Chapter 7: To Tame Wild Dogs
🍴 Cafeteria🍴
Its lunch time already, kasalukuyan akong naghahanap ng mauupuan. The cafeteria is a pretty crowded place.
Meron namang bakanteng mga upuan but no one seems to want to share a table with a pathetic nerd. Magbabalak ka palang na uupo ay tinatapunan ka ng nakakadiring tingin. Tch.
I missed being Helena already, iyong lahat ng estudyante ay nakukuha ko ng tingin. I bet those nerds at my old school really missed me, ako lang naman ang pumapansin sa kanila sa eskwelahan maliban sa mga teachers pero mukhang nakatitipid na rin sila, I'm no longer there to take their lunch money.
Ano na rin kaya ang nangyari kina Grace, Derrick at Stan? I missed those knuckleheads. I blocked their numbers para di nila ako tawagan. If they knew about what I'm doing now sigurado akong maglulupasay ang mga iyon sa kakatawa. It's better not to talk to them, hindi na ako mag-iimbento ng palusot at kung anu-ano pa, lalo na si Grace na kilo-kilometro ang mga tanong.
Nagpatuloy ako sa paghahanap dala dala ang pagkain ko ng mapansin ko ang mesa ng apat na lalaki--Brandon and friends.
Napangisi ako at mabagal na tinungo ang mesa nila.
Napansin ako ng isang kasama niya kaya nagsilingunan silang apat. Automatically, their face turned into a scowl.
Lihim akong napangisi, mukhang nakuha na nila ang pinaparating ko. No words needed.
Kahit hindi pa sila natatapos kumain ay padabog silang umalis sa mesa nila at lumabas sa cafeteria.
Good dogs.
Mahina akong napatawa. I got them wrapped around my pretty fingers.
Flashback
(At detention room)
"Akala mo ba makakatakas ka saamin ha?" Nagsilapitan sila saakin, lalo na si Brandon na ibinagsak ang mga kamay sa harap ko at ipinantay ang mukha sa akin.
Mukha talaga siyang delingkwente mula ulo hanggang paa. He had a mohawk that he dyed blonde, may piercings ito sa tainga at may band-aid sa noo na nagpapahiwatig na mula sa away at higit sa lahat ay nose ring na akala mo naman bagay sa kanya.
He looks intimidating in every way, not that I'm intimidated. I've dealt with other bullies twice my size doon sa US, ngayon pa ba ako matatakot?
"Sino namang may sabing tatakas ako?" walang gana kong salita.
"Mukhang sinapian ka nga yata. Bumalik ka lang lumalaban ka na ha? San mo ba kinukuha yang angas mo?" he said through his clenched teeth na halatang nagkikimkim ng galit.
"Ano naman sayo? Tinatanong rin ba kita san mo kinukuha sayo?"
Namumula na siya sa galit. Muntik na akong matawa dahil nagmumukha siyang toro.
"Tatamaan ka ngayon sa akin babae ka." sabi nito at itinaas ang kamao niya para suntukin ako pero mabilis akong tumayo at sinalag iyong kamao niya gamit ng kamay ko.
Before they knew it, nasa likod na niya ako at pinipilipit ko na ang braso niya mula sa likod.
Panay mura ang mga sinasabi niya.
Sinubukan namang lumapit ng tatlo niyang kasamahan.
"One more step at mababalian na siya ng kanang braso. I'll make sure you'll really hear the bones crack." nakangisi kong sabi sa kanila.
"Sit." utos ko sa kanila na parang aso pero nanatili parin silang nakatayo at parang di alam ang gagawin.
"Sit or mawawalan ng braso ang lider ninyo." sabi ko at pinilipit pa iyong braso ni Brandon dahilan para mapahiyaw ito.
Nagdadalawang isip namang sumunod ang tatlo at umupo sa mga upuan nila habang nininerbyos na tinitignan ang kawawang lider nila.
"Pagnakawala ako dito, papatayin talaga kitang babae ka." sigaw pa nito habang dumadaing.
"Shut your filthy mouth."
Isinubsob ko siya sa sahig dahilan para mapahiga siya ng nakaharap sa sahig. Hawak hawak ko parin ang braso niya sa likod.
"You bitc---"
"One more word at hihilain ko iyang nose ring mo at sisiguraduhin kong iisa nalang ang butas ng ilong mo." sabi ko at umupo sa likod niya at tinanggal iyong makapal kong fake glasses. It gets annoying at times.
"Fuck! S-sino ko ba? You're not the same Eliza. Impossible. Ibang iba ang kinikilos mo---"
"What did I say about not saying another word huh?" sabi ko sabay batok sa kanya gamit ng isa ko pang kamay tsaka kinapa iyong nose ring niya.
"W-wag.." kinakabahan nitong sabi.
Mahina akong napatawa. Damn, how I love it when people cower in fear beneath me.
"I'm sorry but the 'queen' always keeps her words." simple kong sabi at hinila konti iyong nose ring niya.
Kita ko namang napapikit silang apat. Ang sisiga pero mga duwag pala.
