Chapter 60: The Truth
Habang nakatingin ako sa kay Cole na matiim na nakatitig sa kakambal ko, parang unti-unting nadudurog iyong puso ko.
May namumuo sa dibdib kong kahit pilit kong binabaon ay paulit-ulit na kumakawala.
Inaamin ko sa sarili ko. I was jealous. With Lizzy. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. I don't even know how to react. Tama ba tong nararamdaman ko? May karapatan ba ako? My fears resurfaced. I was bombarded with doubts. Did Cole really have feelings for me or does he just see me as Eliza?
Napalunok ako habang hindi maiwasang sisihin ang sarili ko.
You saw this coming Helena, alam mong mangyayari to pero nagpadala ka sa nararamdaman mo. Alam mo namang ikaw pa rin ang talo.
I bit the insides of my cheek. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko at mas kumabog pa ng bumaling ang mga malalamig na tingin ni Cole sa akin.
"I....I...uh...C...cole " nabubulol kong banggit. Pangalan niya lang ang kaya kong masabi sa kabila ng mga salitang gumugulo sa isipan ko.
Nakita kong nagtiim ang kanyang bagang.
Tinapunan niya muli ng isang tingin si Lizzy at parang gusto ko nang tumakbo. Wala sa sarili akong napahakbang paatras. Napaigtad naman ako ng bigla niyang hinawakan iyong braso ko.
Napatingin ako muli sa kanya. His face was void of all expressions.
Hindi ko namalayang hinihila niya na pala ako palayo nang marinig kong tawagin nina Grace ang pangalan ko.
Hindi ko alam kung saan niya ako dinala pero napadpad kami sa isang bakanteng silid na kami lang dalawa.
"I thought I figured you out. I thought everything was fine. Was it fun making me look like a fool?" bawat salita ay parang kutsilyong sumasaksak sa puso ko. Hindi ko magawang magsalita. Many types of feelings are overwhelming me, naguguluhan na ako.
"Masayang bang nagmumukha akong asong ulol sa iyo?" muli niyang giit.
"King...C..Cole let me explain please." sa wakas ay nakapagsalita rin ako.
His expression hardened. "Then tell me, fuck! I'm fucking confused, stupid nerd. Eliz--fuck I don't even know what to call you."
I bit my lower lip habang pilit pinapakalma ang sarili ko. "I...I'm not Eliza, I'm her twin." sambit ko habang nag-iwas sa kanya ng tingin.
Umasa akong magsasalita siya agad, wala akong inaasahang itutugon niya basta magsalita lang siya nang sa gayon ay malaman ko kung ano iyong nasa isip niya pero nanatili siyang tahimik.
Every second of his silence is a needle piercing through my heart.
Muli ay nilamon ako ng pagdududa. Was he just confusing me with Lizzy? Talaga bang ako iyong gusto niya o ang kambal ko? Fuck! Bakit wala siyang masabi?
Nagsisimula nang manubig iyong mga mata ko. The silence was choking me, halos di ako makahinga sa mga tanong at damdaming lumulunod sa isipan ko.
I willed myself to take a step back hanggang sa nakita ko nalang ang sarili kong tumatakbo papalayo sa kanya.
I thought if I ran away from him, I might save that little bit of hope that remained pero mali ako. It shattered what's left of that hope.
Tuluyang kumawala iyong luha ko.
What broke me was that he didn't even chase after me. Hindi niya man lang ako pinigilan.
Alam kong ang tanga ko para umasa, tanga na kung tanga pero taena ang sakit.
...
Napadpad ako sa likod ng isang gusali. I sat on the ground habang pinagdikit iyong noo sa tuhod ko.
Dito ako dinala ng mga paa ko. Gusto kong mapag-isa. I don't want to go to the rooftop dahil baka maisipan nila akong hanapin doon, kung may naghahanap man.
I closed my eyes and composed my thoughts. Pinunasan ko iyong pisngi kong nabasa ng mga kumawala kong mga luha.
