Chapter 45: New Look


Kasalukuyan akong nasa upuan ngayon habang nag-dodoodle sa likod ng notebook ko.

We were waiting for the professor to come pero tatlumpong minuto na ang lumipas ay wala pa siya. Dahil dito ay kasalukuyang maingay at magulo ang classroom. Dahil wala rin akong magawa ay gumuhit nalang ako ng kung anu-ano. Nang mapansin kong may dadaan sa tabi ko ay mapalingon ako. Walang iba kundi si Selena. She gave me a smirk at tumungo na sa upuan niya. Palihim naman akong napataas ng kilay. She's really annoying.

Hindi parin humuhupa iyong palabas niya sa campus grounds. Kaninang umaga lang ay inabangan ako ng kumpol ng mga estudyanteng avid fan niya at nagtangkang turuan kuno ako ng leksyon. I would've gladly beat them kung di lang biglang dumaan si Coreen. Speaking of her, matagal ko na siyang hindi nakikita. Sobrang busy niya siguro. I haven't had time to visit her office yet, at kung meron man, ano namang gagawin ko dun.

Di naglaon ay pumasok na sina Cole at ang apat niyang kaibigan. Tumahimik ang magulong silid at nakatuon lang ang atensyon sa kanila. Although it's the same everytime they walk in class.

Maliban kay Cole ay isa-isa nila akong binati. Kahit si Ichabod ay tinanguan ako. It was really awkward on my part dahil halos lahat ng kaklase namin ay di makapaniwala. What's even worst ay tumabi si Cole sa akin.

Mas bumigat ang pakiramdam ko sa paligid at parang may sumasaksak sa likod kong mga kutsilyo. Mostly I think its from the girls' deadly stares at nangunguna doon sina Regine at Selena.

Nilingon ko si Cole at bago pa man ako makatanong ay umob-ob na siya sa desk at mukhang natutulog. It's been like that during the whole morning at ni hindi man lang siya sinita nang dumating na ang mga guro.

Maagang nadismiss ang klase pero tulog parin ang katabi ko, maging ang apat ay ganun din.

Dahil sa takot ng mga kaklase namin ay ni isang tao ay walang balak mag-ingay. At dahil sa natutulog ang katabi ko ay pinili kong sa ilalim ng desk dumaan para makalabas dahil pader na yung sa kabilang gilid ko.

I quietly sneaked out of the classroom at nagpasyang pumunta sa CR.

Kakaupo ko pa lang sa inidoro sa pinakadulong cubicle ng marinig kong may pumasok.

"You won't believe what happened to our class today." Rinig kong sabi nito.

"Never mind that, have you seen the school forum? Parang may magandang transferee na namang lumipat dito sa school."

"Duh! Make-up lang naman nagdadala sa kanya, hindi siya ganun kagandahan." Singit nang isang babae. Mukhang tatlo sila.

"Bitch, inggit ka lang kasi kakapasok pa lang niya kanina ang dami ng boys na bumubuntot sa kanya."

"What's her name again?"

"Oh I think it's Zia Justisya."

"That's what I'm trying to tell you, Zia Justisya, she's not a transferee. Classmate namin siya."

"What? No way!" Sabay bulalas ng dalawa. "How come we've never heard of her name before?"

"I know right. She was just a nobody until pumasok siya kanina sa klase namin. I also thought na bago lang siya but nagpakilala siya and who would've thought it was that tacky ugly nerd. "

"If it really is her, we better not mess with her. Kumakalat ngayon sa forum
tungkol sa mga staff dito na pinapaburan siya. Teachers are even praising her. Even the guards let her in kahit wala siyang ID."

"Parang may backing siyang malakas na tao, nakakainggit."

"Yeah. Nalate siya ngayon sa first subject. You know who's the professor, it's Miss Yena Bali. Alam mo naman sobrang terror nun pero nung pumasok siya sa kalagitnaan ng klase niya ay hindi niya ito pinansin at binati pa."

"What?"

"I know right?!"

I'm in one of the cubicles in the girl's CR at napagpasyahan kong makinig sa tsismis nila since plano ko namang umalis pag-alis nila pero ang tagal nila matapos. Nagpakawala naman ako ng hininga nang marinig ko silang umalis kaya lumabas na rin ako.