Hindi ko naman pwersahang hinila, I unlocked it first bago tinanggal sa gitna ng ilong niya. May natitira pa naman akong awa.
Nang marealize nila ito ay napamulat sila.
"Nakakairitang tignan. Wear a thing like this again at ako mismo ang magkakabit nito sa mata ninyo at hihilain ko ng malakas." sabi ko sabay hagis nung nose ring sa kung saan.
Mabilis naman silang napatango.
Natigilan naman kami ng makarinig kami ng yapak mula sa labas.
"Sa susunod na aapihin niyo ako, di lang ito ang sasapitin niyo."
Mabilis naman silang tumango kaya pinakawalan ko na si Brandon.
Akala ko gaganti pa siya sa akin pero mabilis lang siyang nagtungo sa upuan niya hawak hawak ang kanang kamay. Mabilis rin naman palang mapaamo ang mga ito.
Tch that's no fun.
Nagtungo naman ako sa pintuan para iunlock iyong pinto.
"Sino ka ba talaga?" seryosong sabi nito.
Nilingon ko siya.
"I am who I have always been. Ako si Queen Eliza Cruz pero sa pagkakataong ito hindi niyo na ako basta-bastang maaapi. So good luck with your assignments dahil simula ngayon, kayo na ang gagawa at hindi na ako." ...assignments ko nga di ko magawa, sa kanila pa kaya.
Inunlock ko na ang pinto at umupo sa pwesto ko.
Sa huling pagkakataon at nilingon ko sila.
"Pag may pinagsabihan kayo sa nangyari ngayon aasahan niyo ang mga nose ring sa mata ninyo. What happens in detention, stays in detention." sabi ko sakanila sabay suot ng eyeglasses.
Sakto namang bumukas iyong pinto. Pumasok si Ma'am Jacinto at nakaupo lang kami na para bang walang nangyari.
*End of flashback*
Napangiti muli ako ng muling balikan ang pangyayari. Nakalabas kami ng maaga dahil may importanteng pupuntahan si Ma'am Jacinto. She let us off the hook and I came back to the room sa kalagitnaan ng sunod na klase, no one really paid attention to me kaya walang nagtanong.
Pinagtuunan ko na ang pagkain ko at susubo na sana ng may pumulupot sa akin na parang linta.
"Waah! Eli, I'm sorry! Pinagsisisihan ko na ang lahat ng sinabi ko. I take it back, patawarin mo na ako. Kaibigan pa naman tayo diba? Diba? Alam kong miss mo na ako kaya wag ka nang magtampo. Pramis, titiisin ko ang mga PMS mo. Di na kita iiwan. Boring ang buhay ko kapag wala ang boring mong mukha." It's that Hyron Castaneda guy.
Damn, ang nakakainis na namang isip bata na toh. The last one doesn't even make sense though.
Pilit ko siyang inilalayo sa akin pero para siyang linta kung makakapit.
"Get your hands off me kundi babaliin ko iyan."
"Pero friends parin tayo diba?" he said hopefully na para bang inaasahang sasang-ayon ako.
Well sorry nalang siya. Alam kong di dapat talaga siniseryoso iyong sinasabi niyang friendship over but I'm not that forgiving.
Hindi ako nagsalita at pinagtuunan naman ang pagkain ko. Nanatili naman siyang tahimik kaya ipinagpatuloy ko na ang pagsubo pero nakakatatlong subo palang ako ay napabuntunghininga ako at ibinaba ang kutsara sabay tingin ng masama sa kanya.
I can't keep eating when he's staring at me like a hungry homeless dog.
"Get the hell out of my face before I fucking beat your ugly face to shit." the Queen Helena would've said that to him pero ako na si Eliza, I have to filter my words.
Since I suddenly lost my appetite ay umalis na ako ng hindi nagpapaalam sa kanya. Tinawag niya iyong pangalan ko pero di ko pinansin.
Bumalik ako sa classroom kahit wala pang tao at nagpunta kung saan ko iniwan ang bag ko. Tinamad akong magdala ng kung ano kaya wallet lang ang dala dala ko.
Uupo na sana ako ng maramdamang parang may mali sa bag ko. Nakabukas ang zipper nito at iba na ang pwesto nito.
"Hey nerd, sorry kung hindi ako nakapagpaalam. Kailangan ko kasi ng correction fluid at alam kong meron ka kaya diretso ko nang kinuha sa bag mo." biglang dumating iyong isang babae sa room tsaka isinauli ang white out ko.
Biglang nag-init ang ulo ko. I don't really like people taking my things without my permission. Ni hindi niya isinara iyong bag ko.
"Sorry talaga, nakabukas na kasi iyong bag mo pagkapasok ko kaya kinuha ko na. Tsaka salamat na rin don sa hiniram ko." sabi pa niya at umalis na.
Napaisip ako sa sinabi nito. Sabi niya ay bukas na ang bag ko pagdating niya pero hindi ko naman iyon iniwang nakabukas. Nothing seems to be missing with my things.
Is she lying or could there be something else? Or paranoid lang talaga ako? Who knows.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top