Damn it. I'm so pathetic.
Muli akong napapikit nang may marinig akong usapan mula sa loob ng silid sa likod ko. The window was just directly above me. Napamulat ako.
"Pare may utos si Regine." nagpantig ang tenga ko ng marinig iyong pangalan ni Regine kaya napatayo ako at pasimpleng sumilip sa bintana.
Nakatalikod sa akin iyong nagsasalita habang nagyoyosi. Nakaupo siya sa desk.
"Ano yun?" nakita kong anim silang lahat sa loob ng silid. They look like thugs.
"May ipabubugbog daw. Mukhang galit na galit talaga siya doon eh."sabi nito sabay hithit ng yosi. I had to cover my nose dahil tumatama sa akin iyong usok mula sa yosi niya.
"Ano daw pangalan? Tamang tama, ang boring pa naman at walang mapagkaka-abalahan. Gusto ko na ring mangbubugbog." komento pa nung isang lalaki mula sa silid.
"Tatlong babae daw, tanda niyo iyong panget na nerd? Iyong Queen Eliza Cruz." sagot nito.
Nagtatawanan naman sila. "Sisiw lang yun eh."
"Tsaka dalawang babae rin. Isang babaeng kulay blonde ang buhok, tsaka iyong babaeng may kulay pilak ang buhok rin, iyong nagpakita sa party ni Regine noon, tanda niyo pa?" dagdag pa nung nagyoyosi.
"Ayos pare! Siguradong sexy. Pagkatuwaan natin pagkatapos."
"Tama, sabi ni Regine, bahala na daw tayo kung anong gawin pagkatapos basta mawala lang sila sa landas niya. Ano pang hinihintay natin? Tara na." yaya pa nung lalaki tsaka ihinagis pa iyong yosi sa bintana na napunta ilang dipa lang sa paa ko.
Umalis na sila sa silid.
I clenched my jaw habang tinapakan iyong yosing umuusok pa. Sa pinag-uusapan nila, malamang si Grace at Lizzy ang tinutukoy nila bukod sa akin.
That bitch dare to use underhanded tricks. Ginagalit niya talaga ako. My mood changed. My heart just got broken pero ibang usapan pag sinaktan nila ang mga taong malapit sa akin, lalong lalo na ang kambal ko.
Agad kong hinanap iyong anim na lalaki bago pa man nila mahanap sina Lizzy at Grace. Naabutan ko sila sa quadrangle. Agad akong humarang sa daraanan nila habang sinasamaan sila ng tingin.
Napahinto naman sila at nagkatinginan. "Diba siya iyong panget? Iyong Queen Eliza Cruz." rinig kong sabi nung isa sa kanila.
Tumango naman iyong lalaking nasa gitna. Siya iyong nagyoyosi kanina.
"Sakto lang ang timing mo nerd. Kasama ka sa hinahanap namin, balak sana naming unahin iyong dalawang magaganda kaso nagpakita ka pa, " maligayang saad niya sa akin. Tinignan niya naman iyong mga kasamahan niya. "Madali lang to, ako na ang bubugbog," aniya.
Nakapamulsa pa iyong isa niyang kamay habang palapit sa akin. "Malas mo talaga, panget. Umeepal ka pa kasi sa mga taong di mo pwedeng kalabanin. Wag mo kaming sisihin ha, sisihin mo sarili mo---" Akmang itutulak niya ako sa balikat nang mabilis kong hinawakan sa braso at ibinalibag siya sa lupa ng hindi siya pinapatapos sa sinasabi niya.
Narinig kong napasingap ang mga tao sa paligid lalo na iyong limang kasama niya.
Nasa gitna kami ng quadrangle kaya kitang kita ng mga tao sa paligid ang nangyari. Halos lahat nang estudyante ay nakatutok sa amin pero ni isa ay walang nagbalak na makisali.
