Chapter 57: Wala Kang Jowa

(Wag niyo nang masyadong pagtuunan ang title chapter, trip ko lang. Wala akong maisip- GX)

....

Pagkatapak ko sa gate ng IU ay halos lahat ng mata ay nasa akin. I raised an eyebrow at them kahit di naman halata dahil natatabunan ng makapal kong salamin at bangs.

I sucked on my strawberry-milk flavored lollipop while making my way across the hallway. Nakatali sa bewang ko iyong blazer ng uniporme ko at itinupi ang mga manggas ko katulad nang madalas kong ginagawa sa dati kong uniporme ko noong nag-aaral pa ako sa States. What happened yesterday was a wake-up call. Hindi ko kailangang maging mahinhin, tahimik at mabait. Although duda akong naging ganoon nga talaga ako habang nandito ako. But what I did here was just a tip of the iceberg kumpara sa mga kagaguhang pinaggagawa ko doon sa States. Naninibago parin ako sa tuwing naiisip na simula sa pamamalagi ko dito ay hindi pa ako nakukulong. Kahit sa detention ay isang beses lang. I can't say I'm proud of myself.

Sa halip na manahimik, I formulated a mission for myself. Kung sakaling babalik na si Eliza sa IU at matatapos na iyong pagpapanggap ko, hindi ko iiwang ganito nalang ang tingin nila sa kambal ko. If I leave, I don't want Lizzy to be treated like trash in this school again kaya habang nandito pa ako, sisiguraduhin kong hindi na siya maaapi pa kahit kailan.

Kung sino mang magbalak, I'll make sure they'll never forget what pain feels like if they ever lay a hand on my sister. Although the thought of me leaving makes my mood sour. Napailing nalang ako.

I made my way to the hallway papunta sa locker ko to pick up some  things. I opened my locker pero gulat ko nang pabagsak itong sumara at bumungad sa akin ang isang babae at lalaki. They have this smug look on their faces.

Tinitigan ko lang sila. My first costumers. Ang unang mabubugbog, depending on how far they'll piss me off.

"Ang kapal ng mukha mong pumasok pa matapos ang ginawa mo kahapon." sabi nung lalaki.

"You really don't know shame." dagdag pa nung babae.

Hindi ako nagsalita. I crossed my arm habang nasa bibig ko pa iyong lollipop ko.

"Ano pa bang ginagawa mo dito? Dapat ka nang umalis dito!"

"Hindi nababagay ang tulad mong walang kwenta na mag-aral dito. This is a prestigious school and your ugly face is polluting it. Nakakahiya ka, to think ganoon ka kabaliw para magawa iyon."

Idinura ko na iyong stick mg lollipop dahil naubos ko na. "Are you done?"

Nagtinginan naman sila at nagtawanan. "How cute, nag-aasta siyang maangas."

"Sa tingin mo ba kaya mo kami ha? Anong gagawin mo, magsusumbong ka--"

"I can beat you." putol ko.

Muli naman silang nagtawanan na para bang nagbibiro lang ako. My reputation just went rock bottom. I'm already judged for damaging school property, it can't get any lower by beating up a couple of shits like them.

Tinaasan ako ng kilay ng babae. "You're just bluffing." sabi pa niya.

Humakbang naman palapit itong lalaking kasama niya. "Paano mapatutumba ng isang weak na nerd na katulad mo kami ha?" Itutulak niya sana ako sa balikat ng mabilis kong hinawakan ang braso niya at hinila saakin.

"Like this." I spinned around on my right foot with my back against him. I lowered my right shoulder and threw him over his shoulder in a circular motion.

Bumalibag naman siya sa sahig. Napangisi ako habang nakitang napa-ungol ito sa sakit. I just executed a perfect one-arm throw. I'm not a judo black belter for nothing.

Hinihipan ko iyong bangs na humarang sa mata ko.

"You! You...what the.." gulat naman na bulalas nung babaeng kasama niya habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa kasama niyang hindi makabangon sa sahig. Halos lumuwa pa iyong mata niya sa gulat.

"How dare you!" She raised her hands at me pero agad ko itong sinalo.

"Perhaps you still don't understand what's happening yet." Hinila ko iyong necktie niya papalapit sa akin kaya nadala siya. Mariin ko siyang tinitigan sa mga mata.  "You're no match for me. You. Can't. Beat.Me." diin ko. I twisted her wrist. Napahiyaw naman siya sa sakit. Shock turned to fear in her eyes. Pilit niyang hinila iyong kamay niya pero mahigpit ko itong hinawakan.

