Chapter 52: Ignored

Kinabukasan, pumasok ako sa eskwelahan na parang zombie. Mostly by hang-over dahil sa ininom kong alak kagabi. It worked though, now I could feel more pain in my head more my aching heart. Taena. Sinuntok ko iyong dibdib ko. Nagsisimula na namang kumirot kaya inunahan ko na. Hirap rin palang mahulog sa taong iba ang gusto.

Pakiramdam kong patagal ng patagal ang pagsusuot ko nitong wig at pekeng salamin ay parang sasabog ang ulo ko. Napailing nalang ako para maibaon iyong mga iniisip kong walang ibang ginagawa kundi magpasakit ng puso.

Nakita ko si Maxim na kakapasok lang sa gate. May kausap ito sa cellphone habang nakangiti. Dahan-dahan naman akong sumunod sa likuran niya at nakinig.

"Kakapasok ko lang sa eskwelahan, Binibini ko." rinig kong sabi niya habang malawak ang ngiti sa labi.

Ngumisi ako.

"Maxim, may naghahanap sa iyong babae sa labas, nabuntis mo daw!" I intentionally yelled it closer to his ear. Sa gulat ay naihagis nito ang cell phone niya at nasalo ko naman.

Medyo gumaan iyong mood ko. Simple lang naman ang mood ko, gumagaan pag alam kong may inaalila ako.

Inilagay ko naman sa tenga ko iyong telepono. "Sino iyon? Maximilian Aragon! Makakatitikim-

"Morning MC! That was a joke. Ang dali mo talaga maniwala." I said and chuckled.

"E..eliza?!" I can picture her blushing on the other line.

"Yup, kamusta ka na?" Nagkwento naman siya sa pinaggagawa niya at nakinig naman ako.

Kinausap ko siya hanggang sa makarating kami sa harap ng classroom. I eventually gave him the phone dahil mukhang luging lugi na ito sa umaga pa lang. Wala naman siyang magagawa.

"Here." sabi ko tsaka isinauli sa kanya ang cellphone niya.

"Salamat, Miss Nerd."

Simple ko naman siyang tinanguan. "No prob." sabi ko at papasok na sana sa silid ng pinigilan niya ako sa balikat.

"Ibig kong sabihin, iyong kahapon. Maraming salamat nga pala sa ginawa mo kahapon, kung ano man iyon." nahihiya niyang sabi habang di makatingin sa akin ng diretso.

Nagtaas baba naman ako ng balikat. "Binilhan mo ako ng icecream. So...yun." simple kong sabi at nginitian siya. It was no big deal though.

Nauna na akong pumasok sa loob at nakitang nandoon na si William at Yohann. Nakaupo sila sa upuan ko, ewan ko lang kung bakit. Sumunod na si Maxim sa akin pero dumiretso siya sa upuan niya.

Nang mapansin naman ako nung dalawa ay lumipat si Yohann sa pag-upo sa desk ko.

"Kamusta Miss Nerd? Kayo na ba?" mahina nilang untag habang nagtaas baba ng kilay. They both leaned towards me kaya itinulak ko sila palayo.

"Umalis kayo sa paningin ko." irita kong wika sa kanila. Mukhang wala silang alam sa pinag-usapan namin ni Cole.

"Hmmm. Kwento ka naman diyan. Sige na please!" sinusundot nila ako at hindi na sila nadadala ng tingin. Isa isa ko sana silang sasampalin ng makapal na libro ng biglang tumahimik iyong buong classroom. It could only mean one thing. Dumating na si Cole.

Agad na tumayo si William sa upuan katabi ko at napalunok nalang ako. Pumasok na ito at naglakad sa direksyon namin. Saglit kaming nagkatinginan pero agad ding nag-iwas. Nilampasan niya lang kami at nagtungo sa bandang likuran kung saan siya dati nakaupo. Nanatiling tahimik iyong paligid.

"Basted yata tropa natin tol." rinig kong bulong ni William sa kanya. Nagtanguan naman silang dalawa.

