Chapter 46: It's Mine
Matapos kong mag-walk-out sa kanya ay dumiretso ako sa rooftop na tinulugan ko noon. Hindi parin humuhupa iyong kabog ng puso ko, dagdag pa ang ilang hakbang ng hagdan na inakyat ko papunta rito.
I stood beside the railings at tumingin sa kawalan.
I'm not dumb to not understand this feeling. It may be my first time feeling this pero alam ko.
Wala sa isip akong napahawak sa labi ko. We kissed before, I was even the one who kissed him first, come to think of it, nakakahiya pala.
"Why did you do that!?" Malakas kong bulalas at inuntog ang ulo sa railings. Parang lahat ng hiya na hindi ko naramdaman noon ay bumagsak ngayon.
Something's definitely changed. Noon, okay lang naman ako pero ngayon ay parang mababaliw na ako sa simpleng halik lang, it didn't even last for more than a second pero grabe yung epekto nito sa akin.
Napailing ako. Hell no! Ako? Magkakagusto sa lalaking walang manners na iyon? Hindi pwede.
"Asshole!"
My mind began to flash memories of him giving me a genuine smile, giving me jacket, iyong chopsticks at nung pinagtanggol niya ako sa mga taong nanggugulo sa akin, not that I needed his help but the big deal is he was there. Kahit anong tanggi ko, my mind somehow keeps making reasons to like him.
Napasampal ako sa sarili ko. Hindi pwede! It will never happen. This is just a temporary thing. It will fade away eventually, kumbinsi ko sa sarili ko, tama! Mawawala rin ito.
Habang nakatulala parin ako ay may dumamping malamig sa pisngi ko.
Napaigtad naman ako ng makita si Cole habang hawak hawak ang isang soda sa kamay.
"A...nong ginagawa mo rito?" Biglang nag-init iyong pisngi ko. Gusto ko itong sampalin pero baka magmukha akong baliw sa harapan niya. Damn it, stop over thinking. "K-kanina ka pa?" Tatalon talaga ako mula rito sa rooftop kung nakita man niya ako kanina pa na nagsasalitang mag-isa, inuuntog ang sarili sa railings at sinasampal ang sarili.
"Sinundan kita kanina at nakitang pumasok dito. I just went back to buy this," paliwanag niya. "Here." Inabot niya sa akin ang soda.
Tinignan ko lang ito, hindi ko magawang tingnan siya sa mata. Napaigtad naman ako ng bigla niyang kinuha iyong kamay ko at inilagay ang soda doon. He was acting like earlier didn't happen. Ang kalma niya.
Agad ko namang binawi ang kamay ko. Ang bobo kong puso ay nagwawala na naman.
"I'm sorry, I acted out rashly." sabi niya na nakatingin rin sa kawalan.
"Kalimutan mo iyon." I suddenly said.
Agad naman siyang napatingin sa akin "Huh?"
Hinarap ko siya at ibinalik iyong binigay niyang soda sa kanya. I just looked at his shoulders instead of looking at his face dahil parang di ko yata kayang tignan siya sa mata.
"The...k..kiss. Kalimutan mo na iyon. At kung pwede layuan mo na ako. Since you apologized already tatanggapin ko iyon sa kondisyong wag ka nang lumapit sa akin. Kung wala kang ibang mapaglilibangan, pwes humanap ka ng iba at wag ako." Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makasagot pa at umalis na.
I think this is better. Kung maiiwasan ko siya, eventually this feeling will die down. Tama.
Bumalik na ako sa silid namin at umupo sa upuan ko.
Lumipas ang ilang minuto ay malapit na ang unang subject para sa hapon. Hindi ko maiwasang mapalingon sa upuan ni Cole, bakante pa ito. Ano kayang nangyari dun?
Napailing na naman ako. Wag mong isipin, Helena. It's none of your business. Tsaka wala pa rin naman sina Yohann kaya malamang magkasama na naman sila sa kung saan.
Natapos na ang unang klase sa hapon. Mayamaya pa ay pumasok na rin sina Yohann kasunod ng prof sa susunod na subject. Apat lang sila at wala doon si Cole.
