Chapter 9: Her Knight in Shining Armor


Sa sumunod na araw, pumasok ako sa eskwelahan at lalong napunta ang atensiyon ng karamihan sa akin. Saan man ako magpunta, laging may magtatapon sa akin ng masamang tingin na para bang gusto nila akong sugurin at saksakin. Lahat ay puro babae at kung hindi naman babae ay bakla. Walang duda ay mga tao lang naman iyong baliw na baliw sa Cole na yun.

Why do most people always go for the bad boys? Puro angas lang naman at kayabangan ang laman ng utak at mukha lang ang maipaglalaki. They act like jerks at kung makaasta ay hari ng lahat, sa halip na ikagalit nila ang mga ito ay sinasamba pa nila.

Hindi naman sa galit ako sa mga ganong tao, ganon din naman si Stanley at lalong lalo na si Derrick pero sadyang nadamay lang ang lahat sag alit ko dahil sa Cole na iyon.

Papalapit na ako sa classroom at ilang metro nalang ng may tumawag saakin na matandang guro.

"Ms. Cruz buti nalang at nakita kita. Gaya lang noon, could you please help me carry these books to my class?Sa third floor parin kasi iyong klase ko at sumasakit na naman kasi yung mga kasu-kasuhan ko eh."

'Edi sana nagretire ka na, di yung nang-aabala ka pa ng iba.' bulong ko.

"May sinabi ka ba iha?" walang kaalam alam na tanong niya.

"Wala ma'am, tumatanda ka na nga, kung anu-ano na ang naririnig mo." palusot ko.

Napatawa naman siya at palihim nalang akong napaikot ng mata.

Kinuha ko na iyong mga libro niyang buhat buhat at sinabayan siya paakyat sa klase niya. It's not like I could say no, gaya ng sabi ng matanda, hindi nab ago sa kanya na pinapakiusapan nitong buhatin iyong mga libro niya sa klase. It would be out of character kung tatanggi ako. Maaga parin naman kaya hindi ako malalate tsaka may rason naman ako kung bakit nalate.

Narating na naming iyong klase niya at pinasalamat naman niya ako. I just gave her a small smile at nagsimula ng bumalik pababa.

Nasa ikalawang palapag na ako ng biglang may dalawang babaeng humila saakin papasok sa isang sulok.

Hawak ang magkabilang kamay ko ay idinikit nila ako sa pader. Napangiwi nalang ako dahil sa dumidiin iyong mga mahahabang kuko nila sa balat ko.

Kung tutuusin ay kayang kaya ko ang dalawang ito. I tamed four idiots and kicked an asshole in his balls, kaya kong ibalibag ang dalawang ito sa sahig---

"Ang kapal talaga ng mukha mong ganunin si Cole. Sa tingin mo ba palalampasin namin ito?"

Nagpakita ang isa pang babae kaya nabaling ang atensiyon ko sa kanya. She resembles a living Barbie, tall, blond, pink and plastic. May contact lense pa siya para maging asul ang mata.

"It was none of your business, bakit kayo nangingialam?"

Napaisip muna siya.

"Well...ahm...because...because..." Natahimik siya ng ilang segundo. "Wait. Bakit naman kita sasagutin ha? I don't need to answer that, you're a worthless piece of trash bakit ako mag-aaksaya ng laway at oras sayo."

Napatawa naman ako kaya napakunot sila ng noo. Inaaksaya ko raw ang oras nila eh sila nga ang humila sa akin sa isang sulok. These brainless Barbie dolls. Tch.

Barbie girl squint her eyes. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang baba ko. Nangiwi naman ako dahil sa mahaba niyang kuko.

"What's so funny huh? Do you think nakakatawa toh? Do you think we're clowns?" pagalit niyang sabi.

Napatawa nanaman ako. Kung titignan mo, they really do look like clowns. They put up make-up way too much. Yung isa ang puti puti ng mukha hindi naman pantay sa leeg.

"Ugh! What is so funny about this huh?" halos mapapadyak na siya sa sahig dahil sa inis.

I could break free of their hold easily but I really find their stupidity entertaining.

Hindi ako nagsalita kaya hinila niya ang buhok ko kaya nagpadala nalang ako.

Napamura ako sa isip ko. Nakalimutan kong nakawig pala ako. Buti nalang mahigpit iyong pagkalagay ko kaninang umaga.