Mabuti na rin iyon. Hinubad ko iyong blazer ko at ihinagis sa lupa. Mabilis ko namang itinupi iyong manggas ng uniporme ko tsaka niluwagan pa iyong neck tie ko.
"Kung gusto niyong saktan ang kambal ko, you'll go through me first. Over my fucking dead body." Nagkatinginan naman sila sa isa't isa na parang walang maintindihan sa sinabi ko.
"Tangina! Bugbugin niyo iyan!" utos nung lalaking kakabalibag ko lang sa lupa habang pinipilit pang tumayo.
Nagkatinginan iyong lima sa isa't isa tsaka sabay sabay na sumugod.
Sinalubong ko naman sila. I immediately punched the guy in the stomach who's nearest to me while evading all their attacks. Mabilis ko namang hinila sa kwelyo iyong isang lalaking nasa kaliwa ko tsaka siniko sa mukha. I then used him as a shield to cover me from his friends punches.
After he served his purpose ay ihinagis ko na siya papunta sa kanila. Muli akong sumugod sa tatlong natitirang lalaki na nakatayo.
Itinukod ko iyong dalawa kong kamay sa balikat dalawang lalaki sa parehong kaliwa at kanan ko tsaka sinipa ng dalawang paa ko iyong lalaking nasa gitna dahilan para tumilapon siya ng ilang talampakan mula sa akin.
Mabilis kong hinawakan iyong buhok nung dalawa sa tabi ko at pinag-untog iyon mga ulo nila kaya sabay naman silang natumba.
It lasted for about more or less three minutes. Minadali ko na dahil may kutunglupa pa akong gustong tirisin.
Aayusin ko na sana iyong uniporme ko nang mabilis akong napailag.
"Fuck!" Napamura ako nang madaplisan ako ng suntok sa pisngi. If I hadn't tilted my head in time malamang sapul na sapul iyong kamao niya sa mata ko. Siya iyong unang lalaking napatumba ko kanina.
Natapon naman iyong salamin ko sa lupa at mabilis naman niya itong tinapakan dahilan para mabasag ito. Napangisi siya habang nakatingin sa akin. "Naduduling ka na ba, labo?"
Akala niya yata, wala na akong maibubuga dahil nawala ang salamin ko. Malas niya lang dahil props lang iyon.
Hinimas himas ko muna iyong pisngi kong napuruhan tsaka nagtaas ng tingin sa kanya.
"You shouldn't punch girls in the face." I glared at him while I combed my wig backwards with my hand. Humaharang kasi sa mukha ko iyong bangs. It's starting to piss me off.
Nakita ko naman iyong mukha niyang unti- unting nag-iba ng reaksyon habang pinagmamasdan ako, ganoon rin iyong kasamahan niya. They seemed star-strucked, o baka magsisimula na silang matakot sa tingin ko?
Mukhang ang laki talaga ng ipinagbago ng mukha ko pag natanggal iyong salamin ko.
Hindi ko na sila inantay pang makahuma. Sinugod ko na siya at sinipa sa gilid ng ulo. I was wearing black cyclings under my skirt kaya malaya kong nagawa iyon.
He didn't have the time to react at bumagsak na siya sa lupa.
The remaining five who was just beaten up by me, stood bewildered. Nakabuka iyong mga bibig nila habang hinahawakan iyong mga pasang natamo mula sa bakbakan kanina.
Pinatunog ko naman iyong mga daliri ko . "Who wants some more?" Tinapunan ko sila ng malamig na tingin.
Inihanda ko ang sarili nang akala ko ay susugod sila sa akin pero bigla nalang silang kumaripas ng takbo papalayo.
I clicked my tongue. Wala naman palang binatbat.
Napasuri ako sa mga estudyanteng nagkalat sa paligid, katulad nang kaninang reaksyon ng lima ay nababalot ng gulat at takot iyong mga mukha nila. Hindi ko naman iyon pinansin at lumapit doon sa lalaking nawalan ng ulirat sa sipa ko.
