-•-
Hindi na ako nagtaka ng pumasok kami sa loob ng malawak na parke na madalas naming pinupuntahan noon. Base sa natatandaan ko ay teritoryo nila ang buong parke. Huminto kami sa likod ng parke kung saan maraming mga puno. Doon ay matatanaw ang isang bahay, iisang palapag lang ito pero may rooftop. Ito ba ang tinutukoy nilang tambayan nila?
"Welcome to our hideout!" bungisngis na sabi ni William ng makarating kami sa tapat ng bahay. It does not look like a hideout to me, para lang itong ordinaryong bahay na nasa kalagitnaan ng kakahuyan.
Umakbay naman si Yohann sa kanang balikat ko dahil akay-akay ko parin si Cole sa kabila. "Pwede ka nang tumambay dito kahit kailan mo gusto!"
Mabilis ko namang tinulak palayo si Yohann dahil ang bigat nila at nangangawit na iyong mga balikat ko.
"Papagawan ka namin ng spare key para makapasok ka kahit wala kami."
Naglandas ang tingin ko kina Maxim at Ichabod na parehong tahimik. Hindi na iyon bago kay Ichabod pero mukhang nahawaan niya na yata si Maxim.
Nagkatinginan kami at agad niyang iniwas ang tingin sa akin. I just shrugged it off.
Lumapit naman si William sa akin at may inilahad sa aking susi. "Why don't you do the honors on opening the door?"
Tinapunan ko naman siya ng tingin. "Bakit ako?"
Nagkatinginan naman sina William at Yohann na parehong nginisihan ako. "It's a ritual. Parang initiation sa pagiging parte sa amin."
I narrowed my eyes at them at ngumisi lang sila, sa huli ay tinanggap ko nalang ang susi at nagtungo sa pinto.
Ipapasok ko na sana ang susi ng mapansing hindi naman naka-lock iyong pinto. Kunot-noo kong binuksan ang pinto at muntik ng atakihin sa puso sa bumungad sa akin"What the?!"
Agad nanlaki iyong mata ko. I was expecting a prank to greet me pero iba ang bumati sa akin. A half naked man was glaring at my direction from the living room.
"Hahaha...hha?" Sumunod sa likod ko sina William at Yohann na kanina ay tumatawa ngunit ngayon ay parang naguguluhan na. "Dude bakit di gumana?"
Kunot-noo naman akong napalingon sa dalawa forgetting the unknown man in the living room. "Anong di gumana?"
"W-wala." mabilis nilang sabi.
"So it was you two dimwitted wankers!" Biglang sigaw nung lalaki. Agad naman akong napaatras ng sumugod ito sa amin particularly kina William at Yohann at pinagbabatukan ang mga ito.
"Aray aray! Di naman iyon para sayo. Bakit ka ba kasi nandito?" daing ni Yohann
Pinagmasdan ko lang sila. Mukhang kakilala nila ito pero kaano-ano ba nila ito?
"You ask that after you poured water on me?" inis na bulalas nito.
Naguguluhan na ako sa pangyayari pero nahagip ng mata ko ang isang timbang walang laman na nakabitin sa taas ng pintuan at basang sahig ay mukhang medyo naliliwanagan na ako, but I still don't know the guy.
Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. He got green eyes and wet blonde hair. He's fucking gorgeous but what got me hooked was his perfect Brit accent and the abs. Damn. I've got a crush. Cole who? Sino nga iyon?
Agad naman akong natauhan at nagpasyang sumingit sa usapan. "So that water was for me, was it?" Tinignan ko ang dalawa and they looked guilty as charge. Kaya pala pinipilit nila akong buksan ang pinto.
"It was just a prank!"
" Yeah. Ginawa rin namin iyon kay Ichabod noong una niyang punta dito." Mabilis nilang paliwanag.
Nakatikim na naman sila ng tig-iisang batok mula kay Maxim. "Pumasok muna tayo." wika nito kaya pumasok na kami sa sala.
Pinulot naman ni Ichabod ang damit na nasa paanan lang niya at hinagis sa di pa nakikilalang lalaki.
"Magdamit ka."
