Angel Eyes
Ciel
"Asar!" Sinipa ko ang vase na malapit sa'kin. Tahimik lang ang mga Knightmares sa paligid ko.
"Pare, chill ka lang diyan!" awat ni Zenon sa'kin.
"Ano ba kasi ang ipinuputok ng butchi mo Lord Ciel?" curious na tanong ni Aen sa'kin habang nakangiti nang nakakaloko.
Hindi ako sumagot at pasalampak na lang na umupo sa sofa.
"Eh pano ba naman kasi 'yan pare, 'yong heir ng White Family at boss ng Predator's Lane bumalik na." Sa halip na sagot ni Wolf sa tanong ni Aen. Blood bath, 'yan ang naging balibalita sa muling pagpapakita ng Underworld Goddess sa Predator's Lane.
"Nice! 'Andito na ang mortal enemy mo Lord Ciel," tumawa si Aen pagkasabi niya no'n.
"Tumahimik kayo, ipaghihiganti ko siya ." nakakuyom ang aking mga kamao habang aking tinitigan ang repleksyon ko sa basag na salamin na nasa sahig.
Malinaw kong nakikita ang mata ko na kaparehas ng mata ng mga tigre. Kaya tinapakan ko ang salamin at mariing pumikit.
Fuck this eyes! It is a legacy of every Loong Generation that their heir will have the Angel's eyes, the counterpart for the Crimson's eyes of our enemy's heir.
"Lord Ciel, ayos ka lang?" Tanong ni Wolf nang napansin niya ang pagbabago ng mood ko.
Tumango na lang ako at tumayo mula sa pagkakaupo. Tinungo ko ang verandah. Walang makikitang totoong araw dito dahil nasa nasa ilalim kami ng lupa pero sa pinakagitna ng Underworld Realm City may malaking bolang umiilaw tuwing umaga. It acted like the miniature of the real sun that produced solar energy for the plants. Mas gusto ko ito kaysa sa tunay na araw dahil kahit napakaliwanag ng sikat nito ay hindi ito masakit sa mata at sa balat.
Gusto ko ang view dito, kita ang kubuuan ng Underworld Realm City at tanaw din ang white gates ng Shiranui Mansion. Biglang may kumatok kaya napabalik sa realidad ang pag-iisip ko.
Sa loob ng ilang araw ay okupado ako. Okupado ang diwa ko kay ksp girl. Hindi siya isang normal na nerd kung maituturing dahil walang epekto sa kaniya ang mga deathly pranks na iniutos ko. My boring days in Dark High are over when she entered my world. Sa sobrang pagkagiliw ko sa kanya ay nakalimutan ko na...
"Lord Ciel, Master Suzako wants to talk to you." nakayukong pahayag ng taong pumasok. Isang reaper ng pamilya namin. Ang tapat na si Mithon.
"We'll be there in a minute," hindi lumilingon na sagot ko sa kaniya.
Hindi umalis ang tauhan at nanatiling nakayuko lamang, "The master insisted to talk with you in private Lord Ciel."
"'Ge na pare, una ka na do'n, dito lang kami." tinapik ako sa balikat ni Zenon. No choice kun'di sumunod na lang ako kay Mithon at tinungo namin ang grand office ng aking ama. Ang kasalukuyang pinuno ng Mercenaries Society at Dark Family.
"Come in," isang baritonong boses ang sumagot matapos akong kumatok.
Pabalya kong binuksan ang pinto at tinungo ang sofa malapit sa study table niya.
"Why a sudden meeting dad?" tanong ko sa kaniya na nakatalikod at nakatayo sa harap ko. Facing the windows.
"Gusto mong kunin ang hustisya 'di ba? Dahil pinatay siya ni Fallen Angel."
"Why are you bringing up this topic?" I asked with gritted teeth.
"I just want to remind you son, the sole reason why you got that eyes bestowed by our great ancestors that was handed down through every lineage of our family," he said with a stern voice.
"Hindi ko nakakalimutan 'yon, araw-araw ko naaalala tuwing mapagmamasdan ko ang mga mata ko sa salamin." sagot ko sa kaniya na may bigat sa aking boses.
"Good to hear that, nagbalik na pala siya sa Predator's Lane."
"I'm totally aware of that," balewala kong sagot.
"It's high time for you to move. Now."
Sa pagkakaalam ko hindi pa siya bumalik sa White family. Doon ko na lang siya papatayin sa mismong araw ng paglilipat trono niya. Hitting two birds with one stone.
Tumango na lang ako at umalis na sa opisina niya.
Luciana
"Bheshy! Makinig ka nga! Uy! Yah!" niyugyog niya ang balikat ko pero hindi ako nagpapatinag.
"Ayoko," nakatingin sa labas na sagot ko sa pangungulit niya.