I squatted on the ground at mahinang tinampal iyong pisngi niya. "Oy gising."
Unti-unti naman siyang napamulat na para bang kakagising lang mula sa isang masamang panaginip. Nginisihan ko siya at iyong reaksyon niya ay parang nakakita ng multo. I can really be scary when I want to.
"Saan iyong amo mong linta?" tanong ko pero binigyan niya lang ako ng naguguluhang tingin.
I rolled my eyes."I won't repeat it again. Where the fuck is Regine?"
Lumatay naman sa mukha niya iyong takot. "C...cafeteria."
Napatango naman ako.
"Good. You're coming with me." Hinila ko siya sa kwelyo niya at pinilit siyang itinayo. Nakisama naman ito at mabilis na tumayo.
"T..teka, ano gagawin mo sa akin?" may bahid nang takot iyong tinig niya pero nanatili akong walang imik.
Humawi naman iyong mga taong nadadaan ko na nakasaksi lang sa buong pangyayari. I felt like I was back on States again. Iyong tipong dadaan ka ay awtomatikong didistansya ang mga estudyante sa iyo.
Tumungo kami sa cafeteria. I don't want to deal with her right now but she keeps pushing the wrong buttons.
Nakasalubong ko si Lizzy at sina Grace papunta sa cafeteria.
"We've been looking everywhere for you, where have you--wait..." napatigil si Grace, "I know that face."
"Someone's about to die. I wanna see it." sambit ni Stanley na sumilay sa labi ang isang ngisi.
"Let's get the show on the road." Derrick excitedly added.
Tinapunan naman ako ng naguguluhang tingin ni Lizzy pero agad naman siyang inakbayan ni Grace. "Let's learn from the pro, okay?"
"After you, milady." sabi pa ni Derrick at binigyang daan ako papunta sa cafeteria. Napaikot nalang ako nang mata tsaka hinila na iyong lalaking hawak hawak ko pa rin sa kwelyo. Sumunod din silang apat sa akin.
Pumasok kami sa cafeteria at agad napadako ang mga tingin ng nasa loob sa akin.
Hindi na ako nagtaka. Sa itsura kong kakasabak lang sa gulo na hawak hawak ang lalaking bugbog sarado ay malamang mapapalingon sila. Not to mention Lizzy, Grace, Derrick and Stanley are behind me. Dumagdag pa iyong mga estudyanteng sumunod sa akin mula sa quadrangle na gusto yatang makichismis pa sa susunod na mangyayari.
Hindi ko sila pinansin at hinanap nang mata ko si Regine. She wasn't hard to find dahil nasa gitna lang naman siya ng cafeteria nakaupo, since she really loves attention that much.
Nagsimula akong humakbang papalapit sa kanya habang hila-hila parin iyong lalaki sa kwelyo niya.
Regine was dense not to sense the atmosphere around her at abala sa pagkukwento sa dalawa niyang alipores. Her back was facing me kaya napatili nalang siya nang ibinagsak ko iyong lalaki sa mesa nila. Napadako ang tingin niya doon sa lalaki and recognition dawned on her face.
"Surprise." I coolly whispered on her ear.
Napaigtad naman siya at lumipat ang tingin niya sa akin. Agad nanlaki iyong mga mata niya.
"You! What are you doing?! What is this?!" patili niyang tanong.
"Are you feigning ignorance or are you just dumb? You sent people to beat us up. Do you think papalagpasin ko ito ng ganun ganun na lang?" matiim kong sabi.
Tinapunan niya ako ng tingin at lumipat kina Lizzy at Grace na malapit lang sa kung nasaan kami. Muling bumalik sa dating pagkamataray iyong ekspresyon niya at tinaasan pa ako ng kilay na para bang wala siyang masamang ginawa.
