Chapter 62: The End
When our eyes met it felt like all my senses went numb with only the feeling of his gaze on me. Tumatayo iyong mga balahibo ko habang nagkatitigan kami. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya dahil sa kawalan niya ng ekspresyon. I'm confused, bakit ba siya nagpunta rito?
Hindi ko maiwasang mapalunok habang humakbang siya papalapit sa akin.
"B..bakit kayo nandito?" pautal-utal kong tanong habang di ko namamalayang napahakbang na pala ako paatras.
Cole calmly looked at me as he continued to walk closer. Blangko parin iyong expression niya pero kita ko iyong pagtiim ng bagang niya. Ilang hakbang nalang ang pagitan namin ng humarang sina Stanley at Derrick sa amin.
"The lady asked a question, dude. Don't you think you should answer it?" giit ni Stan.
"What's your business here?" untag naman ni Derrick. Ramdam kong bumigat ang tensyon sa paligid. I know Derrick and Stan are just being protective of me.
Sa halip na sagutin niya ang mga ito ay diretso lang siyang tumingin sa akin. "I need to talk to you." His voice sent my heart on a rampage. He easily sidestepped both Stanley and Derrick.
I was still shocked on how quickly he crossed the distance between us nang bigla niya akong binuhat at inilagay sa balikat niya na parang sako. "What the! Cole!" bulalas ko.
Nagsimula na siyang humakbang na para bang normal lang na may binubuhat siyang tao sa balikat niya. "Teka!Saan mo ako dadalhin?" natataranta kong tanong. It happened so fast, ni hindi man lang ako nakapalag.
Wala akong nakuhang sagot sa kanya at halip ay ang dalawang ugok pa ang nagsalita at nagtawanan pa.
"Sa langit."
"Sa forever."
I glared daggers at the two na tila ay natutuwa pang pasan-pasan ako ni Cole na parang sako.
Lalapit na sana sina Derrick at Stan sa amin nang harangan sila ng lima, sina Maxim, Ichabod, William, Yohann at Zach.
"Don't worry, it'll be fine." sabi rin ni Lizzy. Kasali rin ba siya dito? Bakit niya sinusuportahan ang mga masasamang pakay ng mga gunggong na to. Isang traydor!
Nagpupumiglas ako at tinawag sina Derrick at Stanley upang humingi ng tulong pero parang wala lang ito kay Cole at hindi parin ako binitawan. Mukhang nakuha naman namin iyong atensyon ng halos lahat ng tao sa labas ng airport. They started pulling their phones out.
"Wag kayong mag-alala hindi to tunay na kidnapping, okay? Isa itong hakbang para sa road to forever para sa mga walang jowang hindi nakakarelate." rinig kong paliwanag ni William sa madlang nakiki-usyoso.
"Sumakay na kayo sa mga eroplano niyo. Wag kayong chismoso. Shoo!" huli kong rinig mula kina William bago kami nakalayo mula sa kanila.
Damn it, nakakahiya.
Tumigil na ako sa kakapumiglas. Nagulat naman ako ng inalis niya ako sa pagkakabuhat niya sa balikat ko pero inilipat lang ako sa ibang posisyon. A bridal carry.
"Cole, let me go." mahina kong pakiusap dahil nakakahiyang pinapasan-pasan niya ako. Nagsisimula nang mamula iyong pisngi ko dahil sa hiya. People are gaping at us.
I felt him getting tense. " Not a chance."
Wala naman akong nagawa kundi takpan iyong mukha ko. Makaraan ang ilang sandali ay naramdaman kong ibinaba niya na ako kaya inalis ko na iyong kamay ko sa mukha ko. Inupo niya ako sa front seat ng sasakyan niyang convertible tsaka sumakay na siya sa driver's seat. Pinasibad niya na palayo ng airport iyong sasakyan. Buong byahe ay seryoso lang siyang nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Walang nagsalita, wala ring tunog iyong radio kaya purong katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan.
Napalunok ako dahil hindi pa rin humuhupa iyong bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Lumingon ako sa labas at paminsan-minsan ay lumilingon sa direksyon niya pero parang bato parin iyong ekspresyon niya.
"Cole." I called out.
Ilang minuto rin akong naghintay nang sagot pero wala akong nakuha.
"Alam kong galit ka saakin. But please listen." He's still silent. Napakagat nalang ako ng labi.
I heaved a deep sigh. If he's not got gonna talk, I will.