I don't really listen to rumors pero ito ang nakapagpataas ng kilay ko. I can't really imagine if it really is Zia. Kung siya man ay makikita at makikita ko rin ang sinasabi nilang bagong Zia. Parang kahapon lang ay susunod-sunod pa kay Hyron na may makapal na salamin, I can't believe ang bilis niyang mag-iba. If there's anything I learned from being surrounded with many insecure sluts, they won't stop until they get what they want or what they deserve, my fist.

Nakasalubong ko si Jethro palabas kaya sabay na kaming dumiretso sa cafeteria.

Nahuling dumating si Hyron. Unexpectedly, walang Zia ang nakabuntot sa kanya kaya nagtaka ako, although base sa mga tsismis, that woman must be up to something.

Nakasimangot din siya habang papalapit sa amin.

"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala nung bigla kang nawala kahapon? Buti nalang at sinabihan ako ni Yohann na nauna ka na palang umuwi." Ibinagsak niya iyong bag ko sa mesa. Akala ko ay naapektuhan siya dahil sa pagbabago ni Zia pero mukhang wala man lang sa kanya. "Ni hindi mo man lang naisip iyong bag mo. Burara ka talaga,"  aniya pa. Nagkibit-balikat nalang ako. Alam kong dadalhin niya ito kaya wala akong dinalang gamit papasok bukod sa wallet at cellphone ko.

"Don't worry ililibre kita ngayon," sabi ko naman. I feel kind of guilty dahil inutusan ko pa siya kahapon na bumili ng tubig pero pagbalik niya wala na ako. Pero hindi ko naman talaga kasalanan.

"Talaga?" Biglang nag-iba iyong timpla ng mukha niya. Para siyang asong iwinawagayway  ang buntot niya.

"Ako din." Singit naman ni Jethro.

"Ano bang ginawa mo ha?" Sabat ni Hyron.

"Mabait ako." ani Jethro.

Napaikot nalang ako ng mata. Mga hampaslupang mahilig sa libre. "I'm treating you both."

"Yes!" Sabay namang sigaw nila.

At dahil sa ako ang nagpresentang umorder ay naiwan ang dalawa sa mesa namin.

Kakatapos ko lang bumili ng pagkain namin at buhat-buhat na ang tray pabalik nang biglang umingay ang buong paligid.

I doubt it would be Cole and his friends dahil kapag sila ang nagpapakita ay tumatahimik ang paligid. They bring a tense aura with them that would make people nervous, lalo na si Cole.

Di ko na pinansin nang may tumawag sa pangalan ko, rather sa pangalan ni Eliza.

"Queen Eliza Cruz." Ulit pa nito.  Tumahimik ang paligid pero rinig na rinig parin ang mga bulung-bulungan. Pamilyar din sa akin iyong boses niya.

Nilingon ko ang direksyon nang kung sino mang tumawag sa akin and I was surprised. I finally got to see Zia on her new look.

Ang noong buhaghag niyang buhok ay maalon-alon na, wala na iyong makapal niyang salamin na hula ko ay pinalitan ng contact lense dahil mas lumaki iyong balintataw ng mata niya. She was also wearing make-up at nag-iba na rin iyong sense of fashion niya.

"Eliza." Bati nito. Naglakad siya palapit sa akin at huminto nang ilang talampakan malapit sa akin. "Now, I'm better than you." mayabang niyang turan.

Blumangko naman ang tingin ko sa kanya.

Kailan pa ba ako nakipagkompetensiya sa kanya?

"If you're sitting with us, umorder ka muna nang sayo, I already bought lunch for the three of us. Hihintayin ka namin," sabi ko at di pinatulan ang pasada niya. Tatalikod na sana ng may humarang na naman sa dinadaanan ko.

"She's with us now." Sambit ni Regine na nakahawak pa sa bewang niya. Nasa likod naman nito ang mga alipores niya.

I scoffed. So she finally joined the dark side.

Naglakad sina Regine papunta kay Zia. On the way, she bumped my shoulder at muntik ko nang mabitawan ang hawak kong tray.