"So what? You think kaya mo ako? Nerd ka lang! Ang lakas ng loob mong kalabanin ako." Napadako ang tingin niya kay Lizzy. "You! You bitch! You stole what's mine, you stole my King, I'll make sure to give you what you deserve for being a slutty whore. I won't stop hanggang hindi kayo mawala sa buhay ko. If you didn't show up Cole would've been mine! "
Napatawa naman ako at umupo sa upuang kaharap sa kaniya. Dumekwatro naman ako. "Aso ka nga talaga. You're barking the wrong tree, bitch."
"Shut up! What do you know? You annoying piece of trash, kung anu-ano nalang talagang lumalabas sa walang kwenta mong bibig."
Napabuntong-hininga ako. Looks like it's time, pagod na rin kasi akong kakasuot sa wig na toh.
"Let me stop you there, you see--" Tinanggal ko iyong wig ko. I let my tied hair free at inayos ko pa ito-- "The one which you said had stole your King wasn't her. It was me."
I decided to stop the pretense, tutal aalis na rin ako, might as well leave a mark.
Narinig ko ang sari-saring mga singap sa paligid pero wala akong pakialam.
Gulat ang ekspresyon ni Regine habang pabalik-balik ang tingin sa akin at kay Lizzy hanggang sa napalitan ito galit nang manatili ang tingin sa akin. "You! It was you!"
I leaned in towards her. "Yes, it was me. One more thing, hindi ko siya ninakaw sa iyo. He wasn't yours in the first place." I gave her a smirk. "Nice to meet you and by the way, the name's Queen Helena, princess." I winked at her.
Inilayo ko na iyong mukha ko sa kanya at tumayo na. "Oh, and you got something on your face."
Magpupuyos siya sa galit. I could hear her grinding her teeth. Parang ano mang oras ay susunggaban niya na ako. "I'll kill you you slu--"
Akmang tatayo siya sa upuan niya nang linapitan ko siya, I pushed her down her chair at mabilis na tinulak iyong likod ng ulo niya dahilan para mamudmod iyong mukha niya sa plato ng spaghetti sa kanyang harap. "I told you, you got something on your face, hindi ka nakinig." Hindi maiwasang mapaangat ng sulok ng labi ko. I admit I'm a bitch, hindi ko naman iyon ipinagkakaila.
"You can mess with me, bitch but don't ever think about harming the people around me. Hindi mo pa kilala iyong demonyong binabangga mo." bulong ko pa sa kanya bago siya binitawan.
"Mess with my twin and I'll you'll end up the same like him." tinuro ko iyong lalaki na ngayo'y nakasalpak na sa sahig. Linakasan ko iyong boses ko para marinig ng lahat. It wasn't just intended for Regine but for all the bullies out there.
Lumayo na ako sa kanya tsaka hinawakan iyong kamay ni Lizzy.
Regine was still glaring at me with her face painted with spaghetti sauce. Nakita kong dinampot niya iyong cake sa harap ng mesa niya at ibinato ito sa akin. Walang kahirap-hirap ko naman itong naiwasan.
I smirked at her pero nanatili parin siyang nakatingin sa akin na para bang papatayin niya na ako sa tingin. She started to scream in anger nang may isang estudyanteng tumayo sa mesa at tinapunan siya ng pagkain na lumanding sa ulo niya.
"FOOD FIGHT!" At ito'y naging hudyat nang isang masarap na digmaan.
Nagsiliparan na ang mga pagkain sa loob nang cafeteria. Umingay sa loob at nangingibabaw doon ang tili nina Regine at nang mga alipores niya.
Tahimik kong hinila si Lizzy palabas sa cafeteria. Sinenyasan ko naman ang tatlo na wag sumunod.
It's about time we have a talk. Bahala na si Coreen na maglinis ng kalat dito.
....
"I know you're mad at me..." una niyang sabi nang makarating kami sa rooftop. Napapikit ako at napahinga nang malalim tsaka muli siyang tinignan. I calmed my nerves first dahil parang hindi pa ito kumakalma mula noong sa komusyon kanina.
