00


The world is divided into two as we know it—the light side and the dark side. Right after a child is born, his position in the society is predetermined by his ancestors. The sins of the parents are passed down to the children like the Holy Grail. Thus, maintaining the scale between good and evil.

Walang liwanag kung walang kadiliman. At wala namang kadiliman kung walang liwanag. Dito nagkaroon ng balanse ang mundo.

Peace is granted for a hundred of years until men's greed gave birth to war.

Ilang libong buhay ang nilamon ng mga digmaan. Ilang buhay ang nanakaw at ninakaw. Ilang paniniwala ang nabago. Ang balanse ng mundo ay naglaho na.

And it was men's greed that pushed them to seek peace once again.

Dumating ang mga taong ipinanganak na kakambal ang kadiliman ng mundo. Performing all the dirty works, eliminating in silence the hindrances of peace.

Ibinalik nila ang balanse ng mundo. Sa bawat pagdaan ng taon ay dumarami ang lupon ng mga ito hanggang sa isang emperyo ang naitatag. Emperyong maski ang mga pinagsamang mga karatig bansa ay takot na isambit ang pangalan nito. Emperyong hanggang ngayon ay hindi alam ng mga regular na tao na totoo pala. Emperyong nasa ilalim ng isang magulong syudad, tahimik sa gitna ng dilim gaya ng dapat, gaya ng nakagawian.

Nether City, ang dalawang salitang sumasalamin sa mga kinatatakutang mga taong pumigil sa mga digmaan. Mga taong hinubog ng kalupitan ng mundo. Mga taong halang ang kaluluwa.

Lingid sa kaalaman ng madla ay sumiklab naman ang digmaan sa loob ng emperyong ito. At nahati ang emperyo sa dalawa; ang White Family na may simbolo ng babaeng anghel at ang Dark Family na may simbolo ng dragon.

Nagwakas ang isang kabanata sa Nether City at nagbukas naman ang isang bagong pinto nang isinilang ang mga sanggol na bubuo sa bagong kasaysayan ng mala-alamat na lugar.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top