Lumapit naman si Yohann sa akin.
"Hey Miss Byutipul." Mahina niyang tawag na kami lang ang nakakarinig. " Tungkol kay Cole, anong nangyari sa inyo kanina? Di kasi namin siya mahagilap. May ginawa ba siya sa iyo?" tanong niya.
Agad namang namula ang pisngi ko nang maalala na naman ang nangyari kanina.
Itinulak ko iyong mukha niya palayo. Nagtitinginan na rin kasi iyong mga kaklase namin dahil may pagkatsismosa rin.
"Wag kang tsismoso. Hindi ko alam kung nasaan siya, he just pulled me and left," pagsisinungaling ko.
"Yun lang?" Pansin kong parang may pagka-disappointed iyong tingin niya.
Tinaasan ko sila ng kilay. "Ano bang inaasahan mong sasabihin ko?"
Napakamot siya sa likod ng tenga niya. "Tss. Wala, palagi ka lang kasi niyang hinihila sa kung saan kaya alam mo na..." Tinaas baba niya iyong mga kilay niya. "Saang base na ba kayo?"
"What the fuck are you talking about?" Sinamaan ko siya ng tingin pero parang wala lang sa kanya.
"You know, magaling ba ang kaibigan namin?" Ngumuso siya sa akin na para bang nanghahalik sa hangin.
Nangangati na iyong kamao kong upakan siya pero pinigilan ko. Itinulak ko iyong usyoso niyang mukha palayo.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Umalis ka na Yohann bago ko pa masira ang mukha mo tulad ng araw kong sirang sira na." Diniin ko ang bawat mga salita ko na para bang kakainin siya ng buhay.
"Hehe, sige bye." sabi niya at mabilis na bumalik sa upuan niya. May takot din pala.
Ilang sandali pa, nagsimula na ring magklase iyong prof. Paminsan minsan ay wala ako sa sariling napapatanaw nanaman sa upuan ni Cole at di maiwasang magtaka kung nasaan siya.
Natapos ang dalawang klase sa hapon ng matiwasay and Cole is still nowhere to be seen.
"Ano Miss Nerd tara?" Lumapit si Maxim sa kinauupuan ko.
"Anong meron?" naguguluhan kong tanong. " Saka saan tayo pupunta?"
"Hindi ba nasabi ni Yohann sa iyo?"
Napatingin naman ako kay Yohann na nagkakamot ng ulo at nginitian nalang ako.
Umiling ako bilang tugon.
Sinamaan nila ng tingin si Yohann at nag-peace sign lang ito.
"We're taking you to our hideout since kasama ka na sa grupo namin." Sabi ni William.
Napa-isip ako, kung sasama ako sa kanila ay malaki ang posibilidad na magkita kami no Cole. It would be embarrassing since I was the one who told him to avoid me pero ako iyong magpapakita sa hideout nila. Isang malaking hindi. At kailan ba ako pumayag na maging parte ng grupo nila?
Umiling ako. "May lakad kami ni Hyron ngayon, maybe next time." I hope not. Nagsinungaling ako pero hindi ko naman pwedeng sabihing hindi ako pupunta dahil iniiwasan ko si Cole.
Napanguso naman si Yohann. "Talaga bang di ka pupunta? May bago kaming kuting doon. Ang cute nga eh."
"It even scratched me." singit ni Ichabod na ngayon ko lang napansin na may band-aid sa pisngi.
"Kuting?" Bigla akong napa-isip at naalala ko si Coal. No doubt siya iyon, parang gusto ko na tuloy sumama.
"Yup, kakadala lang ni Cole kahapon. I was gonna name it William Jr."
"Hindi! Yohann Jr!"
"Maganda iyong Crisostomo Ibarra."
"Killer." Kumento rin ni Ichabod. Parang aliw na aliw sila sa mga pangalang binanggit nila ngunit agad din namang tumamlay iyong mood nila.
"But Cole insisted na ipangalan siya sa uling." Ani ni William.
"Coal?-" Kunwari kong hula- "It's cute." Dugtong ko bago ko pa man mapigilan ang bibig ko.