Maya-maya ay dumating na iyong prof at nag-umpisa ng magturo. William was sitting beside me matapos nitong manalo sa jak en poy kay Yohann. It was uncomfortable for the session dahil nararamdaman kong may tumititig sa akin mula sa likod at di ko kayang lumingon. Hindi naman ako assumera para manghula kung sino iyon.

Mabilis lumipas ang nakaraang  dalawang araw at wala masyadong nangyari.

Totoo ngang iniiwasan ako ni Cole. Bumalik na siya sa dating upuan niya. Sa tuwing tapos ng klase ay nauuna siyang lumabas at tuwing sumasama sa amin sina Yohann ay hindi ito sumasama. Lumiban din siya kahapon at ngayon ay sa likod parin siya naka-upo.

You should be happy Helena. Diba ito naman ang gusto mo diba? Napabuntong hininga nalang ako.

"Tara na, Miss Nerd."

Napabaling ako kay Maxim at tumango. Nag-aya kasi sila na sa field kumain na parang picnic. Sumang-ayon naman ako at nagpaalam na isasama sina Jethro at Hyron at pumayag naman sila.

We came at the spot at naglatag ng malawak na kumot. Cole was on the far distant side habang nasa kabilang dulo naman ako. Nakatuon siya librong binabasa niya. Nakakapanibago lang dahil ngayon ko lang siya nakitang nagbabasa ng libro ng maigi.

Umalis muna sina Maxim at Ichabod para kunin iyong pagkain namin. Apat kaming natira kasama ni Yohann at William at Cole.  Mamaya pa makakarating sina Hyron at Jethro dahil hindi pa tapos ang klase nila.

At the corner of my eye, I saw William and Yohann grinning at each other. May pinaplano na naman yatang di maganda ang dalawang ugok na to.

"Dude ano yang binabasa mo?" sinubukang sumilip ng dalawang ugok pero isang napakalamig na tingin lang ang natanggap nila mula rito tsaka tinalikuran.

"Tss, KJ." saad naman nila.

Tumahimik saglit pero bigla ay tinignan nila kaming dalawa ni Cole. "Ang tagal naman nina Maxim, gutom na ako. Kayo ba?"

Ibubuka ko pa ang bibig ko nang biglang pabirong binatukan ni Yohann si William. "Dude makiramdam ka naman. Walang sila. Di ba nga basted iyong tropa natin." Nagtinginan sila at nagpipigil ng tawa. "Ay oo nga pala."

Lumingon si Cole sa kanila at sinamaan sila ng tingin. Tumayo naman sila.

"Salubungin natin sina Maxim. Ano, tayo na?" Tumango sila sa isa't isa saka kami nilingon. "Kayo? Ooops nakalimutan ko nanaman hehe. 'Wala palang sila'." sabi ni Yohann at nagtawanan na naman.

They're starting to really piss me off. Kating-kati na ang kamay ko na sakalin sila.

Nagpipigil nanaman ng tawa ang dalawang ugok.

Magsasalita pa sana ang mga ito ng bigla silang binatukan ni Maxim na kakarating lang. "Ang ingay niyo. Tumigil kayo." sita naman nito. Sumunod naman si Maxim na may dala dalang mga styro na parang pack lunch.

Napaisip ako. Sa grupo nila, si Maxim iyong ina na palaging dumidisiplina sa anak, si Ichabod naman iyong tatay na palaging tahimik na nanonood lang sa tabi habang sina Yohann at William naman iyong mga anak na pasaway. Si Cole iyong nagmemenopause na lola.

"Yung assignment kanina, nasagutan mo na?" biglang tanong ni William habang inaayos namin iyong pagkain.

Sa pagkakatanda ko wala namang iniwang takdang-aralin ah.

"Wala tayong assignment." singit ni Ichabod na sinamaan ng tingin ng dalawa.

"Di ka namin tinatanong." masungit nilang tugon sa kanya. Mukhang may pinaplano na naman ang dalawa.

"Para sagutin ang tanong mo, tol. Oo, ikaw nasagutan mo na?" tugon naman ni Yohann.

"Oo rin. " sagot ni William. Nagkatinginan naman sila at sabay nilingon si Cole. "Ikaw, dude sinagot ka na?" wika nila at nagtawanan na naman. Sabi ko na eh.