"Gaya ng sinabi ko noon I'm not Eliza, I'm Queen Helena Cruz. I pretended to be her because she was missing. Wala sa intensyon ko ang lokohin ka. Sasabihin ko naman eh, natatakot lang ako--"
Nagulat ako nang bigla niyang itinabi sa daan at ihininto iyong sasakyan. I looked around and we were on the side of a highway na walang masyadong dumadaan. Bigla siyang lumabas ng sasakyan. Hindi naman siya lumayo at sumandal lang sa harap ng sasakyan.
Pansin ko ay kulimlim na iyong kalangitan at mukhang ano mang oras ay uulan na.
Napabuntong hininga nalang ako at lumabas na rin ng sasakyan at nilapitan siya. Nakatingala siya habang nakapikit. Napalunok naman ako habang tinitignan iyong Adam's apple niya.
Hindi ko magawang magsalita sa kakatitig sa gwapo niyang mukha. He looks so serious, and it's making me fall for him even deeper.
"You fucking broke me to pieces and you're leaving me before I could even put myself back together." Muntik naman akong mapaigtad nang iminulat niya iyong mata niya at nilingon ako. Tinitigan niya ako sa mata. "You know what's shittier? It's still beating fast for you. I'm an asshole but I'm in love with you. And you're even leaving? Ni wala man lang paalam?" I could hear a hint of his voice breaking.
Sa lakas ng pintig nang puso ko, all that was registering to my brain was when he said he's in love with me.
"D..do you really love me?" Hindi ko mapigilan, I still have that doubt eating up inside me.
Lumapit siya sa akin. He slammed his palms beside me trapping me between him and the car. Nagulat naman ako dahil kasabay noon ang pagkulog. It's about to rain but right now, none of us cared. Dumilim ang ekspresyon niya katulad ng kalangitan. "Do you think I'm playing games? Sa tingin mo hahabulin kita sa airport kung hindi? You played me and I'm still head over heels for you---"
"Teka hindi kita niloko Cole, did you think I was pretending to have feelings for you! Lahat ng sinabi ko, totoo yun! Damn it! Mahal kita." singit ko sa kanya. Unti-unti nang pumatak iyong ulan pero ni isang saglit ay walang kumalas ng tingin sa amin.
I saw him clench his jaws but I could see his eyes flash one shade brighter. He stared into mine as I stared directly into his. I could see his pupils mildly dilating.
"Prove it." he breathed out in a husky yet cold voice. Tumaas iyong balahibo ko sa pag-ihip ng hangin sa paligid.
My heart skipped a beat as my eyes strayed from his daunting black orbs to his lips. Ngayon ko lang napansing sobrang lapit na namin sa isa't isa na nararamdaman ko na iyong hininga niya sa mukha ko.
Without a second thought, I put my arms around his neck and smashed my lips against his. As if the sky was watching, rain poured down upon us. Napapikit ako habang ibinuhos ang lahat ng nararamdaman ko sa halik habang tuluyan na ngang bumagsak ang ulan. Seconds later I felt his arms around my waist as he responded to my kiss. I couldn't think of anything else except for his lips moving against mine. We ended up breathless nang maghiwalay kami. I looked directly into his pitch black eyes. "I know a kiss won't be enough, but I swear on every fiber of my being I'm smitten by you, King." I said out of breath.
Nagkatitigan na naman kami. None of us cared that we were drenched in the rain. Muli ay napansin ko siyang napatiim-bagang. He put his head on my shoulder habang humigpit iyong pagkayakap niya sa bewang ko. "Fuck! Sana wag ka nalang umalis."
I pursed my lips habang inaalala iyong naging usapan namin ni Dad kahapon.
.
.
.
~Flashback~
Yesterday...
Nakatitig nanaman ako sa harap ng pinto ng study office ni Dad. Nag-aalangan ako kung bubuksan ba ito o hindi dahil sa tuwing pupunta ako dito ay alam kong hindi magiging maganda ang kalalabasan nito. I didn't really want to go here kaya tinagalan ko pa ang pagpunta rito. Kanina pa ako naka-uwi pero ngayon lang ako nagpasyang pumunta.
This is it.
Huminga ako ng malalim bago binuksan na ang pinto at pumasok na. Mukhang hindi niya ako napansin dahil may kausap siya sa telepono. Nakakunot iyong noo niya.
"Alright, I'll set an appointment tonight."
I stepped closer towards him, directly in front of his desk at napansin niya na ako. Tinapunan niya ako ng isang tingin bago muling itinuon ang atensyon sa katawag. Nanatili naman akong walang kibo.
"I'll call you again for the details. Hopefully we can iron things out later tonight. " huli niyang sabi bago ibinaba iyong telepono.
Saglit niya akong tinitigan at pagkatapos ay binuksan niya iyong compartment ng desk niya. Sinundan ko sa mata ko ang mga bawat galaw niya. Kinakabahan ako sa bawat segundo ng katahimikang namamayani sa buong silid.