"Oo, pero pinakiusapan nalang namin na Coal Jr ang pangalan niya." Sabi naman ni Maxim
"C-coal Jr?" Bakit may Jr?
Napakamot naman ng ulo si Maxim habang magpaliwanag. "Kapag tinatawag kasi namin si Coal Jr ng 'Coal' ay lumilingon din si Cole at naiinis siya tuwing ganon. Magkatunog kasi. Sinabihan namin na palitan nalang ang pangalan niya pero ayaw niya kaya dinugtungan nalang namin ng Jr, ayon tapos."
Bumalik iyong alaala ko sa pinagsasabi ko kahapon.
"Ang cute talaga ng baby Coal ko. I can't wait to bring you home and sleep with you. Right my Coal?" Nangigigil na sabi ko habang ikinukuskos ang mukha niya sa pisngi ko.
Napahilamos ako sa mukha ko. Can earth swallow me now? No wonder, halos mamatay na siya kaka-ubo.
Ngayon, mas di ko na talaga kayang harapin si Cole. Wala na akong mukhang ihaharap pa!
"Teka, Miss Nerd, okay ka lang ba?"
Agad akong natauhan. Nakalimutan kong kaharap ko pala ang apat na ito.
"Ahmm, ano..aalis na ako. Bye." Mabilis kong dinampot ang bag ko at umalis. Mahirap na baka bigla nila akong pilitin para lang sumama sa kanila. They won't take no for an answer. They kidnapped me twice for pete's sake, they can really be determined sometimes. Hindi ako papayag kahit magkamatayan man. Hindi kami dapat magkita ni Cole at baka mamatay ako sa kahihiyan.
Narinig kong tinawag nila ako pero di ko na pinansin pa.
Mabilis akong naglakad palayo. I was looking down while walking away, I didn't notice a person in front of me at nakabangga ko siya.
Mistulang naitulos naman ako sa kinatatayuan dahil isang langhap palang sa amoy niya ay nagsi-tayuan na ang mga buhok sa batok ko. Nanlaki ang mata ko. Red signs where flying in my head. Noooooo!
I tried to move away only to find out I can't. Nahigit iyong hininga ko ng naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. He was trapping me inside his hug. Yakap-yakap niya ako. We were an inch close proximity.
"Do you hear that?" His voice was husky and cold pero parang ang sarap pakinggan. Napakagat ako sa labi ko, if I wasn't imprisoned in his arms ay sasampalin ko talaga ang sarili ko. Ano ba tong iniisip ko? I'm going crazy.
My heartbeat felt like it ran a thousand miles without stopping.
I tried holding my breath at baka humina ang tibok ng puso ko. Sa lapit kong ito ay natatakot akong marinig niya iyon. My heart is thumping like crazy lalo na ang lapit-lapit niya sa akin.
"Let go, Ni...nicholas." pilit kong tinatagan ang boses ko.
"I won't. Can't you hear it? The heartbeat." Mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin.
Napapikit nalang ako. Naiiyak ako sa hiya. Pilit kong kinakapa kung nasaan iyong palaban na Helena pero hindi ko makita. He can practically hear my heartbeat now. From this, no doubt he knew that I had...fallen for him.
"It's mine."
Natigilan ako nang magsalita siya. Dahan-dahan akong napataas ng tingin sa kanya. Namali yata ako ng narinig dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.
"A...ano?" tanong ko.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin.
"It's...mine." mahina pero malinaw niyang sabi at pagkatapos ay nginisihan ako. My heart skipped a beat.
"A...anong ibig sabihin nun?"
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang baba ko. He held my gaze to him.
"It means-" Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko- "I like you, my stupid nerd. " At nagtaasan lahat ng buhok ko sa batok.
Agad akong napaatras at napatingin sa kanya habang siya ay matiim ding nakatingin sa akin.
"Dude, nandiyan ka lang pala! San ka galing?" Sigaw ni Yohann. Napalingon kami sa kanila na kakalabas lang ng classroom.
Kinuha ko iyong tsansa para tumakbo palayo.
I'm not ready for this.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top