I narrowed my eyes at her. Pinag-alala niya ako. Napameywang naman ako. "Who wouldn't be? You freaking dare show up with my face wearing a cool outfit and pair it with worn out converse." mataray kong sabi. "Oh, and you vanished from the face of the earth for months, muntik ko nang makalimutan." dagdag ko pa.
I don't know what's more infuriating. Umiinit ang ulo ko sa converse niya. And is that a nirvana sticker I see pasted on the tongue of her shoes? Taenang jologs. I know I couldn't stay mad at her for long kaya sinusulit ko lang.
I took one step closer to her. "And what's this?" Napaamoy ako sa kanya. "Is that axe body spray, I smell? Who did your make up? Damn it where's your goddamn bushy eye brow. Don't you know how I freaking envy that Cara Delevigne eye brow? Asan na si Grace? I'll----"
Hindi ko na natuloy nang sunggaban niya ako ng yakap. "I miss you so much Lenny!"
Yung gahibla kong inis sa kanya dahil sa kajologsan niya ay parang natunaw na parang mantikilya sa mainit na palayok. I can't help but return her hug. Humigpit iyong yakap ko. Fuck. It felt like I was complete, parang biglang nabuo iyong puso kong di ko alam na may kulang pala. I really miss her. I missed my twin.
May isang luhang nakatakas sa mata ko nang hindi ko man lang naramdaman.
I heard a sniff. "Are you crying?" tanong ko. Aalis na sana ako sa pagkayakap para tignan iyong mukha niya pero mas hinigpitan niya ang pagkayakap saakin. "Wag ka muna umalis. Miss na miss lang talaga kita, Lennyyyy! *hik huhuhu. I'm so sorry. *hik Lennyyyy!" ngumawa siya and I did nothing but pat her back. Lahat ng angas niya kanina ay biglang naglaho. Where did that badass lady who made Regine kneel went?
Napabuntong-hininga ako.
Noong bata pa kami, I always knew that I was emotionally stronger than her. She's the one who gets scared easily, cries easily and breaks down easily. She was an innocent vulnerable angel. That's why I took the fall back then dahil alam kong galit na galit si Dad noon at parang kakainin na kami ng buhay. Pero hindi ko pinagsisihan ang desisyon ko, kahit ni isang segundo. If she was the one sent to America back then, ewan ko na lang talaga.
I had a hard time adjusting in America with Nana, paano pa kaya siya? New house, new environment, new school and no friends. Bullying here in the Philippines was just child's play kung ikukumpara doon sa napagdaanan ko sa America. Like I said before, I didn't exactly start out from the top, I earned my way to it. If it were Eliza back then, I couldn't stand it, better me than her.
"I'm here Lizzy." malumanay kong sabi. Para akong inang nagpapatahan ng anak. Mas humigpit naman iyong yakap niya sa akin.
I chuckled lightly. "Hanggang ngayon, iyakin ka parin." may lumala naman siya sa pag-ngawa.
Oh fuck.
"I'm sorryyyy! *sob ... I'm so sorryyyyy!" paulit-ulit niyang paumanhin sa kabila ng paghikbi niya.
"You know I'm supposed to be mad at you, Lizzy, pero ako pa itong pinapatahan ka." pabiro kong giit.
"I'm sorryy! Lenny! Patawad." paiyak parin niyang sabi.
"Dapat lang, you stopped contacting me a few years after I moved to the States. I can't even contact you." nakanguso kong sabi kahit hindi naman niya nakikita. "And why were you being bullied? Bakit hindi ka lumaban?" tanong ko pa.
Umalis naman siya sa pagkakayakap sa akin tsaka pinunasan iyong mga luha niya. Nagkalat na rin iyong maskara niya sa mata na hula ko ay si Grace ang naglagay.