He pulled out a white envelope. "Nandito na ang ticket mo pabalik sa Amerika." He finally spoke. He also pulled out a key. " This is the key to the car you requested. I purchased it from America. It's on your grandmother's garage now as we speak." He sternly said.
Hindi ako nagsalita at tinitigan ko lang siya at nagpatuloy naman siya sa pagsalita habang nakatingin sa akin.
So he's now sending me back. Pagkatapos nang lahat, he's going to send me back to the States again. I was expecting this pero masakit parin. I was eagerly waiting for this back when I just arrived here pero ngayon ay bumibigat na iyong puso ko.
"This time, I'm keeping my end of the deal. Isn't that what you want? Iyon ang napag-usapan nating kapalit kung nakabalik na si Eliza. You're now free to go. Tinutupad ko na iyong usapan nati---"
"Do you even love me?" hindi ko maiwasang bulalas na ikinagulat niya. His stoic face formed a shocked expression. It just came out of my mouth na kahit ako ay nagulat.
I bit the inside of my cheeks dahil nagsisimula nang mag-init ang gilid ng mga mata ko. "I'm asking you as your daughter, did you even love me? Kahit minsan ba sa buhay mo, masaya ka bang may anak kang katulad ko? I know I'm not really the kind of daughter you can take pride in but do you even see me as one? Kasi buong buhay ko, hindi ko yun ramdam eh." I bursted out in tears. Hindi ko napigilan. My emotions are everywhere at parang di ko makontrol iyong bibig ko. It's like my heart's taking control over my words.
Hindi ko lang kasi maintindihan, bakit sila ganyan? Pakiramdam ko para akong patapon na pag nagamit na ay ibabasura nalang.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Maybe deep inside, I'm longing for his love kahit tanggap ko namang wala iyong papupuntahan.
He seems taken aback. I saw him pursed his lips.
Nanatili siyang tahimik kaya mas lalong tumulo iyong mga luha ko. I knew this was hopeless.
Pinunasan ko na iyong luha ko. Kinuha ko iyong binigay niyang ticket at susi at tumalikod na. Pinigilan kong hindi humikbi habang papalayo sa kanya. Maybe I should just leave.
Bubuksan ko na sana iyong pinto nang bigla siyang magsalita. " We had you when we were young." Umpisa niya kaya napahinto ako. "We were just starting out with our lives when you and your twin came along. Neither of us know how parenthood works."
Tumahimik uli at muli siyang nagsalita. " No father could never love his own children."
Lumingon ako sa kanya at diretso siyang tinignan sa mata. Hindi ko inaasahan ang sinseridad sa mga mata niya, lumambot iyong ekspresyon niya. He looked sincere.
"Last time when you came here, I realized my mistake. Alam kong malaki ang pagkukulang ko. I don't know how to reach out to you but I'll try." Napalunok ako habang nakatingin parin sa kanya. "Helena, I apologize if I wasn't a good father to you and Eliza so please let me rectify that."
Tinignan ko lang siya at ilang segundo ay mahina akong napatango. I gave him a grateful smile amidst my tears. Ginantihan niya naman ako ng isa ring maliit na ngiti.
That was all I need. I felt a huge weight lifted from my chest. There were no hugs nor 'I love you's, pero kuntento na ako doon. We'll take it step by step.
"From now on, we'll visit you frequently in the States along with Eliza--"
"Dad, there's just something I want." bigla kong singit sa kanya.
Napakunot naman siya ng noo. "Ano yun?"
Tinignan ko muli siya sa mata. "I...I want to stay."
~End of flashback~
I mentally face palmed. "I wasn't planning on leaving." sambit ko kaya agad nag-angat ng tingin si Cole at muli akong tinignan. Makikita iyong gulat sa ekspresyon niya. "What?!"
Napakagat nalang ako ng labi habang pinipigilan iyong sulok ng labi kong umangat. " Ihinatid ko lang sina Grace sa airport dahil may hangover pa sila."
Natigilan siya na parang nag-la-lag pa iyong utak niya pero napapansin ko ay unti unting pumupula iyong tenga niya. "I'm gonna kill you, Requim." he murmured in a low voice pero rinig ko parin.
Yeah, kasalanan talaga to ni Zach. Ang lakas maka-fake news. I was going to clear it up to him pero hindi niya man lang ako pinagsasalita.
Grace, Stan and Derrick still have hangovers kaya ihinatid ko lang sila para masiguradong di sila maiiwan ng flight nila. At kaya naman napaaga ang flight nila dahil hindi pala alam ng magulang ni Grace na nag-ibang bansa siya at nung nalaman nila ito ay agad silang pinauwi. It's not school break yet, pero nakuha pa nilang pumunta dito sa kabila ng klase nila, no wonder her parents were angry. At isa pa, kung aalis man ako, magpapaalam muna ako kay Lizzy. We've been apart for years, ayokong bumalik nang hindi man lang siya nakaka-usap ng maayos.