Napatingin naman ako sa pagkain. Lumalamig na ito. I sighed internally. Mukhang hindi ko ito makakain ng mainit pa.

"Can I go now?" Naiinip na ako.

"You think you're better than us when you're just a pathetic nerd." aniya.

Fine. Kung gusto nila mg away, pagbibigyan ko sila.

Napatawa naman ako. " It's really hilarious coming from a girl who's just an ugly duck a day ago."

Nakita kong bumaluktot iyong ngisi niya.

"She's just jealous of you. Look at her, anong ipinagmamalaki niya?" Sulsol naman ni Regine na parang demonyong bumubulong sa tenga niya.

Magsasalita na sana ito nang mapansin kong agad nagbago ang timpla ng mukha nito.

"Hyron, hi!" Bati nito.

Napalingon naman ako sa likod ko at nakitang papalapit siya sa amin kasama si Jethro. Dahil tinawag siya nito ay nakuha nito ang atensyon ni Hyron na nginitian naman nito.

"Zia, you look beautiful, kanina ko pa napansin sa classroom" Kumento nito na agad ikinapula ng pisngi ni Zia. Pero taliwas sa iniisip ni Zia ay ramdam kong walang malisya ang pagpuri ni Hyron sa kanya.

"Nagugutom na kami ba't ang tagal mo?" Tanong saakin ni Hyron tsaka binalingan naman si Zia. "Ano, sabay ka na saamin?"

Bago pa man ito makasagot ay pumagitna si Regine.

"Thanks, but she doesn't hang out with losers anymore. She hangs out with us now. Since ikaw lang naman ang mukhang tao sa grupo niyo, why don't you ditch those two nerds and come with us, with Zia." alok ni Regine sa kanya.

I unconsciously raised my eyebrows.

"He doesn't hang out with sluts either." balik ko naman kay Regine.

"Then he should've been avoiding you, you're the biggest slut around here." lakas loob na sabat ni Zia.

"Zia, bakit ka nagkakaganyan, you know Eli's not like that. " nakakunot na pahayag ni Hyron.

I saw Zia clenched her jaws.

"Eli! Puro ka nalang Eli ng Eli. Kailan mo ba ako mapapansin, Hyron. Kumpara sa kanya, I'm better. She's seducing every male in this campus! Hindi pa nakuntento at lumalandi pa sa grupo nina Cole." Halos magwala na niyang sabi. I can't figure out how she was able to hide that attitude, I guess someone's even better at acting than Selena o ito lang talaga ang kapangyarihang naidudulot ng selos at inggit.

Magsasalita na sana si Hyron ng pinigilan ko siya at humakbang papalapit sa kanila.

"You really want trouble do you? You insecure bitches." kalma kong tanong sa kanila.

I see Zia clench her jaw again. Ganoon din si Regine pero mabilis itong nakahuma.

"You deal with this. I don't want to deal with a low class slut," sabi niya kay Zia. Tinaasan niya naman ako ng kilay at tumalikod na. "Let's go girls." Tawag niya sa dalawa niyang kasama ay umalis na palayo. Naiwan naman si Zia sa harap namin, pero hindi siya nag-iisa dahil sa pag-alis sa grupo ni Regine ay may lumapit na dalawang babae sa tabi niya.

"Why would I be insecure, di hamak mas matalino, mas sikat at mas maganda ako sa iyo. Ano bang pinagmamalaki mo ha? Wala!" duro niya saakin.

Ngumisi naman ako. I won't let her see na naaapektuhan ako. In the first place, I wasn't.

"I have Hyron and YOU. DON'T." Pagdidiin ko while giving her a smirk.

"You!!!" Susugurin niya na sana ako ng may biglang sumulpot na lalaki. He was in his mid-forties. Base sa uniporme niya ay isa siyang professor dito.

"What's going on here?" Tanong nito na pumagitna sa amin. Nanlaki ang mata nito nang makita si Zia.

"Miss Zia, ginugulo ka ba ng mga ito?" tanong nito sa kanya.

"I'm fine. " She smirked back at me bago binalingan si Hyron.Ni hindi man lang nito inalintana ang presensya ng propesor.

"Seriously Hyron, look at me, di hamak na mas maganda ako ng ilang paliguan sa nerd na iyan. I'm making you choose, is it me or her?"

