Chapter 51: Maria Clara's Ibarra

Napatulala ako sa kisame sa ibabaw ng kama ko thinking about my life's choices.

Wala akong ganang bumangon mula nung umuwi ako kahapon. There's nothing fun to do at naubos ko na iyong antok ko kakatulog.

I continued to stare at the ceiling at walang ibang ginawa kundi paulit ulit na sinasabing ang bobo ko. Mas malala pa nung nagluto ako ng sunnyside up na walang mantika at itinulak ang pinto sa McDo na ang sabi ay 'pull'.

Napasuntok ako sa unan ko. Ang paasa talaga ng hinayupak na iyon. Bobo ko lang dahil nahulog ako. Kumirot na naman ang dibdib ko.

Di ko mapigilang sampalin ang sarili ko. Snap out of it Helena! Walang mangyayari kung magmumukmok ka lang dito.

Kailangan ko ng mapagkakaabalahan dahil pakiramdam ko pag nagtagal to ay mababaliw ako. Gusto kong lumabas. Magpapahepatitis ako sa pagpapakasasa sa mga street foods. Tama!

I wore Eliza's get-up with my dark blue hoodie and decided to just walk through the gate. Mas humigpit kasi ang seguridad sa buong mansyon dahil muntik na akong mahuli kagabi pagbalik ko. My mind was a mess back then at di ko nakitang may rumoronda palang security guard. Napagkamalan akong tresspasser pero buti nalang di ako nahuli.

Nang papalabas ako ay nagtataka lang na nakatingin sa akin ang mga kasambahay. As usual, wala ang mga magulang ko kaya malaya akong makalabas at walang makakapigil saakin. The guard at the gate was convenient, I just bribed my way out.

Matapos ng ilang minutong paglalakad ay napunta na ako doon sa mga nagbebenta ng mga street foods.

Lumapit ako sa isang stall dahil natakam ako sa amoy ng barbecue.
To my surprise, nakita ko doon si Maxim. Lalapitan ko na sana nang mapansing may kung ano itong pinagkakaabalahan or rather sino.

"Magandang gabi muli binibini." bungisngis nito at may dala dala pang bulaklak na agad ikinataas ng kilay ko.

Lumapit ito sa babaeng nagtitinda ng barbeque at inabot ang bulaklak dito pero di man lang nito tinanggap. Tinanggal ko pa iyong salamin ko kung totoo ngang si Maxim ang nakikita ko.

"Lumayas ka dito Maximilian Aragon, walang maganda sa gabi ko pag dumadating ka." wika nung babae.

"Talagang wala ng maganda sa gabi binibini, kinuha mo na lahat."

Nalaglag iyong panga ko, kung di lang sinabi ng babae iyong pangalan niya ay di ko papaniwalaan ang nakikita ko.

"Lumayas ka, Aragon. Wala kang makukuha sa akin."

"Iyong puso mo binibini kukunin ko."

"Taena Aragon, marami kaming lamang loob na binibenta. Baka gusto mo kunin ko iyong sayo." Sinamaan siyang tingin nito at tinutukan pa ng barbeque stick.

"Di mo na kailangan pang kunin binibini, nasa iyo na ang puso ko pati katawan ko iyong-iyo na."

Napalinis ako bigla ng tenga. Totoo ba tong nakikita at narinig ko? Alam kong may pagkamakata itong lalaking to pero di ko inasahang aabot sa ganito. Halos lahat yata ng sagot niya ay banat.

"Alam mo, may napanaginipan ako kagabi, totoong totoo talaga. Nakatayo ako sa isang mataas na gusali tapos nahulog ako...sayo."

Umasim naman iyong mukha ko. Nalaman ko na ang dahilan kung bakit siya di sinasagot.

"Tse!" I just smirked when I saw that she had a blank look on her face pero namumula iyong tenga niya.

"Kiligin ka na man MC! Isang taon na akong nanliligaw sayo, nauubusan na ako ng banat." sabi ni Maxim na nagkakamot na ng batok.

"Konti nalang tutuhugin ko ng barbecue stick iyong mata mo Aragon. Umalis ka na nga, wala akong costumer dahil sa iyo eh, tinataboy mo!" taboy nito sa kanya.

"Pinopormahan ka lang naman ng mga iyon eh." I heard him mutter.

"Juice colored! Ilang beses ba kita babastedin Aragon?!" Napatawa nalang ako, mukhang na-iistress na iyong babae kakataboy sa kanya.

"Maria Clara! Sagutin mo na kasi iyan. Halatang baliw na baliw sa iyo eh." kantsyaw naman ng aleng katabi lang ng stall nila na nagtitinda ng mais.

"Wala akong planong pumasok sa isang relasyon kaya umalis ka na Aragon." pagtataboy nito sa kanya.