"What, after you just insulted me, tatakbo ka nang ganon lang? I don't think so." hindi ko maiwasang mapangisi na naman nang makita ang takot niyang mukha. I miss seeing that expression. I love it.

Nakakatamad tumayo kaya inupuan ko iyong lalaking kasama niyang nasa sahig parin kaya muli na naman itong napadaing. Nadala naman iyong babae pababa nang umupo ako. She was forced to kneel in front of me. I saw her wince in pain habang hawak hawak ko pa iyong necktie at pulsuhan niya. Pilit naman niyang hinihila iyong necktie niya gamit ng malaya niyang kamay. I still didn't release it.

I grinned. "Now, do you want more demonstration? Or do you still think I'm bluffing?" I twisted her wrist more.

"Awww. Let go!" daing niya.

I cocked my head sideways. "Say please."

"You bitc--aaahh!" hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kamay niya. Halos maluha naman siya sa sakit. "Okay! P-please, let go...please."

I chuckled habang sinusuri ang kuko sa kabilang kamay ko. Mahaba-haba na rin pala, kailangan nang i-trim. Naalala ko tuloy si Grace, ano na naman kaya ang kulay ng mga kuko niya ngayon?

"Hey! Let my hand go now!"

Nabalik ang atensyon ko sa kanya. "Oh, sorry. Hindi ko narinig, can you say it again?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Take your time, it's not my arm that's breaking." maligayang sabi ko.

"PLEASE LET MY WRIST GO. PLEASE."

I let go of her necktie at itinukod ko iyong siko ko sa hita tsaka ihinilig ang mukha ko sa kamay ko. I'm still tightly holding her scrawny wrist na kapag muli ko pang pilipitin ay mababali na. "Hmmm...I changed my mind, say pretty please instead." dahil maganda ako.

"S..stop it, p-pretty please--" naiiyak niyang pakiusap kaya binitiwan ko na siya.

"Tch." Tumayo na ako at inayos iyong gusot sa uniporme ko at iyong manggas ko.

Tinabunan ko siya ng isang malamig na tingin."You're boring. Don't ever show your face near me again. Understand?"

Mabilis naman siyang tumango. She held her now injured wrist. Aalis na sana siya ng pigilan ko siya.

"Stop." She jumped out in shock.

"A..ano yun?" takot niyang tanong.

"You're forgetting something." tinapunan ko nang tingin iyong lalaking kasama niyang nasa sa sahig parin. "You should take him to the clinic."

She pursed her lips at agad dinaluhan iyong lalaki. Tinulungan niya itong makatayo at inakay papalakad. Napahalakhak naman ako habang sinusundan sila ng tingin papalayo.

Napansin ko naman ang gulat na tingin ng mga tao sa paligid. I gave them a smile kaya agad silang napaiwas ng tingin at nagpatuloy na muli sa ginagawa nila.

I can't help but grin again. It's really great when people fear you.

Dumukot ako sa bulsa ko nang panibago na namang lollipop. Binalatan ko ito at isinubo. Nagpatuloy na ako sa paglakad nang may humila sa braso ko. I collided with a hard chest.

Fuck.

"I'll destroy them. I'll make sure they never step foot near you again. Fuck. I'll make sure they won't have any future to look forward to." rinig kong sabi niya. I already know who it was from the scent and voice alone.

Napaubo naman ako dahil parang na-deepthroat ko yata iyong lollipop ko nung hinila niya ako papunta sa kanya.

Napatingala ako sa kanya. His eyes were darker than normal. His jaw was clenched na parang galit na galit.

I removed my lollipop. "Hey calm down." alo ko sa kanya dahil para na siyang papatay ng tao. He encircled his arms around me.

"I'm damn livid, I wasn't there. Fuck! I'll make them pay." He placed his head on the crook of my neck at nakikiliti ako.

"Hey Cole, huminahon ka muna." Itinulak ko siya palayo.

Tinignan niya ako at nagdugtong iyong mga kilay niya. "What happened to your face? Who did this?" his eyes got more darker.

May nakalagay kasing band-aid sa ilong ko. Sinubukan niyang hawakan iyon pero tinampal ko iyong kamay niya. "It's nothing."

May tumubo kasing taghiyawat sa ilong ko. I covered it up with band-aid, kaya medyo hindi maganda ang gising ko kaninang umaga.