Nilapitan siya ni Hyron.

She smirked at me as if she won. Napatiklop naman ako ng braso sa dibdib ko.

"See, Eliza. Hindi sa lahat ng panahon ikaw ang bida, Hyron chose me---"

Hyron cut her off. Hinawakan niya ang balikat nito. "Look Zia, rinirespeto ko ang pagkakaibigan natin at yun lang dahilan kung bakit nananatiling maayos ang pakikitungo ko sayo pero wag mong sagarin ang pasensya ko. I'm not that petty to choose looks over attitude. Eli maybe ugly but she's sincere. Don't confuse kindness with affection. " Napatulala naman si Zia na mukhang pinoproseso pa ang mga salita.

Muling humakbang si Hyron sa akin at kinuha iyong tray na bitbit ko. "Let's go Eli."

Ilang sandali pa ay mukhang nakahuma na si Zia.

"Hyron, remember this, I'll make you regret choosing her, that was your biggest mistake!" sigaw niya pero di na namin pinansin at nagpatuloy sa paglakad palayo.

"Say I'm ugly again at sisiguraduhin kong magsasama kayong dalawa sa iisang kabaong." sabi ko sabay kurot sa bewang ni Hyron.

"Aray Eli, di ka man ba kinilig? I just chose you over her. Ang cool ko doon!"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Gusto mong biglang maglaho si George?"

Bigla siyang pinagpawisan. "H..hoy Eli, walang ganyanan. Fine fine, ikaw na ang pinakamagandang babae sa buong mundo."

"You're really getting on my nerves."

"Ano na namang sinabi ko ha?" natatakot niyang sabi.

I gave him a blank face. "I can hear sarcasm."

"It was not."

"It was."

"It was no---"

"Saan kayo pupunta ha?" Napatigil kami ng tinawag kami nung guro.

"The three of you, in detention, now!" he ordered in an authoritative tone.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Hyron at Jethro dahil kaming tatlo lang naman ang tinuro nito.

"Teka, wala naman kaming ginawang masama ah." reklamo ni Hyron.

"Ba't nasali ako?" Naguguluhan namang tanong ni Jethro.

"Nagsimula kayo ng gulo dito sa cafeteria na nakakaabala sa mga taong kumakain." paliwanag nito.

"Pero ba't kasali ako!?!" Ulit naman ni Jethro na mangiyak-ngiyak na. Mukhang wala sa bukabolaryo niya ang detention at parang ikakamatay niya na ang pagpasok doon.

"Hindi kami yung nagsimula, it was her." sambit ko naman. Tinaasan lang ako ng kilay ni Zia as if alam niyang hindi siya madadamay.

"Lying is also an offense. To detention, NOW!" Tila buo na ang desisyon nung propesor habang binibitiwan niya ang mga salita. I smell favoritism here, bakit parang ang unfair yata nito?

"Acting like some righteous butt, you're fired." parang tumalon ang puso ko sa gulat ng marinig ang boses na iyon.

Dahil sa nagaganap ay ngayon ko lang napansing tumahimik pala iyong buong cafeteria. Nabaling ang atensiyon namin sa likod nung guro.

"Mr. K..king. Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong nito nang hinarap ang tao sa likod niya.

Tila nababalot ng itim si Cole dahil sa epekto nito sa paligid. Nasa likod niya ang apat na seryoso rin ang mga ekspresyon.

"That's a dumb question, I study here. You're fired. I really don't like to repeat myself." Masungit nitong sabi habang nakapamulsa. Tinignan niya ito na para bang langgam na kaya niyang patayin sa isang pitik.

"W-wala kang karapatang sibakin ako Mr. King." nagtatapang-tapangan saad ng guro.

May dinukot naman si Cole sa bulsa niya. Cellphone. "Should I call my grandfather then? He really doesn't like teachers who treat and punish students unjustly."

"Pe..pero..."

"It's better for you to resign kesa sa wala ng ibang paaralan pang tumanggap sayo." aniya.

"Di...di ko po sinasadya---"

"Scram," malamig nitong sabi.

"T...teka.." nanlulumong sambit nung guro.

"I don't like repeating myself."