"Kasi naman eh! Bakit ka ba kasi pumunta sa Predator's Lane kung ayaw mo pa namang bumalik do'n sa Slaughter Community."
Imbis na sumagot ay nagkibitbalikat ako sa sinabi niya.
"Sapak you need? Nastestress na ko ah, ayaw kong magkawringkles ng 'di oras," may pabulong pang saad ni Karmy sa'kin na di ko na inintindihan.
"Pupunta ako sa Devil's Tongue mamaya, isama mo ang Phoenix." walang ganang utos ko kay Karmy.
"Ano pa nga ba," sumusukong sagot niya sa'kin at bumalik ang ang atensyon niya sa pakikinig sa professor.
MATAPOS ang klase ay dali-dali akong naghanap ng lugar na may bintana. At nang may natagpuan na ako ay agad akong lumusot sa bintana. Kahit may puno na maaari kong gawing support sa paglanding ay 'di ko ginawa. Patayo akong bumagsak sa may green house.
"Starfire lumabas ka na d'yan," nakapamulsang utos ko. I know he's hiding behind the bush.
"Leader galing mo pa rin," lumabas siya sa pinagtataguan niya at tinungo ako. "Oh ano naman kailangan mo?"
"Let's not talk here leader," sumenyas siya na sumunod ako sa kaniya kaya sumunod na lang ako. Mahirap na at baka matunugan kami ng kalaban, teritoryo pa rin nila 'tong Dark High. Dito kami napadpad sa parking lot , pumasok na kami sa hybrid na kotse niya.
"Now talk," tinitigan ko siya sa rear view mirror.
"Inutusan ako ni Master Seiryo na dalhin ka sa mansyon," seryoso niyang sagot sabay paandar ng sasakyan.
Crap! I didn't see this coming! Tinangka kong buksan ang pinto ng kotse pero automatic ito na naglock. Naisahan ako nito!
Mabilis akong lumipat sa shotgun seat. Sinuntok ko siya sa mukha kaso sinangga niya ito gamit ang kanang kamay niya, leaving his left hand only in controlling the wheel. Medyo gumeywang ang sasakyan sa daan.
"'Di mo naman siguro gusto bumangga tayo diba?" nangaasar na ngumiti siya sa'kin.
"I don't give a damn," kinuha ko ang kunai sa ilalim ng sapatos ko nang 'di niya namamalayan at tinira ko ng pasimple ang kamay niya sa wheels. Napangiwi siya nang bumaon ang kunai sa kanang kamay niya pati sa wheels ay bumaon ito.
Balewalang hinugot niya ang kunai, leaving a huge hole on his palm. Parang napako siya ng malaking pako pero balewalang tinapunan niya lang ako ng blade na sinalo ko nang paikot at binalik ang tira sa kanya.
He cussed when I almost hit him again.
Umilag siya kaya sinamantala ko ang pagkakataon na iuntog siya sa wheels at tinadyakan ko ang mukha niya. Ang likod ko ay nakasandal na sa pinto ng kotse.
Nakasandal pa rin ako nang bigla akong tinadyakan ni Starfire kaya lumusot ang kalahati ng katawan ko sa bintana ng kotse. Tumawa si Starfire at inayos niya ang upo niya.
Imbis na pumasok ako sa loob ay tumalon ako papunta sa harap ng windshield ng kotse niya. Gulat na tumingin siya sa'kin. Pinagsusuntok ko ang bulletproof windshield niya hanggang sa nabasag nga. Dahilan upang napatakip siya sa mukha niya.
"Calm down leader!" tanging sambit niya sa akin. But I am seeing red.
Papasok na sana ako sa kotse nang biglang nagpreno siya at tumalsik ako sa daan. Damn my back! Ilang ulit akong napagulong dahil sa lakas ng biglaang paghinto ng sasakyan.
Napamura ako ng ilang beses sa aking isipan. Ngayon ko lang napansin na nasa harap na pala kami ng White Mansion. Lumabas siya sa kotse na parang bale wala lang kahit may malaking butas siya sa kanang kamay niya at tumutulo pa ang preskong dugo mula rito.
"Welcome back Lady Shiranui," napalingon ako sa mga nakahilirang reapers sa harap ng gate.
Wala na talaga akong takas nito. Matalim kong tiningnan si Starfire na nagkibitbalikat lang. Seiryo's orders are absolute.
"Fallen!" dumagundong ang isang tinig na animo'y mula sa hukay. Napaluhod kaming lahat, tanda ng pagsaludo namin habang ako'y sumagot, "Tenzegen!"
Tinapik niya ang balikat ko kaya tumayo na'ko at humarap sa kaniya. His aura never changed, it never failed to scare the hell out of me.
"Come, let's talk about the counter part of your Crimson Eyes, the Angel Eyes." madilim ang anyo niyang saad.
It's been a long time White Family.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top