F-pwet
Luciana
Nandito na kami ngayon sa green house ng Dark High. Dito ako hinatak ni Karmy matapos ang eksena ko kanina kasama si Ciel.
"What the hell was that Luciana?" ang lapad ng ngiti niya at nandiyan na naman ang kakaibang kislap ng kapilyahan sa mga mata niya.
"Natapilok ako," walang-ganang sagot ko sa pag-uusisa niya.
"Natapilok ka? Natapilok ka?"
"Oo nga, ano ba paulit-ulit naman."
"Iiihh! 'To naman! Epic ka do'n ah! Aysus! If I know na mangyayari yon naku! Vinedeohan ko na sana yon!" hinampas niya ang balikat ko at nagtitili. Lihim akong napangiti nang maalala ko ang pagkakalapit ng mga mukha namin na nawala rin nang maalala ko ang repleksyon ng kaniyang mga mata.
"Diyan ka nga ang ingay-ingay mo," tinalikuran ko na siya kaya mabilis siyang sumabay sa akin. "Iiih! Sa'n ka papunta?"
"Pwede ba Karmy umalis ka na muna at parang may naghahanap sa'kin."
Naguluhan yata siya sa sinabi ko pero agad niya naman nakuha ang gusto kong ipahiwating nang naging seryoso ang anyo niya, she used her thirteenth sense. Bago siya naglaho sa dilim ng mga halaman ay bumulong siya sa akin, "Tenzegen."
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad paalis sa green house nang may humarang na mga lalaki sa akin na nasa dalawangpu ang bilang. Sila ang tinutukoy ko na naghahanap sa'kin. May mga piercing sila, tayo ang buhok at itim na kuko. Patay na siguro 'yon. Kung hindi dahil sa suot nilang uniporme ay hindi ko aakalain na sa Dark High sila nag-aaral.
"Problem?"
"Uy! Palaban! Ayos to pare!" at nag apir ang dalawan sa harap ko. I stared at them blankly.
"Sumama ka sa'min miss, may naghahanap sa'yo at gusto kang makausap." singit ng lalaking may dalang baseball bat. Pansin ko lang, ang papayat nila parang mga stick ng posporo. Kunting ihip lang ng hangin ay parang mahihinuha ko na matatanggal na ang mga buto nila.
"Ang Knightmares 'di ba," hindi ito tanong kun'di isang pahayag. Nakayuko na ako kaya natatabunan ng buhok ang aking mukha.
"Ano pa hinihintay niyo, lead the way nang matapos na'to," pasimple akong umikot ng pwesto. Kung kanina nakatalikod ako sa garden ngayon naman nakaharap na'ko.
Alam ko namang nasa sanga ng Narra si Karmy kaya pasimple kong hinagis ang kunai ko do'n na may sulat. Hindi 'yon napansin ng mga frustrated gangster na'to.
Hahatakin na sana nila ang braso ko but I stopped them.
"Don't you dare touch me, you lowly creatures." mapanindig balahibo kong turan sa kanila. Nagbulungan naman ang mang-mang, as if naman 'di ko narinig.
"Ano daw sabi pre?" tanong ni mokong one
"Aba malay ko, si Jojo tanungin mo! Best in English 'yon!" sagot ng tinanong ni mokong one
"Uy, 'di ako best in English! Imbento ka naman, most punctual lang uy!" sabad ni mokong three
"'Di bale na nga, napopogian lang 'guro 'yang si tisay sa'tin,"
"oo nga," sang-ayon ng iba.
"Ay teka mga brad, sabi ni tisay creature noh?" biglang tanong ni mokong three.
"Oo brad, ano ibig sabihin?" balik tanong ni mokong two kay mokong three. Tumawa naman si mokong three na tila nakuha niya ang sagot.
"Ang bobo bobo niyo naman! Para 'yon lang 'di niyo alam?"
"Tumigil ka nga! Batukan kita dyan eh!"
"Eto na, ang sabi ni tisay. Ehem. 'Kinagat ako ng lamok' 'yon yun eh! Kasi sabi niya touch at creature 'di ba tapos nasa malamok pa tayong bahagi ng green house."
"Anla, ang talino mo brad!" puri ni mokong two kay mokong three.
Nakakabobo makinig sa kanila. Nakaabot na kami sa headquarters ng Knightmares dito sa Dark High pero 'di pa rin sila tumitigil sa pagbubulangan kaya diri-diritso na lang ako sa pagpasok sa malaking pintuan at 'di na sila pinansin. Malaki ang headquarters ng Knightmares. Pinapalibutan ng CCTV cameras at lasers. May mga nakatagong patibong din. Kulay ginto at itim an tema ng headquarters nila. Sinasalamin ang kapangyarihan at karangyaan.
Pagkapasok ko ay agad kong naaninag ang isang pamilyar na lalaki na prenteng-prente sa pagkakaupo sa kaniyang trono. Nasa gilid niya ang mga nagagandahang mga babaeng tila kinapos sa tela.May kung anong kumirot sa aking puso dahil sa eksenang nasaksihan.
"You've arrive, my dear ksp girl." he said with a smug look on his face.
