Eternal Blood Feud

Kharmaine

Nastress naman kami kay leader. Buong byahe kami ilag kay bheshy dahil ang init ng ulo niya. Matatalim din ang sulyap niya sa amin lalo na kay Starfire. What the fudge did he do?

Kasalukuyan kaming papunta sa misyon namin. Hindi naman talaga 'to isang malakihang misyon. Kaya ko na nga 'to mag-isa ey pero dahil ang nasa instructions ay kaming lahat ang inutasan ng kataas-taasan ng White Family ay obligado talaga kami. Sakay kami ng isang private plane na pag-aari ni leader papuntang Mindanao. Isang gobernador sa isang kilalang lalawigan doon ang puntirya namin. Tinitingnan ko na lang ang profiles ng Phoenix sa laptop na dala ko.

Ang Phoenix ay ang grupo ng mga mandirigma na binuo niya. Not to kill but to stabilize the balance of the world. Tahimik kami sa Realm, komunidad na ginawa para sa mga taong mas nanaisin pang magkubli sa dilim. Pero lingid sa kaalaman ng gobyerno ay para rin itong komunidad ng isang normal na mamamayan ngunit ito nga lang ay nakatago sa dilim. Komunidad kung saan 'yong mga kriminal at ang kanilang pamilya ay namumuhay ng normal. Komunidad kung saan may lugar ang mga taong hindi tanggap sa lipunan. Komunidad na malayo sa mga mapanghusgang mga tao. May mga pasilidad nga dito tulad ng ospital, department stores, casinos, parks, eskwelahan mula elementarya hanggang kolehiyo.May artipisyal na langit, araw, buwan, at seasons dito. Nabubuhay din ang mga hayop at halaman dito. And that are all made possible by O'Hara Tech Industries. Hindi naman problema sa hangin kahit nasa ilalim ng lupa ito dahil may mga air pipe na konektado sa labas at may mga wind mills din. Nagkalat sa iba't ibang bahagi ng mundo ang Underworld Realm pero nasa ilalim ng Metro Manila ang sentro ng Realm, ang Underworld Realm City.

Ito ang komunidad na pinoprotektahan ni Fallen Angel kaya ayaw niya ng digmaan at ang Underworld Realm ay pinamumunuan ng dalawang great houses na magkalaban.

Ang Loong Family at ang Shiranui Family .

Kaya niya binuo ang Phoenix ay upang protektahan ang mga inosenteng tao rito at upang tapatan ang Knightmares ng Loong Family.

Sino nga ba ang nasa tamang pag-iisip na nakatira sa Realm ang hindi makakakilala sa Phoenix?

Death Stalker aka Angelo Legarda, son of a head senate.

Kilala siya sa pagiging pinaktahimik sa Phoenix. Close range o high range combat ay maaari siya isalang. Malinis din siyang pumatay. Gamit ang baril at specialized na titanium card na ginagawa niyang sandata. He aimed for a clean and clear shot.

Starfire aka Alexander Montegracia. Second in command ng Phoenix. He was the Asia's Mafia Emperor and a former member of the Inferno.

Kakaiba ang kaniyang taglay na kagwapuhan. Kagwapuhang itinatago ang madilim at malungkot na nakaraan niya. Mapanlinlang at mapaglaro siya. Lahat ng tao ay kaya niyang pasunurin maliban kay Fallen Angel na tanging sinusinod niya. Kilala bilang "The Joker's Twin".

Nightwind aka Prince Gerard Hudson, second in the throne next to his brother crowned Prince Stephen of Denmark. A band vocalist in disguise.

Isa siyang kilalang singer sa international stage pero walang nakakaalam na ang kilalang singer ay isang miyembro ng Phoenix. Tinalikuran niya ang trono upang lakbayin ang madilim na daan ng mundo. Espesyal niyang gamit ay mga karayom sa pagpatay. Kunai at silencer ang kadalasan niyang gamit kapag long range ang labanan.

Siren- well ako 'yan, Kharmaine O'Hara, heiress of O'Hara Tech Industries.

The group's deceiver and hacker. Nahack ko na ang Pentagon ng USA at ako rin ang inventor ng mga gadgets ng grupo. Gadgets na hindi nakikita sa world inventory market. Isa rin akong first class agent dati na dahilan kung bakit sa Dark High ako nag-aaral imbis sa Light Academy.

Dark Phoenix aka Zeron Salazar. At his young age of 13, his father entrusted him the Salazar International Shipping Lines, one of the famous and world class shipping lines in the world.

Isa siyang natural born fighter. Bihasa siya sa paggamit ng katana at pana. \ Siya ang pinakabrutal na pumatay sapagkat may parte siya ng katawan ng kriminal na pinuputol. May sandata siyang napakalaki. Isang mahabang kadena na gawa sa titanium na may dalawang dulo. Ang isang dulo ay malaking titanium ball na pinapalibutan ng tinik habang ang isang dulo ay isang patalim na kawangis ng katana. Siya rin ang may pinakamaamo ang mukha sa grupo.

Sprite aka Carol Ruehl, isang kilalang modelo.

Isa siyang magaling na magnanakaw na kahit anong lugar ay kaya niyang pasukin at sa dilim siya ay naglalaho. Isa rin siyang eksperto sa paggawa ng lason. Wala siyang damdamin hanggang sa magkakilala sila ni Nightwind.

Fallen Angel aka Luciana Shiranui. The sole heiress to the well known multi-billion dollar Shiranui business conglomerates.

Most feared warrior in the Underworld Realm. Even the high king and high queen feared her for she shows no mercy. Some warriors worshipped her existence as the goddess of the warriors. Lalo na ang mga mandirigma ng Ground Zero. Kilala ang sandata niya bilang Enraiha, ang century years old legendary weapon na may pitong anyo. At siya rin ang leader ng Phoenix .

Kami ang Phoenix. And just a piece of advice,don't you ever mess with us or you will face the wrath of the world's rank one wanted group of UNO for the mass of people we have slaughtered.

Naramdaman kong lumapag na sa private airport ang sinasakyan namin. Tumayo na rin si bheshy at sinuot ang maskara niya na sinunod din namin. Isinukbit na niya sa likod niya ang Enraiha.

Sa paglabas namin ay may limousine na nakaabang. Doon kami dumiritso. Ngayong gabi ay maraming dugo na naman ang dadanak. At dahil bad mood si bheshy ay paniguradong brutal ang pagkakamatay ng target namin. Panigurado ring mailalathala na naman ito sa mga pahayagan kinabukasan.

"Same routine Phoenix. Paliguan natin sila sa sarili nilang dugo," seryosong saad ni leader.

Inilagay namin sa tapat ng dibdib namin ang kanang kamay namin at bahagyang yumuko sa kaniya bilang simbolo ng katapatan sa utos niya at sabay na sumagot, "Tenzegen."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top