Tumunog naman iyong sikmura ko kaya humakbang na ako palapit sa kanila. I'm really hungry dahil hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga.

Hindi parin ako napansin ni Maxim dahil busy ito kakatitig sa babae. Kung susuriin, the woman indeed is beautiful at hindi na ako magtatakang humaling na humaling si Maxim sa kanya. She has pure filipina beauty. Morena, cute button nose at katamtaman lang ang tangkad.

Basing from my standards, maganda siya even though wala siyang ayos. She was in a messy bun, oversized t-shirt and pants. Wala nga itong make-up at may dumi pa sa noo dahil nga nandoon siya sa sugbahan ng barbecue. Kung mag-aayos lang siya ay mas gaganda siya, but obviously not as beautiful as me. Wala pang babaeng ipinapanganak na tatalo sa ganda ko.

Kumuha ako ng sampung barbeque na nakadisplay sa mesa at inabot doon sa babae.

"Sampung barbeque, salamat." sabi ko sabay ngiti sa kanya. "Tsaka tatlong cup ng kanin." pahabol ko pa.

Nagningning naman ang mata niya. "Sa wakas may costumer na din. Umupo ka lang doon habang niluluto ko ang order mo, okay?" maligaya niyang sabi habang inilalagay iyong barbeque sa sugbahan.

Tumango naman ako at pupunta na sana doon sa mesa ng humarang si Maxim. Mukhang ngayon lang niya ako napansin. "Miss Nerd? Nandito ka pala?" gulat niyang tanong.

"Yeah. Nagutom lang." tipid kong sabi.

Napakamot naman siya ng batok. "Na...nakita mo?" nahihiya niyang tanong. He was talking about him shamelessly flirting with that lady.

Ngumisi naman ako. "Hindi , napanaginipan ko tapos sa panaginip tumalon din ako sa building, tapos di ko na matandaan. Ano nga yun sa iyo? " tudyo ko. His face immediately lost its color.

"Miss N..nerd naman."

"Magkakilala kayo?" Biglang singit nung babae habang tinitignan kami.

Tumango naman ako. "He's my classmate. I'm Hel--Eliza. "Kinagat ko ang dila ko. "Queen Eliza Cruz, pwede mo kong tawaging Eliza. Nice to meet you." pakilala ko sabay lahad ng kamay sa kanya.

"MC nga pala, short for Maria Clara Ybañez. Nice to meet you rin." matamis niyang tugon tsaka ako kinamayan.

Umupo naman ako doon sa isa sa mga mesa nila tapat lang sa stall.

Agad din namang umupo sa tapat ko si Maxim.

"Miss Nerd." simula niya na parang tutang walang amo. "Pakiusap, wag mong ipagsabi iyong narinig mo sa kanila. Mamamatay ako ng tukso nila Yohann at William." at pinagdaop iyong mga palad niya.

Tinignan ko naman siya na kunwari ay naguguluhan. "Hindi ko maintindihan, anong hindi ko ipagsasabi? Iyong may nililigawan ka at palagi kang nababasted o iyong mga banat mong pangmalakasan. Tsaka pwede bang makahingi ng link sa kung saan ka kumukuha ng banat, gusto ko ring matuto. " tukso ko sa kanya.

Napatawa naman ako habang pinagmamasdan iyong reaksyon niya. I love torturing people mentally. He's pale as a ghost.

Naglandas naman ang tingin ko kay MC, pansin ko kasi ay kanina pa siya tingin ng tingin sa amin. Nang magtagpo iyong mata namin ay agad naman siyang nag-iwas ng tingin.

Hindi ko mapigilang mapatawa.

"Anong nakakatawa?" Kunot-noong tanong ni Maxim.

"Pang-ilang beses ka na ba nabasted?" tanong ko at hindi man lang pinansin ang tanong niya. He just groaned at halos inuntog na ang ulo sa mesa.

Napaisip naman ako. That girl definitely have feelings for this guy. Nang magtagpo iyong mata namin. I could see jealousy in her eyes. Mukhang pinapanindigan niya talaga iyong pangalan niya. Mukhang nasobrahan sa pagka-Maria Clara.

Nahuli ko na naman siyang nakatingin sa amin. I smirked at her at ibinaling muli ang tingin kay Maxim.

"Gusto ko ng ice-cream, pwede ba pabili,Maxim." utos ko.

"Ano? Bakit mo ako inuutusan?"

I gave him a smirk. "Hmmm, nag-iinit na yata yung dila ko, mukhang gusto ko yatang ikwento iyong nakita ko ngayon." Inilabas ko iyong cellphone ko at iniscroll ang contacts ko.