"Do you think we're funny huh? Let's see kung makakatawa ka pa kapag natapos na kami sayo. You'll look uglier than before that you can't even stand to look in the mirror. Ikaw naman ang pagtatawanan ng lahat ng tao." she smirked at me at naglabas ng gunting.

Humigpit naman ang hawak ng dalawa niyang alipores sa mga braso ko. Pinagpapawisan ako, maling galaw ko lang ay maaari niyang hilain ng malakas ang wig at matanggal.

Sisikmuraan ko na sana siya ng biglang may umeksena.

" Let her go." sabi nito kaya napalingon ako dito. It was Hyron. Never have I been glad to see him.

Unfortunately, that did not stop the bitch from doing what she's planning to do at nakita ko nalang na nahulog sa sahig ang ilang hibla ng buhok ko, I mean sa wig.

Agad naman siyang napigilan ni Hyron bago pa siya makaputol ng ilang hibla.

"Leave her alone or else I'll report you three to the dean." sabi nito habang hinahawakan ng mahigpit ang braso niya.

" Ouch, H-hyron your hurting me!" matinis niyang sabi habang pilit hinihila ang braso mula kay Hyron.

"Sabihin mo muna sa mga kaibigan mo na bitiwan ang kaibigan ko."

"F-fine..Okay, just let me go."

Naramdaman ko namang lumuwag iyong pagkakahawak sa akin ng dalawa kaya agad ko ng binawi iyong kamay ko mula sa pagkakahawak sa kanila.

Binitiwan naman ni Hyron ang kamay niya. The bitch turned to me.

"Wag mong isiping tapos ka na. Makakarating ito kay Regine. Tingnan ko lang kung magagawa mo pang ngumiti. Remember this you nerd, she's gonna make your life a living hell at sa pagkakataong iyon, wala ng makapagtatanggol sa iyo. Loser!" sabi niya at nagwalk-out na sila.

Agad namang hinablot ni Hyron ang kamay ko.

"Masakit ba?" sabi niya tsaka minamasahe ang pulsuhan ko na agad ko namang binawi.

"I'm fine." sabi ko tsaka tinalikuran siya pero sinundan naman niya ako.

"Ganon lang yun? Di ka magpapasalamat?" sabi niya.

Magsasalita na sana ako ng inunahan niya ako.

"Oo nga pala, nakalimutan kong di ka pala nagtethank you. Biruin mo, ilang beses na kitang niligtas pero ni isa di ko pa narinig na nagpapasalamat ka. Tinitake for granted mo talaga ako eh. Ako yung knight in shining armor mo pero ni di mo man ako pinapansin. Eli, nakakasakit ka talaga ng damdamin ah." sabi niya tsaka hinahagod iyong dibdib niya.

Tumaas naman ang sulok ng labi ko.

Napansin kong huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako at napalingon sa kanya.

"Ano?"

Napailing naman siya at napangiti.

"I'm actually glad." sabi niya at umupo sa hagdan at tumingala sa akin.

"Bakit?"

Inilabas niya sa bulsa niya ang isang panyo.

"Hindi ka na umiyak." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa panyo at nakangiti.

"Ha?" iyon lang ang tangi kong naisagot.

Tumawa naman siya at tumayo. Ginulo niya ang buhok ko kaya agad akong lumayo at hinawakan ang wig sa takot na matanggal. Ang dami na talagang pinagdaanan nito.

Inilahad niya ang panyo sa akin.

"Sinabi mo na, hindi ako umiyak. Aanhin ko yan?"

"Gamitin mo lang."

Tinignan ko lang kaya napabuntong hininga naman siya.

"Use it to tie your hair para di halata iyong mga hiblang naputol. Teka, ako nalang magtatali." sabi niya at humakbang papalapit sa akin kaya agad din akong lumayo.

"I can do it myself."

Hinablot ko iyong panyo at itinali sa buhok ko. Napailing naman siya pero nakangiti parin.

Maya-maya ay tumunog na iyong school bell tanda na magsisimula na ang klase.

Nakababa na kami at nakarating na sa harap ng classroom ko.

"Oh pumasok ka na." sabi niya.

Akala ko kaklase ko siya, ihinatid lang pala niya ako.

Liningon ko siya at papalayo na siya kaya tinawag ko ang pansin niya dahilan para mapalingon siya.

"Salamat...Hyron."

Para siyang nagulat sa sinabi ko pero agad rin itong nakabawi at ngumisi.

"Take care Eli-bear." sabi niya at kinawayan ako tsaka tuluyan ng umalis.

Hyron Castaneda is not that bad after all.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top