Fallen Angel
Ipinikit ko ang aking mga mata upang mas madama ang malamig na dampi ng hangin. Nakatayo ako sa tuktok ng isang twin tower building. Ang aking pulang mga mata ay nakatingin sa kaguluhan na nangyayari sa baba. The police officers are talking to the press who recently arrived; some are gathering the corpses inside or outside the crime scene, some are controlling the crowd.
Isang ngisi ang sumilay mula sa aking mukha nang may lumabas na isang matandang nakasuot ng bulletproof vest. Inihagis ko ang mga cards sa taas, dahilan upang mag-unahan ito sa pagkahulog. Sa ilalim ng liwanag mula sa buwan ay mas pinakintab nito ang talim ng mga cards. Makaraan ang ilang segundo ay doon na ako tumalon mula sa 67th floor ng gusali sabay hugot ng aking sandata. Bago ako lumapag sa lupa ay umikot ako nang isang beses upang mabawasan ang lakas ng pagbagsak ko.
Tila napahinto ang mga tao mula sa kanilang mga ginagawa habang ako ay nanatiling nakatayo, hanggang sa may paparating na card ang muntikang dumaplis sa aking pisngi kung hindi ko lang naagapan gamit ang dalawang daliri. Agad ko itong tinignan, isang card ni Joker.
"My Enraiha screams for your blood , Yumimura," nakangisi kong saad. Kasabay nito ang pagtakip ng ulap sa buwan kaya bahagyang dumilim ang paligid. Sa pagdilim ng paligid ay mas tumingkad ang kulay dugong mga mata ko – matang tatak ng isang halimaw.
What a bunch of fools.
"Put your weapon down in the count of three!" sigaw ng isang police habang nakatutok ang pistol niya sa'kin.
Hindi ako natinag at nagpatuloy lamang ako sa paglalakad papunta kay Yumimura na ngayon ay parang hihimatayin na sa putla habang nakasalampak sa lupa.
"I'm done playing nicey nicey nice, Yumimura. Now, you will come with me whether you like it or not," makamandag kong saad sa kaniya nang ilang dipa na lamang ang layo namin sa isa't-isa.
He didn't have a choice. Pathetic. Sweat covered his face and fear mirrored his eyes – the look of a prey to its predator before the impending death.
Agad na pinalibutan ng mga miyembro ng SWAT si Yumimura. Sa ginawa ng mga ito ay napangiti ako nang matamis.
They thought they can protect him? They thought that they can handle me? Then they thought wrong.
"Fire!" sigaw ng chief ng mga police. Agad nilang tinutok ang mga baril sa aking direksyon.
Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingangaw sa paligid at direkta nila itong pinatama papunta sa akin. Mabilis ko namang sinalo ang mga balang paparating sa aking direksyon gamit ang mga daliri ko. Ang iba naman ay inilagan ko. Kung titingnan ay para lamang akong sumasayaw sa saliw na tanging ako lamang ang nakaririnig sa tuwing iniiwasan ko ang mga bala. Isa ito sa mga technique na tanging iilan lang ang may alam.
Impossible it may seem, but few can master this. It took me years to do so.
Bumalik ang atensyon ko sa kanila. Iba talaga basta desperado rin. Gulat ang unang rumehistro sa mga mukha nila nang wala na ako sa kinatatayuan ko kanina.
"Nasaan siya?" tanong ng chief na agad na naging alerto sa paligid.
"Sinong pinatatamaan niyo kanina?" kunwaring nagtatakang tanong ko sa mga mangmang na mga ito. Pinagbigyan ko na nga sila na barilin ako, pumalya pa.
Hinanap nila ako at sa wakas! Nakita rin nila ang aking pigurang nasa tuktok ng railings ng second floor at prenteng nakaupo. Mabilis akong tumalon mula sa aking kinauupuan na nagdulot ng crack sa aspaltadong kinabagsakan dahil sa lakas ng impact.