"Einie, meany, minie mo..." Tinapunan ko siya ng mapaglarong tingin. "Malay mo swertehin ka at si Ichabod iyong mapindot ko, hindi naman iyon matabil kaya ligtas ang sekreto mo--"

"-Oo na! Bibili na!" I smiled in satisfaction. Blackmail always work.

"Di ko yata gusto yung pananalita mo, Maximilian Aragon." sabi ko habang ginagaya iyong pananalita ni MC kanina.

"Paumanhin binibini, bibili na po." sarkastiko niyang sabi kaya muli kong hinawakan iyong cellphone ko at natakot naman siya.

"Strawberry flavor gusto ko." pahabol ko sa kanya.

Binalingan niya naman si MC. "Magandang Binibini! Babalik lang ako!" paalam niya dito at agad umalis.

Habang naghihintay na maluto ang inorder ko ay wala akong magawa kundi patunugin iyong mga daliri ko sa mesa. Pansin ko ay madalas rin ang pagnanakaw nito ng tingin sa akin, and I'm sure it's definitely not because of how I look.

A creepy smile sprung from my lips. It's showtime.

"Hey you!" tawag ko ng pansin sa kanya. Nang lumingon siya sa akin ay tinaggal ko iyong suot kong salamin and flashed her a bitchy smile. Iyong pang kontrabidang ngiti na plastic.

I can see na medyo nabigla siya sa pagbabago ng reaksyon ko. Doing this with an eyeglass won't leave a big impression kaya tinanggal ko na. Eliza's beautiful, obviously dahil kamukha niya ako but what she lacks is confidence which makes her ugly, to put it bluntly. I believe that confidence constitutes beauty but anyways I'd like to play cupid here since I'm bored and I like tortur- helping people with their problems.

"Just curious. Wala kayong relasyon ni Maxim, diba?" tanong ko.

"W-wala." nag-aalangan niyang sagot at parang inaanalisa pa ang tanong ko. Good, I want her to overthink.

Tumango naman ako. "I see."

An awkward silence came and I asked another question. "You know Noli Me Tangere, right?" simula ko.

Naguguluhan naman siyang tumango. "Konti lang. Bakit mo naitanong?"

"Maria Clara, that name.."

Napangiti naman siya. "Madalas din akong natatanong niyan dahil sa pangalan ko. Talagang makapilipino iyong nanay ko kaya iyon ang ipinangalan sa akin."

"So alam mo kung sino si Maria Clara doon sa nobela?" I smiled at her sweetly.

"Oo naman, siya iyong anak ni Kapitan Tiago at Donya Alba. Kasintahan din siya ni Crisostomo Ibarra at---

"Hindi sila nagkatuluyan." biglang singit ko na ikinagulat niya. "Alam mo ba kung bakit sila hindi nagkatuluyan? The man got tired of waiting for the virtuous girl and moved on with another woman, then that woman committed suicide."

Agad naman siyang napakunot ng noo. "Hindi iyon iyong nangyari."

"Oh really?" kunwari kong tanong. I didn't really pay attention to that subject pero sa pagkakaalala ko ay binaril si Ibarra at sa pag-aakalang patay na ang kasintahan ay nagpakamatay si Maria Clara but fuck Jose Rizal, kung gusto kong gumawa ng bersyon ko, gagawin ko.

"My bad, must be another story, but you see, I like a guy at katulad ni Ibarra, matalino ito, gentleman, may itsura at mayaman."

Napansin kong unti-unting humihigpit ang hawak niya sa barbequeng pinapa-init niya.

"T...talaga? S-sino naman?"

Sinadya kong tumingin sa gawi na pinuntahan ni Maxim at muling bumaling sa kanya. Mukhang nakuha niya naman iyong ginawa ko.

"That's not important. Although, may itatanong lang ako sa iyo. " tumango naman siya. "May nililigawan ito, but I think wala naman siyang pag-asa doon sa babae. Should I take this chance?" inosente ko siyang tinignan.

She was taken aback. Muntik na akong matawa dahil ang cute ng reaksyon niya. "P..pero may iba siyang gusto."

Iyong tinapon kong salita ay parang bombang bumalik at sumabog sa mukha ko. Once again, I forced his face down to the back of my mind. Eh ano naman ngayon kung hindi ako ang gusto niya. Wala ako sa mood mag-emote ngayon.

"Wala naman akong nakikitang mali. Hindi pa siya sinasagot so single pa siya. Lupa ngang may titulo naagaw, iyon pa kayang walang label. Easy as pie." patuloy ko with a poker face.

"Sa tingin ko hindi magandang desisyon iyon. B..baka masaktan ka lang." dahilan niya. Kita ko sa mata niyang nagpapanic siya.

I tried to keep my face straight.