"Boss lady! Nabalitaan namin iyong nangyari kahapon! Alam naming hindi mo magagawa iyon at sila talaga ang may pakana!" Napabaling ang atensyon ko sa papalapit. It was William, kasama din niya sina Yohann, Maxim at Ichabod.

"Sabihin mo lang boss, may kakilala si Terrence na riding in tandem. Madali lang iyon, ipatumba natin." agad na sabi ni Yohann.

Tumango naman si William. "Handang handa na ako. Pili ka lang, isawsaw sa bowl iyong lipstick,  lagyan ng extra hot sauce iyong maskara eye liner nila o kalbuhin iyong buhok at kilay nila. Mahaba pa iyong listahan ko Boss Lady, pinagpuyatan ko ito kagabi nang marinig ko iyong balita." Hindi ko pa naririnig tong nagpupuyat sa kahit anong proyekto o assignment pero pagdating talaga sa kalokohan ay di papahuli ang lalaking to. Tsk.

"I'll poison them in their sleep." Kinilabutan naman ako kay Ichabod. Remind me never to anger him.

"Good job." rinig kong puri sa kanila ni Cole na para bang tatay na tuwang tuwang nakahonor iyong mga anak niya.

Napahilot naman ako ng sentido at binalingan si Maxim. Right about now, he should be knocking some sense into them, like he always does.  "Maxim, pagsabihan mo itong mga kaibigan mo." Although gusto ko iyong naisip ni William.

Tumango naman si Maxim. "Tama Boss Lady. " Hinarap niya naman sila  "Hindi pa sapat iyong mga plano niyo. Nakahingi na ako ng permiso mula kay MC, binigyan niya ako ng mga barbeque stick, tig-iisa para sa mga mata nila." he had this dangerous smile on his mouth.

Nalaglag iyong panga ko. Mukhang handang-handa na silang makulong. Babatukan ko na sana sila ng hilahin ako ni Cole palayo.

"Teka saan mo ako dadalhin?" tanong ko.

"Away from here." sagot naman niya.

Tinawag kami nina Yohann pero para itong walang narinig at nagpatuloy sa paghila sa akin palayo. Nagpatianod naman ako. We ended up in the parking lot. Sumakay naman kami sa sasakyan niya at pinasibad niya na ito palabas sa IU.

"Your hideout?" tanong ko nang huminto kami sa bahay na hideout nila sa liblib na parte ng parke.

"Yeah." tugon niya. "I don't want you to face annoying people. You'll just get stressed."

I agree. Sa totoo lang ay ayaw kong pumasok. Mapapagod lang ako kakabugbog ng taong mambubwisit sa akin. I'm not in the mood to attend class lalo na at nandoon si Selena.

"Thanks." Pumasok naman kami sa loob.

I immediately sat on the sofa on the living room. Tutal kami lang naman dalawa na at alam niya na din iyong totoo kong itsura ay hinubad ko iyong wig at salamin ko. Umaalinsangan kasi at hindi ko na matiis ang kati na dala ng wig.

Cole stared at me while I took of my wig at inayos iyong totoo kong buhok.
"Still the same. Beautiful."

I just chuckled. "I know."

Biglang tumunog iyong sikmura ko. I pursed my lips at nag-iwas ng tingin. Bukod sa lollipop ay wala akong kinain kaninang umaga. Dad and Mom was at the dining room eating kaya agad akong umalis nang walang laman ang tiyan.

He chuckled. "Just stay there, I'll cook something" sabi niya tsaka pumasok sa kusina nila.

Binuksan ko nalang ang TV at naghanap ng magandang palabas. I found none. I decided to go to the kitchen dahil uhaw na rin ako.

I bit my lips when I saw Cole. He was slicing onions habang nakaapron. Taena ang gwapo lang. Mas lalo yata akong nauhaw. I made my way to the fridge at kumuha ng pitsel.

He was focused on his work nang magsalita ako. "You're really a husband material, I can already see your future." natatawa kong sabi tsaka uminom ng tubig.

Tinignan niya ako at ngumiti. "Yeah. With you as my wife and ten of our children." Bigla akong napasamid. Shit. The water I was drinking made it's way into my chest at nabasa iyong suot ko. "Fuck." I cussed habang pinupunasan iyong uniporme ko. Anong sampu!? Baliw ba siya? Balak yatang magtayo ng hinayupak ng basketball team at my substitute players pa.