"As you can see, it's wet and what's the use of my body if I can't flaunt it." sabi nito at nagfe-flex pa.
Yung abssss! Parang nagliwanag iyong mata ko.
"If you don't hide it, you're gonna flaunt it in a river, lifeless." inis naman na saad ni Cole na nasa likod ko.
"Whatever." Nagkibit-balikat lang ito at bumaling ang tingin niya sa akin. Ngumisi siya at nilapitan ako.
"It's an honor to finally meet the infamous Queen Eliza Cruz."
"K..kilala mo ako?" I stuttered, sinong hindi pag natapat ka sa isang ito. I think I'm drooling. The british accent is a major plus points to me.
Binalingan naman niya ng tingin si Cole at nginisihan ito.
"Well, Kaizen came to me asking for some...advices. You should've seen him reading that book seriously. It was hilarious. He vividly mentioned you to me, and you're much more lovely in person."
"Go home, Requim." pagbubugaw naman nito sa kanya.
"What? After I took good care of Coal Jr, you're gonna drive me away? Good hospitality, mate." sarkastiko niyang sabi. Speaking of, lumapit si Coal Jr sa paanan niya at ipinupunas ang mukha niya sa paa nito.
Pansin kong tumaba ito mula nung huli ko itong nakita. They did a pretty good job taking care of him.
"How rude of me, the name's Zachary Elliot King Requim, love. You can call me Zach." pakilala niya saka hinalikan ang kamay ko. "I'm this wanker's cousin. I'm from England. I don't speak filipino but I can understand it. I come and visit from time to time." sabay turo kay Cole na ang dilim na ng mukha.
"Cousin?" Pabalik-balik akong napatingin sa kanila pero wala akong makitang pagkakahawig.
"Yeah, our grandfathers are half siblings. I basically have only about 1/8 filipino blood, is that excuse enough for not liking sisig? The only filipino dish I like to eat here are the babes. Filipina beauty are my type." sabi niya at kinindatan ako. Flirt alert. This is a full blooded casanova, ladies and gentlemen.
"Requim." pababalang sambit ni Cole. Mukhang nagsisimula ng bumigat iyong paligid. Cole really is pissed with this guy and the guy is enjoying pissing him off.
"Calm your tits, mate. I'm not gonna steal this lovely lady away from you." Sabi niya tsaka kinindatan ako. "Yet." dugtong pa niya.
"Get ready to die, Requim." As if sensing danger, lumapit sina Yohann at William kay Cole at hinawakan siya sa magkabilang braso.
"Kalma dude!"
" Zach, mas mabuti pang magdamit ka muna bago ka mamatay." sambit ni William sa kanya pero nginisihan lang siya nito. Mukhang wala talaga itong takot sa pinsan niya.
"If I'm dying, I prefer the same way I came in this world." Nilingon niya ako at muling kinindatan. Agad namang nanlaki ang mata ko.
Unti-unti niyang niluwagan iyong sinturon niya at the same time, nakawala si Cole mula kina Maxim. I could almost see Cole punching Zach in my mind pero hindi iyon nangyari, sa halip na lapitan si Zach ay nagulat nalang ako ng mabilis niya akong niyakap mula sa likod at inikot
palayo kay Zach.
"Damn it, don't look at him. Mas maganda ang katawan ko sakanya."
Mag-iisip pa sana ako ng sasabihin sa kanya ng umalingawngaw ang tawa ni Zach sa buong paligid.
"This is just bloody hilarious, Kaizen. Just when I thought that you asking me for love advice was the most odd thing ever." sabi niya at halos maglupasay na sa sahig sa kakatawa.
"Fuck off Requim."
"Blimey! I'm glad I'm visiting here from London. Oxford's such a boring place." sambit pa niya na nagpapahid ng luha sa mata niya.
Itinulak ko naman si Cole palayo at itinuon ang atensyon sa kay Zach.
"Nag-aaral ka sa Oxford University?"
"Yeah, Physics major. I'm on my 3rd year."
Hindi ko inasahan iyon sa kanya. Pero kung iisipin, sa taglay niyang sex appeal, he could just flirt with the professors at sigurado na siya hanggang graduation.