Binunot ko ang Enraiha, ang aking katana, at pinagdikit ang mga dulo ng mga hawakan nito. Inikot ko ang mga ito nang sabay mula sa magkabilang direksyon. Isa ito sa mga espesyal na katangian ng Enraiha. Ang kaninang anyo ng Enraiha ay ang unang anyo na mas kilala bilang Taha. Ngayon naman ay ginawa ko itong Saiha, ang ikatlong anyo ng aking sandata.
"Fire!"
Nagpaulan na naman sila ng mga bala subalit sa pagkakataong ito ay hindi na ako umiwas, sa halip ay inikot ko ito na parang isang baton upang maprotektahan ang aking sarili. Ang mga bala ay bumalik sa direksyon nila. May ibang pulisyang natamaan at may iba naman na tumama sa mga glass wall.
Matalino si Yumimura. Sa halip na magtago sa malayong lugar ay sa mataong lugar ito nagtago. Ang akala niya ay hindi na ako gagalaw, isang malaking kalokohan.
Sinamantala ko na ang pagkakataon at inatake ko na sila. I didn't have any intention of killing them. Si Yumimura lang ang pakay ko – ang misyon ko.
Nanginginig na napaluhod sa harap ko si Yumimura habang nagmamakaawa para sa kaniyang buhay. The same scene that happened every time I caught a prey. They begged for their pathetic lives. Hindi ko naman sila pinipigilan. Gusto kong makita silang matakot.
I fed from their fears.
Sinapak ko siya sa batok na naging dahilan upang bumagsak siya sa sahig. Pabalya ko siyang hinatak at inilagay sa compartment ng aking kotse. I could have killed them, but it's not required in my mission. I did what I am exactly told to do. Doing unnecessary things would be futile.
PABALYA kong binuksan ang pinto sa opisina ni Tandang Seiryo. His name is Seiryo Shiranui, the leader of the famous and the most feared Slaughter Community. His gray-colored long hair paired with his traditional samurai inspired clothing made his patriarchal aura stands out inside his ancient Japanese-styled office.
"Apo ko," he said with a cold murderous tone. His piercing eyes looked at me. Nakaupo siya sa gitna ng opisina niya habang umiinom ng Oolong tea. Base sa kaniyang bati sa akin ay alam na niyang matagumpay ang aking misyon.
"Tenzegen. Grandfather, nasa safehouse na siya," nakayuko kong pagbabalita matapos kong lumuhod habang nakalagay sa aking gitnang dibdib ang aking kaliwang kamao – isang tanda ng paggalang sa kanilang pangkat. Ito ang saludo ng lahat ng sakop ng White Family na isa sa mga pangunahing pamilya sa Nether City.
Tenzegen, ang salita na ang ibig sabihin ay 'mamatay nang walang pagsisisi.'
Seryosong tumitig ito sa akin. "The time has come. Our much awaited slaughter."
Mabilis akong sumagot sa kaniya. "Tenzegen." Walang lingun-lingon na umalis ako sa silid ni Seiryo. Puno ng kasiguraduhan ang aking bawat hakbang.
Ang slaughter, isang tawag sa pag-atake na ang pakay ay ubusin ang lahat, kung sino man ang mga mapuntirya. Isa itong opisyal na gawain sa loob ng Nether City.
Sa narinig na utos ay tila nabingi ako nang maalala ko kung bakit namin gagawin ito. Isang taon naming pinagplanuhan ang napaka-espesyal na 'slaughter' na ito.
Nang huminto ang aking mga paa ay doon ko lang napagtanto na dinadala na pala ako nito sa headquarters ng Phoenix.
"Move up, everyone. It is our time to collect what is owed," seryosong saad ko habang isa-isa silang tiningnan.
Sabay-sabay silang tumayo at nag-bow sa harap ko bilang tanda ng pagrespeto. "Tenzegen."
The devil inside me is on the verge of rampage. A devilish smile formed on my lips. Finally, the time has come.
I am Fallen Angel. Why fallen? Because I tainted my hands with blood and used this sinful hands for keeping the balance of this wretched world.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top