Nananahimik iyong tao pero dinedemonyo ng dalawang ugok na ito. Ilang segundo ay nagbulungan nanaman sila tapos dinukot ni Yohann iyong telepono niya.

Biglang tumunog iyong cellphone ko kaya agad ko namang sinagot. It turns out, it was a prank call from both of them. Sinamaan ko sila ng tingin pero di nila ako pinansin at sa halip ay bumaling kay Cole.

"Uy, buti pa yung cellphone mabilis na sinagot. Sana all!" at nagtawanan na naman. Ang babaw ng kaligayahan ng mga ugok, ang sarap lunurin sa kiddie pool ang mga taena. Nananahimik iyong tao, iniimbyerna nila.

Uupakan ko na sana nang may biglang tumawag saakin.

"Eli!" Lumapit sina Hyron at Jethro na kakarating lang.

"There's two vacant spots in our group, want to join?" Biglang alok ni Cole dahilan para maguluhan kami.

"Huh?"

Itinuro naman niya sina William at Yohann. "They're out of the group, you're both in."

"I-reremove ko na sila sa group chat." segunda naman ni Ichabod.

"Papalitan ko na rin ng lock iyong hideout para di na sila makapasok. Pati password ng netflix account." saad rin ni Maxim.

Mabilis namang lumapit ang dalawa sa harap ni Cole at halos lumuhod na sa harap nito. "Joke! Joke lang yun, boss, dude, kamahalan, kaibigan, utol, bespren. Mahabagin naming pinuno. Maawa ka!"

Napatawa naman ako, ano sila ngayon?

Pansin kong may dala-dalang gitara si Hyron. "Tumutugtog ka pala?" baling ko sa kanya.

"Yeah."

"Nice! Jamming sesh tayo." singit naman ni Yohann na para bang walang kasalanan kanina. Dinukot niya iyong gitara mula kay Hyron. "Maiinlove kayo sa boses ko. Tingnan niyo." Nagsimula naman siyang nagtugtog.

(Lyrics:Hindi Tayo Pwede)

'Pilit nating iniwasan
Ganitong mga tanungan
At kahit di sigurado
Tinuloy natin ang ating ugnayan'

'Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan
Nagsimula nang magsisihan
Lahat ay parang lumabo
Di alam kung saan tutungo'

'Sabi ko na nga ba
Dapat nung una pa lamang
Di na umasa, di naniwala'

Bigla akong natauhan dahil nakatingin pala ako sa kanya kaya agad akong bumaling, buti nalang walang nakapansin.

Uminit iyong ulo ko. Mas lumala pa ng makisaling makikanta si William. Parang damang dama pa talaga nila yung pagkanta.

'Di tayo pwede
Pinagtagpo pero di tinadha
Di na posible
Ang mga puso'y wag na nating pahirapan'

"Wag kang pasikat." Agad kong dinukot iyong gitara at ipinasa kay Maxim. Sa lahat sa tropa siya lang yata ang matino kaya siguro naman may maganda-ganda itong kantang pangjam na pipiliin.

"Panget yung kanta pati narin iyong kumakanta." dahilan ko pa. Napalabi nalang si Yohann na sinamaan ko ng tingin.

Ipinasa naman ni Maxim ang gitara kay Ichabod. Nag-umpisa na itong tumugtog habang si Maxim iyong kumanta.

(Lyrics: Kathang-Isip)

'Di ba nga ito ang 'yong gusto?
Oh, ito'y lilisan na ako
Mga alaala'y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahapon'

'Mga gabing 'di namamalayang oras ay lumilipad
Mga sandaling lumalayag kung sa'n man tayo mapadpad
Bawat kilig na nadarama sa tuwing hawak ang iyong kamay
Ito'y maling akala, isang malaking sablay'

Muli na namang nakisali ang dalawang epal.

'Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na sa panaginip kong ito'

Nagkatinginan na naman kami ni Cole pero agad ding nag-iwas ng tingin.

'At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa---'

"Change it." Malamig nitong sambit dahilan para mapatigil sila.

Mas lalong kumirot iyong dibdib ko. Hindi ko magawang maihiwalay ang tingin sa baba.

