Chapter 48: Crazy Cashier


That damn jerk! Nakakairita siya. Ano bang akala niya sa akin, laruan? I won't let him have his way. How dare him do that to me! Bwisit siya!

Sinipa ko ang batong malapit sa paanan ko, imagining it was Cole's head. Gusto ko siyang bugbugin.

Naglalakad ako papalabas ng campus ng mapatigil ako sa paglalakad. May sumusunod sa akin.

Agad akong nagbago ng direksyon, sa halip na sa gate papalabas ay naglakad ako patungo sa isang eskinita, sa pagitan ng dalawang school building. Walang taong dumadaan doon kaya mas mabuting doon ko siya komprontahin. After all, alam ko kung sinong sumusunod sa akin.

"What do you want, Lena?" sabi ko habang binibigyang diin iyong pangalang sinabi niyang itawag ko sa kanya.

Bahagya siyang nagulat ng salubungin ko siya pero agad ding nakahuma. I bet she's here to confront me about what Cole said in the classroom. Mukhang di na niya matiis pang mag-anghel anghelan at nilapitan na ako.

"You've got guts. I don't really want to talk to you kaya didiretsuhin na kita, you ugly slut. Stop seducing my Nicky." Muntik na akong mapatawa sa sinabi niya. Ang corny talaga ng 'Nicky' no matter how many times I hear it from her.

"Didn't I warn you already? Do you think you're Cinderella na basta basta nalang makakakuha ng prinsipe and live happily ever after? Wag kang ilusyunada. Do you really think my Nicky would really like a girl like you? You're just a little disgusting toy he's fond of playing at kapag nagsawa na ay itatapon nalang sa tabi. Why don't you just stay away from my prince and wait for some ugly ogre to come for you, Fiona." dagdag pa niya.

I just gave her a smile.

To be honest, I never really liked Cinderella or any of the fairytales maliban nalang sa The Little Mermaid dahil pangarap kong maging sirena noon. Mas gusto ko pa iyong Shrek kesa sa mga ganoon. I really have wierd taste.

"Are you done?" tanong ko. I planned to just let her talk kaya ko siya dinala rito rather than magdrama na naman siya sa lugar na maraming tao. Dagdag gulo na naman sa akin iyon pagnagkataon. "Then I'm leaving."

Lalampasan ko sana siya ng hinila niya ako pabalik sa harap niya.

"Don't turn your back on me. Do you really think a pathetic girl like you will match him, you ugly duckling?"

I'm getting really pissed that she keeps telling me I'm ugly. Kahit nakadisguise ako ay katauhan parin ng kambal ko ang dinadala ko. Sa tingin niya ba ay papalampasin ko lang na paulit-ulit niyang kinukutya ang itsurang ito sa harap ko?

Kalma ko siyang hinarap pero gusto ko na siyang pisain na parang pigsa.

"Are we really talking about fairytales now, you pathetic sea witch?"

She was taken aback. Mukhang di niya iyon inasahan mula sa akin.

"What did you just call me?!" She was fuming mad. She scrunched her face, the fact that walang tao sa paligid made her true colors show.

"Do you really want me to say that again? You're that sea witch na nagpapanggap na magandang babae, I think her name was Ursula. Ang kaibahan lang ay kahit papano nagtagumpay si Ursula na maakit iyong prinsipe kahit sandali lang, while you weren't even able to catch a second of Cole's attention." mahaba kong sabi. Di ko mapigilang matarayan siya. It's her fault anyway, sino ba ang nagsabi sa kanyang kalabanin ako.

"You! You're just a nerd, how dare you talk like that to me!"

Nilapitan ko siya ng mga ilang dipa ang layo sa mukha niya. I want to intimidate her at mukhang nagtagumpay naman dahil napaatras siya.

"You really don't know anything. Not all nerds stick to fucking cliches." diin ko.

Lumayo ako sa kanya at nginisihan siya.

"Y..you two faced bitch!"

I chuckled a bit. "I think you confused me with a mirror, Ursula."

I think she snapped dahil namumula na talaga iyong mukha niya. I could almost see veins on her forehead.

"You! How dare you! Just because you got his attention ay lalaki na ang ulo mo, you slut. Cole's already got a girlfriend, I met her at his birthday where you weren't even invited. And compared to her, dumi ka lang!" Natigilan ako. I forgot about that thing. I unconsciously took a step back.