"Ayos ka lang?" Agad namang lumapit si Cole but he stopped midway at nanlaki iyong mata. Napatulala naman siya. Unti-unti ay namumula iyong tenga at mukha niya at marahas siyang nag-iwas ng tingin. Kumunot naman iyong noo ko. Is there something wrong with him?

Lumapit naman ako sa kanya. "What's the ma--"

"Fuck!" agad siyang tumalikod at umalis palabas ng kusina.

Sinundan ko naman siya nang pumasok siya sa kwarto. He was rummaging the cabinet nang maabutan ko siya.

"Anong problema--"

"Put this on." mabilis niyang sabi sabay hagis sa akin ng isang t-shirt. Tumama pa iyon sa mukha ko. Bago ko pa man siya matarayan ay agad na siyang umalis at isinara ang pinto sa likod niya.

Napatitig naman ako sa black t-shirt na hinagis niya. It's not like sobrang basa ng uniporme ko. Matutuyo rin to agad mamaya--oh shit.

Naagaw ng pansin ko ang salamin na nakaharap sa akin at agad nanlaki ang mata ko. Gusto kong tumalon sa balon at mamalagi doon hanggang mawala ang hiya ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa lahat ng araw na magsusuot ako ng kulay pulang bra na matingkad, ngayon pa talaga. Bakat na bakat at kitang kita siya sa basa kong uniporme!

My cheeks turned as red as my goddamn brassiere. Nakakahiya.

Nagpalit ako at isinuot iyong tshirt niya. Itinali ko naman iyong dulo sa bewang dahil masyado itong malaki sa akin. Hindi ko maiwasang mapaamoy dito. Ang bango, nakakaadik. Matanong nga kung anong sabong panlaba ang ginagamit niya.

I took my time in the room bago lumabas. Naabutan ko siya sa living room. Inilalapag niya ang isang plato at baso ng juice. He finished cooking, isang simpleng omelette lang ito pero sa amoy palang ay masarap na.

I walked closer to him kaya lumingon siya. He checked me out from head to toe at ngumisi. "You look good in my shirt."

Napaikot nalang ako ng mata at umupo sa sofa kaharap doon sa maliit na mesa kung saan niya inilapag iyong pagkain.

Nagtaka naman ako ng lumapit siya at hinarap ako. He leaned down at isinampa iyong mga kamay niya sa sofa sa magkabilang gilid ko, trapping me in between him.

I narrowed my eyes at him. "Anong ginagawa mo?"

"Stupid nerd, that's supposed to be my line. What are you doing to me to make me this crazy for you?" Inilapit niya iyong mukha niya at inilagay ito sa gilid ng leeg ko. His breath was fanning my neck. I heard him inhale deeply.

"Hey. Umalis ka nga." It tickled me kaya mahina ko siyang itinulak. Gusto ko na ring matikman iyong iniluto niya.

Ini-angat naman niya iyong mukha niya at itinutok sa akin. Our noses are touching. Malawak naman siyang ngumisi. "I'm going to take my vitamins. Once a day, like you said. It's called vitamin U."

Napataas ako ng kilay. "Sa pagkakaalala ko, walang vita-hmmp" He suddenly kissed me and I responded, hindi ko maiwasang mapapikit. His lips were moving against mine.

Hindi ko pinatagal at tinulak ko siya palayo. Halata naman sa mukha niyang nabitin siya. "Ang corny mo. I like it." I licked my lips while staring back at him. Nginisihan ko siya saka pinagpalit kami ng posisyon. Siya na iyong nakasandal sa sofa habang umupo  ako sa hita niya. It caught him by surprise.  "Do you want me to kiss you?" I teased.

Umigting iyong panga niya. "Do I have to beg?"

I chuckled lowly. "Are you desperate?"

"I'm always fucking desperate for you, my qu---" sinunggaban ko na siya ng halik. Kalimutan na iyong omelette niya. He encircled his arms around my waist and responded my kisses.

Biglang bumukas iyong pinto.

"What."

"The."

"Fuck?!"

"....."

Agad akong napahiwalay kay Cole at napatayo mula sa pagkakaupo sa hita niya. Napalingon ako sa pintuan kung saan nakatayo sina Maxim, William, Ichabod at Yohann. Halatang gulat na gulat sila at nakabukas pa iyong mga panga nila. I just stared back at them not knowing what to do.

Sinamaan naman sila ng tingin ni Cole."You're fucking noisy."

They were taken aback. "You cheating..."