"I'm not going anywhere, King. I wanna make this work." I said to him.
America was my comfort zone, it was fun being with Nana, Grace, Derrick and Stan. I treasure them but I choose to stay dahil kung aalis ako, alam kong may kulang. I want to fill that gaping hole inside me na alam kong dito ko lang sa Pilipinas mabubuo.
Pero para sa ikinatatahimik ko, kailangan ko munang maialis iyong tinik ko sa lalamunan. Diretso ko siyang tinitigan sa mata."I just want to clear things out. Ano ba si Eliza sa iyo?"
Alam kong ang tanga ko but I need assurance, ayaw kong tanong lang ako ng tanong sa isip ko na parang tanga.
I heard him sigh. Bigla naman akong napaigtad ng pinitik niya iyong noo ko. "Stupid nerd, how stupid can you get?"
Napahimas naman ako sa noo ko habang tinitignan siya ng masama. "I'm not a nerd anymore, asshole. "
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa baba. He looked directly into my eyes. "You're my stupid nerd."
Napakagat naman ako ng labi ko tsaka napaiwas ng tingin. "What if you're confusing me with my twin?"
Bigla niya akong niyakap. "Ilang beses ko bang sasabihin? This heart beats fast only for you." Ngayong yakap-yakap niya ako ay ramdam ko iyong pintig ng puso niya. It's perfectly in synced with mine. "I fell in love with that stupid nerd who had the guts to go against me, that reckless stupid nerd who seems to follow trouble anywhere, that stupid nerd who didn't hesitate to help my friends with their problems. Queen Helena Cruz, I'm fucking head over heels you, damn it." He nuzzled his nose on the crook of my neck. "I won't let you go that easily. You can't just steal my heart and walk away with it. Panagutan mo ako." nagmamakaawa niyang sabi niya. He made it felt like nabuntis ko siya at tinatakasan ko siya, or is it just me?
Mahina akong napahalakhak na para bang lahat ng problemang kinikimkim ko ay naglaho na parang bula. "I will."
Parang umaliwalas bigla iyong pakiramdam ko. Ganun lang pala kadali.
"I fucking love you, so don't be jealous. Dalawang nga beses lang kaming nagkausap." aniya.
"T-talaga?" hindi ko maiwasang matanong. I find it hard to believe, she's his fiance after all.
"Una kaming nagkausap noong malaman naming pinagksundo kami. We agreed to never speak of it and to pretend as strangers at school. That was the agreement until you came."
Sa wakas ay naintindihan ko na kung bakit sinabi niya iyong mga salitang iyon noong araw na ihinatid niya ako sa bahay noong napulot namin si Coal Jr. Napagkasunduan pala nilang di iyon banggitin.
"Eh yung pangalawa, was it yesterday?" usisa ko pa.
Tumango siya. "We had a talk with your dad last night, kasama ng mga magulang ko."
Nanlaki ang mga mata ko. "What?"
"Nagkausap kami kahapon ni Eliza, she wants to break the engagement as much as I do." paliwanag niya.
I pursed my lips. "A..anong ginawa niyo?"
"Kinausap namin ang magulang ko. Pagkatapos nun ay agad na kinausap ng ama ko iyong sa iyo." saad niya kaya muli kong naalala iyong kahapon. Noon bang pagpasok ko sa loob ng silid ni Dad ay ama ni Cole ang kausap niya.
"But..." Napatigil siya at nag-iwas ng tingin. Napalunok nalang ako. "The arranged engagement wasn't broken."
Napayuko ako. I bit my lip habang pinipilipit na tanggapin ang pangyayari. Hinawakan naman ni Cole iyong baba ko at ibinalik ang tingin sa kanya. "It isn't broken but Eliza isn't my fiance anymore. I love you, stupid nerd, and it's only with you I am willing to spend my lifetime with."
"A...anong ibig mong sabihin?"
"It means you have a fiance now at pumayag naman iyong ama mo pero sa isang kondisyon?"
"A..no yun?" tanong ko. My dad flashed on my mind. Ano naman kaya ang kondisyong iyon. Somehow it unsettled me.
I almost gasped when he went down on one knee. "That the choice will be up to you." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. "Stupid nerd, will you be my queen?"
Kasabay ng pagtila ng ulan ay ang pagtulo naman ng luha ko. Hindi ko maiwasang mapangiti sa labis na kasiyahan.
"Can I say I do?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top