She took my shock for something else. "Oh you're shocked? Don't tell me you actually believed him. That's right, may girlfriend siya so don't believe an ugly duckling like you will ever have a prince, especially my prince." She smirked at me. "This is your last warning, don't get in my way." She turned around and even flipped her hair tsaka umalis na. Kudos to her, he surprisingly turned the tables.

Napatulala na naman ako sa kawalan. Hindi naman ako naapektuhan sa sinabi niya but what she said made me realize something.

Queen. That identity, nauna na niyang sinabing gusto niya ako when I was Queen pero sinabi din niyang gusto niya ako bilang Eliza. He said he liked me on two different identities. Kung iisipin ay madali lang naman lutasin iyong problema dahil iisa lang naman ang katauhan ng dalawa pero either way since he confessed to two different girl, parang mali pa rin. At paano kung si Eliza talaga ang gusto niya at hindi ako?

There are many arrows pointing to the path of my heart probably being broken to pieces and I don't want that to happen because I don't have anyone. I don't have Nana here to hug me everytime I get hurt anymore. I don't have Grace to cheer me up with her tone deaf singing and her shopping spree.

May takot din ako. My days in US wasn't that smooth sailing before. I was bullied the first time I transferred to my school in US. I was fooled around by my classmates and my first crush there turned out to be a jerk that wounded my 10-year-old heart. May trauma parin ako dun.

I make dangerous bets but not my heart.

Panay ang buntong-hininga ko at hindi ko namalayang nakaabot na pala ako sa tapat ng gate ng eskwelahan kakalakad.

"Hey Miss Nerd! Mabuti nalang at nakasalubong ka namin, tamang tama at hinahanap ka namin pati na rin si Cole." usal ni William ng mapansin ako. Nasa labas siya kasama si Yohann.

"Anong meron?"Naguguluhan ko silang tinignan. Anong inaantay nila rito?

"Sekreto para bibo lang hehe. Surprise iyon."sabi naman ni Yohann habang humagikgik.

"Ayos! Ang kulang nalang ay si Cole." Napabaling naman siya sa direksyon sa likod ko at itinaas ang kamay. "Dude! Kakabanggit lang namin ng pangalan mo. Buti nalang at nandito ka na." sigaw ni William nang makita si Cole na papalakad sa direksyon namin.

Napakunot sila ng noo habang nakatingin sa direksyon ni Cole. "Anong nangyari sa paa mo?" ani Yohann.

Nakuha rin nito ang atensyon ko. He was limping while walking towards us.

Hindi ko mapigilang makonsensya. Mukhang nadale iyong paa niya kanina sa pagsalo sa akin. Kaya pala napangiwi siya.

When our eyes met ay pinilit niyang maglakad ng maayos.

Psh.

I clenched my jaws at naglakad papunta sa kanya.

"Don't say a fucking word." Mabilis kong inilagay ang braso niya sa balikat ko at inalalayan siya.

I can feel him grinning kaya napailing nalang ako. He leaned in me at mukhang nanamantala talaga ng sitwasyon ang hinayupak. Pinakalma ko nalang ang sarili ko.

Ginagawa ko lang ito dahil kasalanan ko na rin kung bakit na-sprain iyong paa niya. Nothing else.

Nakatingin sa amin sina William at Yohann habang si Yohann at ang lawak ng ngiti na ginantihan ko naman ng masamang tingin.

Ilan pang sandali ay pumarada sa harapan namin ang isang pulang convertible audi na minamaneho ni Ichabod habang nasa front seat naman si Maxim.

"Tara na!" sabi nito.

Napadpad naman ang tingin nila sa aming dalawa ni Cole dahil nakaakbay ito sa akin.

"Tinutulungan ko lang siya. He injured his leg." mabilis kong paliwanag kahit hindi pa sila nagtatanong.

"It's her fault." komento naman nito. Pinigilan ko nalang ang bibig kong magsalita pa, he's not exactly wrong.

Tumango naman sina Maxim at Ichabod.

"Sakay na Miss Nerd." sabay sabi nina Yohann at William na naunang sumakay sa backseat.

"Huh?"

"We're taking you to our hideout today dahil may lakad kayo ni Hyron kahapon diba?" turan ni William. Naramdaman ko namang bumigat iyong aura ng katabi ko.

Tumango nalang ako. I need to check up on Coal J..jr anyway. Ang laki na rin nang pinagsisisihan ko kung bakit iyon ang ipinangalan ko. Tsaka marami-rami na rin ang nanonood sa amin sa paligid. If I refuse here ay baka bigla nila akong isilid ng sako at ilagay sa likod ng sasakyan.