"Ka...kasi tuwing nag-uusap tayo mula sa skype, you always have bruises on your face. Tuwing sinasabi mong okay ka lang doon ay alam kong hindi. Kasi ramdam ko yun Lenny eh, kambal kita. Alam kong nahihirapan ka." napapiyok siya at napahikbi pa. Muli niyang pinunasan iyong mukha niya. "Naalala mo nung isang araw na nag-usap tayo? Nagulat ako nang nakapaboycut ka nang gupit, ang sabi mo, dahil uso iyon doon but I overheard mom talking on the phone with Nana. Some students made fun of you and stuck gums on your hair." Napahikbi uli siya.
Nagulat ako nang lumuhod siya. "Lenny, I'm sorry. Sana ako nalang dapat iyon! Sobra akong nagi- guilty hindi ko magawang makita ka. I continued life here in the Philippines habang ikaw nagpapakahirap doon. Dapat ako yun eh, hindi ikaw! Sorry kung duwag ako. Sorry Lenny!" My heart was aching watching her kneel and asking for forgiveness kahit hindi naman niya kasalanan.
Agad ko siyang niyakap patayo. I held her cheeks at tinitigan siya sa mata. "Hey, it's not your fault, okay? Walang may gusto dun. Look at me now, I'm alright am I? I'm stronger than you think Lizzy." binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.
Nagpupunas siya muli ng luha sa mata. "Hinayaan kong mabully ako nina Regine dahil naisip kong sa ganitong paraan ay makakabawi ako sa iyo."
I gave her a blank stare. Kung hindi lang dahil sa sitwasyon ay malamang bintukan ko na siya. "Interesting logic, Lizzy."
Napakagat siya ng labi at napayuko. "I know and it was too late to realize that."
"Obviously it was not. You kicked Regine's ass back there. I'm so proud of you. May tinatago ka palang angas." masigla kong sabi sa kanya, trying to cheer her up.
Napailing naman siya. "Pinilit ko lang ang sarili ko. Tinuruan ako ni Grace sa mga sasabihin. I just took notes."
Napaikot ako ng mata. "Nerd ka talaga." Mahina naman akong napahalakhak habang ini-imagine si Grace na mataray na nagsasalita habang nagsusulat si Lizzy sa notes niya.
"Oh right. Nakalimutan ko. Bakit ka naglayas and where the heck were you?"nakapameywang kong tanong
Nag-iwas siya ng tingin. "I...erm...diyan diyan lang, hehe."
Tinaasan ko siya ng kilay. I got a feeling she did the opposite, otherwise bakit niya kasama sina Grace. "I'm not buying it."
"Ano kasi...Pumunta ako nang Amerika para sana kumustahin ka. I went to your school. I watched you from afar for two days." mahina niyang sabi pero rinig ko parin.
Nanlaki naman ang mata ko. "Ano?! Why didn't you approach me?"
Napayuko naman siya. "Nahihiya ako. Ang ganda mo Lenny samantalang ako...isang talunan. Tsaka magpapakita naman sana ako eh kaso biglang dumating sina Mom and Dad. Then they took you back dito sa Pinas. The next day, nagpakita ako kay Nana, she was wonderful and sweet--"
"Hey, maganda ka okay? Malamang kasi kamukha mo ako but wait, Nana knew?" May kinalaman si Nana dito? Bakit di niya agad sinabi na nandoon lang pala si Eliza?
Tumango naman siya. "And may sasabihin ako, I'm sorry talaga, please wag kang magalit." piangdaop niya iyong mga palad niya.
Napakunot naman ang noo ko. "Ano yun?"
"I pretended to be you, two days after you left."mabilis niyang sabi ng hindi makatingin sa akin ng diretso. "It was Nana's idea. Nagmakaawa kasi siya, ayaw ko namang tanggihan." I sighed, alam ko kung gaano kadrama si Nana minsan. She can really be persuasive. Ano bang pumasok sa isip nang dalawang iyon.
"So that explains the hair." tangi ko nalang tugon.
"D...di ka galit?"