Ksp girl? May alyas siya sa akin? Dapat ba akong kiligin o mainsulto? 'Angel', naalala ko pa ang alyas niya sa akin isang taon na ang nakakaraan.
"What do you need from me?" nakipagtitigan ako sa kaniya.
"You."
Namilog ang mata ko at tinuro ang sarili ko. Napamaang na lang ako sa kaniya habang hindi ko alam kung magsasalita ba ako o hindi.
"Yeah, gagawin kitang alipin ko, ksp girl. At isa 'yong karangalan dahil 'yan naman ang dahilan kung bakit ka nagpapapansin sa akin 'di ba?" tinuro niya pa ako, ang sarap lang hambalusin. Isang beses lang ang enkwentro namin ay nag-assume na siya na puntirya ko siya? O napansin niyang hindi aksidente ang nangyari?
"Anong ksp girl pinagsasabi mo d'yan? At karangalan ang maging alipin? May sayad ka na ba sa utak?"
"Kulang sa pansin ko. I guessed you're one of my stalkers. You want to be viewed in a different light, right. You want my attention so damn much." he smiled smugly and all I could think about was how to wipe that smile from his face. Nagbackfire yata ang ginawa ko kanina. Ngayon ay ang tanging gusto kong gawin ay bugbugin si Starfire.
Hindi ko siya sinagot dahil mas abala ako sa pagkontrol sa aking mga emosyon. Una, galit dahil nagpauto ako kay Starfire. At ikalawa, pagkamangha dahil may ganitong bahagi pala si Ciel
" Is it a yes or no?" nilagok niya ang wine. Nagsialisan naman ang mga babae nang sumenyas si Ciel sa mga ito kaya naiwan kaming dalawa sa malawak na silid na ito.
"Shut the fuck up."
" You know, you're not that good looking but you really caught my attention. Maybe because your way of flirting is different."
Ang tanging naggawa ko ay ang bumuntong hininga dahil sa mga pinagsasabi nito. Oo hangin nga siya pero hindi na tulad ng dati. Pumasok yata sa utak nito ang hangin. I totally regret agreeing the idea of Starfire though this was already a chance for me. Flirting is not my style. Makikilala niya ako sa sarili kong paraan..
" Alam mo, dapat di Knightmares ang pangalan ng grupo niyo, since apat kayo, dapat FPwet na lang," sagot ko sa mga kabalbalan niya na ikinatawa ng kaniyang mga kasamahan. Naalala ko na ito ang sinabi ng isang aktres sa pelikulang pinapanood ni Tita.
Seeing how he reacted, now it's my turn to have the smug look on my face. "You little bitch!" napatayo siya sa mula sa pagkakaupo sa trono niya.
Bago pa siya magwild, patakbo akong tumungo sa isang bukas na bintana pero nagsalita muna ako bago ko siya iniwang namumula sa galit.
"By the way, una na 'ko, nakakabaliw kang kausap," plat ang tono ng aking boses nang sabihin ko ito sa kaniya.
SA sumunod na mga araw ay parang tug of war ang nagaganap sa pagitan namin ni Ciel. Pinapakialaman niya ang locker ko. Saktong malapit na ako magbukas ng locker ay napansin kong tila inaabangan ng mga estudyante sa aking paligid ang pagbukas ko nito. Kaya ang ginawa ko ay may nilapitan akong babaeng tila sinabugan ng pintura sa mukha. Tinaasan lang niya ako ng kilay nang nasa harap na niya ako. Walang isang salita ay hinatak ko ang kamay niya at ginamit ko ang unting lakas ko para siya ang bumukas sa aking locker.
"Hey! Bitch! Bitiwan mo ako ano ba!" nanlaban siya pero mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya kaya napa 'ouch' siya. Akmang may tutulong sa kaniya pero maagap na pumagitna si Kharmaine kaya napatahimik sila at walang nagawa. Ngumisi ako at kumindat lang si Kharmaine.
"Buksan mo," malamig kong bulong pero marahas siyang umiling kaya hinila ko ang buhok niya.
"Ano ba! Ayoko nga eh!"
"Pag hindi mo binuksan," sinuntok ko ang kalapit na locker. Nayupi ang bandang sinuntok ko kaya biglang namutla ang babae. "Tutulad ka rito." tukoy ko sa locker na nayupi. Mabilis pa sa alas kwatrong binuksan niya ito at tulad nang inaasahan ay may lumabas na itim na usok. Isang lason kaya nawalan ng malay ang babae. Sabay na nag 'oohh' ang mga nakasaksi nang may dumating.
"Anong kaguluhan dito?" si Ciel ang unang na nakakunot ang noo. Siguro dahil hindi nasunod ang plano niya.
"Oh 'andito na pala ang Fpwet," ngumisi ako at nameywang. Sabay na nagsinghapan ang mga estudyanteng nanunuod. Hindi yata nila tanggap na ganiyan ang trato ko sa mga prinsepe nila.
"Pinabuksan ko lang ang locker ko, kasalanan ko bang bigla lang siyang nawalan ng malay? Tsk tsk tsk your pranks are lame, try harder boy."
Tumalikod na ako kasama si Kharmaine habang sila ay naiwang tulala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top