"And no, I don't sleep with professors if that's what you're thinking. " Mukhang nabasa niya iyong iniisip ko. Napatigil naman siya. "Well, at least I don't need to sleep with them to pass, that is."
Agad naman akong nasamid sa sarili kong laway. I can't believe this guy, He's worst than Grace.
"Mas mabuti kung itikom mo nalang iyong bibig mo, Zachary." saway ni Maxim sa kanya pero tinignan lang niya ito na para bang walang mali sa sinabi niya.
"What? Some Oxford professors are hot."
"Wala ka talagang pag-asa." dismayang wika ni Maxim at umupo sa sofa sa sala at binuksan iyong telebisyon ganoon din si Ichabod.
"Hoy, dalawang mga ulol, linisin niyo iyong kalat niyo." sambit muli ni Maxim kina Yohann at William na tinutukoy iyong basang sahig malapit sa pintuan.
"Yes sir." tugon naman ng dalawa. Para talagang nanay si Maxim sa grupo nila.
"How about I show you around the place? It'll be fun." agad nabaling ang atensiyon ko kay Zach na hinahawakan ang balikat ko.
Lumapit naman si Cole sa amin at inalis ang kamay nito sa balikat ko. "This is not your fucking house, Requim."
"Chill, I'm really not gonna steal your girl, Kaizen." Binuhat niya si Coal Jr mula sa paa niya at ibinigay kay Cole. "Take care of your son first."
Cole gave him a blank face. "Hindi ko ito anak."
"And yet you named him Coal Jr." he snorted. Hinila niya naman ako paalis bago pa mareklamo si Cole. "Let's go, lovely lady."
Hinila niya ako palabas sa sala at nagtungo sa mukhang kusina yata nila.
"You've already seen the living room so next let me introduce you to the kitchen." Inilibot niya ang tingin sa buong silid at ngumiwi. "Well, there's nothing much to see. I'll just grab something to eat, want some?"
Tumango nalang ako at sumunod sa kanya na binuksan ang ref na double door. Kukuha rin sana ako ng pagkain pero halos lahat ng mga pagkain ay may nakapaskil na sticky note na nagsasabing wag kainin ang mga di sa kanila. Binasa ko naman ang iba.
'Take one slice and I'll kill you in your sleep-Ichabod'
"Akin to - Maxim"
"Ayokong magshare, bumili kayo ng sainyo- William Pogi"
" Respeto pls. Pag akin, akin lang-Mas Poging Yohann"
"Eat this shit if you dare-Cole"
Sari-saring mga sticky note ang mga nakapaskil sa mga pagkain sa ref, ang wala lang sticky note ay ang tubig sa ref.
Surprisingly ay walang isip isip na kinuha ni Zach ang isang cup mula sa chiller.
"Wanna drink?" alok pa niya sa akin kahit may pangalan ni Maxim ang nakalagay doon.
"Hoy Zachary Elliot! Yung milktea ko! Kahit isang patak lang ang kulang diyan, babayagan talaga kita at ipapadala pabalik sa Inglatera." rinig kong sigaw ni Maxim mula sa sala na para bang alam ang pinaggagawa ni Zach.
Mula sa bibig niya ay iniluwa niya muli iyong ininom niya sa baso at ibinalik sa chiller.
"I would never, mate!" pasigaw na tugon nito kay Maxim. Ngumisi siya sa akin at sinenyasan akong isekreto iyong ginawa niya. This guy is evil.
We went to the rooftop at ipinakita sa akin iyong view. It wasn't really much dahil mga puno lang naman ang nasa paligid pero maganda dito matulog. May malaking duyan doon at mahangin rin.
"There's also the bedroom but there's nothing special there, unless you want to use the bed with me." kinindatan niya muli ako. Wala talagang preno ang lalaking ito. Di ko nalang siya pinansin.
"And finally the basement. It's my personal favorite." sabi niya habang pababa kami sa basement.
