na iilan lang ang may alam. Nakakapanibagong may gustong malaman ang pangalan ko.
Humarap ako sa kaniya at tinanggal ang itim na telang nakabalot sa mukha ko kaya mas nagulat siya.
Taking off the satin covering my face is against the code of our family especially to me. But when did I even do a normal thing since meeting him a few moments ago?
"Guess," nakangisi kong sagot sa tanong niya na agad namang nabura nang ngumiti na naman siya. Lintik na ngiti 'yan!
"My, my, Fallen Angel is in front of me. I think that your people would die just to kill me since I now know your secret already," saad niya na ang tinutukoy ay ang pagpapakita ko sa kaniya ng aking mukha.
Tumitig ang pares ng misteryosong mata niya sa'kin. May kung anong nagrigodon sa loob ko.
Bakit ako kinakabahan? Am I scared? Is this what they call fear? Or something more?
Agad akong tumalikod at mabilis pa sa alas kwatrong tumalon sa veranda.
May sakit na yata ang puso ko base sa pag-oobserba ko sa aking sarili habang ang kanan kong kamay ay nasa bandang dibdib ko.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinayaan ko siyang mabuhay. Damn you, Luciana! Get a hold of yourself!
Mabilis akong tumalon sa mga sanga ng mga kahoy nang sa gayon ay makalayo na ako sa grand mansion ng mga Loong nang muntikan na akong mahulog sa isang sanga nang biglang yumanig ang lupa dahil sa isang pagsabog. Isa lang ang nasa isip ko ngayon — ang lalaki!
Nag-aalangan akong tumalon sa sanga pabalik sa direksyon ng lalaki. But again, I am not the master of myself anymore.
Nagmamadali akong bumalik sa mansion. May mga nakasalubong akong mga patay, may mga bangkay na kulang ang parte ng katawan at naliligo sa sariling dugo, at may mga ilang kasamahan din akong hindi pinalad.
Sa veranda pa rin ako dumaan. At laking gulat ko nang makita ko siyang nakasandal at habol ang hiningang sapo ang duguang tagiliran. Tinalon ko ang distansya namin at agad ko siyang dinaluhan. Ang una niyang ekspresyon ay pagkagulat na pinalitan nang pagkamangha — pilit din siyang ngumiti.
May iba akong naamoy at hindi ko mawari 'yon. May naiba at hindi ko mawari kung ano. Nawala ang misteryo sa kaniyang mga mata at napalitan ng kapilyuhan.
"Damn! 'Wag ka ngang ngumisi r'yan," inis na sigaw ko sa kaniya. Parang nagulat siya sa pagtaas ng boses ko.
Sa ikalawang pagkakataon ay nagulat ako. Hindi ako ang tipo na palasigaw. I always preferred the silence.
"Ciel," biglaan niyang saad.
Napatingin ako sa kaniya. "Huh?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Ciel ang pangalan ko." Nakakatitig siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Siya pala ang tagapagmana ng Dark Family.
Bakit pakiramdam ko, nanghihinayang ako?
"Tumayo ka na nga r'yan," sita ko sa kaniya kaya nagpumilit siyang tumayo pero napaluhod rin siya ulit.
I want to strangle myself. Ba't nga ba ako napasok sa ganitong sitwasyon? I mean, why am I helping an enemy? Not just an enemy, but their heir! Kidnap-in ko kaya 'to? A part of me neglects the idea. Aba at may konsensya pala ang isang nilalang na katulad ko?
Hinila ko ang kamay niya at dahan-dahan siyang itinayo. Magkaalalay kaming naglakad papuntang veranda. Plano kong doon kami dumaan, kaso mukhang 'di na kakayanin nito. Plus, I don't want to let my comrades know about my growing stupidity.
Tila nagkaroon ng digmaan sa loob ng aking pagkatao. May isang parteng tutol at nanunuya sa pinaggagawa ko. May isa namang naninibago at gustong matuklasan ang lahat sa lalaking 'to. Ang lalaking tanging nangahas na magtanong sa pangalan ko.
Nang nasa harap na kami ng pinto ay napahinto ako nang ilang segundo. I know I will see a river of blood.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang maramdaman kong inamoy niya ang buhok ko. Malutong akong napamura sa aking isipan. Holy shit!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top