Inalalayan ko muna si Cole papasok sa sasakyan, hindi naman siya nagreklamo. Napakunot ang noo ko kasi pang tatlo lang na tao ang kasya sa back seat. Mukhang makakahanap na rin ako ng palusot para hindi makasama.

"Mukhang puno na kayo eh. Sa susunod nalang ako." Nginitian ko sila.

Cole grinned at me. "That's easy, you can seat on my--"

"Kakandungin ako ni Yohann, Miss Nerd kaya wala kang ipag-aalala." Bungisngis na ani William na agad tumalon sa kandungan ni Yohann. Mukhang gusto niya talaga akong pasamahin dito at hindi man lang niya napansin ang dalawang lalaking masamang nakatingin sa kanya.

"Ulol, akala mo ba hindi ka mabigat?" reklamo ni Yohann.

"Isusumbong kita kay Mama, inaway mo ako."

"Psh, Mama's boy." Binalingan naman ako ni Yohann. "Halika na Miss Nerd, at baka malumpo na ako nito bago pa man tayo makarating."

I just pursed my lips at sumakay nalang.

"Kompleto na lahat. Dude tara na!" ani Maxim kay Ichabod. Tumango naman ito at minaneho na ang sasakyan.

Nanatili namang tahimik si Cole habang ang pinakamaingay sa lahat ay sina Yohann at William.

"Ulol, ang tulis ng pwet mo." reklamo nanaman ni Yohann na kinakandong si William.

"Ang pwet mo mabaho!" balik ng isa.

"Ulol, naamoy mo? Ang bango kaya, alagang Ph care."

Nagbangayan nanaman sila hanggang sa itinigil ni Ichabod ang sasakyan sa tabi ng daan kaya napatigil din sila.

Natigilan naman ako nang makita ang pamilyar na convinience store.

"Bibili muna tayo ng pagkain. Yung chichirya." Paalam ni Maxim at lumabas na silang dalawa.

Lumabas narin sina William at Yohann na parang bata. "Sama kami!"

Ganoon din si Cole na inilahad ang kamay sa akin.

"It's hot, at matagal mamili ang mga iyon so you'll fry yourself to death there. And I need my walking stick." ngumisi siya tsaka itinaas iyong paa niyang napilayan. Nangongonsensya pa ang hinayupak.

I didn't accept his hand. Nakabusangot akong lumabas sa kotse at inalalayan siya papunta sa loob.

Pagpasok namin ay nagkatinginan kami nung cashier dahil malapit lang naman iyong counter sa pintuan. Unti-unting nanlaki ang mata niya at bumungisngis. It's that very moment, I knew I smell trouble.

Kinawayan niya kami at halos lahat ng tao sa loob ng convinience store ay nakuha niya ang atensiyon kasama na ang apat.

I mentally face palmed myself. Sabi na nga bang di na dapat ako bumalik dito.

"Welcome back pooo!!! Magnonoodles nanaman ba kayo?" sabi nito na halos magkorteng puso pa ang mga mata. Nakalimutan ko ang babaeng ito. The crazy and delusional Kdrama addict.

Agad kong binitawan si Cole at lumayo sa kanya.

"Kilala mo sila, Miss?" tanong ni Yohann habang lumapit sa amin kasama ang tatlo.

Mabilis naman itong tumango bilang tugon. "Yup, naging costumer ko sila hihi." bungisngis nito.

"Baka nagkakamali ka lang. Maraming costumer na bumibili dito, you must've mistaken us for someone else." tanggi ko habang sinisipatan siya ng tingin . Pinili kong itanggi dahil ayokong magpaliwanag nanaman kung ano ang ginawa namin dito. Siguro naman may utak pa ito para ma-gets niya.

"Hindi! Tandang tanda ko pa kayo, ang sweet niyo nga eh tsaka....oh." nanlaki iyong mata niya at agad tinakpan iyong bibig. She sent me an apologetic look.

Muli na naman akong mapatampal sa noo ko sa isipan ko. Ano ba ang utak ng babaeng ito, mukhang kdrama lang yata ang laman. She realized it too late.

"Sweet? Anong sweet?" tanong ni Maxim.