Nagulat nalang ako ng mapalibot ang tingin sa kabuuan ng basement. Malawak iyong silid, may pool table sa dulo pati na rin amg isang dart board. May limang pc din sa kabilang dulo at may malaking flat screen tv with xbox set. Sa tabi ng TV ay isang buong shelf ng video games.
"Pretty cool right?" Wala sa isip akong napatango at naglibot ng tingin sa paligid. This place is really cool.
Lumapit si Zach sa xbox at sinensyahan akong lumapit. Nilahadan niya naman ako ng isang gaming console.
"Anong gagawin ko dito?"
"I'm testing you."
"Para san?"
"If you're worthy enough for my cousin or not."
Napataas naman ako ng kilay. "I'm not aware that I need your approval at hindi kami ni Cole, pumunta lang ako dahil sa pusa."
"You can't play a simple match of Tekken then you're not fit to be here."
I pursed my lips at hinablot mula sa kamay niya ang gaming console. "This doesn't prove anything, I'm just gonna beat your sorry ass."
Nginisihan niya naman ako. "I'm liking you already."
Mahigit tatlumpong minuto makalipas ay tutok na tutok kami sa nilalaro namin at halos madurog na ang gaming console sa kakapindot ko.
"Give up loser."
"Not a chance." sambit ko.
Nanalo na ako ng pangalawang beses at tabla kami. Kung sino mang mananalo sa round na ito ay siyang mag-uuwi ng tagumpay.
I was too focused on the game na napaigtad nalang ako ng may ipinatong sa ulo ko. I turned around and came face to face with Cole. Halos magdugtong na iyong kilay niya kaya napahinto nalang kami sa paglalaro.
"Sa iyo ang pusang ito kaya alagaan mo." wika niya saka binitawan si Coal Jr sa ibabaw ng ulo ko na agad ko namang kinuha mula doon.
"Looks like daddy's jealous~~" pakantang tudyo ni Zach kaya pareho namin siyang sinamaan ng tingin.
"I'm gonna be in the living room if you need me." sabi nito at mabilis na umalis sa basement. Naiwan naman kaming dalawa kaya pumalit si Cole sa pwesto ni Zach katabi ko sa sofa.
Pinaglalaruan ko si Coal Jr pero mukhang di niya ako gusto at nagpumilit na kumawala sa kamay ko. Lumapit ito kay Cole. Mukhang bakla yata ang pusang ito at lalaki lang ang nilalapitan.
Hindi ko maiwasang mapalabi. "He doesn't like me."
"I like you."
I took me a few seconds to let that process in my brain.
I gave him a blank look. "Magpapanggap akong di ko iyon narinig."
"Bakit naman?"
"Normal people don't just say that out randomly. "
"So?"
Napabuntong-hininga nalang ako.
"Nevermind."
Tumingin siya sa relo niya at tumayo. "It's getting late, ihahatid na kita."
Tumingin na rin ako sa relo ko, it's almost seven already. Tumango naman ako at mahigpit na niyakap si Coal Jr. bago binitiwan. Inilapag ko siya sa sofa at nanatili naman siya doon at humiga.
"Pano yung paa mo?"
"Hindi na siya masakit."
Inilahad niya iyong kamay niya at tinanggap ko naman. Naglakad kami papunta sa sala kung saan komportableng nakaupo si Zach habang nagbabasa ng FHM. Tch. Lalake nga naman.
Nang mapansin niya naman kami ay ibinaba niya ang magasin at binalingan kami. "Where are you going? Looking for a quite place, I see." nakangisi niyang sabi at nagtaas baba pa ng kilay. Bakit ba puro nalang walang kwenta ang laman ng utak ng lalaking ito.
"She's going home, idiot. You should too."
Nagkatitigan kami and suddenly he flashed a playful grin at me. "Tell me if you get tired at him and I'll snatch you away." Kinindatan niya nanaman ako.
"Not a damn chance, Requim." He pulled me closer to him at hinila ako palayo.
Narinig ko namang humalakhak si Zach."Bye, love."
Damn that British accent.
Naglakad kami papunta sa kusina kung saan kasalukuyang kumakain sina Maxim at Ichabod. Napangiwi naman ako ng makitang walang kaalam-alam na iniinom ni Maxim iyong milktea niya.