"Bastard!" dugtong ni William kay Maxim at akmang susugurin si Cole ng pinigilan siya ni Maxim. Naguluhan naman ako sa reaksyon nila and then I realized na hindi ko pala suot iyong salamin at wig ko. They're misunderstanding the situation.

"Wag kang padalos dalos." kausap ni Maxim kay William tsaka binalingan si Cole. "I'm sure may sapat kang paliwanag kung bakit may kahalikan kang babae bukod kay Boss Lady. Dude?" tanong nito.

Cole gave him a blank look. "Wala akong iba--" hindi na natapos ni Cole iyong sasabihin niya ng bigla siyang sinugod at sinapak ni Maxim.

Fuck! Nagulat ako. I was not expecting that.

Sasapakin pa sana niya pero napigilan na iyon ni Cole. "What the fuck is wrong with you?" kunot noong sabi ni Cole.

"Kaibigan kita pero...Taena, may problema si Boss Lady, pero nandito ka nagpapakasasa sa hita ng ibang babae." Kita kong susugod na din si William sa kanya kaya hinarangan ko na siya. This is enough drama for one day.

"Umalis ka Miss Byutipul, di ako pumapatol ng babae." seryosong saad ni William sa akin.

Tinapunan naman ako ni Maxim ng malamig na tingin. "Miss Byutipul, nirerespeto kita, pero may syota na si Cole kaya pakiusap, layuan mo na siya."

"Fuck off, Maxim, it's not--"

"Ni hindi ka man lang nagsisisi. Akala ko ba mahal mo si Boss Lady!?" galit nitong sabi kay Cole.

"This is enough!"  sigaw ko. Binalingan ko si Yohann na kumakain lang ng popcorn sa tabi. The heck! Kailan niya pa iyon nakuha? "Ikaw bakit di mo man lang sila pinigilan."

Nagkibit-balikat lang siya. "Gusto kong makitang masuntok si Cole."

"You have a deathwish, Carpio." malamig na sabi ni Cole, mabilis namang tumakbo si Yohann sa likod ko.

"Teka, anong nangyayari?" Binalingan nila si Yohann. "Anong ibig sabihin nito?" naguguluhang tanong nina Maxim at William. Nakakunot rin ang noo ni Ichabod na nanatiling tahimik lang.

Bumuntong hininga naman si Yohann at lumapit kina William at tinapik ito sa balikat. "Panahon na para malaman niyo ang katotohanan."

Tinapunan ako ng tingin ni Yohann na parang gusto niyang siya ang magpaliwanag. Tinanguan ko lang siya, okay na rin para hindi na ako mag-abalang magpaliwanag pa.

"What is it?" nakakunot noo paring tanong ni Ichabod.

Tumahimik ang paligid dahil sa tagal ni Yohann magsalita.

Nagdugtong naman ang kilay ni William. "Anong katotohanan?" tanong rin niya.

Bumuntong hininga na naman si Yohann at tinignan siya sa mata. "Ang katotohanang...wala kang jowa! Ikaw rin Ichabod! Hahahaha." bumalanghit ng tawa si Yohann. Mukhang hindi nila naappreciate iyong biro nito at bigla itong inupakan ng tig-iisa. Nakisali na rin si Maxim. "Wala kang kwenta."

Binalingan naman ako ni Yohann. "Boss Lady, tulong!" Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ayan kasi wala sa lugar ang bibig niyang walang kwenta akala ko pa naman seryoso na siya.

Napakunot naman ng noo si Maxim.
"Boss lady?" tanong nito. Napatigil naman sila sa pagbugbog kay Yohann at muli akong binalingan.

I sighed. Dinampot ko naman iyong wig at salamin ko sa upuang malapit sa akin kung saan ko inilagay iyon at ihinagis kay Maxim na sinalo naman niya. Tinignan naman din ito nina Ichabod at William.

Pabalik-balik naman iyong tingin ni William dito at sa akin hanggang sa nanlaki iyong mga mata niya. "W...wag mong sabihing...k-kinidnap mo ba si Boss Lady at binalatan ng buhok?"

I gave him a blank face. "Maxim, pakibatukan nga."

"B...boss Lady?!" bulalas nila.

I rolled my eyes.

"I.. ikaw?" di pa rin nila makapaniwalang untag.

"Yup, hahaha. Si Boss Lady at Miss Byutipul ay iisa! Ako iyong unang nakaalam. Diba ang talino ko?" Yohann bragged pero sinamaan lang nila ito ng tingin.