"Ah..eh ano..." Umikot iyong tingin niya sa paligid hanggang sa mapadpad sa estante katabi ng counter at mabilis na hinablot ang isang tsokolate doon. "Tsokolate! Sweet, oo tama. Diba matamis iyong tsokolate? Gusto mo bumili, singkwenta pesos at walumput-walong sentimo lamang. Masarap ito natikman ko na nga eh..." Napahinto naman siya at napakamot ng ulo. "Teka ano ngang pinag-uusapan natin uli?"

I rolled my eyes. May sira rin sa utak ang babaeng ito at kailangan ng ipasok sa mental hospital.

"Miss, narinig ko iyong unang sinabi mo." pilit ni Yohann at mukhang natutuwa pa sa sitwasyon. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Huh? Ano bang sinabi ko?"

"Tungkol sa kanila." turo sa amin ni Maxim.

I felt like I'm on the hot seat. Ano bang meron kung mapapatunayan nilang kami nga iyon? Simpleng bagay, pinapalaki. It seems like a big deal to them.

"Alin, iyong naging costumer ko sila?"

Tumango naman ang apat na tsismoso. Cole just stood there as if it doesn't concern him at all.

Sinipatan ko naman ng tingin iyong kahera at mukhang nakuha naman niya ang pinaparating ko.

"Eh, normal lang naman iyon. Wala akong sinabing magsyota sila at minsan nang nagdate dito. Magkaibigan lang talaga sila, no strings attached." The cashier gave me a subtle wink and a thumbs up sign.

"Miss, hindi kami bulag. Kitang kita iyong kamay mo. We could clearly see you winking at them." sabi ni William. Binalingan naman nila kami.

I mentally slapped my face again. Ilang taon ba tumigil sa pagtubo ang isip ng babaeng ito? She's creating a big mess at wala man lang siyang kaalam-alam.

"May kailangan ba kaming malaman tungkol sa inyo?" Kunot-noong tanong ni Maxim. Sinang-ayunan naman ito ng tatlo. Bago pa man ako makasagot ay lumabas yung cashier sa counter at pumagitna sa amin.

"Teka, walang mali sa kanilang pagmamahalan. Tao lang sila. Normal lang sa dalawang tao kahit magkaiba ang estado ang magmahalan. Hindi basehan ang itsura o katayuan sa buhay sa pagmamahal. Kung di niyo sila matatanggap, ako tanggap ko sila. Kahit kailan hindi mali ang magmahal! Hindi ako papayag na hadlangan niyo ang pagmamahalan nila. Hindi!!" aniya na halos mangiyak ngiyak pa.

Sinamaan ko ng tingin iyong kahera. Mas pinalala niya ang sitwasyon. Mukhang kumbinsing kumbinsi talaga siya sa mga sinabi niya.

Halos nakanganga ang tatlo habang binalingan ako. "Miss Nerd?" Tanong nila na parang naghahanap ng kasagutan.

"It's not what you think."

Magsasalita pa sana iyong kahera pero sinamaan ko siya ng tingin. She automatically zipped her mouth.

"Cole/Dude?" Baling naman nila sa kanya.

He pursed his lips. Napatingin din ako sa kanya.

Yeah, tell them we're not a couple like that crazy cashier said--- "I'm courting her."

"Ano??!"

Hindi lang ako ang nagulat pero pati narin ang apat, kasali na rin iyong kahera na kinikilig pa.

Hindi maipaliwanag ang mukha nung tatlo, hindi kasali si Yohann. He's grinning as if enjoying the show. He knew my real identity kaya mukhang tuwang tuwa siya sa mga nangyayari.

"Miss Nerd, hihiramin muna namin ang kaibigan namin." paalam ni Maxim sabay mabilis na hinila ang kaibigan sa dulo ng convinience store. Sumama naman si William at Ichabod habang nagpaiwan si Yohann.

"Miss Byutipul, iba rin talaga ang kamandag mo. " sabi niya habang sumandal sa counter. "Sasabihin ko na ba sa kanila ang totoong ikaw?"
Sinamaan ko lang siya ng tingin na tinugunan niya naman ng isang kindat.

"Do that and I'll murder you."

Napakamot nalang siya ng batok.

"Hehe. Gusto mo bang marinig anong pinag-uusapan nila? Tara." Mabilis niya akong hinila papunta kina Cole at nagtago sa kabilang estante malapit sa kanila. Hindi naman ako kumontra dahil gusto ko ring malaman kung ano ang usapan nila. Napalingon naman kami sa kahera dahil kasama rin itong sumunod sa amin.