Agad tumakbo iyong guro paalis. Napa-isip naman ako, ilang guro na ba ang napasibak ng lalaking ito, siguradong marami-rami na rin. Perks of being connections, you get away with anything.

Biglang lumapit si Zia kay Cole at kumapit sa braso nito. "Cole, she started it, she-"

"Who the fuck are you?" Tinignan siya ni Cole na para bang dumi sa paningin niya.

Pinigilan ko yung labi kong umangat. I'm really enjoying this.

"Who gave you permission to touch me? Scram." He shrugged her off at parang napaso namang lumayo si Zia sa kanya.

Umalis si Cole sa tabi nito at unti unting humakbang papalapit sa amin. Mabilis niyang hinawakan ng kamay ko at hinila papalayo.

"Hey---" Isang tingin lang ni Cole ay biglang tumahimik si Hyron pati na rin ang apat na tropa niya.

"Where are you dragging me now?"Mukhang wala talaga sa bukabularyo ng tanong ito ang tanong na iyon kasi kahit maka-ilang ko nang initinanong sa kanya wala talaga akong makuhang sagot.

"May balat ka ba sa pwet? Why do you keep jumping into trouble at every chance you get?"

"Pake mo ba?"

Nanatili siyang tahimik. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa isang garden. Maraming puno doon at walang tao dahil wala namang mga bench sa paligid.

"Bakit mo naman ba ako hinila dito ha?"

He pursed his lips. "I don't want you getting into trouble, especially without me."

"I'm not some pathetic damsel in distress Cole. Kaya ko ang sarili ko."

"Why can't you just listen?"

"Ang pakialamero mo talaga. Why can't you just mind your own business?" Inis kong sabi.

"Why can't you just stay out of trouble?" Balik niya sa akin. I pursed my lips.

" It was not my fault, sila ang lumapit sa akin. Alangan namang hindi ko sila patulan."

"What if you got hurt?" He blurted out. Natigilan naman ako sandali.

"Wag mong sabihing nag-aalala ka sa akin?" Nanatili siyang tahimik kaya ginatungan ko pa.

"I heard it clear. So, nag-aalala ka sa akin?"  I continued to tease him.

Mariin niya akong tinitigan. "What if I am."

"A..no?" Hindi ko inasahan dahil akala ko ay itatanggi niya ito

"Worried, I'm worried everytime you get into every bit of trouble at gusto kitang protektahan sa tuwing nalalagay ka sa kapahamakan. Anong gagawin mo?" Seryoso niyang sabi.

Honestly, I'm speechless. Hindi ko alam ang isasagot at ang tangi ko lang nagawa ay titigan ang mga mata niya, hoping to find some answers.

Nagkatitigan kami. His gaze went down my face at bago pa man ako makapagsalita ay tinawid niya ang espasyo sa pagitan naming dalawa at inangkin ang labi ko.

It was a split second but it's still a kiss. I zoned out for at least ten seconds bago natauhan.

"A...ano yun?! Ba't bigla mo nalang akong...manyak ka!" Napahawak ako sa labi ko at humakbang palayo sa kanya. My heart's thumping like crazy. Ramdam ko parin iyong dampi ng labi niya. Parang kumuryente iyong labi niya at bumaba diretso sa dibdib ko.

His eyes were piercing me kaya wala akong magawa kundi mag-iwas ng tingin. He didn't even feel the slightest bit of shame sa ginawa niya.

"Damn it why are you confusing me?" Sabi niya na parang siya ang biktima.

"Ako? Confusing? Nababaliw ka na ba? Ikaw nga tong di ko maintindihan eh," I said with frustration. "Ano bang pumapasok sa isip mo ha?"

"Queen Eliza Cruz,"  seryoso niyang sabi at humakbang papalapit sa akin.

"Ano, teka...ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin halos maduling na ako sa lapit.

Parang may sinusuri siya sa mukha ko. Sinundan ko yung tingin niya hanggang dumako yung tingin niya pababa.

Agad nanlaki ang mata ko at dumapo yung palad ko sa pisngi niya.

"Pervert!"

Agad akong tumakbo palayo.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Damn it, bakit ayaw humina, shut up you stupid heart.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top