"Love is worth the pain. Hindi ako takot masaktan. Hindi ako duwag." I felt something punching me in my gut and shouting hypocrite and liar inside my head.

I bumped my head in the table at nagkunwaring hindi iyon nangyari. Pilit ko nanamang itinulak sa kasulok-sulukan ng isip ko bago pa man bumigat ang dibdib ko. MC was too distracted in her own thought kaya di niya masyadong pinagtuunan ang pag-untog ko sa sarili sa mesa. Good.

"B...but, what if gusto di siya nung babae, what if hindi pa huli ang lahat para sa ka--"

"You know what, tama ka. Hindi pa huli ang lahat. Salamat sa advise, ngayon narealize ko na talagang kung may gusto ka, dapat mong gawin ang lahat para makuha ito." putol ko sa sinasabi niya.

As if on cue ay dumating na si Maxim. Ang galing ko talaga mang-timing.

I sent her a winning smirk at isinuot muli ang salamin ko.

"Oh Maxim, mabuti naman at dumating ka. May sasabihin pala ako." Tumayo ako at linapitan si Maxim pero bago pa man ako makalapit sa kanya ay inunahan na ako ni MC.

What she did after that shook me, lalong lalo na si Maxim.

She grabbed Maxim's collar at matiim itong hinalikan sa labi. The Maria Clara girl clearly is gone. I guess jealousy really changes a person.

I refrained from chuckling dahil baka masira ko yung dramang pinaghirapan kong buuin, although it wasn't really hard since MC was really naive and gullible. Mukhang masyado lang niyang pinanindigan ang pangalan niya at hindi pa sinasagot si Maxim hanggang ngayon.

Matapos niyang halikan si Maxim ay humarap siya sa akin. "Nobya niya na ako, kaya kung may balak kang akitin siya, hindi ko hahayaang mangyari iyon. Please just back off. Alam kong gusto mo siya pero ako ang gusto niya at gusto ko rin siya. Pakiusap at kalimutan mo ma iyong nararamdaman mo para sa kanya." seryoso niyang sabi habang si Maxim ay di ko maintindihan ang mukha. He was too shocked to respond at mukhang lumipad na ang kaluluwa sa kilig yata.

I pursed my lips. Napatalikod ako dahil di ko mapigilan, nanginginig iyong katawan ko sa pagpipigil ng tawa hanggang sa di ko na mapigilan.

"Teka...nababaliw ka na ba. Anong nakakatawa?" Naguguluhan niyang tingin sa akin.

I took a deep breath bago ayusin ang sarili ko. Humakbang ako palapit sa kanya at itinaas iyong kamay ko kaya napapikit siya. Akala niya siguro sasampalin ko siya. Pft.

Sa halip ay pinisil ko iyong pisngi niya. "You're really cute."

"Huh?" Napamulat siya ng mata at naguguluhan akong tinignan.

"You know, were friends pero hindi ako magkakamaling patulan iyan." turo ko kay Maxim na ngayon ay natauhan na.

"Ano?" untag pa nito. "T..teka, MC totoo ba iyong sinabi mo--"

"P...pero sinabi mo..." aniya at di man lang pinansin si Maxim dahil sa hiya.
Unti-unting namumula iyong buong mukha niya. She's starting to realize what she had done.

"Wala naman akong sinabing si Maxim ang tinutukoy ko. You just jump to conclusions yourself. It was really amusing." natatawa kong paliwanag. She covered her face in embarrassment.

"Huh? Anong nangyayari? Di ko maintindihan. MC?" singit naman ni Maxim na mariing nakatingin kay MC.

I just laughed it off at tinapik siya sa balikat.

"You got yourself a girlfriend now, lover boy." sabi ko tsaka hinablot iyong icecream na binili ni Maxim

Tinapik ko naman si MC sa balikat. "I get that he's your Crisostomo Ibarra but please don't let your story end a tragic one."

Nagtungo ako doon sa mesa kung saan nakabalot na iyong inorder kong sampung barbeque. Kinuha ko rin ang isang alak na nakadisplay sa tabi.

Naglabas naman ako ng limang daan at inilagay lang doon sa mesa.

"Keep the change." sabi ko sabay kindat kay MC na hindi parin nakakahuma sa pangyayari, ganun din si Maxim.

It would be awkward kung mananatili pa ako kaya umalis nalang ako.

I feel like Jose Rizal making a story happen. Napatingin naman ako sa hawak hawak ko habang papalayo.

Seriously, barbeque, icecream and alcohol? Ano ba itong ginagawa ko sa buhay?

....

Commercial muna sa ibang lablyf hehe. 😜 Minura ko si Pepe, shoot me.

Tomorrow next update. Maybe.

-GX

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top