Sasabihin ko ba? Pero malapit na iyong maubos kaya mas mabuti nalang na ibaon ko iyon sa ala-ala ko.
"San sina Yohann at William?" tanong ko dahil hindi ko na sila nahagilap.
"Probably at the rooftop." kibit balikat na sagot ni Maxim. "San kayo?"
Iba parin ang tingin ni Maxim sa akin pero isinawalang bahala ko nalang. Guess he really prefer Queen over me. Psh.
"She's going home." sagot naman ni Cole. Ihinagis naman ni Ichabod sa kanya ang susi sa sasakyan.
"Don't scratch my car." tanging sambit ni Ichabod at nagpatuloy na sa pagkain.
Lumabas na kami at madilim na iyong kalangitan. Sa backseat sana ako sasakay pero pinagbuksan ako ni Cole ng pinto sa sasakyan kaya napilitan nalang akong umupo sa harap.
It was awkward during the ride kaya napagpasyahan kong magsalita.
"Tungkol doon sa sinabi mo noong ihinatid mo ako sa bahay namin, anong ibig mong sabihin doon?" tanong ko nang biglang pumasok sa isip ko iyong usapan namin nung araw na napulot namin si Coal Jr. Bumabagabag parin sa akin iyong huli niyang sinabi nung ihatid niya ako pauwi.
Kumunot naman iyong noo niya. "Alin doon?"
"Ah, nevermind."
"Tch. You're really stupid."
"I'm really wondering, gusto mo ba talaga ako or is this just one of your tricks?" I shamelessly asked him. Sinasabi niyang gusto niya ako pero kung maka-insulto wagas.
"You're really fucking dense, I was dying in jealousy earlier and you're even questioning if I like you or not?"
"Nagseselos ka?" I raised a brow at him.
"Mukhang kailangan mo na talagang palitan iyong salamin mo dahil kahit nararamdaman ko di mo man lang makita. "
Napatulala nalang ako sa kanya
"Damn it, that was corny!" mahina niyang bulong sa sarili pero rinig ko parin. Hindi ko maiwasang mapatawa.
"Hindi ko alam na marunong ka pala sa mga linyahang yan, Nicholas. Damn ang sakit ng sikmura ko." sabi ko habang tumatawa.
"This is your fault for making me fall for you, shut it and start liking me already." malamig niyang sabi habang nakatingin ng diretso sa daan. Pink was starting to tint his cheeks. Cute.
"Why---"
"That's not how you do it, you wanker!"
Napatigil ako sa pagsasalita at nanlaki ang mata nang may narinig akong nagsalita. That was not me speaking and it wasn't Cole either!
"Ulol, wag kang maingay!"
"Taena, tumahimik kayo maririnig nila tayo!"
Muntik na akong atakihin sa puso ng biglang may mga nagsasalita sa likod namin.
Mabilis namang naihinto ni Cole ang kotse and I was thankful, I'm wearing a seatbelt but it was not the same for the people at the back.
"Ugh! I think I fractured my skull."
"Fuck dude! Dahan dahan ka sa pagmamaneho at baka maaksidente tayo."
"Tae, nalaglag iyong popcorn ko."
Binuksan ni Cole ang ilaw sa loob ng sasakyan at bumungad sa amin sina Yohann, William at Zachary na nagtatago sa mismong likod lang namin, sa backseat. May nakatabon sa kanilang itim na tela kaya hindi agad namin sila napansin. Kaya pala hindi ko sila nakita pag-alis namin pati si Zach na biglang nawala sa sala.
"What the fuck are you doing here?!" Cole hissed while glaring at them.
"Well, at the moment, watching you be an absolute genius at failing miserably on getting a lady to like you. What happened to lesson six and eight,cousin? Don't command and never blame a lady! You even called her stupid."
"Yeah, it was painful even hearing it. Kung ako ang babae, ibabasted kita on the spot."
"Kahit kapatid ko dude, mas marunong manligaw kesa sayo."
"Fuck! Get out!" Bulalas ni Cole na hindi ko malaman kung namumula sa galit o kahihiyan. Probably both.