"Ano kami, radyo? Nakikisoundtrip nga lang kayo, kayo pa itong choosy. Ang ganda na nung kanta eh." sabi ni William kaya pareho namin siyang sinamaan ng tingin.

Naramdaman ko namang puno na ang pantog ko kaya nagpaalam akong aalis at mag-C-CR lang, isa pa ay gusto ko ring umalis dahil nakakairita ang dalawang ugok.

Pagkatapos ko ay hindi muna ako agad bumalik. Naglakad-lakad muna ako ng biglang may mga humarang saakin. Sabi ko na nga ba eh, sa oras na mag-iisa ako ay lalapit itong mga die-hard fans ni Cole at mga alipores ni Regine o Selena.

"Anong gusto niyo?" walang gana kong sabi.

"Layuan mo si Cole or else, para kay Regine lang siya." Napabuntong hininga naman ako. Parang sirang plaka nalang ang mga babala nila. Nakakaumay na.

"Ano naman sa inyo?"

"At nagtanong ka pa! You delusional bitch. Sa tingin mo papatol si Cole sa iyo." dinuro ako ng isa. Tinulak ko naman iyong kamay niya palayo.

"You're dead." Pinaligiran nila ako. They act intimidating pero asa namang matatakot ako. Handang-handa na sana ako para sa turuan sila ng leksyon nang agad silang napaatras.

Napatalikod ako at nakita si Cole sa harap namin.

Masama niyang tinignan iyong mga babae kaya walang sabi-sabi ay nagsi-alisan na ang mga ito.

"I didn't need your help." wika ko.

"Nakaharang lang kayo sa daan." malamig niyang sabi at nilampasan na ako.

Napabuntong-hininga na naman ako habang pinagmamasdan ang palalayong likod niya. Sinuntok ko ang dibdib ko. Damn it, kailan ba ito titigil sa kakakirot.Tandaan mo, Helena. Kasalanan mo iyan. Sarili mong katangahan kaya panagutan mo.

Napailing ako. Nagpasya akong maglakad sa direksyong salungat sa kanya ngunit wala pang isang minuto ay ibang grupo na naman lumapit sa akin. Dalawang babae at isang lalaki, pamilyar sila. Sila iyong grupong ginulo ako noon sa cafeteria.

Pinagbabato nila ako ng basura at sa inis ko ay hinubad ko iyong sapatos ko at ibinato sa isa sa kanila. Natamaan iyong isa, but I just realized that it was a bad idea.

Pinulot nila iyong sapatos ko at itinakbo at eto akong tanga ay sinundan naman sila. Magmumukha akong baliw na uuwi ng walang kapares na sapatos.

I'm going to beat the shit out of them.

Napadpad kami sa hallway ng mga classroom na walang gumagamit. Napahinto naman ako ng di ko sila mahagilap.

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa dulo ng pasilyo nang sumalubong sa akin ang isang lalaking may hawak hawak na timbang may lamang tubig.

Hindi ko ito inasahan. Nang maisaboy nila ito ay bigla nalang may yumakap sa akin at inikot ako patalikod. Sa huli ay siya ang nabasa.

Sa halip na tawa, narinig kong napasingap iyong nagsaboy sa amin ng tubig.

"Scram." Nang marinig ang boses na iyon mula lang sa likod ko ay nanindig iyong balahibo ko. A chill ran through my spine.

The students don't need to be told twice at agad nagsitakbuhan hanggang kami nalang dalawa ang natira sa pasilyo.

"C-cole!" It took me a minute to voice out his name.

Patuloy parin siyang nakayakap sa akin mula sa likod though I can feel his uniform getting soaked wet.

"Stupid nerd." mahina niyang usal habang nakasandal ang ulo sa balikat ko.

Itutulak ko na sana nang maramdaman kong bigla siyang bumigat mula sa likod ko.

"Cole?" Tinapik ko siya pero wala itong reaksyon. "Hoy, King."

I can feel his hot breath fanning my neck. Kinapa ko naman iyong noo niya. Mainit iyon.

"You're sick!"
.....

📌
1st song ➡️ Hindi Tayo Pwede by The Juans
2nd song ➡️ Kathang-isip by Ben&Ben

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top