"Miss Byutipul, Miss Nerd, Boss Lady? Ikaw iyan?"di makapaniwalang tanong ni William. Mukhang naliwanagan naman sina Maxim at Ichabod but shock was still written all over their face.

"Yes." May isa pa akong hindi nasasabi pero uunahin ko munang sabihin iyon kay Cole but now is not the right time. Siguro pag matapos nalang ng gulong ito.

"Dude?" baling nila kay Cole, asking for a confirmation.

"I was about to tell you that before you punched me." sinamaan siya ng tingin ni Cole na sapo sapo pa ang pisngi niya. Napaiwas naman ng tingin si Maxim.

"Tama na iyan. Ngayon at nagkaliwanagan na tayo, bumuo na tayo ng plano kung paano mapapatumba iyong mga babaeng linta na iyon!" singit ni Yohann.

...

Napatutok ako sa kanila habang nakaupo kami sa living room. Mukhang seryosong-seryoso sila sa plano nilang pabagsakin sina Selena. Mas seryoso pa sa akin. I just can't believe, they'd go through this length for me. Napailing ako.

Bumaling naman sila sa akin. "Anong iniisip mo Boss Lady? May ideya ka ba, ano iyon?"

Napailing muli ako. "Hindi ko lang maiwasang magtaka. Why are you doing this for me?"

Napatigil naman sila sa kanilang ginagawa at tinignan nila ako na para bang ang bobo-bobo ko.

"Obvious, dahil walang magandang gawin. Bored lang ganun--araaay!" binato naman ni Cole si William ng remote tsaka binalingan ako. "Stupid nerd, why wouldn't we?"

"Malamang kasi ikaw ang Boss Lady namin." nakangiting namang saad ni Yohann.

"We're family." tipid na sabi ni Ichabod pero hindi ko mapigilang mapangiti.

"Family is love. Family is forever"

Tinapunan lang ni Maxim si William ng isang tingin dahil walang ibang matinong sinasabi. Binalingan naman niya ako."Tama si Ichabod, pamilya na tayo, Boss Lady. Siyempre naman tutulungan ka namin. Parte ka na sa amin di ba? You're our Boss Lady. You helped us when we needed help. Isang pamilya lang tayo. Hindi ka nagdalawang-isip na tulungan si Yohann at William noon, pati narin ako. Hindi namin hahayaan ang isang miyembro ng pamilya namin na tapak-tapakan lang. Ginagawa namin ito kasi mahalaga ka saamin, Boss Lady."

I pursed my lips at nanubig iyong mata ko kaya napatingala nalang ako para pigilan iyon. Fuck, hindi ko mapigilang mapangisi.

"You're all jerks, you know that?" I sniffed my nose.

"Group huuuggg!!!" Biglang sabi ni William at sinugod ako pero mas nauna akong niyakap ni Cole. Lumapit naman sina Yohann, Maxim at Ichabod at nakisali sa yakap.

Naluha ako. Agad din namang nasira nang masalita si Cole. "If we're a family, I'm the father and she's the mother. And she's mine, stop hugging her already."

Napahiwalay nalang kami. Napatawa naman ako.

"Teka, hindi ko alam na nagbabahay-bahayan tayo." wika ni William.

"Kami lang, di ka kasali. Ampon ka!" tugon ni Yohann. I internally sighed. Eto na naman ang aso't pusa.

"Mas lalo ka na! Ikaw iyong aso. Ikaw iyong pitbull kasi kamukha mo."

The moment was ruined pero hindi ko maiwasang matawa sa tuwa. Isa-isa nanaman silang pinagbabatukan ni Maxim.

"Okay, let's get started. The ultimate revenge. Hehe, matagal ko na tong hinihintay." sumilay sa mukha ni William ang malademonyong ngiti.

"Magsusunog tayo ng plastic. Muahahaha." saad naman ni Yohann

"Nakakasama sa kalikasan ang pagsusunog ng plastic."

"Hoy Maxim, wala akong sinabing literal~" Hindi ko na napagtuunang pansin ang pinagsasabi nila. I was just smiling the whole time habang pinagmamasdan lang sila. Ichabod was watching them silently, sina Yohann at William na palaging nagpapasaway at si Maxim na pinaggagalitan sila.

Napabaling ako kay Cole na nasa tabi ko habang hinahawakan ang kamay ko. I held his hand back and squeezed it. Tumataba iyong puso ko. Aside from Nana, Eliza, Grace, Derrick and Stanley, I have a family, a real one. It's so warm.

I don't want to leave soon. Sana.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top