Chapter 8: Unfortunate Encounter


The thing that pisses me off the most in the world are dumb people and Grace's deaf tone singing. Pero sa araw na ito ay pumapangalawa lang iyon sa listahan ko. Kaninang umaga, I recieved an anonymous text from an unregistered number.

-----

I know who you are...not"

09XXXXXXXXX- Unknown Sender

-----

Agad napakunot ang noo ko ng mabasa ko ang text na to pagkagising ko sa umaga.

My mood instantly went downhill. Hindi ako sigurado pero may kutob akong may kinalaman ito sa pagpanggap ko bilang si Eliza. Maaaring alam ng taong ito na hindi ako si Eliza.

I tried dialling the number countless of times pero kung di naman cannot be reached ay palagi lang nagriring.

I started bombarding the bastard with text pero iisa lang ang lagi niyang inirereply---

'I know who you are...not'

As much as it pisses me off, it also gave me goosebumps. Maaaring may nalalaman siya tungkol sa pagpapanggap ko. Pero paano? And how the hell did that bastard got my number?

Naglalakad ako sa hallway papuntang classroom nang pakiramdaman kong may nagmamatyag sa bawat galaw ko.

Kinikilabutan ako dahil possibleng iyong nagmamatyag saakin ang nagpadala ng text na iyon. Pero baka rin paranoid lang ako. It must be someone from my hometown in the States who's playing a prank on me.

Pero tila kumukontra talaga ang tadhana sa iniisip ko nang biglang tumunog iyong phone ko at nakatanggap ako ng text mula nanaman duon sa anonymous number na nagtext saakin noon.

Napasingap ako ng makita ang laman ng mensahe niya.

Litrato ko ito na nakatalikod. Hindi ito kinunan kahapon o noon kundi ngayon talaga sa mismong kinatatayuan ko. Suot suot ko iyong bagong backpack na ngayon ko lang sinuot at ang uniporme ng Ironhead University. Someone took it at nasa likuran ko lang.

Napatalikod kaagad ako pero wala namang nakatingin sa akin. Everyone in the hallway are minding their own businesses, wala namang kakaiba. I took one last look before facing back. Naiirita na ako pero natatakot na rin. It's creeping me out. Pakiramdam ko may nagmamasid sa bawat galaw ko.

Damn, I got to stop watching those crime scene investigation series, nakakabaliw rin pala.

Ayokong ipagsabi ito kay Coreen. Pagnalaman niya ito, malamang pagsasalitaan ako nun. Isang araw pa nga akong nandirito ay bistado na agad.

Habang naglalakad ako ay palagi na akong lumilingon sa likod ko. Di ko namalayang tumahimik ang buong paligid at may nabangga akong tao. I was constantly eyeing my back di ko namalayang may mababangga pala ako, to make it worst, iyon pa talagang Cole na naghahari-harian. Hindi ko alam ang pangalan niya but I hear them calling him by the name.

I met him eye to eye. Nawala na bigla sa isip ko iyong text na kasalukuyang gumugulo sa akin.

Tumahimik ang paligid at parang nag-aabang kung anong susunod na mangyayari. Nagtitigan kami na para bang ang kukurap ay talo.

"What? Wala ka bang planong umalis sa dinadaanan ko? " sabi niya habang nakapamulsa.

Simpleng engkwetro lang ito pero halos lahat na ng atensiyon ng mga studyante sa hallway ay nasa amin. Malaki talaga ang hatak ng lalaking ito sa madla.

I pursed my lips tight at inisip ng maigi ang susunod na hakbang. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos, that text was somewhat of a warning. Kung papatulan ko ang tarantadong to ngayon, they'll think something's wrong with me and stick their nosy noses on me more and I can't afford that. Mahirap na nga itong nagpapanggap akong malayong malayo sa katauhan ko ay magpapadagdag pa ako ng problema kung sakali man.

"Napipi ka na---" Hindi ko siya pinatapos at naglakad palagpas sa kanya.

Alam kong sinabi kong di ko siya papatulan pero sa kabilang banda, gusto ko rin siyang inisin. Sometimes, silence is the best answer, it may be subtle but it can have a huge impact, parang utot lang.

Bilang isang taong abot langit ang pride, I know for a fact that getting ignored is infuriating lalo na't harap harapan at iyon mismo ang ginagawa ko. Hindi niya rin ako pwedeng habulin dahil magmumukha siyang desperado. So, checkmate.

Bago pa man ako nakalayo ay pasimple ko siyang nilingon. He had his jaw clenched at nakatitig parin siya sa akin na para bang sasaksakin ako ng mga tingin niya.

I sent a subtle smirk his way at tuluyang naglakad na paalis

Nang makarating sa room tsaka ko lang naalala magkaklase pala kami.

Napa-iling nalang ako.

....