"You know I can't get mad at you. So anong nangyari sa iyo doon? Okay ka lang ba?" I know people there can be douchebags, I wonder how she handled them.
"Wag kang mag-alala, okay lang naman. Tinulungan ako nina Grace, Derrick at Stanley. Ang babait nga ng mga kaibigan mo."
I narrowed my eyes at her. Iyong tatlong iyon? Mabait? Sigurado ba siyang parehong mga tao ang pinag-uusapan namin? " It's either they threatened you to say that or you went to a parallel universe, alin doon? Did they do anything to you? Sabihin mo." tanong ko habang pinapatunog ang kamao ko. Kukutusan ko talaga ang tatlong iyon.
She frantically shook her head "Ahmm hindi! Hindi!Okay lang sila sa akin. They're...uhm..unique," sabi niya sa akin na para bang naghahanap pa nang tamang ilalarawan sa kanila.
"Teka, di mo pa sinasagot iyong tanong ko? Why did you left? Dahil ba napuno ka na sa pambubully sa iyo?"
Napabuntong hininga naman siya. "Isa na rin iyon. Ang dami kasing nangyari eh. Alam kong duwag ako, I ran away. Umabsent ako ng ilang linggo hanggang sa napagpasyahan kong puntahan ka."
"Tell me what's bothering you." sabi ko. Kung ano mang problemang pinagdadaan niya, I'll help her, she's my twin after all.
Tinignan niya ako sa mata. "Well...unang una. Dad and Mom are planning to get a divorce."
Somehow I wasn't really much surprised.
"They'll have it after the senatorial election dahil baka makasira iyon kay Dad. They're both secretly dating someone and they're both aware of it." patuloy pa niya. Nanatili lang akong tahimik habang nakikinig sa kanya.
That's messed up. "Mom's dating a some french writer. She's 10 years older than me."
Napabilang ako sa edad ni Mom. She's 40 and the guy is maybe 27 or 28---wait. Napatigil ako at muling napatingin kay Lizzy. "SHE?!"
Nag-aalangan naman siyang tumango at napahawak ng batok. "Yeah. I met her online, okay naman siya. I guess."
Oh fuck. Natahimik ako nang halos kalahating minuto. I need time to process that. Mom's a bi?
I pursed my lips. "And dad, let me guess. His secretary." hula ko.
Napailing naman si Lizzy. "You wouldn't guess it right. It's Ms. Grazziana."
Agad akong nasamid ng sariling laway. "Grazziana? Do you mean Coreen Grazziana? Coreen, the dean!?"
Oh fuck! Hindi halata. Shit no way! Hindi ako naniniwala. "You're kidding."
Parang sasabog na iyong ulo ko sa mga pinakawalan niyang mga rebelasyon. My family is messed up pero hindi ko inaasahang ganito ka gulo.
"And may isa pa...ahm...ano kasi.." nag-aalangan siya, na para bang ayaw pa niyang sabihin.
Napalunok ako nang laway. I got a feeling na mabigat din ito. I don't know why pero kinakabahan ako.
"Nicholas Kaizen King III...he's my fiance."
My brain shut down. It's like all this revelations kept coming to me hanggang sa tuluyan na sumara iyong utak ko.
Napatulala ako. F-fiance? I tried to kept my face straight dahil unti-unti na namang bumibigat iyong damdamin ko.
Napansin kong napakunot ng noo si Lizzy. "Ahm, Lenny? Okay ka lang? Base sa usapan niyo kanina ni Regine, parang may koneksyon kayo. Ano ba kayo ni Cole? Lenny?"
I pursed my lips. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. " Lizzy, I--"
Naputol ang sasabihin ko nang tumunog iyong cellphone ko. I looked at the caller ID at napalunok ako.
Can this day get any worse?
For the first time in my life, I got a call from him.
Dad calling...
To be continued...
....
Gusto ko ng gulo, balakayo jan.
-GX
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top