"Hehe, sabi ko nga, may gagawin pa pala ako." nagkamot siya ng ulo at umalis. Matutuwa talaga ako pag nasibak ito sa trabaho. I hate her.

"Look dude, hindi naman sa ayaw namin sa kanya. Tanggap nga namin siya bilang parte ng grupo natin pero seryoso ka ba talaga sa kanya?" rinig kong pahayag ni Maxim nang mas lumapit pa kami sa kanila.

"Yeah." I heard Cole's masculine voice.

"Paano si Miss Queen?"

"Oo nga, tama si Ichabod, paano si Miss Byutipul? Dude, labag yun sa prinsipyo natin. Gwapo tayo, pero di tayo manloloko! Iilan na nga lang tayo babawasan mo pa." sambit naman ni William. "Sinabi mong interesado ka kay Miss Byutipul noon, dude. Pano iyong tao, pinapaasa mo. Paano pag umasa siya? Masakit umasa at maiwan sa ere!" Dagdag pa nito.

"Ano nalang sasabihin natin pag nagpakita muli si Miss Byutipul. Naging malapit narin kami sa kanya at siya yung nauna. Hindi sa mas boto kami kay Miss Byutipul pero ayaw lang naming masaktan silang dalawa."
I was touched by what Maxim said. Isa talaga itong tunay na ginoo. Pero sunod-sunod ang mga tanong nila at hindi man lang binigyan si Cole na makasagot. Pero may punto sila.

"Tapatin mo nga kami, sino ba talagang gusto mo? Si Miss Byutipul o si Miss Nerd?"

"You can only choose one." singit ni Ichabod.

Napaisip naman ako. Ang hilig nila lumikha ng pangalan. Ni hindi pa nila ako tinawag sa pangalan ko.

"I like the girl I'm with right now. The one with the glasses and the goofy attitude. Sigurado ako sa nararamdaman ko." I heard him say.

Bigla namang uminit iyong pisngi ko at muntik ng mapaigtad nang biglang sinundot ni Yohann ang bewang ko. Ang lawak ng ngisi niya at nagtaas-baba pa ng kilay. Sinabunutan ko naman siya kaya tahimik siyang napasigaw.

Narinig kong napabuntong-hininga ang tatlo. Nanatili silang tahimik na parang pilit pang pinapasok ang impormasyon sa utak kaya napagpasyahan ko nang lumapit sa kanila.

"Hayst, sayang talaga." saktong paglapit ko ay ang pagsalita ni Maxim na sinang-ayunan naman nina William at Ichabod.

"Anong sayang?" Tanong ko habang napakunot-noo. I'm putting out an acting face. Alam kong ang tinutukoy nila si 'Miss Byutipul', gusto ko lang silang pagkatuwaan.

Nang mapansin nila ako ay agad silang napaigtad. Maliban nalang kay Cole na hindi ko alam ang iniisip.

"A...ano Miss Nerd, yung uhm,.yung pagkain sayang! Naiwan kasi namin sa eskwelahan, oo tama. Masarap pa naman iyon, sayang talaga." Mabilis na palusot ni Maxim. Tumango naman sina William at Ichabod.

"Talaga? Anong pagkain?" Usisa ko pa.

"Pizza!"

"Macaroni!"

"Ice cream."

Sabay na bulalas ng tatlo.

Si Yohann bilang traydor na kaibigan ay nagpasyang magpakita. "Teka? Kailan pa nahmmmmp--" Magsasalita sana ito ng mabilis nila itong nilapitan at pinagtulungang takpan iyong bibig niya.

"Alin ba doon?" I gave them a suspicious look.

"Ice cream!"

"Pizza!"

"Macaroni."

Muli silang nagkatinginan at pinagpapawisan na ng marami dahil nagkabaligtad lang sila ng sinabi.

"Hehe, Miss Nerd, ibig naming sabihin ay tatlo ang pagkaing naiwan namin doon."Mabilis na bawi ni Maxim. Nagsitanguan naman sila.

"Ah sayang nga." sabi ko. Sa loob ay halos maglupasay na ako sa tawa. Yung mukha nila parang natatae na di mo maipaliwanag. "Si Yohann mukhang di na humihinga." I pointed out dahil mukhang nakalimutan nilang tinatakpan pa nila ang halos buong mukha ni Yohann. Agad naman nila itong binitawan.

"Haaaa...K-kakasuhan ko kayo ng attempted murder. Tae niyo, ipapatulfo ko kayo!" sabi niya habang naghahabol ng hininga.

Buti nga sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top