There are actually 3 good things that was blessed to me today. Unang una, uwian na at walang Hyron Castanedang nagpapakita sa akin, mukhang natuto na din ang taong iyon na umintindi. Pangalawa, hindi na muling nagparamdam iyong nagtext sa akin. Not even a single text. At panghuli, the annoying Cole guy didn't show up to class today. No one cared and I didn't care either, baka nabagok na iyon sa CR at namatay, wala akong pake.

Kasalukuyan kong binabagtas ang hallway papunta sa locker ko. Uwian na at iiwan ko lang ang mga gamit ko sa locker. Tamad akong magbitbit ng mabibigat na bagay.

Kaka-alas sinko lang at kumakaunti na ang mga tao sa hallways.

Pagkatapos ko ay isinarado ko na ang lockers at aalis na sana ng mahagip ng mata ko si Cole. He and four other guys along with him are walking this way at bawat hakbang nila ay tutok na tutok ang mga nasa paligid.

Ibabaling ko na sana ang tingin palayo sa kanila nang saktong napatingin siya sa akin.

Nagsukatan kami ng tingin at ako ang unang nag-iwas ng tingin at tumalikod sa kanila para umalis. Wala akong mapapala kung magtititigan lang kami magdamag. Pero di pa man ako nakakalayo ay may nabangga ako ng medyo malakas na halos mapatumba pa ako.

Paglingon ko sa kanya ay sinasamaan niya na ako ng tingin.

I expected who it was, and I was right. It's that shitty bastard Cole again.

Inilaglag niya iyong bag niyang nakasabit sa balikat niya. Tinignan ko naman ito habang napaisip kung ano ang balak niyang gawin.

"Pick it up." maawtoridad niyang sabi.

Saglit akong napataas ng kilay. Panis na yata utak nito eh. This douchebag.

Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. Nang mapansin ng apat niyang kasama na di ako sumusunod ay nagsitawanan sila.

"Dude, inisnob ka na naman haha, kinakalawang na yata ang karisma mo." sabi nung isa niyang kasama.

Nagsimula ng magkumpulan ang mga tao sa paligid namin.

Nagtangka akong umalis pero hinawakan ni Cole ang kwelyo ko at isinandal ako ng malakas sa lockers sa likod ko.

Napasingap naman ang nasa paligid. Where is Coreen when you need her?

"You're pissing me off" sabi nito saakin.

Napangitngit ako ng ngipin. "Just because you're some asshole wearing an imaginary crown doesn't mean I'll obey everything you say. Guess what, I don't fucking care if you're pissed. Kiss your own ass, dipshit." mahina pero matapang kong sabi.

Nakita ko namang nagpipigil ng tawa iyong mga kaibigan niya. Mukhang narinig din nila iyong sinabi ko.

Sinamaan niya naman sila ng tingin at bumalik ulit saakin ang tingin.

"Kung nagpapapansin ka saakin, ngayon palang uunahan na kitang sabihan na wala kang pag-asa. No offense pero di ako pumapatol sa pangit na tulad mo. Go find some book in the library and make it your husband or something." medyo nilakasan niyang sabi kaya rinig na rinig ng lahat. Nagtawanan na sila at higit sa lahat, ako ang pinagtatawanan. He's making it look like I'm desperate.

Nag-iinit na naman iyong ulo ko. Ako? Queen Helena Cruz, desperada? No freaking way. All my good senses left my mind.

Fuck the goody two shoes pretense. I lost to him once, I don't intend on losing to him again.

Itinaas ko ang kamay ko para sampalin siya pero agad din niya itong nasalo bago pa man tumama ang palad ko sa pisngi niya.

He pinned my hands unto the lockers at lumapit pa saakin.

"Sa tingin mo ba ganon ako kadali sampalin. Know your fucking place.  You're no match for me, you should just kneel and apologize. " nanunudyo niyang sabi habang nakangisi.

I returned his grin with one as well. The fact that he's grinning because he thought he won already made my grin even wider. Inilapit ko iyong mukha ko sa tenga niya. "Asshole, you forgot the fact that I have a knee....A strong one too."
.
.
.
And just like that, the great king of Ironhead University kneeled before me habang sapo sapo ang gitnang parte ng mga hita niya.

I lowered my knee at lumapit sa kanya. Muli kong pinantay ang mukha ko sa tenga niya.

"Who's kneeling now?" I mocked him.

Lumatay sa mukha niya ang iniindang sakit na halatang nagpipigil humiyaw. Ilalayo ko na sana ang mukha ko sa tenga niya pero bumalik ako. " ...and you're not my type, wag kang mangarap." Tuluyan na akong lumayo sa kanya nang makuntento na ako sa ginawa ko.

I just kicked the King in his precious crown jewel infront of his subjects.

Umalis na ako at himala namang humawi iyong mga tao. Mukhang nawindang pa sila sa nangyari. Mahina akong napahalakhak sa sarili ko. I still got it, despite looking like a nerd, hindi parin kumukupas ang galing ko.

Umuwi akong may malawak na ngiti sa labi.

Loser King- 1 and Gorgeous Queen- 100

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top