A Year Later
Luciana
A year later.
Ang tunog ng alarm clock ang nakapagbaliwas sa'kin mula sa isang kumportableng tulog. Kinapa ko ang bedside table sabay tapon ng walang'yang orasan, natahimik ka rin. Bumalik ako sa pagtulog.
"Lucing! Aba'y bumangon ka na d'yan babae ka!"
Nawala nga ang alarm clock pumalit naman ang mala-machine gun na bunganga ni Tita Mirasol. Ganiyan na talaga siya, nagkataong mayaman ang pamilyang Nightwalker pero daig pa ang taga kanto kung magsalita. Ang bantot ng palayaw niya sa'kin.
"Oo na, babangon na." nayayamot akong bumangon at nagtungo sa CR. Panigurado kung 'di ako bumangon do'n magsisimula na naman 'yong pumutak tungkol sa mga utang na loob ko sa kaniya.
"Aba't sumasagot ka ng bata ka! Hoy Lucing! Baka nakakalimutan mo, ako ang nag aruga sa'yo baka kung wala si tiyong mo ay patay ka na! Wala kang utang na loob!" halos matanggal ang litid ni tita sa kakasigaw. Kahit alam ni Tita Mirasol na isa akong Shiranui ay tinatrato niya akong parang kapamilya kasama na doon ang walang hanggang dakdak niya tuwing umaga. Una ay nairita ako dahil hindi ako sanay sa ganito pero sa nakasanayan ko na rin ito.
"Pasensya na po tita ," hinging paumanhin ko kay tita Mirasol nang bumalik na'ko sa kwarto at naabutan siya doon.
Ang pamilyang Nightwalker ang kumupkop sa akin sa panahong wasak na wasak ang pagkatao ko. Sa panahong pati sarili ko ay kinamumuhian ko. Sila ang pamilyang pinili ko sa lahat ng mga pamilyang sakop ng Shiranui Household. Sa loob ng isang taon ay nagtago ako mula sa magulong mundo ng Underworld Realm at piniling magluksa sa paraang puro dahas at dugo. Pero tapos na ang isang taon at dapat ko na harapin ang buhay kung saan ako nabibilang. Alam kong pinagbibigyan lamang ako ni Tandang Seiryo at naiinip na siya kaya babalik na ako pero bago 'yon ay may gusto akong gawin.
"Oh siya siya, 'Andito na 'yong uniform na ipinadala ng Dark High, naplantsa ko na 'yan."
"Salamat po tita," dali-dali akong nagbihis at nagsuklay. Tiningnan ko ang aking sarili sa full length mirror.
White longsleeve with a blazer which is checkered green and black so as the mini skirt. May black na necktie at above the knee na black socks. Kinuha ko ang salamin ko at mas malinaw kong pinagmasdan ang sarili sa salamin.
I have an average Asian figure, seductive eyes beneath these huge glasses, white as snow complexion, chocolate hair with red streaks. Pagkatapos kong pagsawaan ang mukha ko ay dali-dali na akong bumaba at nagtungo sa kusina, napansin ko ang aking maleta . Magdodorm nga pala kami sa Dark High.
"Bheshy!" sigaw ng babaeng pamilyar sa akin. Kaya pala pamilyar, si Karmy pala, ang self-proclaimed bestfriend ko.
"Andito na si Karmy, Lucing." Saad ni tita mula sa enggrandeng sala.
"Tita Mir, ang bantot naman ng palayaw mo kay Luciana, Lucy na lang para pareho do'n sa fairytail, astig!" pangongonsola ng isang nakakairita sa tinis na boses ng isang babaeng mas maliit sa akin. Siya si Kharmaine, 'di tulad ko ay natural ang kulay tsokolate nitong buhok na nasa dulo lang ang malalaking kulot. Korteng puso ang mukha nito, maganda ang mga ilong at nababagay dito ang ilong at labi nito. Maganda ito, huwag nga lang nito ibuka ang bibig na walang humpay kung magsalita.
"Pereteyl ba kamo Karmy, 'yong kay Cinderella? Ay ang gara naman," naka-ingos na sabi ni tita. Nagtawanan na lang kami ni Karmy sa reaction ni tita. She talked like an average lady but she's the matriarch of the powerful Nightwalker family.
"Omg! It's seven na oh, gosh Lucy tayo na," excited na saad ni Kharmaine.
"Bye bye po tita Mir! Dark High here we go!" I mentally rolled my eyes with her gesture, childish as ever.
"Parang ngayon ka lang sa Dark High kung umasta doon ka nga nag aral simula first year," puna ko sa kaniya.
"Ano ka ba naman Lucy, 'wag killjoy okay, ikaw nga 'tong relax na relax dyan eh." nakasimangot niyang saad habang nagdadrive. Hindi na ako sumagot upang hindi na humaba ang usapan. Matapos ang ilang oras ay binabaybay na namin ang daan patungo sa underground entrance ng Underworld Realm City.
It feels nostalgic to be here again.
Nadaanan namin ang sentro ng Underworld Realm City. Tulad ng dati ay mapayapa pa rin, mga normal na makikita mong pangyayari sa isang normal na syudad 'yon nga lang mga mamamatay tao ang nandito. Huminto kami sa isang gate na sobrang laki pero mukhang ang luma nito. Hindi ako nagawi rito noon dahil na rin nasa teritoryo ito ng White Family.
"Ang creepy noh Lucy? Pero ang cool, this school had a share of history itself and you'll know why the name of this school is Dark High," pagkekwento niya sa'kin.
Nagkibit-balikat lang ulit ako at tinutok ko ang aking atensyon sa labas ng bintana nang magbukas ang malaking gate. May dalawang daan, 'yong dinaanan namin at 'yong restricted area.
Ang dinaanan naming forest trail ay may sukat na ten kilometers more or less. Huminto kami sa isang Mediterranean castle I guess? Bakit may ganitong building dito?
Nagtakang napatingin ako kay Karmy nang lumabas siya ng kotse at pumunta sa likod para kunin ang mga gamit namin. That's when it sinks in.
So ito ang Dark High?
"Welcome to your new life, bheshy. Welcome to your new school, Luciana Shiranui." nakangiting bulong niya sa'kin.
"I'm Luciana Nightwalker, Karmy. Always put that in mind," seryosong saad ko at nilagpasan siya papasok sa school.
"Eh gano'n pa rin 'yon noh," nakanguso niyang sagot. Napatitig ulit ako sa Dark High. Sa pagpasok ko rito, alam kong maraming magbabago. Pero panahon na para ungkatin ko ang lahat.
Isang taon na ang matulin na lumipas, sa wakas magkikita na ulit tayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top