"Miss Nerd, di ka ba naaawa sa amin. Pinapalabas niya kami oh." sumbong ni William sa akin sabay kalabit sa damit ko na para bang nanay nila ako.
"Yeah, convince him to let us stay please and I'll let you touch my abs."
Mabilis naman itong binatukan ni Yohann pero huli na ang lahat dahil mas dumilim pa ang mukha ni Cole.
"Thanks a lot, Zach." sarkastikong saad ni William.
"What did I do?" naguguluhang tanong nito.
"Lumabas na tayo o hindi na tayo makakalabas ng buhay." Nagpakawala ang dalawa ng malalim na hininga at hinila palabas si Zach.
"Mate, I'm half-naked. Can you really bare to leave your precious handsome defenseless cousin on the road in a cold night?"
Sumang-ayon naman ang dalawa. They're all idiots, no wonder they get along so well.
"I'll make sure Grandpa hears about this, Kaizen!" sigaw ni Zach nang pinasibad na ni Cole ang sasakyan papalayo.
"Dude, wala kaming pamasahe!"
"Taena, nakapaa lang ako!"
Napaikot nalang ako ng mata. Dapat lang sa kanila iyon, sino bang nagsabi sa kanilang makinig sa usapan ng may usapan. Bahala sila kung paano sila makakabalik.
The ride became awkward again after a deafening silence. I was about to point out the weather nang inunahan niya akong magsalita.
"About what I said that I like you, seryoso ako doon. " walang kaemosyon-emosyon niyang sabi habang nakatingin sa daan. Nanatili akong tahimik kaya nagpatuloy siya. "Look, I like you. Alam kong hindi mo ako papaniwalaan pero I'll continue to say it until you believe me otherwise."
"Pero, bakit?"
"I like you a lot. I don't know why, but that's what I'm feeling right now. Sigurado ako dun."
Napabuga nalang ako ng hangin. Konting konti nalang talaga.
"Hindi mo ako kailangan sagutin ngayon." He pursed his lips. "I'll wait."
Ngumisi na naman siya and his face went back to his playful badboy look. "Until then, only think of me."
"Ano?"
"Dream of me tonight, stupid nerd." He grinned at me at kinindatan pa ako, mukhang nakikita ko na ang pagkakahawig nila ng pinsan niya. Pareho silang walang kwenta.
"Asshole." I mumbled.
Saktong huminto kami sa tapat ng gate sa bahay. Bumaba naman ako sa sasakyan at pumasok na sa loob ng gate ng hindi siya nililingon.
Diretso akong pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama. I just stared at the ceiling.
Everything came down to me. Ang daming bagay na pumapasok sa isip ko. Si Cole, iyong nararamdaman ko sa kanya, si Eliza at iyong pagpapanggap ko bilang siya. Tapos biglang pumasok sa isip ko iyong pustahan namin noon ni Cole. That risky deal I had with him about finding my identity. Dahil sa mga pangyayari ay nakalimutan ko na iyon.
Lagpas isang buwan na magmula iyong pinagkasunduan namin. Bigla akong nakaramdam ng galit ng maalala iyon. Natalo siya sa pustahan at hindi ako nahanap and now he's moving on to his next victim to satisfy his boredom, iyon ang pumapasok sa isip ko at tinutusok na iyong dibdib ko habang iniisip lang iyon.
Damn it Helena, ano ba kasi itong pinasok mong gulo?
Napasabunot nalang ako sa buhok ko. I forcefully pulled the wig on my head at itinapon ito sa kung saan.
Binuksan ko iyong cellphone ko tinitigan ang numero niya na naka-save sa contacts ko. Kailangan ko siyang kausapin para matigil na itong mga bagay na bumabagabag sa isip ko even if it means letting my secret out.
Ang lakas ng pintig ng puso ko habang pinakikinggang magring iyong telepono hanggang sa sinagot niya iyo.
Napalunok muna ako at pilit pinatatag ang boses ko. I summoned the bad-ass bitchy Helena.
"Hey King, this is Queen, let's meet."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top